SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol
sa Etnograpikal na
lahi ng B’laan
Sa Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para
sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Republic of the Philippine
Department of Education
Region XII
City School Division of Koronadal
KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
SCHOOL
City of Koronadal
Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol
sa Etnograpikal na Katangian ng mga Larong
lahi ng B’laan-Koronadal
Kritikal na Papel
a Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para
sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Mananaliksik:
Salahy P. Rasul
Ana Mae D. Estares
Nemesis B. Estomata
Inilatag Kay:
G. Richard P. Moral
Guro sa KOMPAN
SENIOR HIGH
Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol
Katangian ng mga Larong-
a Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para
sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
I. Pagtanaw sa Antigong Kasaysayan ng mga Larong-lahi ng mga
B’laan-Koronadal
Ang kasaysayan ng larong-lahi ng B’laan-Koronadal ay tulad ng isang
bulawan nga nalubong kasama ng paglubog ng kultura ng mga B’laan-
Koronadal. Ang larong-lahi ng mga B’laan-Koronadal ay bulawan nga nalubong
na sa paglipas ng panahon ng pagbubungkal nito, labis na lumalaki ang kanyang
halaga, mahirap man tuklasin ngunit ito’y magbibigay ng malaking kaluwagan sa
pagharap sa katotohanan.
Sa panahon ngayon, ang mga larong-lahi ng B’laan-Koronadal ay bihira
na lamang nasisilayan, unti-unti na itong nawawala sa sa kultura o sa pang-araw
araw na pamumuhay ng mga B’laan-Koronadal. Dahil dito, aming babalikan ang
mga ito upang mabigyang halaga ang natatagong yaman.
Una naming ilalantad ang pinanggalingan ng larong-lahi ng B’laan-
Koronadal at ang kaugnayan nito sa kanilang sariling kultura. Ang konteksto ng
pagtuklas ng etnograpikal na katangian ng larong-lahi ng B’laan-Koronadal ang
siyang magiging layon ng pagsusuring ito upang maipakita ang kaugnayan nito
sa kanilang pang araw-araw na pananalagi sa ating bansa.
II. Pagpapakahulugan sa Etnograpikal na Katangian ng Larong-lahi
Ayon kay Agudo (2012) na binanggit nina Hortelano, R., Juan, J.P.,
&Tindowen, D.J. (2015) sa kanilang papel na Indigenous Games of the Agtas of
Penablanca, Cagayan ang tradisyunal at katutubong laro, na mas kilala bilang
larong-lahi sa Pilipinas ay mga larong karaniwang nilalaro ng mga bata sa kalye
o sa mga lugar na may malawak na puwang at karaniwang ginagamitan ng mga
maaaring kagamitan at instrumento. Idinagdag na naman ni Ticsay (1993) na
ang larong-lahi ay isang mura at kapaki-pakinabang na anyo ng libangan na
kinawiwilihan ng mga kabataan at mga nakakatanda maging kalahok man o
manonood na binanggit nina Hortelano, R., Juan, J.P., &Tindowen, D.J. (2015)
sa kanilang papel na Indigenous Games of the Agtas of Penablanca, Cagayan.
Binigyang tibay naman nina Del Carmen, M.V.,Diano, F., at Ole, A. (2015) sa
kanilang papel na Designing Validated “Laro ng Lahi”- Based Activities in
Mechanics sa kahulugan ni Aguado (2012) ang larong ng lahi ay mga Pilipinong
katutubong laro na karaniwang nilalaro ng mga bata gamit ang mga bagay o
instrumento na nakikita lamang sa paligid.
Idinagdag naman ni Morales (2016) sa kanyang papel na Exploring
Indigenous Game-Based Physics Activities in Pre-Service Physics Teachers’
Comceptual Change and transformation of Epistemic Beliefs sa kahulugan ni
Lopez (1980) na ang laro ay salitang Filipino na nangangahulugang paglilibang.
Pinatibay ni Lopez, Beldia, & Pangan (2006) sa kanilang librong Physical
Education, Health, and Music, na ang larong-lahi ay tumutukoy sa mga
tradisyunal o katutubong laro ng Pilipino. Parte na ito ng ating yaman. Ang mga
Pilipino kahit bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ay napaka aktibo
na sa paglalaro. Isa sa mga pinaka tanyag na laro ay ang sipa. Arnis ay isang
panlabang katutubog laro para sa kalalakihan, pinaglalaanan ito ng masusing
pagsasanay para sa pansariling depensa (Lopez, Beldia & Pangan, 2000).
Samantala, ang etnograpiya ayon kay Landau et. al (2006) ay isang
sangay nang antropolohiya na pinag-uusapan ang pag-uuri at diskripsiyon nang
isang partikular, lalo na ang mga kultura ng mga tao. Pinatibay naman ito sa
librong UP Diksiyonaryong Pilipino na ang etnograpiya ay isang sangay ng
antropolohiya o agham-tao na may kinalaman sa kultura ng mga liping nabibilang
sa minoridad ito ay siyentipikong paglalarawan ng iba’t ibang lipi at kultura
(Almario, 2010). Pinatunayan naman ito ni Laza (2016) sa librong Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na ang etnograpikong
pag-aaral ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga
sa kaugalian, pamumuhay at iba’t-ibang gawi ng isang komunidad sa
pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang
panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng
pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at
iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o
naobserbahan ng isang mananaliksik. Madalas na ginagamit na pamamaraan
ang partisipasyong etnograpiko o mas kilala bilang participant observation (Reich
1998; sa pagbanggit nina Tatel 2011). Nangangailangan ito ng field study na
isang pamamaraan sa pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng
mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig o panlasa). Binibigyang-diin
sa obserbasyon ang lunan o setting (para sa konteksto), mga gawain at kilos ng
mga kasangkot, impormal na interaksyon, hindi nakaplanong gawain, berbal at
di-berbal na komunikasyon, at iba’t ibang proseso.
Binigyang kahulugan naman ni Crang at Crook (2007) na binanggit ni
Forsey (2010) sa kanyang papel na Ethnography as Participant Listening na ang
etnograpiya bilang pag-obserba bilang kalahok kasama ang anumang iba pang
naaangkop na pamamaraan'. Kasama sa kategorya ng iba ay mga panayam,
pangkat ng pokus, bidyu o larawan na gawain, istatistika, pagmomolde, archive
na trabaho, at iba pa. Binigyang linaw naman ito nina Reeves, S. et al (2013) na
ang Etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa husay na nagtitipon ng mga
obserbasyon, panayam at datus ng dokumentaryo upang makabuo ng detalyado
at komprehensibo ng iba't ibang mga sosyal na phenomena. Pinatunayan naman
ito nina Denzin, et al (2011) na binanggit ni Naidoo (2012) sa kanyang papel na
Etnography: An Introduction to Definiton and Method na ang etnograpiya na
umuusbong mula sa antropolohiya at pinagtibay mula sa mga sosyolohiko ay
isang pamamaraan ng husay na nagbibigay ng sarili sa pag-aaral ng mga
paniniwala, pakikipag-ugnay sa lipunan, at pag-uugali ng mga maliliit na lipunan,
na kinasasangkutan ng pagdarami at pagmamasid sa loob ng isang yugto ng
oras sa gitna ng interpretasyon ng mga datos na nakolekta.
III. Pagiisa-isa ng mga Larong-lahi ng B’laan-Koronadal
Sbek
Ang larong ito ayon kay Delfin (44) ay binubuo ng dalawang
magkatunggaling tao na kung saan ipinapatong nila ang kanilang mga kamay sa
isang lamesa, hinahawakan ang bawat isa, at ibinubuhos ang kanilang pwersa
upang maitumba ang kamay ng kalaban.
Figure 1. Sbek
Surul Lu
Sabi ni Delfin (44), “Nang tug of war, baliktad lang siya na pagka-tug of
war,” Ibig sabihin, imbes na iyong hilain ang iyong kalaban sa tug of war,
itinutulak mo nalang sya. Pinatibay naman ito ni ginang Patricio (47) sa kanyang
pahayag na, “ang tug of war abi kanang butungay, pero ini ya, reverse,” o kaya,
sa madaling salita, ito ay kabaliktaran ng tug of war. Idinagdag naman ni Digu
(37) na sila ay gumagamit ng Lu, isang kahoy na gina gamit pangdurog sa palay
(Delfin, 44), inilalagay ito sa kamay o sa braso ng dalawang kalahok at itinulak
nila ang kalaban gamit ito hanggang sa sila’y makalabas sa linya.
Figure 2. Lu
Gamti
Ayon kay Digu (37), ito ay isang pagalingan ng pagtira gamit ang pana.
Pinatunayan naman ito ni Pula (37) sa kanyang pahayag na, “archery ina
siya,” na nangangahulugang, isang pagalingan ng pagpana.
Mdak
Ito ay paunahan ng pagdurog ng palay gamit ang Lu at Lusong (Pula, 37),
na kung saan minsan ay binubuo ng tatlong kalahok (Delfin, 44).
Figure 3. Mdak Figure 4. Lu at Lusong
Skaffun
Sa larong ito, naglalagay ka ng mais sa iyong kamay at isinasara mo ito,
pagkatapos, ipapahula mo sa mga kalahok kung ilang mais ba ang inilagay
mo sa iyong kamao, ang makakahula ang siyang mananalo (Aram, 35).
Smifel
Ayon kay Delfin (44), “smifel noh, inang isa ka bundle nga dako-dako
nga bundle sang kogon, either tung hilaw or uga, ibundle mo na sya, tapos
tigbason mo na sya, dapat pagtigbas mo hurot sila isa,” ibig sabihin, sa
larong ito, hinihiwa ng mga kalahok ang nakataling kogon, hilaw man o tuyo,
na kung saan, dapat mahiwa nila ito sa isang hiwa.Idinagdag naman ni Aram
(37) na, “kung ano man, halos tanan nga players kung hindi man siya ma-
isa lang kacut, atleas padalumay lang, kung asta diin,” ibig sabihin, kung
walang nakaputol nito sa isang hiwa, titignan nalang kung sino ang may
pinakamalalim na hiwa.
IV. Pagsusuri sa Etnograpikal na Katangian ng bawat Larong-lahi ng
B’laan-Koronadal
Sbek at Surul Lu
Ang sbek at surul lu ay nagpapakita ng kalakasan ng mga Blaan na kung
saan ang mga nananalo ay respetado sa kanilang kumunidad at minsan sila
ang mga tagapagtanggol ng kanilang bayan (Delfin, 44). Ang pahayag na ito
ay mas pinatibay ni Pula (37), ayon sa kanya, “amu na ang masaligan kay
may kakaiba sila nga talent, lakas,” ibig sabihin, sila ang mapagkakatiwalaan
ng kanilang bayan dahil sila ay may kakaibang lakas.
Gamti
Sabi ni Digu (37), “Gapractice sila kay, dba ang source sang ila mga
bayan bala, nang mga sud’an sang una, sa hunting,” ibig sabihin, sa
pamamgitan nito, nasasanay ang kanilang mga katribu sa pangangaso, na
kanilang pinagkukunan ng pagkain. Idinagdag naman ni Aram (35) na gamit
ang kanilang pana, tinitira nila ang mga usa o baboy-ramo sa gubat.
Mdak
Ayon sa pahayag ni Aram (35), “Dba sang una, naga wala man sang
galingan na naabtan ang mga lolo namon, so amo to ang, manomano,” Ibig
sabihin, dahil walang naabutan ang kanilang mga ninuno na gilingan ng
palay, ito ang kanilang ginagamit. Sinabi naman ni Delfin (44) na ito ay
ginawa nilang larong lahi dahil noong unang panahon, nagpapaunahan ang
kanilang mga ninuo sa paggawa nito. At pinatunayan nito ni Pula (37) sa
kanyang sinabi na, “sang una, nag-eenjoy sila, nagacontesanay sila sang
una, para daw galaro lang sila, para hindi nila mafeel na nakapoy sila,” na
nangangahulugan na sila ay nagsisiyahan sa paunahan ng pagdurog ng
palay nang sa ganun ay hindi nila maramdaman ang hirap at pagod ng
gawaing ito.
Skafun
Sa pamamagitan ng larong ito, nasasanay magbilang ang mga Blaan
(Delfin, 44). Pinatunayan ito ni Aram (35) sa kanyang sinabi na, “ang Blaan,
sa una wala naga-school, pero ang iya nga, paano sya natuto, sa sulod sang
panimalay, sa community, sa environment. Halimbawa, nang sa amon, hindi
mo na pwede na kung ikaw nga titser diri sa skwelahan, mangakig ka kay
palaabsent ang bata, kay ngaa man, pag tig-harvest, tanan gid na nga mga
bata nila, iinvolve nila na education man gihapon sya, pero iba na style,
hindi sya sa classroom nga learning, kudi didtu, paghambal ni tatay, oh,
tipunon mo ning giharvest nga mais, amo ni, may pangalan ang amo ni,,
sigang, nang bundle.. may counting na didtu, may mathematics na tanan na
ginhulag namon may numbers na siya,” sa madaling salita, kahit na noong
unang panahon na hindi pa nag-aaral ang mga Blaan, hindi mo masasabi na
wala silang alam, dahil sila ay natututo sa kanilang pang-araw araw na buhay
kagaya ng pagbibilang sa dami ng kanilang ani.
Smifel
Ayon kay Delfin (44), “makita mo kung sanay ka gid manglabo ba, pero
hindi sang siling na palaaway sila ha. Halimbawa, makakita sila sang mga
ano, baboy-ramo, dba kung maglakt sila sa uma, may mga delikado man
na didtu, hindi lang man ramo ang Makita didtu, ang ban’og gali, padasigay
man sang amo sina, paabtikay man na sang mata,” ibig sabihin, sa
pamamagitan ng larong ito, makikita mo kung gaano ka kasanay, kagaling, at
kabilis gumamit ng espada, nang sa ganun ay magamit mo ito sa
pangangaso at sa kaligtasan mo mula sa mga pinsala na maaaring maidulot
ng gubat, kagaya ng mga ahas sa kakahuyan.
V. Larong-lahi: Pagtatagpi-tagpi ng Napag alaman
Sa pag-usbong ng makabangong laro sa panahon ngayon, unti-unti ng
nawawala ang mga katutubong laro, hanggang sa umabot ang panahon na
mawala na ito sa isip ng mga tao, ngunit dahil sa pananaliksik na ito, muling
nagkaroon ng pagkakakilanlan ang mga natatanging larong-lahi ng B’laan-
Koronadal at ang halaga nito sa kanilang kultura. Kagaya lamang ng Sbek,
Surul Lu, Mdak, Skafun at Smifel. Sa kabuuan, makikita natin na ang Blaan-
Koronadal ay higit na pinahahalagahan ang kanilang mga laro dahil sa
pagkakaroon nito ng malalim na diwa sa kanilang kultura. Ang kanilang mga
laro ay naging parte na ng kanilang araw-araw na pamumuhay katulad na
lamang ng pag-aani, pangangaso, at mga piyesta.
Ang mga larong-lahing ito ay dapat na maibahagi upang maibigkis ito sa
napakayamang kultura ng ating bansa upang maging lubos na magbuklod
ang mga tribung B’laan saan mang panig at kadulo-dulohan ng pilipinas.
Naimpluwensiyahan man o bunga ng simpleng pamumuhay sa mga
malalayong lugar ng mga B’laan-Koronadal ang mga larong-lahi ito, ay wala
ng mas hihigit pa sa pagpapahayag na ang kasipagan, katapangan at
katalinuhan ng ating mga katutubo ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng
totoong Pilipino, matabunan man ito ng mga modernong laro huhukayin at
huhukayin naming ito kagaya ng bulawan nga nalubong dahil ito ang yaman
na magbibigay ng malaking kaluwagan sa pagharap sa katotohanan.
Mga Tala
1. Hortelano, Johannes, Juan & Tindowen (2015). Indigenous Games of the
Agtas of Penablanca, Cagayan. Bannag:Journal of Local Knowledge:
School of Education, Arts and Sciences.
2. Del Carmen, Diano & Ole (2015). Designing Validated “Larong ng Lahi”
Based Activities Mechanics. Philippine Normal University: De La Salle
University, Manila, Philippines.
3. Morales, M. (2016). Exploring Indigenous Game-Based Physics Activities in
Pre-Service Physics Teachers’ Conceptual Change and Transformation
of Epistemic Beliefs. LSER Publications: Philippine Normal.
University, Philippines.
4. Almario, V. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino. ANVIL Publishing Inc.:8007-
b Pioneer St., Brgy. Kapitolyo,1603 Pasig City, Philippines.
5. Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Rex Book Store Inc.: Sampaloc, Maynila.
6. Landau, S. (2010). The New International Webster’s Dictionary Thesaurus &
Atlas.Trident Reference Publishing: Naples Florida, USA.
7. Lopez, Beldia, Pangan (2009). Physical Education, Health and Music. Rex
Book Store Inc.: Sampaloc, Manila.
8. Forsey, M. (2010). Ethnography as Participant Listening. SAGE
Publications: The University of Western Australia, Australia
9. Reeves, S. et al (2013). Ethnography in Qualitative Educational Research:
AMEE Guide No.80. Medical Teacher: University of California, USA.
10. Naidoo, L. (2012). Ethnography: An Introduction to Definition and Method.
Western University Sydney: Sydney, Australia
Dokumentasyon
Interview at Brgy. Assumption
Bulawan nga nalubong pananaliksik ukol sa mga larong lahi ng b'laan-koronadal

More Related Content

What's hot

Demo teaching mass training 16 final
Demo teaching mass training 16 finalDemo teaching mass training 16 final
Demo teaching mass training 16 finalLeilani Avila
 
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokAralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokDEPED
 
Mga hakbang sa Pagsasalin
Mga hakbang sa PagsasalinMga hakbang sa Pagsasalin
Mga hakbang sa PagsasalinBeLenDa3
 
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Ma. Jessabel Roca
 
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaQ2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaRivera Arnel
 
Quiz filipino week 1 5
Quiz filipino week 1 5Quiz filipino week 1 5
Quiz filipino week 1 5Rovie Saz
 
Batas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoAllan Ortiz
 
Kakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalKakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalDepEd
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunantagalog123
 
Phatic, emotive, at expressive
Phatic, emotive, at expressivePhatic, emotive, at expressive
Phatic, emotive, at expressiveJM Benedicto
 
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboFilipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboJuan Miguel Palero
 
Dayalek at idyolek
Dayalek at idyolekDayalek at idyolek
Dayalek at idyolekarlynnarvaez
 

What's hot (20)

Demo teaching mass training 16 final
Demo teaching mass training 16 finalDemo teaching mass training 16 final
Demo teaching mass training 16 final
 
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokAralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
 
Pa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismoPa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismo
 
Magnifico
MagnificoMagnifico
Magnifico
 
Mga hakbang sa Pagsasalin
Mga hakbang sa PagsasalinMga hakbang sa Pagsasalin
Mga hakbang sa Pagsasalin
 
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
 
Andres bonifacio
Andres bonifacioAndres bonifacio
Andres bonifacio
 
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaQ2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
 
Quiz filipino week 1 5
Quiz filipino week 1 5Quiz filipino week 1 5
Quiz filipino week 1 5
 
Sinaunang Kasalan
Sinaunang KasalanSinaunang Kasalan
Sinaunang Kasalan
 
Batas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang FilipinoBatas ng Wikang Filipino
Batas ng Wikang Filipino
 
Kakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalKakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsal
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
 
Phatic, emotive, at expressive
Phatic, emotive, at expressivePhatic, emotive, at expressive
Phatic, emotive, at expressive
 
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboFilipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo
 
Dayalek at idyolek
Dayalek at idyolekDayalek at idyolek
Dayalek at idyolek
 
wika grade 11
wika grade 11wika grade 11
wika grade 11
 
Rehiyon I
Rehiyon IRehiyon I
Rehiyon I
 

Similar to Bulawan nga nalubong pananaliksik ukol sa mga larong lahi ng b'laan-koronadal

MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAMGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAAJHSSR Journal
 
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptxResearch Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptxTracyAncero
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayawKareen Mae Adorable
 
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxFIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxEdrheiPangilinan
 
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...SheenaTolentino1
 
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxBALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxiiiomgbaconii0
 
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxBALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxyaeldsolis2
 
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALMORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALAJHSSR Journal
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1TEACHER JHAJHA
 
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdf
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdfARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdf
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdfDerajLagnason
 
Narrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang PilipinoNarrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang PilipinoJeanelei Carolino
 
Barayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptxBarayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptxMarkMission
 

Similar to Bulawan nga nalubong pananaliksik ukol sa mga larong lahi ng b'laan-koronadal (20)

MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYAMGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
MGA PILING KUWENTONG-BAYANG SURIGAON: ISANG ANTOLOHIYA
 
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptxResearch Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
Research Filipino (Mga Oral na Tradisyon ng Panitikang Biliranon).pptx
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxFIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
 
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
BALBAL SA KADALANAN: Isang pagtuklas sa sosyo-heograpikal na Wika ng mga Bata...
 
pahapyaw.pptx
pahapyaw.pptxpahapyaw.pptx
pahapyaw.pptx
 
pahapyaw.pptx
pahapyaw.pptxpahapyaw.pptx
pahapyaw.pptx
 
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxBALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
 
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxBALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
 
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALMORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
Presentation.pptx
Presentation.pptxPresentation.pptx
Presentation.pptx
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
Mga artikulo at diskusyon sa wika 1
 
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdf
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdfARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdf
ARALIN 4- GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN.pdf
 
Panimula Grade 8
Panimula Grade 8Panimula Grade 8
Panimula Grade 8
 
HUMANIDADES.pptx
HUMANIDADES.pptxHUMANIDADES.pptx
HUMANIDADES.pptx
 
Narrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang PilipinoNarrative - Sikolohiyang Pilipino
Narrative - Sikolohiyang Pilipino
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7Filipino1 curriculum guide 7
Filipino1 curriculum guide 7
 
Barayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptxBarayti ng Wika.pptx
Barayti ng Wika.pptx
 

Bulawan nga nalubong pananaliksik ukol sa mga larong lahi ng b'laan-koronadal

  • 1. KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol sa Etnograpikal na lahi ng B’laan Sa Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Republic of the Philippine Department of Education Region XII City School Division of Koronadal KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH SCHOOL City of Koronadal Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol sa Etnograpikal na Katangian ng mga Larong lahi ng B’laan-Koronadal Kritikal na Papel a Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Mananaliksik: Salahy P. Rasul Ana Mae D. Estares Nemesis B. Estomata Inilatag Kay: G. Richard P. Moral Guro sa KOMPAN SENIOR HIGH Bulawan nga Nalubong: Isang Pananaliksik Ukol Katangian ng mga Larong- a Bahagyang katuparan ng mga Kinakailangan para sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
  • 2. I. Pagtanaw sa Antigong Kasaysayan ng mga Larong-lahi ng mga B’laan-Koronadal Ang kasaysayan ng larong-lahi ng B’laan-Koronadal ay tulad ng isang bulawan nga nalubong kasama ng paglubog ng kultura ng mga B’laan- Koronadal. Ang larong-lahi ng mga B’laan-Koronadal ay bulawan nga nalubong na sa paglipas ng panahon ng pagbubungkal nito, labis na lumalaki ang kanyang halaga, mahirap man tuklasin ngunit ito’y magbibigay ng malaking kaluwagan sa pagharap sa katotohanan. Sa panahon ngayon, ang mga larong-lahi ng B’laan-Koronadal ay bihira na lamang nasisilayan, unti-unti na itong nawawala sa sa kultura o sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga B’laan-Koronadal. Dahil dito, aming babalikan ang mga ito upang mabigyang halaga ang natatagong yaman. Una naming ilalantad ang pinanggalingan ng larong-lahi ng B’laan- Koronadal at ang kaugnayan nito sa kanilang sariling kultura. Ang konteksto ng pagtuklas ng etnograpikal na katangian ng larong-lahi ng B’laan-Koronadal ang siyang magiging layon ng pagsusuring ito upang maipakita ang kaugnayan nito sa kanilang pang araw-araw na pananalagi sa ating bansa. II. Pagpapakahulugan sa Etnograpikal na Katangian ng Larong-lahi Ayon kay Agudo (2012) na binanggit nina Hortelano, R., Juan, J.P., &Tindowen, D.J. (2015) sa kanilang papel na Indigenous Games of the Agtas of Penablanca, Cagayan ang tradisyunal at katutubong laro, na mas kilala bilang larong-lahi sa Pilipinas ay mga larong karaniwang nilalaro ng mga bata sa kalye o sa mga lugar na may malawak na puwang at karaniwang ginagamitan ng mga maaaring kagamitan at instrumento. Idinagdag na naman ni Ticsay (1993) na ang larong-lahi ay isang mura at kapaki-pakinabang na anyo ng libangan na kinawiwilihan ng mga kabataan at mga nakakatanda maging kalahok man o manonood na binanggit nina Hortelano, R., Juan, J.P., &Tindowen, D.J. (2015) sa kanilang papel na Indigenous Games of the Agtas of Penablanca, Cagayan.
  • 3. Binigyang tibay naman nina Del Carmen, M.V.,Diano, F., at Ole, A. (2015) sa kanilang papel na Designing Validated “Laro ng Lahi”- Based Activities in Mechanics sa kahulugan ni Aguado (2012) ang larong ng lahi ay mga Pilipinong katutubong laro na karaniwang nilalaro ng mga bata gamit ang mga bagay o instrumento na nakikita lamang sa paligid. Idinagdag naman ni Morales (2016) sa kanyang papel na Exploring Indigenous Game-Based Physics Activities in Pre-Service Physics Teachers’ Comceptual Change and transformation of Epistemic Beliefs sa kahulugan ni Lopez (1980) na ang laro ay salitang Filipino na nangangahulugang paglilibang. Pinatibay ni Lopez, Beldia, & Pangan (2006) sa kanilang librong Physical Education, Health, and Music, na ang larong-lahi ay tumutukoy sa mga tradisyunal o katutubong laro ng Pilipino. Parte na ito ng ating yaman. Ang mga Pilipino kahit bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ay napaka aktibo na sa paglalaro. Isa sa mga pinaka tanyag na laro ay ang sipa. Arnis ay isang panlabang katutubog laro para sa kalalakihan, pinaglalaanan ito ng masusing pagsasanay para sa pansariling depensa (Lopez, Beldia & Pangan, 2000). Samantala, ang etnograpiya ayon kay Landau et. al (2006) ay isang sangay nang antropolohiya na pinag-uusapan ang pag-uuri at diskripsiyon nang isang partikular, lalo na ang mga kultura ng mga tao. Pinatibay naman ito sa librong UP Diksiyonaryong Pilipino na ang etnograpiya ay isang sangay ng antropolohiya o agham-tao na may kinalaman sa kultura ng mga liping nabibilang sa minoridad ito ay siyentipikong paglalarawan ng iba’t ibang lipi at kultura (Almario, 2010). Pinatunayan naman ito ni Laza (2016) sa librong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na ang etnograpikong pag-aaral ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t-ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang
  • 4. panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik. Madalas na ginagamit na pamamaraan ang partisipasyong etnograpiko o mas kilala bilang participant observation (Reich 1998; sa pagbanggit nina Tatel 2011). Nangangailangan ito ng field study na isang pamamaraan sa pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig o panlasa). Binibigyang-diin sa obserbasyon ang lunan o setting (para sa konteksto), mga gawain at kilos ng mga kasangkot, impormal na interaksyon, hindi nakaplanong gawain, berbal at di-berbal na komunikasyon, at iba’t ibang proseso. Binigyang kahulugan naman ni Crang at Crook (2007) na binanggit ni Forsey (2010) sa kanyang papel na Ethnography as Participant Listening na ang etnograpiya bilang pag-obserba bilang kalahok kasama ang anumang iba pang naaangkop na pamamaraan'. Kasama sa kategorya ng iba ay mga panayam, pangkat ng pokus, bidyu o larawan na gawain, istatistika, pagmomolde, archive na trabaho, at iba pa. Binigyang linaw naman ito nina Reeves, S. et al (2013) na ang Etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa husay na nagtitipon ng mga obserbasyon, panayam at datus ng dokumentaryo upang makabuo ng detalyado at komprehensibo ng iba't ibang mga sosyal na phenomena. Pinatunayan naman ito nina Denzin, et al (2011) na binanggit ni Naidoo (2012) sa kanyang papel na Etnography: An Introduction to Definiton and Method na ang etnograpiya na umuusbong mula sa antropolohiya at pinagtibay mula sa mga sosyolohiko ay isang pamamaraan ng husay na nagbibigay ng sarili sa pag-aaral ng mga
  • 5. paniniwala, pakikipag-ugnay sa lipunan, at pag-uugali ng mga maliliit na lipunan, na kinasasangkutan ng pagdarami at pagmamasid sa loob ng isang yugto ng oras sa gitna ng interpretasyon ng mga datos na nakolekta. III. Pagiisa-isa ng mga Larong-lahi ng B’laan-Koronadal Sbek Ang larong ito ayon kay Delfin (44) ay binubuo ng dalawang magkatunggaling tao na kung saan ipinapatong nila ang kanilang mga kamay sa isang lamesa, hinahawakan ang bawat isa, at ibinubuhos ang kanilang pwersa upang maitumba ang kamay ng kalaban. Figure 1. Sbek Surul Lu Sabi ni Delfin (44), “Nang tug of war, baliktad lang siya na pagka-tug of war,” Ibig sabihin, imbes na iyong hilain ang iyong kalaban sa tug of war, itinutulak mo nalang sya. Pinatibay naman ito ni ginang Patricio (47) sa kanyang pahayag na, “ang tug of war abi kanang butungay, pero ini ya, reverse,” o kaya, sa madaling salita, ito ay kabaliktaran ng tug of war. Idinagdag naman ni Digu
  • 6. (37) na sila ay gumagamit ng Lu, isang kahoy na gina gamit pangdurog sa palay (Delfin, 44), inilalagay ito sa kamay o sa braso ng dalawang kalahok at itinulak nila ang kalaban gamit ito hanggang sa sila’y makalabas sa linya. Figure 2. Lu Gamti Ayon kay Digu (37), ito ay isang pagalingan ng pagtira gamit ang pana. Pinatunayan naman ito ni Pula (37) sa kanyang pahayag na, “archery ina siya,” na nangangahulugang, isang pagalingan ng pagpana. Mdak Ito ay paunahan ng pagdurog ng palay gamit ang Lu at Lusong (Pula, 37), na kung saan minsan ay binubuo ng tatlong kalahok (Delfin, 44). Figure 3. Mdak Figure 4. Lu at Lusong
  • 7. Skaffun Sa larong ito, naglalagay ka ng mais sa iyong kamay at isinasara mo ito, pagkatapos, ipapahula mo sa mga kalahok kung ilang mais ba ang inilagay mo sa iyong kamao, ang makakahula ang siyang mananalo (Aram, 35). Smifel Ayon kay Delfin (44), “smifel noh, inang isa ka bundle nga dako-dako nga bundle sang kogon, either tung hilaw or uga, ibundle mo na sya, tapos tigbason mo na sya, dapat pagtigbas mo hurot sila isa,” ibig sabihin, sa larong ito, hinihiwa ng mga kalahok ang nakataling kogon, hilaw man o tuyo, na kung saan, dapat mahiwa nila ito sa isang hiwa.Idinagdag naman ni Aram (37) na, “kung ano man, halos tanan nga players kung hindi man siya ma- isa lang kacut, atleas padalumay lang, kung asta diin,” ibig sabihin, kung walang nakaputol nito sa isang hiwa, titignan nalang kung sino ang may pinakamalalim na hiwa. IV. Pagsusuri sa Etnograpikal na Katangian ng bawat Larong-lahi ng B’laan-Koronadal Sbek at Surul Lu Ang sbek at surul lu ay nagpapakita ng kalakasan ng mga Blaan na kung saan ang mga nananalo ay respetado sa kanilang kumunidad at minsan sila ang mga tagapagtanggol ng kanilang bayan (Delfin, 44). Ang pahayag na ito ay mas pinatibay ni Pula (37), ayon sa kanya, “amu na ang masaligan kay may kakaiba sila nga talent, lakas,” ibig sabihin, sila ang mapagkakatiwalaan ng kanilang bayan dahil sila ay may kakaibang lakas.
  • 8. Gamti Sabi ni Digu (37), “Gapractice sila kay, dba ang source sang ila mga bayan bala, nang mga sud’an sang una, sa hunting,” ibig sabihin, sa pamamgitan nito, nasasanay ang kanilang mga katribu sa pangangaso, na kanilang pinagkukunan ng pagkain. Idinagdag naman ni Aram (35) na gamit ang kanilang pana, tinitira nila ang mga usa o baboy-ramo sa gubat. Mdak Ayon sa pahayag ni Aram (35), “Dba sang una, naga wala man sang galingan na naabtan ang mga lolo namon, so amo to ang, manomano,” Ibig sabihin, dahil walang naabutan ang kanilang mga ninuno na gilingan ng palay, ito ang kanilang ginagamit. Sinabi naman ni Delfin (44) na ito ay ginawa nilang larong lahi dahil noong unang panahon, nagpapaunahan ang kanilang mga ninuo sa paggawa nito. At pinatunayan nito ni Pula (37) sa kanyang sinabi na, “sang una, nag-eenjoy sila, nagacontesanay sila sang una, para daw galaro lang sila, para hindi nila mafeel na nakapoy sila,” na nangangahulugan na sila ay nagsisiyahan sa paunahan ng pagdurog ng palay nang sa ganun ay hindi nila maramdaman ang hirap at pagod ng gawaing ito. Skafun Sa pamamagitan ng larong ito, nasasanay magbilang ang mga Blaan (Delfin, 44). Pinatunayan ito ni Aram (35) sa kanyang sinabi na, “ang Blaan, sa una wala naga-school, pero ang iya nga, paano sya natuto, sa sulod sang panimalay, sa community, sa environment. Halimbawa, nang sa amon, hindi mo na pwede na kung ikaw nga titser diri sa skwelahan, mangakig ka kay palaabsent ang bata, kay ngaa man, pag tig-harvest, tanan gid na nga mga bata nila, iinvolve nila na education man gihapon sya, pero iba na style,
  • 9. hindi sya sa classroom nga learning, kudi didtu, paghambal ni tatay, oh, tipunon mo ning giharvest nga mais, amo ni, may pangalan ang amo ni,, sigang, nang bundle.. may counting na didtu, may mathematics na tanan na ginhulag namon may numbers na siya,” sa madaling salita, kahit na noong unang panahon na hindi pa nag-aaral ang mga Blaan, hindi mo masasabi na wala silang alam, dahil sila ay natututo sa kanilang pang-araw araw na buhay kagaya ng pagbibilang sa dami ng kanilang ani. Smifel Ayon kay Delfin (44), “makita mo kung sanay ka gid manglabo ba, pero hindi sang siling na palaaway sila ha. Halimbawa, makakita sila sang mga ano, baboy-ramo, dba kung maglakt sila sa uma, may mga delikado man na didtu, hindi lang man ramo ang Makita didtu, ang ban’og gali, padasigay man sang amo sina, paabtikay man na sang mata,” ibig sabihin, sa pamamagitan ng larong ito, makikita mo kung gaano ka kasanay, kagaling, at kabilis gumamit ng espada, nang sa ganun ay magamit mo ito sa pangangaso at sa kaligtasan mo mula sa mga pinsala na maaaring maidulot ng gubat, kagaya ng mga ahas sa kakahuyan.
  • 10. V. Larong-lahi: Pagtatagpi-tagpi ng Napag alaman Sa pag-usbong ng makabangong laro sa panahon ngayon, unti-unti ng nawawala ang mga katutubong laro, hanggang sa umabot ang panahon na mawala na ito sa isip ng mga tao, ngunit dahil sa pananaliksik na ito, muling nagkaroon ng pagkakakilanlan ang mga natatanging larong-lahi ng B’laan- Koronadal at ang halaga nito sa kanilang kultura. Kagaya lamang ng Sbek, Surul Lu, Mdak, Skafun at Smifel. Sa kabuuan, makikita natin na ang Blaan- Koronadal ay higit na pinahahalagahan ang kanilang mga laro dahil sa pagkakaroon nito ng malalim na diwa sa kanilang kultura. Ang kanilang mga laro ay naging parte na ng kanilang araw-araw na pamumuhay katulad na lamang ng pag-aani, pangangaso, at mga piyesta. Ang mga larong-lahing ito ay dapat na maibahagi upang maibigkis ito sa napakayamang kultura ng ating bansa upang maging lubos na magbuklod ang mga tribung B’laan saan mang panig at kadulo-dulohan ng pilipinas. Naimpluwensiyahan man o bunga ng simpleng pamumuhay sa mga malalayong lugar ng mga B’laan-Koronadal ang mga larong-lahi ito, ay wala ng mas hihigit pa sa pagpapahayag na ang kasipagan, katapangan at katalinuhan ng ating mga katutubo ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng totoong Pilipino, matabunan man ito ng mga modernong laro huhukayin at huhukayin naming ito kagaya ng bulawan nga nalubong dahil ito ang yaman na magbibigay ng malaking kaluwagan sa pagharap sa katotohanan.
  • 11. Mga Tala 1. Hortelano, Johannes, Juan & Tindowen (2015). Indigenous Games of the Agtas of Penablanca, Cagayan. Bannag:Journal of Local Knowledge: School of Education, Arts and Sciences. 2. Del Carmen, Diano & Ole (2015). Designing Validated “Larong ng Lahi” Based Activities Mechanics. Philippine Normal University: De La Salle University, Manila, Philippines. 3. Morales, M. (2016). Exploring Indigenous Game-Based Physics Activities in Pre-Service Physics Teachers’ Conceptual Change and Transformation of Epistemic Beliefs. LSER Publications: Philippine Normal. University, Philippines. 4. Almario, V. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino. ANVIL Publishing Inc.:8007- b Pioneer St., Brgy. Kapitolyo,1603 Pasig City, Philippines. 5. Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store Inc.: Sampaloc, Maynila. 6. Landau, S. (2010). The New International Webster’s Dictionary Thesaurus & Atlas.Trident Reference Publishing: Naples Florida, USA. 7. Lopez, Beldia, Pangan (2009). Physical Education, Health and Music. Rex Book Store Inc.: Sampaloc, Manila. 8. Forsey, M. (2010). Ethnography as Participant Listening. SAGE Publications: The University of Western Australia, Australia 9. Reeves, S. et al (2013). Ethnography in Qualitative Educational Research: AMEE Guide No.80. Medical Teacher: University of California, USA. 10. Naidoo, L. (2012). Ethnography: An Introduction to Definition and Method. Western University Sydney: Sydney, Australia
  • 12.