KAPAKINABANGANG PANG -EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA YAMAN
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya ang Pilipino ay karaniwang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang pangangailangan. Pangunahing kapakinabangan ay ang mga produktong nakukuha rito.
Malawak ang pangisdaan sa bansa. Sariwa at masarap ang mga isdang nahuhuli sa mga karagatan,dagat, look, at ilog ng Pilipinas. Ilan sa mga isdang ito ay bangus, tilapia, alumahan, tambakol, galunggong at karpa. Marami rin ditong pusit, hipon, sugpo, alimasag, at alimango.Mayroon din mga prutas at gulay at pang-agrikulturang produkto gaya ng mga troso.
KAPAKINABANGANG PANG -EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA YAMAN
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya ang Pilipino ay karaniwang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang pangangailangan. Pangunahing kapakinabangan ay ang mga produktong nakukuha rito.
Malawak ang pangisdaan sa bansa. Sariwa at masarap ang mga isdang nahuhuli sa mga karagatan,dagat, look, at ilog ng Pilipinas. Ilan sa mga isdang ito ay bangus, tilapia, alumahan, tambakol, galunggong at karpa. Marami rin ditong pusit, hipon, sugpo, alimasag, at alimango.Mayroon din mga prutas at gulay at pang-agrikulturang produkto gaya ng mga troso.
3. •Magdaos ng ilang minutong
pagbabalitaan hinggil sa mga
huling kaganapan sa bansa
4. •Tukuyin ang mga
larawan sa ibaba.
Hanapin sa kahon at
isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11. 1. Anu-ano ang mga nasa larawan?
2. Sa paanong paraan
napapakinabangan ng bansa
ang mga ginto, uling at perlas
?
3.Sa paanong paraan
nakakatulong ang windmill ng
Ilocos Norte?
12. Tumawag ng mga
mag-aaral at itanong
kung saan nakatira at
anu-anong lugar na
ang kanyang
napuntahan?
13. •Bilang isang archipelago
bansa ana may 7,641 na
pulo, ang pilipinas ay
sagana sa likas na yaman.
Ang mga likasa na yaman
na galing sa anyong lupa at
anyong tubig.
14.
15. • Mga Kapakinabangang Pang- Ekonomiko ng mga Likas na Yaman
•Ang Pilipinas ay sagana sa likas na
yaman, kung kaya ang Pilipino ay
karaniwang umaasa rito upang
matugunan ang kaniyang
pangangailangan. Pangunahing
kapakinabangan ay ang mga
produktong nakukuha rito.
16. •Malawak ang pangisdaan sa bansa. Sariwa
at masarap ang mga isdang nahuhuli sa
mga karagatan,dagat, look, at ilog ng
Pilipinas. Ilan sa mga isdang ito ay bangus,
tilapia, alumahan, tambakol, galunggong
at karpa. Marami rin ditong pusit, hipon,
sugpo, alimasag, at alimango.Mayroon din
mga prutas at gulay at pang-agrikulturang
produkto gaya ng mga troso.
17. •Ang mga mineral naman gaya
ng ginto ,pilak, at tanso.Ang
mga produktong ito ay
iniluluwas din sa ibang bansa.
Nangangahulugan ito ng
karagdagang kita sa ating
kabang – yaman . At ito ay
dagdag na pag-angat ng ating
ekonomiya.
18. • May mga produktong dagat din na
ginagawa na sa industriya tulad ng
bagoong, patis, tinapa, at daing. May
mga produkto din na nakukuha sa
ilalim ng dagat tulad ng perlas at mga
kabibe na ginagawang palamuti. May
mga produko din sa pagmimina kung
saan ang Pilipinas ay nangunguna sa
produksiyon ng tanso, ginto, at
chromite. May matatagpuan ding
minahan ng pilak , petrolyo, apog, at
platinum sa bansa
19. • Bukod sa mga kalakal at produkto,likas
na yaman din na maituturing ang
maraming lugar at tanawin sa bansa .
Tulad ng Chocolate Hills ng Bohol,
Hundred Islands ng Alaminos,
Pangasinan, Banaue Rice Terraces,
Bulkang Taal ng Batangas, Boracay ng
Aklan , Talon ng Maria Cristina at
Pagsanjan sa Laguna. Ilan lamang ito sa
mga nagbibigay ng maraming atraksyon
sa mga turista buhat sa mga karatig –
lalawigan at maging sa labas ng bansa.
20. •Dinarayo rin ng mga turista ang
mga ilog, kabundukan,
kagubatan maging ang
makasaysayang lugar sa bansa .
Kabilang dito ang Fort Santiago,
Mansyon ni Aguinaldo at
Luneta Park. Bunga nito, malaki
ang naiaambag ng turismo sa
pag- unlad ng ekonomiya.
21. •Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas
na yaman ng bansa. Dahil dito, hindi na
natin kailangang umangkat ng maraming
krudo o langis. Pinatatakbo ang mga
planta ng kuryente sa pamamagitan ng
puwersa ng tubig na nagmumula sa
magandang tanawin ng Talon ng Maria
Cristina, at Lawa ng Caliraya. Kasama rin
ang lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos
Norte, Mindoro, Pililla at Caparispisan ng
Pagudpud sa pamamagitan ng windmill.
Ilan lamang ito sa kapakinabangang
nakukuha sa kalikasan
22. 1. Ilarawan ang kaugnayan ng
mga salita sa loob ng kahon
2. May epekto ba ang paggamit
ng likas na yaman sa pag-
unlad ng ekonomiya ng
bansa?___
23. Pangkatin ang mga bata sa 4. Ang bawat
pangkat ay magbibigay ng halimbawa ng
anyong tubig at anyong lupa. at ibigay
kung anong ang kapakinabangan nito.
24. Ang bawat grupo ay
magbabahagi ng
kanilang ginawa at
opinion hinggil sa
kanilang ginawa.
25. Ang mga likas na yaman ay
nagdudulot ng maraming
kapakinabangan sa ating bansa.
Ilan sa mga pinagmumulan ng
kapakinabangang pang-
ekonomiko ay ang mga
produkto at kalakal, turismo at
enerhiya.
26. Ano - ano ang mga kapakinabangang pang –
ekonomiko ng bansa?
Ang mga likas na yaman ay nagdudulot ng
maraming kapakinabangan sa ating bansa. Ilan sa
mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang-
ekonomiko ay ang mga produkto at kalakal,
turismo at enerhiya. Kabilang ang mga isda at iba
pang lamang dagat, prutas at gulay, mga troso,
pilak ginto, at tanso sa ating produkto at kalakal.
Ilan sa mga pinagmulan ng kapakinabangan pang-
ekonomiko ay ang mga produkto at kalakal mula sa
mga likas na yaman, turismo, at kalakalan
27. Piliin at isulat kung ang mga sumusunod
na salita ay naglalarawan ng
kapakinabangang pang –ekonomiko
tulad ng turismo, produkto at kalakal o
enerhiya.
________ 1. windmill
________ 2. Bulkang Taal
________ 3. ginto,pilak at tanso
________ 4. Luneta Park
________ 5. isda, prutas at gula
28. Basahin at bilugan ang letra ng
wastong sagot
1. Ito ay nagbibigay produksyon,
pamamahagi at paggamit ng mga
produkto o serbisyo na nakatutulong sa
paglago ng ekonomiya ng ating bansa.
A. ekonomiya C.likas na yaman
B. produkto D. pang-ekonomiko
29. 2. Tumutukoy sa pananim,hayop
,halaman, at iba pang
pinagkukunang yaman na
makikita sa anyong- lupa at
tubig.
A.yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang mineral
D. likas na yaman
30. 3. Ang mga isda, pusit, hipon ay
ilan lamang sa pinagkukunan ng
kapakinabangan pang –
ekonomiko na nabibilang sa
_____________.
A. enerhiya C. turismo
B. industriya D. produkto at
kalakal
31. 4. Bakit maituturing na likas na
yaman ang maraming lugar at
tanawin sa bansa?
A. maganda sa paningin
B maraming malalaking bahayan
C. dahil sa atraksyong dala nito sa
mga tao
D. malakas itong atraksyon sa mga
turista at karatig-lalawigan at bansa.
32. 5. Ang mga sumusunod
na produkto ay ginawa
sa industriya maliban sa
isa.
A. bagoong C. patis
B. karpa D. tinapa