Ang tekstong argumentatibo ay nakabatay sa lohikal na pangangatwiran at ebidensiya, samantalang ang tekstong nanghihikayat ay umaasa sa opinyon at emosyon. Kabilang sa mga lihis na pangangatwiran o fallacy ang argumentum ad hominem, na nag-aakusa sa kredibilidad ng tao sa halip na talakayin ang isyu. Isang halimbawa ng ganitong uri ng pangangatwiran ay ang pagtanggi sa mga pahayag batay sa relihiyon o pisikal na anyo ng nagsasalita.