Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
- Estruktura ng Daigdig
- Longhitude at Latitude
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Kabihasnang Sumer.
Modyul I: Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig
Paksa:
I. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
- Estruktura ng Daigdig
- Longhitude at Latitude
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Kabihasnang Sumer.
AP Q2 Week_3 Kasalukuyang Pamumuhay ng mga Tao sa Kasaysayan ng.pptx
Aralin-2 Ang Mga Sinaunang Tao - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
1. MUNTINLUPA BUSINESS HIGH SCHOOL
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan
8 – Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan
Aralin 2: Ang Mga Sinaunang Tao
Pangalan: _____________________________________ Petsa:_____________________________________
Baitang: _______________________________________ Iskor: _____________________________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat lamang ang
MALAKING TITIK ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon).
A. Sumer B. Catal Huyuk C. Indus D. Mesoamerica
2. Ito ang pinakatanyag na Australopithecus Afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974 sa Ethiopia.
A. Ape B. Chimpanzee C. Lucy D. Hominid
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng
mga kasalukuyang tao?
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
4. Ano ang sinasabing pinakamalapit na kaanak tao?
A. Australopithecus Afarensis B. Ape C. Australopithecine D. Chimpanzee
5. Ito ay kilala sa tawag na “handy man” dahil sa kakayahan nitong makagawa ng mga kagamitang yari sa bato.
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
6. Ito ay kilala bilang “taong nakakatayo ng tuwid”.
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens sapiens D. Homo sapiens
7. Ito ay kilala bilang “taong nakakapag-isip”.
A. Homo erectus B. Homo habilis C. Homo sapiens D. Homo antecessor
8. Isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatuklas sa bakal na naninirahan sa Kanlurang Asya.
A. Sumerian B. Akkadian C. Persian D. Hittite
9. Ito ang tawag sa mga sinaunang tao na pagala-gala o walang permanenteng tirahan.
A. monghe B. nomadiko C. asetiko D. pagano
10. Siya ay isang siyentista na nakilala dahil sa kanyang “The Evolution of Man”.
A. Jean-Baptiste Lamarck B. Alfred Russel Wallace C. Carolus Linnaeus D. Charles Darwin
II. Panuto: Bigyan ng kahulugan o deskripsyon ang mga sumusunod na salita:
11. Homo
12. Ape
13. Panahong Paleolitiko
14. Panahong Neolitiko
15. Panahong Metal
2. III. Panuto: Tukuyin kung anong panahon ang binabanggit sa pangungusap. (PALEOLITIKO, NEOLITIKO o METAL)
16. Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay.
17. Natuklasan nila ang paggamit ng apoy.
18. Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.
19. Dito nagsimula ang sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.
20. Pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng pagkain at walang permanenteng tirahan.
21. Natutuhang gamitin ang mga inaalgaang hayop tulad ng kabayo, baka bilang sasakyan o karwahe.
22. Sa yungib sila tumitira upang maging ligtas sa lamig ng panahon.
23. Gumagamit ng matutulis na bato at kulay sa pagpipinta.
24. Umusbong ang mga bayan at lungsod.
IV. Panuto: Tukuyin kung anong pananaw tungkol sa pinagmulan ng tao ang binabanggit sa pangungusap.
(Creationism, Alamat, Naturalistic Evolution o Theistic Evolution)
25. Ito ay sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyal sa kalawakan ay nilikha ng isang Diyos.
26. Dito nakilala sina Malakas at Maganda.
27. Ito ay laganap sa paniniwala, partikular sa mga Kristiyano.
28. Ito ay isang paniniwalang naganap ang ebolusyon subalit ito ay pinasimulan at pinamahalaan ng Diyos.
29. Ang lahat ng mga nilalang ay nagmula sa iisang ugat o ninuno.
30. Ito ay isang pagtatangkang pag-ugnayin ang mga kaisipang nakapaloob sa Creationism at ebolusyon.
HONESTY IS THE BEST POLICY.
GOD IS WATCHING YOU!!!
PreciousSisonCerdoncillo