2. Paano mo nga ba
inaalam ang totoo?
Ano anong paraan ang
ginagawa mo upang
matuklasan ang
katotohanan?
3. Sino sino ang iyong
tinatanong upang
makakalap ng tamang
impormasyon at
mabatid mo ang
katotohanan?
4.
5. Nagkalat na ang napakaraming
impormasyon. Abot kamay ito
ng marami sa iba’t ibang
porma o paraan ng paghahatid.
Bilang halimbawa, nariyan ang
internet, diyaryo, telebisyon,
mga anunsiyo, propesyonal,
eksperto at mga kinauukulan.
6. Magkaganon man, madalas
na iba-iba ang sinasabi
tungkol sa iisang bagay.
Nagdudulot tuloy ng maling
kaalaman at kalituhan sa
mga tao.
7. Maraming mamamayan ang
sumasangguni sa hindi
tamang batayan. Naniwala
sila sa mga sabi-sabi ng iba.
Ang iba naman ay sa maling
tao nagtatanong.
8. Dahil dito, mahalagang masuri
mo ang mga impormasyong
iyong natatanggap. Nararapat
na ikaw ay maging mapanuri
sa mga balitang
napakikinggan, patalastas na
nababasa/naririnig,
napanonood na programa sa
telebisyon sa araw-araw.
9. Ang mga ito ay
nangangailangan ng
gabay at pagsangguni sa
mga nakatatanda o
kinauukulan.