SlideShare a Scribd company logo
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan
Linggo 2-3
Modyul 2: Iba’t ibang Uri
ng Teknikal at Bokasyunal
na Sulatin
12
Filipino – Baitang 12
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 12: Iba’t ibang uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin
Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Liza Marie C. Floresca
Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Imelda Villanueva
Tagaguhit: Liza Marie C. Floresca
Tagalapat:
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V
Mario M. Bermudez, CESO VI
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Subject Area Coordinator
12
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan
Linggo 2-3
Aralin 2: Iba’t ibang Uri ng
Teknikal at Bokasyunal na
Sulatin
2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na
Sulatin!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
3
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
4
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
5
Alamin
Magandang araw sa iyo kaibigan.
Halina’t lumayag at sabay nating tuklasin at lawakan pa ang iyong kaalaman
tungkol sa Teknikal Bokasyunal na Sulatin na nauuri sa:
 Manwal
 Liham Pangnegosyo
 Flyers/Leaflets
 Promo Materials
 Deskripsiyon ng Produkto
 Feasibility study
 Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto
 Naratibong ulat Deskripsiyon ng Produkto
 Paunawa/babala/anunsiyo
 Menu ng pagkain
Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang pinakamahalagang kasanayang
pampagkatutuo na :
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit
Linggo4-6
Pagkatapos ng aralin, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na layunin:
1. Naiisa ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin
2. Natutukoy ang kahulugan ng iba’t ibang teknikal at bokasyunal na sulatin.
3. Nakikilala ang kabisaan ng bawat teknikal bokasyunal na sulatin
6
Subukin
Bago tayo tuluyang mapadako sa ikalawang yugto ng ating talakayan tungkol
sa iba’t ibang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin, subuking sagutin ang paunang
gawain na siguradong bubusog sa iyong isipan.
A. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
Isulat ang sagot sa espasyo bago ang bilang.
1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.
2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
3. Iisa lamang ang pormat ang ginagamit sa pagsulat ng liham.
4. Isa sa mga uri ng liham ay ang liham-pangnegosyo.
5. Sinasalamin ng mga promosyonal na kompanya ang branding.
6. Ginagawa ang promo upang makaakit ng mga potensiyal na kostumer.
7. Sa dekripsiyon ng produkto, nabibigyang impormasyon ang mga mamimili tungkol
sa produkto.
8. Maikling sulatin ang deskripsiyon ng produkto para sa pagbebenta ng mga
produkto.
9. Promo material ang nakahihikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o
serbisyo.
10. Nagbibigay impormasyon din ang promo materials sa mga mamimili.
B. Punan ang mga salungguhit ng angkop na mga titik (2puntos bawat isa)
11. F__ __ __ IB__ __I__ Y __T__D__ (TLSIAE YUS)
12. D__ __UM__N__ __S__ON (KOTEYA)
13. N__R__ __IB__ __G U__A__ (ANAO TL)
14. P__ __N__W__ , __ABA__A, A__U__S__Y__ (AAUA, LBA, NION)
15. M__N__ NG P__G__A__N (UE AKI)
7
Aralin
1
Iba’t ibang Uri ng Teknikal
at Bokasyunal na Sulatin
Balikan
Nasagot mo na ba ang ating Subukin? Nahirapan ka ba? Huwag mag-alala
muli nating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraan.
Naalala mo pa ba ang teknikal bokasyunal na sulatin? Ano kaya ang
kaugnayan nito sa kasalukuyang aralin?Natalakay na ang mga halimbawa ng
teknikal bokasyunal na sulatin, ngunit may mga tumpak na aralin kaugnay rito.
Marami ka pang malalaman tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatin
sa pagtalakay natin ng aralin na ito.
Maaaring ikonsidera ang iilang katanungan upang maging bukas ang iyong
isipan sa daloy ng ating talakayan.
Ano-anong uri ng sulating teknikal ang iyong naisagawa noong ikaw ay nasa
ikasampung baiting.
Isulat at banggitin ang iilan sa mga ito:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ano-ano ang mga paraang iyong isinaalang-alang upang hindi ka nahirapan sa
paggawa nito? _______________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8
Tuklasin
Tiyak na kagigiliwan mo ang mala-larong panimulang gawain na hatid sa iyo
ng bagong aralin. Mas mapapatingkad pa sa tulong nito ang iyong kaalaman upang
masimulang maunawaan ang bagong talakayan.
Panimulang Gawain: Scrambled Letter – Buuin ang mga titik hanggang
makuha ang tamang salita na may kaugnayan sa panibagong aralin. (Isulat ang
sagot sa papel, 2 puntos bawat isa)
1. LAWMNA _______________________________
2. MIHLA NAPGGENYSOO _______________________________
3. SFLREY SLTEFAEL _______________________________
4. OPMOR SMLATRIEA _______________________________
5. KRIPYONDES GN TODUPROK_______________________________
Bago natin simulan ang malayang talakayan, nais kong pumili ka ng
dalawang salitang iyong nabuo at bigyan ito ng sariling kahulugan. Maaaring ito
ay may kaugnayan sa dati mong alam o sa iyong mga nabasa.
1. ____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
9
Suriin
Handa ka na bang tunghayan ang bagong araling ating gagalugarin? Halina’t
samahan mo ako at marami ka pang matututuhan tungkol dito.
Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin
Mahalagang bahagi ng industriya ang teknikal bokasyunal na sulatin dahil ito
ay nagbibigay ng mahahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga
produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Ang iilan sa mga uri nito ay ang mga
sumusunod:
1. MANWAL – naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang
produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng
naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa
mga magbabasa nito.
Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong
magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.
Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na
makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
Maaari rin namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang
manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon,
gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa
rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.
2. LIHAM PANGNEGOSYO - na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga
bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng
liham, bating pangwakas at lagda.
Nakatuon ang liham pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal
katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at
liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
Isang pormal na sulatin, higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat.
Saklaw nito ang paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon, pagtugon sa
mga tanong o paglilinaw, promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo, pagkalap ng
10
pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng
mga patakaran o sitwasyon atbp.
3. FLYERS / LEAFLETS - kalimitang ipinamumudmod ito upang makahikayat
sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay
impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung
sinomang makababasa ng mga ito.
Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa.
Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials
ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang
impormasyong may kinalaman dito.
Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na
makita ang biswal na Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga
impormasyong nakasulat sa mga ito. katangian ng isang produkto, makulay rin ang
mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o
susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.
Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa
mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin ang
kanilang logo.
May mga pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba
pang pakulo sa paglikha ng mga flyers at promo materials upang higit na tumatak sa
mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang
produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line.
4. PROMO MATERIALS - makakatawag-pansin sa mga nakakakita nito,
nakakamit ang layunin nitong makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto
at makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga produkto. Importante ang disenyo,
konsepto, at tekstong nakapaloob sa gagawing promotional material. Nakaaapekto
ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga
makakakita.
Ito ang mga materyales na ginagamit sa mga promo ng produkto. Ginagamit
ito upang itanyag at ipakilala ang binibentang produkto at mas lalong tangkilikin ng
mga mamimili. Sa paraang ito, mas lalong nagiging sikat ang kanilang binebenta at
gayundin napatataas ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng interes ng mga
mamimili.
11
5. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO - Sadyang mahalaga ang wasto at
sapat na pagpapakilala at pagbibigay-katangian sa isang produkto o serbisyo bago
ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong
paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang
babasahin tungkol dito. Tiyak, wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon
sa isang produkto. Marapat ding madali itong maunawaan ng mga ibig tumangkilik
dito sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi.
Nakatutulong din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y
limitasyon ng isang bagay gayundin kung paaano ito gagamitin nang tama.
Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng isang indibiduwal sa patuloy na
pagkatuto kung kaya’t lagi tayong handa sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman.
Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa mga materyales
na nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o produkto.
Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay. Nakalagay rin ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at
magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa.
Maaari ring maglagay ng mga larawan ng ginagawa sa bawat hakbang para
sa mga mambabasa upang makita ang dapat na kalabasan sakaling gagawin nila ito.
Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging angkop
ang kinakalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga
ito upang higit na madali para sa mga tao ang sumusunod sa mga hakbang na
nakasaad dito.
Pagyamanin
B. Pagkilala: Punan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagot
sa papel. (2 puntos bawat isa)
1-2. Ang ___________ ay naglalaman ng mga detalyeng nagsisilbing gabay
sa mga magbabasa nito.
12
3-4. Matatagpuan sa ____________ ang ganitong paglalarawan sa pabalat,
sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito.
5-6. Nakaaapekto ang ______________ sa pagpukaw ng atensiyon at sa
magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita.
7-8. Hindi maligoy ang pagkakasulat ng ___________ at dahil dito nagiging
impormatibo sa mga mambabasa.
9-10. Isang pormal na sulatin ang _____________ at higit na pormal kaysa sa
isang personal na sulat.
Isaisip
I -A. Ano-ano ang unang lima sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
B. Para saan kinakailangang gamitin ang bawat isa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
C. Anong katangian ang magkakatulad sa lahat ng nabanggit na teknikal bokasyunal
na sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
D. Para kanino ang teknikal bokasyunal na sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
13
Isagawa
Bago pa man napag-aralan ang iba’t ibang uri ng teknikal bokasyunal na
sulatin, alam kong may dati ka nang alam tungkol dito at mas naliwanagan pa dahil
sa ginawang malayang talakayan. Ngayon, para mas lalong maunawaan pa ang
aralin, nais kong sagutin mo ang sumusunod.
Pagsulat ng Sanaysay: Bumuo ng maikling sanaysay tungkol sa karanasan
sa pagsulat ng 3 sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. (Maaring gumamit ng
isang malinis na papel)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Aralin
2
Iba’t ibang Uri ng Teknikal
at Bokasyunal na Sulatin
Balikan
Naalala mo pa ba ang naunang limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?
Ito ay ang karugtong ng nakaraan aralin na mas lalong mapaiigting ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Nauna nang tinalakay ang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. May
kahirapan pa bas a pag-unawa ko ano talaga ang kahulugan nito?
14
Ngayon, ito na ang huling yugto ng aralin tungkol sa uri ng teknikal
bokasyunal na sulatin. Tiyak na madaragdagan pa ang iyong dating kaalaman
tungkol sa araling ito. Ihanda ang sarili at muli nating lalakbayin ang mundo ng
teknikal bokasyunal na sulatin.
Alin sa mga naunang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin na nakatawag sa iyo
ng pansin? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Ano-ano pa ang nais mong matutuhan sa panibagong aralin?
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tuklasin
Huwag na nating patagalin pa, halina’t ating tuklasin ang pangalawang yugto
ng ating aralin. Magiging mas kapanapanabik at makulay ang karugtong ng aralin na
ito na tiyak na maikikintal sa iyong isipan.
Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin (karugtong ng nakaraang aralin)
6. FEASIBILITY STUDY - Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o
proyekto, nagsasagawa muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod
nito. Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang
isang planong gawain.
Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang
pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita. May mga espesipikong
bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan
ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang pagtalakay sa
mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.
15
Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan
dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o pangunahing
paksang ginagawan ng pag-aaral. Kalimitan itong ginagamit sa
pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at
teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga larangan.
Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong
nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang
kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. Karaniwan ding nilalakipan ng mga
apendise ang ganitong sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo pang
maging malaman ang isang feasibility study.
Samantala, nakababasa rin tayo ng mga narrative report. Mula sa
pangalan nito, ito ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay.
Kadalasang makakakita ng narrative report mula sa iba’t ibang ahensya o
kumpanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y
mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.
Dahil naratibo ang pagbuo nito, mahalaga ang kronolohiya upang higit
na makita ang kaisahan, kaugnayan at lohika ng mga pangyayari. Maaari rin
nitong lamanin ang mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging
kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan. Makatutulong din ang
ganitong uri ng ulat at dokumentasyon bilang sanggunian para sa mga
gawain at tunguhin ng institusyon sa hinaharap.
7. Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto
Ang deskripisiyon ng produkto → ay isang maikling sulatin na
ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto par sa isang
negosyo .kinakailangan ang paglalarawan sa mga produkto upang magimg
kaakit-akit at maibenta ito sa mga target ng awdiyens o mamimili.
Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan
impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit,
estilo , presyo at iba pang produkto nais mong ibenta .Sa gayong
paraan,nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon kung
bibilhin o tatangkilihin ang produkto o hindi mahalaga rin ang deskripsyon ng
produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang
pangangailangan.
16
Mahalaga rin ito sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil
napakalakas ng kompetisyon iba`t-ibang kompanya.Sa modernong
panahon,hindi na tamang mga boutique o mga pisikal ng estruktura ng mga
tindahan ang gumagawa ng deskripsyon ng produkto,dati inilagay lamang sa
mga magasin. Laganap na rin ang online store na totoong may mas mahigpit
na kumpetisyon ,dahi mas malawak ang maaaring marating ng produktong at
mas maraming potensyal na kliyente kaya mahalaga na sa dinami-dami ng
produkto nakalagay sa iba`t ibang online shop ay maging natatangi ang
produkto ng isang negosyante para ito ay mas mapansin at maibenta
Nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng
isang bagay. Isinusulat muna upang maging gabay sa kung paano gagawin o
bubuuin ang isang bagay o produkto. Nangangailangang panatilihin ang
kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang
makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
Kinakailangang maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal
na anyo ng produktong ginagawa
Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa
mga hakbang na nasa dokumentasyon. Pormal ang paggamit ng wika sa
pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at
inaasahang payak malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang
upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.
Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang. Nakalagay ang
mga ispesipikong gamit na kinakailangan. May larawan ng ginagawa sa
bawat hakbang
8. Naratibong ulat
Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba't ibang larangan. Ito ay isang
dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang
kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na
nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga
pangyayaring may simula, gitna, at wakas.
17
Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang
representasyon ng serye ng mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa
isang naratibong ulat, may isinalaysay o ikinukuwento kaya ang sumusulat
nito ay kailangang may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring
magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman
nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Natural na
pagkukuwento ang tono ngunit isinasaalang-alang pa rin ang paggamit ng
tamang mga salita.
9. Paunawa/babala/anunsiyo
Ang Anunsiyo - Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at
makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng
isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga
katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na
tao o sektor na maapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho.
Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa: bagong
negosyo, tindahan, o sangay ng opisina, bagong lokasyon ng negosyo,
pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan, pagbubukas para sa
pagtanggap ng mga bagong empleyado, masamang panahon o plano kapag
may di inaasahang sitwasyon, labis na badyet o plano ng kompanya sa
pagtitipid, anibersaryo ng negosyo o kompanya, mga pagbabago sa
patakaran o halaga ng bayarin, plano ng pamunuan kapag may welga,
pagpapalit ng pangalan ng negosyo, programa sa drug testing, pagpapatigil
sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring).
Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na
mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao. Maaari din itong
isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad.
Ang mga paalala at babala - ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng
instruksiyon. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating
karaniwang ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance,
mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.
18
Ang babala (warning) - ay isang instruksiyon na inilalagay upang
makaiwas na masaktan ang tagapangasiwa (operator) at/o maiwasan ang
pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng
espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring makasakit o
makapahamak sa mambabasa.
Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay
para sa tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na
akma sa ilalim ng partikular na sirkumtasiya upang maiwasan ang pagkasira
ng kagamitan.
Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na
nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit
upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.
Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyong
kaugnay sa kaligtasan ng mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan.
10. Menu ng pagkain – Katangian At Kalikasan Ng Menu Ng Pagkain
ang mahusay na pagkakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito
ba ay pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda
gulay o kung ito’y mga inumin. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat
isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-
kaya para sa kanila. Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa
mga pagkaing nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga
mambabasa tungkol sa mga ito. May ibang menu rin namang nagtataglay ng
larawan ng mga pagkain o inumin.
Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na
bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip
upang higit na maging katakam-takam para sa mga makakakita. Iniisa-isa rin
ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din ang hinihinging
sukat o dami para sa bawat isa. Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito
sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng lulutuin.
Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin
sa pagluluto. Tiyak at malinaw ang pagkakalahad sa bawat proseso upang
masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin. Sadyang mahalaga
ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso ng pagluluto sapagkat ito
19
ang susundin ng mga mambabasang ibig sumubok sa pagluluto ng ng mga
ito. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.
Suriin
A. Tukuyin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal
na sulatin. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.____________________
2. Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na bahagi
ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na
maging katakam-takam para sa mga makakakita.____________________________
3. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na
nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang
maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.______________________________
4. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring
makasakit o makapahamak sa mambabasa.________________________________
5. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang
ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at
mga korespondensiyang pangnegosyo.______________________
6. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na
makakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.________________
7. May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na
lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive
summary.___________________________________________________________
8. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang
feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang
negosyo o gawain.____________________________________________________
20
9. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng
kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at
wakas.______________________________________________________________
10. Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan impormasyon
ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at iba
pang produkto nais mong ibenta._________________________________________
11. Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring
magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman nila
dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.___________________________
12. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa
mga hakbang na nasa dokumentasyon.____________________________________
13. Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang._____________________
14. Isang uri ng babala ang paunawa (caution).________________________
15. Ang anunsiyo ay maaaring isang panawagan sa ilang importanteng
gawain o aktibidad._________________________________________________
Pagyamanin
B. Pagkilala: Punan ng mga angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang
ideya ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa papel. (2 puntos bawat isa)
1-2. Ang ____________ ay maaaring isang panawagan sa ilang
importanteng gawain o aktibidad.
3-4. Kalikasan ng isang _____________ sa paggawa ng isang bagay o
produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang.
5-6. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa
mga ___________ na nasa dokumentasyon.
21
7-8. Ang gamit ng wika sa ________________, bagaman pormal, ay
maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit
hindi naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.
9-10. Mahalaga ang ________________ upang mabigyan impormasyon
ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at
iba pang produkto nais mong ibenta.
11-12. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang
____________________ dahil nakatutulong ito upang makita ang
kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.
13-14. May mga espesipikong bahagi ang isang ______________ katulad na
lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive
summary.
15-16. Ang ____________ ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na
mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.
17-18. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating
karaniwang ginagamit para sa mga _____________, mga assembly at
maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.
19-20. Ang _____________________ ay ginagamit upang tukuyin ang mga
aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong
gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.
22
Isaisip
II – A. Sumulat ng maikling sanaysay at gawing gabay ang mga katanungang nasa
ibaba. Isulat ang sagot sa papel.
Nasubukan mo na bang makasulat o makagawa ng tatlo sa mga nabanggit
na uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? Ano-ano ang mga ito? Ibahagi ang
iyong karanasan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isagawa
Nais kong sagutin mo ang mga katunungang mas magpapalawak pa ng iyong
kaalaman tungkol sa teknikal bokasyunal na sulatin na naunang napag-aralan noong
nakaraan.
A. Ano-ano ang sumunod na limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
23
B. Ano ang nilalaman ng limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
C. Saan at kailan kadalasang ginagamit ang bawat isa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
D. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit ito isinusulat o isinasagawa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Tayahin
Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng
gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang mga
sumusunod na katanungan.
A. Pagtapat-tapatin: Matatagpuan sa Hanay A ang mga konseptong
komunikasyong teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang mga susing salita
na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa
patlang gamit ang titik lamang.
Hanay A Hanay B
____1. Ginagawa bago magtayo ng negosyo a. tiyak at malinaw
____2. Isang uri ng pag-aaral b. hakbang
____3. Sinusunod sa pagluluto c. komprehensibo
____4. Ang pagkakalahad sa bawat proseso d. babala
____5. impormasyon na makakapagbibigay e. feasibility study
ng sapat na kaalaman
____6. Ang pagtalakay sa nilalaman ng f. paalala
Impormasyon
____7. Hindi ginagamit upang magbigay ng g. detalyado
Impormasyon
____8. Makapagbigay/makapagbahagi ng h. plano
Impormasyon
____9. Ginagawa upang matiyak ang i. espisipiko
24
Posibilidad na maisakatuparan ito
_____10. Gamit na inilalagay kung kinakailangan j. pormal
_____11. Wika sa pagsulat ng dokumentasyon k. anunsiyo
_____12. Nakalahad na madalas nasa itaas ng l. note
Pangalan
_____13. Tumutukoy sa item na nagbibigay m. resipe
lamang ng impormasyon
_____14. Kailangang magkaroon ng ideyang n. banghay
ganito o pagkakasunod-sunod
_____15. Tono ng pagkukuwento sa paggamit o. normal
ng tamang salita p. feasibility study
Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng
gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang
mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Karagdagang Gawain
Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong
naunawaan ang ating aralin, bibigyan kita ng karagdagang gawain na
siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha.
Ngayon, gumupit ka ng mga halimbawa ng limang uri ng
teknikal bokasyunal na sulatin at idikit ito sa short bond paper. Gawing
malikhain ang paggawa. Maaaring magdagdag ng maikling caption sa
bawat isa.
Isumite ito sa muli nating pagkikita.
25
Susi sa Pagwawasto
.
Subukin
1.
T
2.
T
3.
M
4.
T
5.
T
6.
T
7.
T
8.
T
9.
T
10.
T
11.
FEASIBILITY
STUDY
12.
DOKUMENTASYON
13.
NARATIBONG
ULAT
14.
PAUNAWA,
BABALA
AT
ANUNSYO
15.
MENU
NG
PAGKAIN
Tayahin
1.
E
11.
J
2.
C
12.
M
3.
B
13.
I
4.A
14.
N
5.
K
15.
O
6.
G
7.
F
8.
D
9.
H
10.
L
26
Sanggunian
1. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Kagamitan ng Mag-aaral
2. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Patnubay ng Guro
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Albertine De Juan Jr.
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Albertine De Juan Jr.
 
Mga kalimitang bahagi ng isang manwal
Mga kalimitang bahagi ng isang manwalMga kalimitang bahagi ng isang manwal
Mga kalimitang bahagi ng isang manwal
Zambales National High School
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Albertine De Juan Jr.
 
Aralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
Aralin 4 Liham Pangangalakal at AplikasyonAralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
Aralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
Princess Joy Revilla
 
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdfrws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
Keirstine Claire Areja
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Camille Ann Delbarrio
 
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkasHakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
TEACHER JHAJHA
 
PANANALIKSIK.pptx
PANANALIKSIK.pptxPANANALIKSIK.pptx
PANANALIKSIK.pptx
JohnPaulCacal
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
RamjenZyrhyllFrac
 
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
EfrenBGan
 
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaMga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaJericho Mariano
 
Mga katangian at kalikasan ng manwal
Mga katangian at kalikasan ng manwalMga katangian at kalikasan ng manwal
Mga katangian at kalikasan ng manwal
Zambales National High School
 
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang PagbasaAng Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Mary Rose Urtula
 
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produkto
norm9daspik8
 
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdfPAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
ParanLesterDocot
 
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptxKatitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Megumi36
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 

What's hot (20)

Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
 
Mga kalimitang bahagi ng isang manwal
Mga kalimitang bahagi ng isang manwalMga kalimitang bahagi ng isang manwal
Mga kalimitang bahagi ng isang manwal
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
 
Aralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
Aralin 4 Liham Pangangalakal at AplikasyonAralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
Aralin 4 Liham Pangangalakal at Aplikasyon
 
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdfrws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
rws-q3-module-1-shs-reading-and-writing-skills.pdf
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
 
lesson plan.docx
lesson plan.docxlesson plan.docx
lesson plan.docx
 
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkasHakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
Hakbang at prinsipyo sa pagbabalangkas
 
PANANALIKSIK.pptx
PANANALIKSIK.pptxPANANALIKSIK.pptx
PANANALIKSIK.pptx
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
 
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO.pptx
 
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaMga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
 
Mga katangian at kalikasan ng manwal
Mga katangian at kalikasan ng manwalMga katangian at kalikasan ng manwal
Mga katangian at kalikasan ng manwal
 
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang PagbasaAng Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
 
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produkto
 
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdfPAGSULAT NG MANWAL.pdf
PAGSULAT NG MANWAL.pdf
 
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptxKatitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
 
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 8 Curriculum Guide rev.2016
 

Similar to F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
CrisElcarte
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
jhoncristiantolentin
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
JrJr50
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
hazelpalabasan1
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
KokoStevan
 
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdfAP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
ReinNalyn
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
AldrinDeocares
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
KokoStevan
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
ReinNalyn
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
GerrieIlagan
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
rufinodelacruz3
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
NoelPiedad
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
RaeMarcEnriquez
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
nelietumpap1
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
DEALSPAMPIO
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
nelietumpap1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
rufinodelacruz3
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
IrishLlanderal1
 

Similar to F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf (20)

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdfAP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 

F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf

  • 1. Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) Unang Markahan Linggo 2-3 Modyul 2: Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin 12
  • 2. Filipino – Baitang 12 Self-Learning Module (SLM) Unang Markahan – Modyul 12: Iba’t ibang uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 E-mail Address: region12@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Liza Marie C. Floresca Editor: Joseph T. Baluya Tagasuri: Imelda Villanueva Tagaguhit: Liza Marie C. Floresca Tagalapat: Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Rommel G. Flores, CESO V Mario M. Bermudez, CESO VI Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Leonardo Mission – Subject Area Supervisor Juliet F. Lastimosa - CID Chief Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator Lelita A. Laguda – Subject Area Coordinator
  • 3. 12 Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) Unang Markahan Linggo 2-3 Aralin 2: Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin
  • 4. 2 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. 3 Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
  • 6. 4 Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 5 Alamin Magandang araw sa iyo kaibigan. Halina’t lumayag at sabay nating tuklasin at lawakan pa ang iyong kaalaman tungkol sa Teknikal Bokasyunal na Sulatin na nauuri sa:  Manwal  Liham Pangnegosyo  Flyers/Leaflets  Promo Materials  Deskripsiyon ng Produkto  Feasibility study  Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto  Naratibong ulat Deskripsiyon ng Produkto  Paunawa/babala/anunsiyo  Menu ng pagkain Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang pinakamahalagang kasanayang pampagkatutuo na : Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa: (CS_FTV11/12PT-0a-c-93) a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo e. Target na gagamit Linggo4-6 Pagkatapos ng aralin, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na layunin: 1. Naiisa ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin 2. Natutukoy ang kahulugan ng iba’t ibang teknikal at bokasyunal na sulatin. 3. Nakikilala ang kabisaan ng bawat teknikal bokasyunal na sulatin
  • 8. 6 Subukin Bago tayo tuluyang mapadako sa ikalawang yugto ng ating talakayan tungkol sa iba’t ibang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin, subuking sagutin ang paunang gawain na siguradong bubusog sa iyong isipan. A. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa espasyo bago ang bilang. 1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal. 2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal. 3. Iisa lamang ang pormat ang ginagamit sa pagsulat ng liham. 4. Isa sa mga uri ng liham ay ang liham-pangnegosyo. 5. Sinasalamin ng mga promosyonal na kompanya ang branding. 6. Ginagawa ang promo upang makaakit ng mga potensiyal na kostumer. 7. Sa dekripsiyon ng produkto, nabibigyang impormasyon ang mga mamimili tungkol sa produkto. 8. Maikling sulatin ang deskripsiyon ng produkto para sa pagbebenta ng mga produkto. 9. Promo material ang nakahihikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. 10. Nagbibigay impormasyon din ang promo materials sa mga mamimili. B. Punan ang mga salungguhit ng angkop na mga titik (2puntos bawat isa) 11. F__ __ __ IB__ __I__ Y __T__D__ (TLSIAE YUS) 12. D__ __UM__N__ __S__ON (KOTEYA) 13. N__R__ __IB__ __G U__A__ (ANAO TL) 14. P__ __N__W__ , __ABA__A, A__U__S__Y__ (AAUA, LBA, NION) 15. M__N__ NG P__G__A__N (UE AKI)
  • 9. 7 Aralin 1 Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin Balikan Nasagot mo na ba ang ating Subukin? Nahirapan ka ba? Huwag mag-alala muli nating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraan. Naalala mo pa ba ang teknikal bokasyunal na sulatin? Ano kaya ang kaugnayan nito sa kasalukuyang aralin?Natalakay na ang mga halimbawa ng teknikal bokasyunal na sulatin, ngunit may mga tumpak na aralin kaugnay rito. Marami ka pang malalaman tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatin sa pagtalakay natin ng aralin na ito. Maaaring ikonsidera ang iilang katanungan upang maging bukas ang iyong isipan sa daloy ng ating talakayan. Ano-anong uri ng sulating teknikal ang iyong naisagawa noong ikaw ay nasa ikasampung baiting. Isulat at banggitin ang iilan sa mga ito: __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Ano-ano ang mga paraang iyong isinaalang-alang upang hindi ka nahirapan sa paggawa nito? _______________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________
  • 10. 8 Tuklasin Tiyak na kagigiliwan mo ang mala-larong panimulang gawain na hatid sa iyo ng bagong aralin. Mas mapapatingkad pa sa tulong nito ang iyong kaalaman upang masimulang maunawaan ang bagong talakayan. Panimulang Gawain: Scrambled Letter – Buuin ang mga titik hanggang makuha ang tamang salita na may kaugnayan sa panibagong aralin. (Isulat ang sagot sa papel, 2 puntos bawat isa) 1. LAWMNA _______________________________ 2. MIHLA NAPGGENYSOO _______________________________ 3. SFLREY SLTEFAEL _______________________________ 4. OPMOR SMLATRIEA _______________________________ 5. KRIPYONDES GN TODUPROK_______________________________ Bago natin simulan ang malayang talakayan, nais kong pumili ka ng dalawang salitang iyong nabuo at bigyan ito ng sariling kahulugan. Maaaring ito ay may kaugnayan sa dati mong alam o sa iyong mga nabasa. 1. ____________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
  • 11. 9 Suriin Handa ka na bang tunghayan ang bagong araling ating gagalugarin? Halina’t samahan mo ako at marami ka pang matututuhan tungkol dito. Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin Mahalagang bahagi ng industriya ang teknikal bokasyunal na sulatin dahil ito ay nagbibigay ng mahahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Ang iilan sa mga uri nito ay ang mga sumusunod: 1. MANWAL – naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari rin namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal. 2. LIHAM PANGNEGOSYO - na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda. Nakatuon ang liham pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Isang pormal na sulatin, higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat. Saklaw nito ang paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon, pagtugon sa mga tanong o paglilinaw, promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo, pagkalap ng
  • 12. 10 pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon atbp. 3. FLYERS / LEAFLETS - kalimitang ipinamumudmod ito upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung sinomang makababasa ng mga ito. Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa. Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito. Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na makita ang biswal na Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. katangian ng isang produkto, makulay rin ang mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami. Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin ang kanilang logo. May mga pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga flyers at promo materials upang higit na tumatak sa mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line. 4. PROMO MATERIALS - makakatawag-pansin sa mga nakakakita nito, nakakamit ang layunin nitong makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto at makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga produkto. Importante ang disenyo, konsepto, at tekstong nakapaloob sa gagawing promotional material. Nakaaapekto ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita. Ito ang mga materyales na ginagamit sa mga promo ng produkto. Ginagamit ito upang itanyag at ipakilala ang binibentang produkto at mas lalong tangkilikin ng mga mamimili. Sa paraang ito, mas lalong nagiging sikat ang kanilang binebenta at gayundin napatataas ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng interes ng mga mamimili.
  • 13. 11 5. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO - Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay-katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito. Tiyak, wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon sa isang produkto. Marapat ding madali itong maunawaan ng mga ibig tumangkilik dito sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi. Nakatutulong din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y limitasyon ng isang bagay gayundin kung paaano ito gagamitin nang tama. Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng isang indibiduwal sa patuloy na pagkatuto kung kaya’t lagi tayong handa sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa mga materyales na nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o produkto. Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Nakalagay rin ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa. Maaari ring maglagay ng mga larawan ng ginagawa sa bawat hakbang para sa mga mambabasa upang makita ang dapat na kalabasan sakaling gagawin nila ito. Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging angkop ang kinakalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga ito upang higit na madali para sa mga tao ang sumusunod sa mga hakbang na nakasaad dito. Pagyamanin B. Pagkilala: Punan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagot sa papel. (2 puntos bawat isa) 1-2. Ang ___________ ay naglalaman ng mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
  • 14. 12 3-4. Matatagpuan sa ____________ ang ganitong paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito. 5-6. Nakaaapekto ang ______________ sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita. 7-8. Hindi maligoy ang pagkakasulat ng ___________ at dahil dito nagiging impormatibo sa mga mambabasa. 9-10. Isang pormal na sulatin ang _____________ at higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat. Isaisip I -A. Ano-ano ang unang lima sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ B. Para saan kinakailangang gamitin ang bawat isa? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ C. Anong katangian ang magkakatulad sa lahat ng nabanggit na teknikal bokasyunal na sulatin? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ D. Para kanino ang teknikal bokasyunal na sulatin? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
  • 15. 13 Isagawa Bago pa man napag-aralan ang iba’t ibang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin, alam kong may dati ka nang alam tungkol dito at mas naliwanagan pa dahil sa ginawang malayang talakayan. Ngayon, para mas lalong maunawaan pa ang aralin, nais kong sagutin mo ang sumusunod. Pagsulat ng Sanaysay: Bumuo ng maikling sanaysay tungkol sa karanasan sa pagsulat ng 3 sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. (Maaring gumamit ng isang malinis na papel) ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Aralin 2 Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin Balikan Naalala mo pa ba ang naunang limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? Ito ay ang karugtong ng nakaraan aralin na mas lalong mapaiigting ang iyong kaalaman tungkol dito. Nauna nang tinalakay ang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. May kahirapan pa bas a pag-unawa ko ano talaga ang kahulugan nito?
  • 16. 14 Ngayon, ito na ang huling yugto ng aralin tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. Tiyak na madaragdagan pa ang iyong dating kaalaman tungkol sa araling ito. Ihanda ang sarili at muli nating lalakbayin ang mundo ng teknikal bokasyunal na sulatin. Alin sa mga naunang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin na nakatawag sa iyo ng pansin? Bakit? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Ano-ano pa ang nais mong matutuhan sa panibagong aralin? ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Tuklasin Huwag na nating patagalin pa, halina’t ating tuklasin ang pangalawang yugto ng ating aralin. Magiging mas kapanapanabik at makulay ang karugtong ng aralin na ito na tiyak na maikikintal sa iyong isipan. Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin (karugtong ng nakaraang aralin) 6. FEASIBILITY STUDY - Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto, nagsasagawa muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod nito. Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong gawain. Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita. May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang pagtalakay sa mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.
  • 17. 15 Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral. Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga larangan. Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. Karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang ganitong sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo pang maging malaman ang isang feasibility study. Samantala, nakababasa rin tayo ng mga narrative report. Mula sa pangalan nito, ito ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay. Kadalasang makakakita ng narrative report mula sa iba’t ibang ahensya o kumpanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o institusyon. Dahil naratibo ang pagbuo nito, mahalaga ang kronolohiya upang higit na makita ang kaisahan, kaugnayan at lohika ng mga pangyayari. Maaari rin nitong lamanin ang mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan. Makatutulong din ang ganitong uri ng ulat at dokumentasyon bilang sanggunian para sa mga gawain at tunguhin ng institusyon sa hinaharap. 7. Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto Ang deskripisiyon ng produkto → ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto par sa isang negosyo .kinakailangan ang paglalarawan sa mga produkto upang magimg kaakit-akit at maibenta ito sa mga target ng awdiyens o mamimili. Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at iba pang produkto nais mong ibenta .Sa gayong paraan,nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon kung bibilhin o tatangkilihin ang produkto o hindi mahalaga rin ang deskripsyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang pangangailangan.
  • 18. 16 Mahalaga rin ito sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil napakalakas ng kompetisyon iba`t-ibang kompanya.Sa modernong panahon,hindi na tamang mga boutique o mga pisikal ng estruktura ng mga tindahan ang gumagawa ng deskripsyon ng produkto,dati inilagay lamang sa mga magasin. Laganap na rin ang online store na totoong may mas mahigpit na kumpetisyon ,dahi mas malawak ang maaaring marating ng produktong at mas maraming potensyal na kliyente kaya mahalaga na sa dinami-dami ng produkto nakalagay sa iba`t ibang online shop ay maging natatangi ang produkto ng isang negosyante para ito ay mas mapansin at maibenta Nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat muna upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin ang isang bagay o produkto. Nangangailangang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa. Kinakailangang maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa. Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang. Nakalagay ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan. May larawan ng ginagawa sa bawat hakbang 8. Naratibong ulat Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba't ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at wakas.
  • 19. 17 Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinalaysay o ikinukuwento kaya ang sumusulat nito ay kailangang may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Natural na pagkukuwento ang tono ngunit isinasaalang-alang pa rin ang paggamit ng tamang mga salita. 9. Paunawa/babala/anunsiyo Ang Anunsiyo - Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na tao o sektor na maapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho. Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa: bagong negosyo, tindahan, o sangay ng opisina, bagong lokasyon ng negosyo, pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan, pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado, masamang panahon o plano kapag may di inaasahang sitwasyon, labis na badyet o plano ng kompanya sa pagtitipid, anibersaryo ng negosyo o kompanya, mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin, plano ng pamunuan kapag may welga, pagpapalit ng pangalan ng negosyo, programa sa drug testing, pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring). Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao. Maaari din itong isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad. Ang mga paalala at babala - ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng instruksiyon. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.
  • 20. 18 Ang babala (warning) - ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan ang tagapangasiwa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring makasakit o makapahamak sa mambabasa. Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay para sa tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na akma sa ilalim ng partikular na sirkumtasiya upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon. Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyong kaugnay sa kaligtasan ng mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan. 10. Menu ng pagkain – Katangian At Kalikasan Ng Menu Ng Pagkain ang mahusay na pagkakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda gulay o kung ito’y mga inumin. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot- kaya para sa kanila. Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga mambabasa tungkol sa mga ito. May ibang menu rin namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin. Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa mga makakakita. Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa. Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng lulutuin. Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin sa pagluluto. Tiyak at malinaw ang pagkakalahad sa bawat proseso upang masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin. Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso ng pagluluto sapagkat ito
  • 21. 19 ang susundin ng mga mambabasang ibig sumubok sa pagluluto ng ng mga ito. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin. Suriin A. Tukuyin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. 1. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.____________________ 2. Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa mga makakakita.____________________________ 3. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.______________________________ 4. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring makasakit o makapahamak sa mambabasa.________________________________ 5. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.______________________ 6. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na makakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.________________ 7. May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary.___________________________________________________________ 8. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.____________________________________________________
  • 22. 20 9. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at wakas.______________________________________________________________ 10. Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at iba pang produkto nais mong ibenta._________________________________________ 11. Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.___________________________ 12. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon.____________________________________ 13. Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang._____________________ 14. Isang uri ng babala ang paunawa (caution).________________________ 15. Ang anunsiyo ay maaaring isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad._________________________________________________ Pagyamanin B. Pagkilala: Punan ng mga angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang ideya ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa papel. (2 puntos bawat isa) 1-2. Ang ____________ ay maaaring isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad. 3-4. Kalikasan ng isang _____________ sa paggawa ng isang bagay o produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang. 5-6. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa mga ___________ na nasa dokumentasyon.
  • 23. 21 7-8. Ang gamit ng wika sa ________________, bagaman pormal, ay maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. 9-10. Mahalaga ang ________________ upang mabigyan impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at iba pang produkto nais mong ibenta. 11-12. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang ____________________ dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. 13-14. May mga espesipikong bahagi ang isang ______________ katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary. 15-16. Ang ____________ ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao. 17-18. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa mga _____________, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo. 19-20. Ang _____________________ ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.
  • 24. 22 Isaisip II – A. Sumulat ng maikling sanaysay at gawing gabay ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa papel. Nasubukan mo na bang makasulat o makagawa ng tatlo sa mga nabanggit na uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? Ano-ano ang mga ito? Ibahagi ang iyong karanasan. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Isagawa Nais kong sagutin mo ang mga katunungang mas magpapalawak pa ng iyong kaalaman tungkol sa teknikal bokasyunal na sulatin na naunang napag-aralan noong nakaraan. A. Ano-ano ang sumunod na limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________
  • 25. 23 B. Ano ang nilalaman ng limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ C. Saan at kailan kadalasang ginagamit ang bawat isa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ D. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit ito isinusulat o isinasagawa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ Tayahin Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. A. Pagtapat-tapatin: Matatagpuan sa Hanay A ang mga konseptong komunikasyong teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang mga susing salita na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang gamit ang titik lamang. Hanay A Hanay B ____1. Ginagawa bago magtayo ng negosyo a. tiyak at malinaw ____2. Isang uri ng pag-aaral b. hakbang ____3. Sinusunod sa pagluluto c. komprehensibo ____4. Ang pagkakalahad sa bawat proseso d. babala ____5. impormasyon na makakapagbibigay e. feasibility study ng sapat na kaalaman ____6. Ang pagtalakay sa nilalaman ng f. paalala Impormasyon ____7. Hindi ginagamit upang magbigay ng g. detalyado Impormasyon ____8. Makapagbigay/makapagbahagi ng h. plano Impormasyon ____9. Ginagawa upang matiyak ang i. espisipiko
  • 26. 24 Posibilidad na maisakatuparan ito _____10. Gamit na inilalagay kung kinakailangan j. pormal _____11. Wika sa pagsulat ng dokumentasyon k. anunsiyo _____12. Nakalahad na madalas nasa itaas ng l. note Pangalan _____13. Tumutukoy sa item na nagbibigay m. resipe lamang ng impormasyon _____14. Kailangang magkaroon ng ideyang n. banghay ganito o pagkakasunod-sunod _____15. Tono ng pagkukuwento sa paggamit o. normal ng tamang salita p. feasibility study Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Karagdagang Gawain Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong naunawaan ang ating aralin, bibigyan kita ng karagdagang gawain na siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha. Ngayon, gumupit ka ng mga halimbawa ng limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin at idikit ito sa short bond paper. Gawing malikhain ang paggawa. Maaaring magdagdag ng maikling caption sa bawat isa. Isumite ito sa muli nating pagkikita.
  • 28. 26 Sanggunian 1. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Kagamitan ng Mag-aaral 2. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Patnubay ng Guro
  • 29. PAHATID-LIHAM Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon. For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS) Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: region12@deped.gov.ph