Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon at nahahati sa dalawang uri: pormal at hindi pormal. Ang pormal na edukasyon ay isinasagawa sa mga silid-aralan at kinabibilangan ng pre-school, elementarya, sekundarya, at tersiyaryong edukasyon, habang ang hindi pormal na edukasyon ay tumutukoy sa mga boluntaryong programa na hindi nakapaloob sa pormal na sistema. Ang edukasyon sa Pilipinas ay mayaman sa kasaysayan, mula sa panahon ng mga Kastila, Amerikano, hanggang sa mga Hapones, at patuloy na nag-e-evolve sa kasalukuyang panahon.