MAGANDANG ARAW GRADE
9,
PURIHIN SI HESUS AT SI
MARIA.
BALIK-ARAL: IBAHAGI
MO.
Ano ang mahalagang aral
ang natutuhan mo sa
ikalawang Markahan?
Anong paksa ang pinaka
tumatak sa iyong isipan sa
nakaraang markahan?
M _ H _ _ M _ G _ N _ _ _
A AT A A H
D I
Aralin Blg. 1
Mahatma Gandhi –
Pagmamahal sa Inang
Bayan
II. PAGLALAHAD
A. PRESENTASYON NG KONSEPTO:
 Malaman ng mga mag-aaral ang naging
paraan upang mahalin at tangkilikin ang
sariling atin.
 Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral
sa pamamagitan ng pagsuri sa naging paraan
upang mahalin at tangkilikin ang sariling
atin.
MAHATMA GANDHI
 Siya ang pampulitika at espiritwal na pinuno ng
Kilusang Kalayaan ng India.
 Ang pilosopong ito ay nagpalaya sa India at
nagbigay inspirasyon sa mga karapatang sibil at
tagapagtaguyod ng kalayaan sa buong mundo.
 Isinagawa niya ang mapayapang pag-aalsa para sa
mga karapatan ng pagkamamamayan ng pamayanan
ng India sa Timog Africa.
MAHATMA GANDHI
Ang tulang Mahatma Gandhi ni Amado V.
Hernandez ay isang uri ng tulang Oda sapagkat ang
tula ay tungkol at dedikado kay Mahatma Gandhi na
kung saan sa tula siya ay pinapapurihan ng may akda.
Talata 1
Ang paglilider mo'y namumukod-tangi
Pulos halimbawa't walang talumpati;
Inyong inaakay ang buo mong lahi
Sa paghihimagsik na may ibang uri
Talata 2
Wala kayong armas na gamit sa laban
Kundi boykoteo ng dayong kalakal;
Kung wala nang damo'y lilipad ang balang
Kung wala nang ginto'y lalayas ang dayuhan!
Talata 3
Ika'y pasimuno sa ulirang gawa,
Unang tumutupad sa sinasalita;
Naghubad ng telang sa Londres nilikha,
Naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.
Talata 4
Walang automobil, walang sula't hiyas,
Wala kang palasyo't salaping inimbak,
Walang katungkulang ang sahog ay limpak
Pagkamakabaya'y sakripisyong lahat.
Talata 5
Namulat ang India... Daling iwinaksi
Ang diwang alipin... nais magsarili
Ang Britanya'y tila di makatanggi
Tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!
Talata 6
Mapalad ang India't may Mahatma...
Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga'y siyang sinasamba
At ang katutubo'y kuskusan ng paa!
Mga Gabay na Tanong:
 Anong katangian ang dapat taglayin ng
isang mamumuno sa Pilipinas upang ang
ating bansa ay makaahon sa kahirapan?
 Sa iyong palagay, mayroon kayang
pinunong Pilipino ang maihahambing kay
Mahatma Gandi? Patunayan ang sagot.
GAWAIN BLG. 1
Isulat ang aral na natutuhan mo mula sa
tulang Mahatma Gandhi sa pamamagitan
ng lima hanggang walong pangungusap.
Ilagay ang sagot sa portfolio sa Filipino.
Ito ay ipapasa sa susunod na pagkikita.
Takdang Aralin Blg. 1
Magsaliksik tungkol sa Parabulang “ Ang
Alibughang Anak”. Basahin ang akda at
magsulat ng nasaliksik tungkol dito sa tulong
ng limang pangungusap. Ilagay ang sagot sa
kwaderno.

Aralin-Blg-1-Mahatma-Gandhaaaaaaaaai.pptx

  • 1.
    MAGANDANG ARAW GRADE 9, PURIHINSI HESUS AT SI MARIA.
  • 2.
    BALIK-ARAL: IBAHAGI MO. Ano angmahalagang aral ang natutuhan mo sa ikalawang Markahan? Anong paksa ang pinaka tumatak sa iyong isipan sa nakaraang markahan?
  • 3.
    M _ H_ _ M _ G _ N _ _ _ A AT A A H D I
  • 4.
    Aralin Blg. 1 MahatmaGandhi – Pagmamahal sa Inang Bayan
  • 5.
    II. PAGLALAHAD A. PRESENTASYONNG KONSEPTO:  Malaman ng mga mag-aaral ang naging paraan upang mahalin at tangkilikin ang sariling atin.  Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsuri sa naging paraan upang mahalin at tangkilikin ang sariling atin.
  • 6.
    MAHATMA GANDHI  Siyaang pampulitika at espiritwal na pinuno ng Kilusang Kalayaan ng India.  Ang pilosopong ito ay nagpalaya sa India at nagbigay inspirasyon sa mga karapatang sibil at tagapagtaguyod ng kalayaan sa buong mundo.  Isinagawa niya ang mapayapang pag-aalsa para sa mga karapatan ng pagkamamamayan ng pamayanan ng India sa Timog Africa.
  • 7.
    MAHATMA GANDHI Ang tulangMahatma Gandhi ni Amado V. Hernandez ay isang uri ng tulang Oda sapagkat ang tula ay tungkol at dedikado kay Mahatma Gandhi na kung saan sa tula siya ay pinapapurihan ng may akda.
  • 8.
    Talata 1 Ang paglilidermo'y namumukod-tangi Pulos halimbawa't walang talumpati; Inyong inaakay ang buo mong lahi Sa paghihimagsik na may ibang uri Talata 2 Wala kayong armas na gamit sa laban Kundi boykoteo ng dayong kalakal; Kung wala nang damo'y lilipad ang balang Kung wala nang ginto'y lalayas ang dayuhan!
  • 9.
    Talata 3 Ika'y pasimunosa ulirang gawa, Unang tumutupad sa sinasalita; Naghubad ng telang sa Londres nilikha, Naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha. Talata 4 Walang automobil, walang sula't hiyas, Wala kang palasyo't salaping inimbak, Walang katungkulang ang sahog ay limpak Pagkamakabaya'y sakripisyong lahat.
  • 10.
    Talata 5 Namulat angIndia... Daling iwinaksi Ang diwang alipin... nais magsarili Ang Britanya'y tila di makatanggi Tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi! Talata 6 Mapalad ang India't may Mahatma... Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta? Dito ang banyaga'y siyang sinasamba At ang katutubo'y kuskusan ng paa!
  • 11.
    Mga Gabay naTanong:  Anong katangian ang dapat taglayin ng isang mamumuno sa Pilipinas upang ang ating bansa ay makaahon sa kahirapan?  Sa iyong palagay, mayroon kayang pinunong Pilipino ang maihahambing kay Mahatma Gandi? Patunayan ang sagot.
  • 12.
    GAWAIN BLG. 1 Isulatang aral na natutuhan mo mula sa tulang Mahatma Gandhi sa pamamagitan ng lima hanggang walong pangungusap. Ilagay ang sagot sa portfolio sa Filipino. Ito ay ipapasa sa susunod na pagkikita.
  • 13.
    Takdang Aralin Blg.1 Magsaliksik tungkol sa Parabulang “ Ang Alibughang Anak”. Basahin ang akda at magsulat ng nasaliksik tungkol dito sa tulong ng limang pangungusap. Ilagay ang sagot sa kwaderno.