Ang Pilipinas bilang isang ganap na estadoPrincess Sarah
Araling Panlipunan 6 Quarter 3
Noong Hulyo 4, 1946 naging isang ganap na estado ang Pilipinas.
4 na elemento ng Estado.
Kahulugan ng Soberanya.
Katangian ng Soberanya
Aspekto ng Soberanya
-Panloob (Internal) at Panlabas (External) na Soberanya.
Karapatan ng bawat bansang malaya.
Pagtatanggol sa estado.
Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 1
------------------
Source: DepEd
Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay
Ang Pilipinas bilang isang ganap na estadoPrincess Sarah
Araling Panlipunan 6 Quarter 3
Noong Hulyo 4, 1946 naging isang ganap na estado ang Pilipinas.
4 na elemento ng Estado.
Kahulugan ng Soberanya.
Katangian ng Soberanya
Aspekto ng Soberanya
-Panloob (Internal) at Panlabas (External) na Soberanya.
Karapatan ng bawat bansang malaya.
Pagtatanggol sa estado.
Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 1
------------------
Source: DepEd
Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay
Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
------------------
Source: DepEd
Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay
Layunin ng Praymer hinggil sa Pambansang industriyalisasyon na ipaliwanag ang pambansang industriyalisasyon, mga kongkretong batayan sa pagtataguyod nito at ang papel ng mamamayan sa pagsusulong at pagkakamit nito.
Presentation version: https://goo.gl/2Cbt0a
4. Likas na Yaman
I. Yamang Lupa
II. Yamang Gubat
III. Yamang Tubig
IV. Yamang Mineral
V. Yamang Enerhiya
5. I. Yamang Lupa
May kabuuang 30,000,000 ektarya na binubuo ng mga
kagubatan, kapatagan, kabundukan, burol, talampas, at
lupaing mineral
6. I. Yamang Lupa
Kauna-unahang salik ng produksyon
Pinagmumulan ng hilaw na material
Dito itinatanim ang mga pangunahing pagkain
Dito itinatayo ang mga impastraktura na isa pang sector –
industriya
May 7,107 na isla ang Pilipinas na ang karamihan ay maliliit
at ang iba ay walang naninirahan
7. II. Yamang Gubat
15.85 M ektarya o 50%-kagubatan
Karamihan ng ating mga kagubatan ay tropical rainforest
Sa Caraga region matatagpuan ang mga virgin forests
Sa mababang lugar naman matatagpuan ang mga
mangrove, beach, at molave.
8. Uri ng mga puno na matatagpuan sa mga
kagubatan:
Narra- pinanggalingan ng matibay na kahoy na ginagawang muwebles.
Dipterocarp Hardwood- kilala bilang Philippine Mahogany
Bamboo- isang madamong kahoy
Mangroves- Nagsisilbing bakod sa mga mababang bahagi ng katubigan
9. Mga produktong nanggagaling sa mga puno:
Goma
Papel
Troso
Tabla
Kahoy
Herbal medicines
Handicrafts
10. Mga Kapakinabangan ng Yamang Gubat
Nagsisilbing tirahan ng mga maiilap at mababangis na hayop.
Nagbibigay proteksyon sa mga watershed na pinanggalingan ng malinis na tubig
Nagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao at kita sa ekonomiya sa pamamagitan ng
pagluluwas ng mga produkto.
Nagdudulot ng balanseng ekolohikal sa kapaligiran
11. Kondisyon ng mga kagubatan
Nakalbo ang
ating mga
kagubatan bunga
ng walang
pakundangang
pagputol ng mga
puno ng mga
magtotroso at
magkakaingin.
12. Bunga ng pagkapanot ng kagubatan
Bunsod nito ang flashflood
Pagkaubos ng maiilap na hayop at mga endangered species
Pagbaba ng water level sa mga dam at ilog
Pag-init ng kapaligiran
Global warming at Climate change
Greenhouse gases
Natural catastrophes
13. Priority protected areas
Mount Isarog National Park (Bicol)- pangalawang pinakamataas na bulkan
Palanan Wilderness Area (Sierra Madre, Northern Luzon)- kumakatawan sa 10% ng natitirang
pangunahing kagubatan sa bansa.
Mount Igit-Baco National Park (Mindoro)- matatagpuan ditto ang endangered na tamaraw.
Mount Guiting-Guiting Natural Park (Romblon)- matatagpuan dito ang malalaking unggoy, fruit
bats, at mahigit na 100 na kilalang bird species.
El Nido Marine Reserve (Palawan)- Isa sa pinakatanyag na tourist spots sa bansa.
Coron Island (Palawan)- katatagpuan ng mga virgin forests at tahanan ng mga Tagbanua.
14. III. Yamang Tubig
May iba’t-ibang anyong tubig ang Pilipinas; lawa; ilog; sapa; talon; kipot; latian; golpo; at dagat.
Ang ating territorial water ay may sukat na 1,67 milyon kilometro kuwadrado.
Ang ating mga anyong tubig ay ang pinagkukunan ng iba’t ibang pagkaing dagat.
Napakahalaga ng Yamang tubig para sa ating ekonomiya at sa mga tao dahil ang pangunahing
ikinabubuhay ng 1.5 milyong Pilipino ay ang pangingisda.
Ang ating bansa ay isa sa mga nangunguna sa industriya ng tuna sa buong daigdig.
Ang ating bansa ay nabiyayaan ng malawak at masaganang Yamag Tubig.
15. Suliranin ng Yamang Tubig
Kawalan ng Disiplina- Ang pagtapon ng basura sa ating mga estero at iba pang anyong tubig ay
nagpapakita ng kawalan ng malasakit at disiplina ng tao.
Kakulangan sa Kaalaman- Walang sapat na kaalaman ang mga mangingisda ukol sa
pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda. Nararapat silang turuan ng mga makabago at
modernong paraan ng pangingisda.
Hindi pagpapatupad ng mga batas ukol sa pangangalaga ng yamang tubig- Hindi lubusang
naipapatupad ng pamahalaan ang mga naitakdang batas upang maproteksyonan ang yamang
tubig.
16. IV. Yamang Mineral
Mga yaman na nakukuha sa kailaliman ng lupa.
Isa sa pinakamahalang yaman ng bansa.
Malaki ang naiaambag ng pagmimina ng mga yamang mineral sa ating ekonomiya.
Ang gas at petrolyo ay mga di-metal na mineral na mahalaga sa ekonomiya dahil ito ay ginagamit
sa mga makinang eliktrisidad. Ang malaking deposito ng langis ay natagpuan sa may bahagi ng
Palawan.
Darating ang panahon na mauubos ang ating mga Yamang mineral kapag hindi natauhan ang
mga tao at hindi ito pangalagaan.
17. V. Yamang Enerhiya
Isang uri ng lakas upang mapaandar at maging kapakipakinabang ang isang bagay.
Uri ng yamang Enerhiya:
I. Hydroelectric Energy- Buhay sa ating Yamang tubig.
II. Solar Energy- Nagmumula sa init ng araw
III. Geothermal Energy- Init na nagmumula sa ilalim ng lupa
IV. Dendrothermal Energy- Buhat sa singaw na likha ng mga nasusunog na kahoy
V. Fossil Fuels- Mula sa labi ng mga tuyong halaman at hayop
VI. Wind Energy- Galing sa mga windmills
18. Yamang Tao ng Pilipinas
Lumilinang ng mga likas na yaman ng bansa upang matamo ang kapakinabangan ng mga ito.
Ginagamit ang yamang tao sa ilang bansa na kung saan ay kulang ang likas na yaman.
Ang yamang tao ang nagbibigay kaganaan sa paghahangad ng bansa na makagamit ng mga
modernong makinarya at teknolohiya.
Naiuugnay ang Yamang tao sa populasyon at lakas paggawa.
19. Populasyon ng Pilipinas
Ang paglaki ng populasyon ay may maganda at di-magandang epekto sa ating ekonomiya.
Ang paglaki ng populasyon ay nagbubunga ng mababang kalagayan sa buhay, kahirapan,
kawalan ng hanapbuhay, at malnutrisyom.
Ang paglaki ng populasyon ay nagbubunga rin ng maganda, hindi kinakapos sa lakas paggawa
dahil marami ang mga trabahador.
Kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang pagsisikap upang maging produktibo ang
mamayanan.
20. Lakas Paggawa
Mga tao na may edad 15 at may sapat na lakas at kaisipan upang makilahok sa gawaing
pamproduksiyon ng bansa.
Ang hindi kasali sa lakas paggawa ay ang mga hindi aktibong nakikilahok sa produksiyon ng
bansa.
Kahalagahan ng Lakas paggawa:
a. Lumilikha ng mga produkto na kailangan sa ekonomiya
b. Gumaganap bilang mamimili ng mga produkto at serbisyo
c. Nagpoproseso ng hilaw na material mula sa agrikultura
d. Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan
e. Lumilinang at mangangalaga ng mga likas na yaman.
f. Susi sa patuloy na pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
21. Yamang Kapital
Mga bagay na nilikha ng tao upang makatulong sa paglikha ng mga produkto.
Ang mga makinarya, gusali, bahay kasangkapang pamproduksiyon, pantransportasyon, at
komunikasyon ay ilan sa sa mga yamang pisikal ng bansa.
Ang capital ay nagawang produkto na ginagamit sa paglikha ng iba pang produkto.
Iba’t ibang gamit ng kapital para sa produksiyon:
a. Pirmihan- ginagamit ng paulit-ulit sa mahabang panahon
b. Espesyal- ginagamit ng isang tanging layunin lamang
c. Iniikot- ginagamit ng isang ulit lamang
d. Produktibo- ginagamit upang makalikha ng ibang produkto
22. Ginagampanan ng Yamang Kapital
Nakakatulong sa pagiging produktibo ng mga manggagawa.
May takdang panahon rin ang kapakinabangan ng yamang kapital, maluluma rin
ang mga ito.
Dapat kumilos ang pamahalaan upang ang kita na tinatanggap ng mga tao ay
tumaas nang sa gayon ay lumaki di ang pag-iimpok at pamumuhunan sa bansa.