Aralin:” Kapaligiran ng Aming Paaralan” Mga Layunin: • Natutukoy ang mga paraan upang mapanatili ang kalinisan at katahimikan ng paaralan. • Nakikilala ang mga senyales o tanda na nakikita sa paligid ng paaralan. • Naiisa-isa ang mga gawi na napapanatili ng kalinisan at katahimikan ng paaralan. • Naipapamalas ang iba’t ibang talento sa pagpapakita ng mga gawi na nagpapanatili ng kalinisan at katahimikan ng paaralan. • Nasasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa sariling pag-aaral (e.g. mahirap mag-aaral kapag maingay, etc) AP1PAA- IIIa-1 • Kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan at katahimikan ng paaralan. BALIK ARAL: Tukuyin ang mga bahagi ng paaralan batay sa mga paglalarawan ng mga ito. Basahin ang mga bahagi ng paaralan na ipapabasa ng guro at piliin ang iyong mga kasagutan. _____1. Ako ay pinupuntahan ng mga batang nais manaliksik at matuto gamit ang iba’t ibang uri ng aklat. Anong bahagi ako ng paaralan? _____2. Ako ay pinupuntahan ng mga batang nagkakasakit sa loob ng paaralan. Dito sila ay nagpapahinga at binibigyan ng paunang lunas. Anong bahagi ako ng paaralan? _____3. Sa akin pumupunta ang mga batang nagugutom na nais bumili ng pagkain. Anong bahagi ako ng paaralan? _____4. Ako ang puntahan ng mga mag-aaral na napapaihi at napapadumi, anong bahagi ako ng paaralan? _____5. Ako ang lugar kung saan mismo natututong bumasa, sumulat at magilang ang mga mag-aaral. Anong bahagi ako ng paaralan? TANDAAN: Mahalaga ang kalinisan at katahimikan ng paaralan. Ang magandang kapaligiran ng paaralan ay nakakatulong upang makapag-aral nang maayos ang mga mag-aaral. Ang maluwag na silid-aralan ay angkop sa pag-aaral. Kailangan ding tahimik ang paligid ng paaralan. Ang maingay at magulong kapaligiran ay nakakaabala sa mga mag-aaral sa silid-aralan. Mahalaga ring na malinis ang paligid ng paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na dulot ng maruming kapaligiran. Ang mga puno at halaman sa paligid ng paaralan ay nakatutulong ding mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral.