1. Panuto: Sagutin ang mga pahayag at tanong sa grapikong representasyon upang
maibigay ang mga impormasyon tungkol sa tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa kasarian. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
2. BALIK-ARAL
• Sa natapos na modyul, nabigyang diin ang tungkol sa tugon ng pamahalaan ukol sa
karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan , kababaihan at LGBTQI+.
• Dito mo rin natutuhan na patuloy na tinutugunan at itinataguyod ng pamahalaan ang
husay at galing ng bawat kasarian.
• Naunawaan mo rin sa nakaraang modyul ang kahalagahan ng mga tugon ng
pamahalaan sa mga isyu ng kasarian sa lipunan sa iyong buhay bilang
mamamayanan.
3. PAGKAKAIBA
Ni: Marie Cris F. Tecson
Respeto!
Pitong letra, isang salita
Wari' ba'y katumbas, mala-gintong halaga
Hirap matamasa, lalo kung sa mata nila, ikaw ay iba.
Sino ka nga ba at sino nga ba sila?
Tayo nga ba'y may tunay na pagkakaiba?
Bakit 'di alisin ang tingin sa limitadong nakikita ng mata
At simulang pakinggan ang hinaing ng bawat isa?
Marahil ako'y rosas at ikaw ay asul
At sa kinalaunan bahaghari ay sumibol
Maaaring sa kulay, tayo'y nagkaiba
Ngunit hindi ba't sa isang obra, lahat ay mahalaga?
Siya ngang sa mata ng tunay na May-Akda
Babae't lalaki tanging Kaniyang likha
Ang mapabilang sa pangatlong kasarian
Ay isa nga bang pagkakasala?
Iba-iba man ang ating kasarian
Sa dulo'y iisa pa rin ang ating pinagmulan
Kaya’t pagkakapantay-pantay ay itaguyod at ipaglaban
Sapagkat tayong lahat ay may iisang karapatan.
4. • Sa bahaging ito, iyong mababasa ang isang tula na talaga
namang pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo
itong mabuti sapagkat ito ay makatutulong sa pagtahak
mo sa kabuuan ng aralin.
5. 1. Ano ang ipinapahiwatig ng tula?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang
binabasa ang tula? At bakit?
3.Sino-sino ang mga karakter na ipinapakita sa tula?
Ano ang kanilang pagkakaiba?