3. E D I T O R Y A L
Tinatawag ding pangulong
tudling ay bahagi ng pahayagang
nagsasaad ng mapanuring
pananaw o kuro-kuro ng
pahayagan tungkol sa isang isyu
4. 1. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol
sa wika.
2. Nasusuri ang antas ng wika na ginamit
sa awiting-bayan.
3. Naibibigay ang halaga ng wika batay sa
simbolong ipinakita.
LAYUNIN
9. DALAWANG URI NG ANTAS
NG WIKA
1. Impormal/ Di- Pormal- Ito ay antas
ng wika na karaniwan, palasak, pang-
araw- araw, at madalas gamitin sa
pakikipag- usap at pakikipagtalastasan
sa mga kakilala o kaibigan.
10. Mga Uri ng SalitangDi-Pormal
a. Balbal- ang tawag sa mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding
salitang kanto o salitang kalye.
11. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
Pagkuha sa huling dalawang pantig ng
salita
HALIMBAWA: AMERIKANO ---KANO
Pagbabaliktad sa mga titik ng isang salita
HALIMBAWA: MALUPIT--- PITMALU
12. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay
nito ng ibang kahulugan
HALIMBAWA: TOXIC---SOBRANG BUSY
Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na
pangalan
HALIMBAWA: KARMA ---- CARMI MARTIN
13. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
b. Kolokyal- ginagamit sa pang- araw- araw
na pakikipag- usap. Ito ay madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas
ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang
salita o kaya’y mapagsama ang dalawang
salita.
14. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
PAGKAKALTAS NG LETRA SA ISANG SALITA
HALIMBAWA: Paano -----Pa’no
PAGSASAMA NG DALAWA O HIGIT PANG WIKA
HALIMBAWA:
A- attend ka ba sa birthday ni Lina?
15. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
c. Lalawiganin- ito ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o kaya’y sa partikular na pook
kung saan nagmula o kilala ang wika.
Kapansin- pansing ang mga lalawiganing
salita ay may taglay na kakaibang tono o
bigkas na maaaring magbigay ng ibang
kahulugan nito.
16. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
Halimbawa:
kain---- kaan (kamayo)
bahay---- balay (cebuano)
17. DALAWANG URI NG ANTAS NG WIKA
2. Pormal- Ito ay mga salitang istandard
dahil ginagamit ito ng karamihan na
nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang
ginagamit sa paaralan, panayam, seminar,
gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang
usapan o sulating pang-intelektuwal.
18. Mga Uri ng Salitang Di-Pormal
a. Pambansa- Tumutukoy ito sa wikng
itinuturo at gingamit sa numang
komunikasyon sa loob ng paaralan. Ito rin
ang istndard na ginagmit sa anumng
transaksyong pampubliko.
19. Mga Uri ng Salitang Pormal
Halimbawa:
maybahay silid-aklatan paaralan
ama at ina pagmamahal kaibigan
salapi o yaman karunungan
20. Mga Uri ng Salitang Pormal
b. Pampanitikan- Tumutukoy sa mg
wikang ginagamit ng mga manunulat at
makata sa larangan mg panitikan.
Kadalasan ay matatalinghaga, nagtataglay
ng konotasyon o malalim na kahulugan.
21. Mga Uri ng Salitang Pormal
Halimbawa:
1. Ang kinis ng kaniyang balat ay nakipag-
agawan sa naghihitik na mga bunga ng
mangga.
2. Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa
kaniyang pagngiti ay binubukalan man din ng
pag-ibig.
26. Gawan ng tatlong pick-up lines ang
salitang wika sa pamamagitan ng paggamit
ng antas ng wikang
impormal(balbal/kolokyal/lalawiganin
27. Gawan ng tatlong hugot lines ang
salitang pag-ibig gamit ang antas ng wikang
pormal
28. Bakit kailangang pahalagahan ang wika?
Bilang isang mamayang pilipino. Paano
mo mahihikayat ang ang mga kapwa mo
kabataan na ipagmalaki at payabungin
ang wikang Filipino.?
Ipaliwanag ang pahayag ni Jose Rizal
“Ang hindi magmahal sa sariling wika,
Daig pa ang hayop at malansang isda.”
30. Panuto: Tukuyin ang mga ginamit na salita
sa isang awitin. Magtala kung ilan ang
nagamit na salita sa bawat antas ng wika at
ihanay ito kung saan sila napapabilang.
BOOM PANES ni Vice Ganda
32. Panuto: Maglikom ng angkop na
impormasyon tungkol sa inyong sariling
lugar na gagamitin mo sa pagsulat ng sarili
mong bersiyon ng awiting-bayan gamit ang
inyong sariling wika o wikang higit na
mauunawaan ng kabataaan.Humandang
sagutin ang tanong kaugnay ng iyong binuo
at itanghal ang isinult mong awiting-bayan.
TAKDANG-ARALIN
33. Mga Pamantayan Puntos
Nailahad sa awiting-bayan ang mga impormasyon
tungkol sa sariling lugar o bayan
5 puntos
Naisulat ang sariling bersiyon ng isang awiting-
bayan sa sariling lugar gamit ang wika ng mga
mag-aaral o wikang higit na nauunawaan ng
kabataan.
5 puntos
Nakagamit ng iba’t ibang antas ng wika batay sa
pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-
bayan( balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)
5 puntos
Naitanghal nang mahusay at masigla ang
binuong awiting-bayan.
5 puntos
Kabuoang Puntos 20 puntos