14. PAGGANYAK
Ang diyalogo ni Albert ay babasahin ng
isang lalaki at ang diyalogo naman ni
Ruby ay babasahin ng isang babae. Ako
naman ang magbabasa sa diyalogo ni
Aling Amy.” Pagkatapos ay may mga
tanong tayong sasagutin kaya unawain
mabuti ang teksto.
15. Isang araw habang naglalaro sina
Albert at Ruby ng kanilang lumang
chess board ay biglang dumating
galing sa pamilihan ang kanilang
ina.
16. Ruby: Nandito na si Nanay. Mano po
inay.
Aling Amy: Mamaya na muna ang
pagmano anak at maghuhugas muna
ako ng kamay. Kailangang maging
malinis ang aking kamay bago mo ito
hawakan dahil ako ay galing sa labas.
17. Albert: Oo nga po pala inay,
kailangang maging maingat tayo sa
panahon ngayon. Para saan po pala
itong binili ninyo at mukhang
maraming tela ito?
Aling Amy: Ay para iyan sa tatahiin
kong mga face masks anak.
18. Naisipan ko kasing manahi at
ibebenta ko sa aking mga kakilala
para may dagdag tayong panggastos
ngayon.
Ruby: Wow! Ok po iyan Inay. Tutulong
din po ako sa pagbebenta sa labas.
19. Aling Amy: Naku hindi pwede anak.
Pinagbabawal sa ngayon ang paglabas
ng mga bata dahil sa Covid-19. Alam mo
na ba yun diba?
Ruby: Opo inay, pero susundin ko naman
po ang mga health protocols. Isusuot ko
po ang aking bagong face mask at face
shield na binili ni tatay. Dadalhin ko rin
po ang bago kong hand sanitizer.
20. Aling Amy: Kahit na, mas
makabubuting nandito lang kayo ng
kuya mo sa bahay. Mas ligtas dito.
Albert: Eh kung ibenta nyu na lang po
ang itatahi niyo online? Uso po iyon
ngayon at hindi niyo pa kailangang
maglako.
21. Aling Amy: Oo nga ano? Sige, iyan na
lang gawin natin kaya sisimulan ko na
ang pananahi.
Ruby: Inay maari mo ba akong
ipagtahi ng pink na mask?
Aling Amy: Oo naman. Ikaw Albert,
anong gusto mong kulay?
22. Albert: Pula po sa akin Inay. Ibabagay
ko sa bagong damit na binigay ni
Ninang Lorna.
Aling Amy: Sige mga anak. Ang face
masks ninyo ang aking unang
tatahiin.
Albert at Ruby: Salamat po Inay!
23. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang naisipang gawin ni Aling Amy?
3. Ano ang nais gawin ni Ruby upang makatulong sa
kaniyang ina?
4. Bakit hindi pinayagan ni Aling Amy si Ruby?
5. Ano-ano ang mga health protocols na susundin ni
Ruby para lamang makatulong sa kaniyang ina?
6. Paano nakatulong si Albert sa kaniyang ina para hindi
na ito maglako sa labas?
7. Ano-ano pa ang mga alam ninyong health protocols
ngayong panahon ng pandemya maliban sa mga
nabanggit sa kuwento?
41. Pangkatang Gawain
Ngayon kayo ay gagawa isang gawain at kayo ay
gagawa nito kasama ang inyong kapangkat.
Ano ang pamantayan sa paggawa ng nakaatang
na gawain?
42. Para sa mga lalaki:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na pang-uri:
1. malapad
2. maliksi
3. malapit
4. masunurin
5. berde
Para sa mga babae:
Ikanta at isayaw ang kantang “Tatlong Bibe” at
tukuyin ang mga pang-uri na nabanggit.
43. Ano ang pang-uri?
Tandaan:
Pang-uri ang tawag sa mga salitang
naglalarawan sa tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.
Halimbawa: maganda, maamo,
malawak, pula.