Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Sinaunang AsyanoIrral Jano
Inihahandog po ng aming grupo ang isang maiksing presentasyon tungkol sa mga paniniwala ng mga Sinaunang Asyano. Ito po ay para sa aming asignaturang 'Araling Panlipunan.' Ang ibang inpormasyon po rito ay hindi mismo galing sa amin ngunit galing ito base sa aming mga saliksik.
Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Sinaunang AsyanoIrral Jano
Inihahandog po ng aming grupo ang isang maiksing presentasyon tungkol sa mga paniniwala ng mga Sinaunang Asyano. Ito po ay para sa aming asignaturang 'Araling Panlipunan.' Ang ibang inpormasyon po rito ay hindi mismo galing sa amin ngunit galing ito base sa aming mga saliksik.
3. LIKAS NA YAMAN
Ito ay tumutukoy sa mahahalagang
kayamanan ng mga anyong lupa at
anyong tubig.
Bumubuo ng mga hilaw na materyales
na nagmumula sa likas na kapaligiran
ng isang bansa.
Kadalasan ito ang nagtatakda ng
kalagayan ng isang bansa sa
pandaigdigang ekonomiya.
7. • SA AGRIKULTURA
• Naging pusod ng agrikultura ng
China.
• Naging kilala bilang
pinakamalaking
pinanggagalingan ng bigas,
bulak, tsaa, trigo, at mais sa
buong daigdig.
• 15% lamang ng lupain ng bansa
ang napagtatamnan. Ang 15%
na ito ay katumbas ng 10% ng
pangkalahatang lupaing
napagtatamnan sa buong
daigdig na sumusuporta naman
sa 20% ng populasyon ng
daigdig.
9. • Ipinatupad ang land reclamation schemes, sistemang irigasyon, paggamit ng
iba’t ibang uri ng butil, at makabagong abono. Bunga nito, ang bansa ay
nakapag aani na rin ng iba pang produktong pagkain tulad barney, soybeans at
patatas.
11. • SA EKONOMIYA
China:
• Mayaman ang China
sa langis at iba pang
mineral na
karaniwang
nagmumula sa gitna
at hilagang
kabundukan nito.
• Pinakamalaking
tagapagtustos ng
tungsten, tin,
antimony, zinc, at iba
pang metal.
• Nangunguna din sa
yamang hydropower
sa buong daigdig.
13. • Naging mayaman ang Taiwan sa wind at solar energy na
nakatulong sa pagpapaunlad ng mga industriyang panteknolohiya
tulad ng gadget.
• Ang Japan naman ang nagging kauna- unahang economic miracle
sa rehiyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Ang bagay na ito ang naglagay sa Japan sa daigdig ng ekonomiya
bilang World’s Leading Industrial Power.
• Ang South Korea ay nagging maunlad sa industriyang tela, plastic,
abono, at mga kagamitang elektroniko sa bansa. Samantala, ang
North Korea naman ay nagunguna sa produksiyon ng graphite,
tungsten, at magnesite.
• Samantala, mayaman naman ang Mongolia sa mineral na ginto at
wolfram.
14. • SA PANAHANAN AT KULTURA
• Ang mga magsasaka rito ay karaniwang
nakatira sa magkakalapit na mga
pamayanang ang panirahan ay gawa sa
luwad at adobe.
• Sa Sichuan, ang mga panahanan ay gawa
sa ladrilyo na karaniwang nakatayo sa
gilid ng mga bundok at kung hindi naman
ay naglalakihang pampublikong gusali.
• Nomadic naman ang buhay sa hilagang
bahagi ng Xinjiang at Tian Shan.
• Condominium naman ang tirahan ng mga
Tsinong nasa mga lungsod at
naghahanapbuhay sa mga opisina.
China:
15. Japan:
• Ang mga taong naninirahan sa
malalayong pulo ng bansa ay
karaniwan ng mangingisda at
magsasaka samantalang ang
mga naninirahan naman sa
mga lungsod na karaniwang
naghahanapbuhay sa mga
sentrong gusali ay naninirahan
sa nagtataasang gusali at
gumagamit ng pinakabagong
teknolohiya.
16. • Karaniwang mga magsasaka
ang mga Koreanong
naninirahan sa Hilagang
bahagi ng South Korea. Sila
ay karaniwang naninirahan
sa mga bulubundukin kung
saan matatagpuan ang
kanilang tera-terasang mga
sakahan.
• Hindi naglaon, sa
pagsisimula ng
modernisasyon sa bansa,
ang karamihan sa mga
kabataang Korano ay
nagsimula nag lumipat sa
mga lungsod upang mag aral
o maghanapbuhay.
South Korea:
20. • Ang malawak na lambak ng Indus,
Ganges, at Brahmaputra ay
kabilang sa pinakamatabang
kapatagang sakahan sa daigdig.
• Tinaguriang “Pusong Lupain ng
India” at kinikilalang pinagmulan
ng sinaunang kabihasnan.
• Agrikultura ang pinakamahalagang
sector ng ekonomiya ng
Bangladesh.
• Pagsasaka at paghahayupan
naman ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga taga Bhutan
at taga Nepal.
• 80% ay nakasalalay sa pagsasaka.
21. • Ang jute ay tumutubo lamang sa mauulan na
lupaing tulad ng Bangladesh. Tinaguriang
“golden fiber”.
• Bigas, trigo, mais, barley at iba pa
ay ang pangunahing ani ng
Bhutan at Bangladesh.
22. • Mayaman sa kagubatan
• Matatagpuan ang mga tanyag na teak wood at sandal wood na gamit sa
konstruksiyon.
• Mayaman sa mineral.
• Pumapang apat ang India sa mga bansang nagtataglay ng pinakamaraming
reserbang karbon sa buong daigdig.
• Ang Bangladesh naman ay mayaman sa natural gas at karbon.
• Sa Pakistan, bagama’t mahinang uri ng karbon ang matatagpuan dito ay may
maipagmamalaki naman itong natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at limestone.
• Sa Nepal naman matatagpuan ang maraming uri ng calcium carbonate,
hydropower, at gypsum.
• Sa Sri Lanka ay may mayaman na mga batong sapphire at ruby at mga yamang
tubig.
• Nakakatulong din sa India, Pakistan, at Bangladesh ang hydroelectric power.
23. • Ang panaahanan at kultura ng mga bansa sa Timog Asya ay nauugnay sa uri ng
klima at topograpiya sa rehiyon.
• Sa pulo ng Sri Lanka at Maldives ang mga panahanang ang loob ay makapagbibigay
ng mas malamig na pakiramdam.
• Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahan na makatatagal sa mahaba at napakalamig
na klima.
• Sa Bangladesh, rural pa rin ang uri ng buhay. Ang mga panahanan ay karaniwang
parihaba na gawa sa luwad, kawayan, o pulang ladrilyo. Ang mga panahang ito ay
kinakailangang nakataas mula sa lupa bilang pag- iwas sa baha.
28. • May klimang monsoon na nagbibigay ng higit na masaganang produksiyon
ng bigas at iba pang produktong nakatutulong sa paglinang ng ekonomiya ng
mga bansa.
• May malalawak na taniman ng goma sa Malaysia, Thailand at Cambodia
kung saan matatagpuan ang malalawak na rubber plantation.
• Sa Java matatagpuan ang masaganang sakahang karaniwang ikinabubuhay
ng mga Indonesian.
• Ipinatupad ang transmigration policy.
29. • Kinilala bilang “rising tiger
economy” o may
pinakamaunlad na ekonomiya
sa mundo dahil sa nagging
mahalagang produkto ng
rehiyon ang mga pampalasa
tulad ng paminta, luya,
bawang, at nutmeg.
30. • Ang paggawa ng mga kahoy na
pangkonstruksiyon ay bumubuo ng 70% ng
ekonomiya ng Cambodia.
• Pinakamahalaga ang industriya ng timber sa
Malaysia.
• Ang Laos ay matagumpay na
nasusuportahan ng industriyang
handicraft.
• Ang Vietnam ay kasalukuyang kilala sa
paggawa ng mga tela, electronics at
sasakyan.
31. • Ang pangunahing likas na
yaman ng Singapore ay ang
malalim na daungang
baybayin nito.
• Nalinang ng bansa ang
kalakalang extended
entrepot. Ito ay may
kinalaman sa pagbili ng
hilaw na materyales mula
sa ibang bansa. Halimbawa
ang water fabrication
industry at oil refining.
• Ang Singapore ang kilala sa
kasalukuyan bilang pinaka
industriyalisadong bansa sa
Timog- Silangang Asya.
32. 1995 – kinilala bilang pangunahing
destinasyon.
1996-turismo ay nagbigay sa Thailand
at Lao PDR ng 7% na pagtaas ng GDP.
Mula noong 2000, naunahan naman ng
Cambodia ang lahat ng bansang ASEAN sa
kita na nagmula sa turismo na umabot ng
15% na pagtaas ng GDP ayon sa 2006 WDI.
SINGAPORE:
33. • Karaniwan sa mga lalawigan dito
ay gumagamit ng prefabricated
o pinagkabit- kabit na
materyales sa pagbuo ng
panahanan.
• Ang mga panahang stilt na
nakatayo sa tabing dagat na
nasusuportahan ng mga poste
ang karaniwang tahanan ng mga
mangingisda sa rehiyon.
• Nipa hut o bahay- kubo na
nabububungan ng mga pawid
ang karaniwang panahanang
matatagpuan sa paligid ng mga
sakahan.
35. • Higit na kilala bilang
Gitnang Silangan o
Middle East at Near East
batay sa lokasyon nito sa
Europe.
• Karamihan sa mga
bansang ito ay kasapi sa
Organization of
Petroleum Exporting
Countries (OPEC).
• Ang organisasyong ito ay
binubuo ng mga bansang
mayaman sa langis at
siyang nagluluwas ng
pinakamalaking bahagi
nito sa buong mundo.
37. • Bulak ang pinakamahalagang
produkto ng Yemen bukod sa
millet, sorghum at sesame.
• Ang Iran naman ay kilalang
pinanggagalingan ng cereal,
tubo, iba’t ibang prutas, wheat
at barley.
• 16% ng lupain ng Armenia ay
pawang mga sakahan kung
saan ang sampung porsiyento
ng lakas- manggagawa ay
nagsasaka.
• 30% naman ng lakas- paggawa
ng Azerbaijan ay pawing
magsasaka.
38. • Ang mga bansang
Turkey at Cyprus ay
nakapagtatanim at
nakapag-aani ng mais,
barley, at bigas.
• Paghahayupan at
pagsasaka ang
pangunahing
pinanggagalingan ng
kanilang kitang pang-
ekonomiya.
39. • Nakasandig sa pagluluwas ng
langis at natural gas.
• Pag-aari ng Saudi Arabia ang
ikalimang bahagi ng reserbang
langis sa buong mundo.
• Ang Saudi Arabia ang
pinakamayang bansa sa
daigdig.
• Nagpoprodyus ng mga
produktong dairy at
explorasyon ng mineral sa
bansa.
40. • Nilinang ang industriyang
turismo upang higit na mapasigla
ang padayo ng mga turista sa
kanilang mga bansa.
• Pinangunahan naman ng Qatar
ang paglilinang ng knowledge
economy mula pa noong 2004.
• Knowledge economy ay
tumutukoy sa pagkilala at
paggamit ng teknolohiya sa
paglilinang, pagbabahagi at
paggamit ng kaalaman.
• Turismo, financing,
manufacturing at sector ng
serbisyo naman ang
kasalukuyang pinagtutuunan ng
pansin ng Dubai sa United Arab
Emirates.
41. • Itim na tolda ng mga taong nomad
ay karaniwang makikita sa mga
lugar na malapit sa oasis.
• Ang mga nomad ay karaniwang
nagpapalipat-lipat ng tirahan batay
sa panahon ng pagpapastol.
• May mga tirahang gawa sa luwad at
bato.
• May mga panirahang gawa sa
malaking tipak na bato at semento
sa mabubundok na bansa ng
Lebanon, ilang bahagi ng Syria,
Turkey, Iran at Iraq.
• Karaniwang kawani ng mga
pagawaan ay naninirahan sa
townhouse na gawa sa luwad at
semento.
43. • Higit na kilala bilang Central Asia o
Gitnang Asya.
• Saklaw ang malaking bahagi ng
matataas na bundok ng Pamir.
• Ang mga bansa sa rehiyon ay may
malapit na pagkakaugnay sa mga
taong nomadic at Silk Road.
46. • Fergana Triangle at ang lambak ng Chui River ang itinuturing na sentrong
agricultural ng rehiyon.
• Bantog sa pagkakaroon ng masagana at mayamang lupain.
• Ang Syr Darya River at Amu Darya River ang pinagmumulan ng koryente sa
malawak na lupain sa rehiyon.
• Sa Kazakhstan matatagpuan ang pinakamalaking paglobo ng populasyon sa
daigdig na may bilang na halos 90,000.
• Kagubatang alpine ng rehiyon ang siyang sumusustento sa pangangailangan
ng mga alagang hayop.
47. • Hindi lamang umaasa sa mga
produktong agricultural.
• Nasusustentuhan ng yamang mineral.
• Bantog na mayaman sa mga mineral
na tulad ng krudo, iron ore, petrolyo,
natural gas.
• Matatagpuan ang Muruntau Gold
Mine sa disyerto ng Qyzylqum,
Uzbekistan na tinatayang
pinakamalaking minahan sa buong
mundo.
• Pangwalo sa pinakamalaking
prodyuser ng ginto at kemikal sa
buong mundo.
48. • Yurts ang tawag sa kanilang
tirahang animo tolda.
• Madali nilang tinitiklop sa
sandaling kinakailangan
nilang lumipat ng lugar
upang makapanginain ng
kanilang mga alagang
hayop.
• Samantala, ang mga nasa
pook urban naman ay
nananahan sa mga pabahay
na gawa sa modernong
arkitektura.
57. Populasyon 2014 est. Bahagdan ng Populasyon
Asya 4,298,723,288 60.02%
Iba pang rehiyon ng daigdig 2,863,396,146 39.98%
Kabuuan 7,162,119,434 100%
• Mahigit sa kalahati ng populasyon ng daigdig ay naninirahan sa Asya.
• Sa Asya din matatagpuan ang mga bansang may pinakamabilis na pagdami
ng populasyon at mataas na bahagdan ng kakapalan ng tao.
• Dapat mapanatili ang Ecological Balance.
59. • Ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng buhay ng tao ay naaayon sa kakayahan
at kasaganaan ng lupaing paninirahan nito.
• Dahil sa pang-aabuso ng tao sa lupaing kanyang paninirahan, bumababa ang
kalidad o kakayahan nitong makapagbigay ng masaganang ani.
• Dahil sa pagpuputol ng puno sa kagubatan at pagpapastol ng mga hayop sa
lupaing steppe ay napipinsala ang lupa.
61. • Ang urbanisasyon ng populasyon ay isang
natural na dahilan ng paglaganap ng
kasalukuyang populasyon sa mga lungsod na
karaniwang sentro ng edukasyon, pamahalaan,
at ekonomiya.
• Sa Asya nararanasan ang pinakamataas na
antas ng urbanisasyon sa buong daigdig.
• Megacity- pook na urban pinaninirahan ng
mahigit pa ssa 10 milyong mamamayan.
• Ang Asya ay may 10 megacity, pito sa mga ito
ay nangunguna sa buong daigdig.
• Urban Heat Island- linilikha ng mga lungsod
dulot ng urbanisasyong sa kapaligiran.
63. • Ang Polusyon ay tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin,
tubig, at lupain bunga ng labis na paggamit o pagtatapon ng mga bagay
na nakalalason sa kapaligiran. Ito ay nagyayari sa rehiyong laganap ang
industriyalisasyon at nagtataglay ng malaking populasyon.
• Habang ang Cross-Border na polusyon naman ay tumutukoy sa
kontaminasyong nagmumula sa isang bansa na nagdudulot ng pinsala sa
kapaligiran ng ibang bansa. Ito ay nkaaabot sa hangganan ng isang
bansa sa pamamagitan ng daanang tubig o hangin.