Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
aralin11ang Sangay tagapagpaganap grade4-pdf
1. Aralin 11 – Ang
Pangulo at ang Sangay
Tagapagpaganap
2. Ang Sangay ng Ehekutibo
• May tungkuling magpatupad ng mga batas
at magsulong ng mga proyekto at programa
para sa kaunlaran ng bansa.
3. Ang Sangay ng Ehekutibo
• Ngunit hindi makagagalaw ang ehekutibo
kung walang batas na batayan ng kanilang
gagawin.
• Hindi nila maaaring gamitin ang pera ng
bayan para sa proyekto o programa nang
hindi naayon sa batas.
4. Ang Sangay ng Ehekutibo
• Ano ang kailangang gawin ng pangulo
upang maging epektibo ang nais niyang
ipatupad na proyekto o programa?
• Kapag may programa o proyekto na nais
ipatupad ang ehekutibo, hinihikayat ng
pangulo ang kongreso na gumawa ng batas
na susuporta sa planong proyekto o
programa.
5. Ang Sangay ng Ehekutibo
• Kailan karaniwang naipahahayag ng
pangulo ang mga plano niyang proyekto o
programa?
• Inilalahad ang mga planong ito sa taunang
State of the nation Address (SONA) ng
pangulo.
6. Ang Pangulo ng Pilipinas
• Pinakamataas na pinuno ng sangay ng
ehekutibo o tagapagpaganap.
• Pinakamataas na pinuno ng bansa.
• Ang kaniyang posisyon ay kapantay lamang
ng kongreso at ng korte suprema.
7. Mga Pinuno ng tatlong sangay ng
Pamahalaan
Tagapagbatas - Kongreso
Tagapagpaganap -pangulo
Tagapaghukom - kortesuprema
8. Mga kwalipikasyon ng isang pangulo
• Isang mamamayang Pilipino;
• Ipinanganak sa Pilipinas;
• Lehitimong botante;
• Marunong bumasa at sumulat;
• Hindi kukulangin sa apatnapung taong
gulang; at
• May kaalaman sa mga isyu ng bansa at may
kakayahang mamuno ng isang buong bansa.
9. Mga Tungkulin ng Pangulo
• Tumatanggap sa pinuno ng ibang bansa;
• Makipagkontrata para sa pag-utang ng
bansa sa mga lokal at internasyonal na
bangko kapag kailangan ng bansa ng
dagdag ba pondo;
• Lumalagda sa mga tratado o kasunduan ng
Pilipinas at ng ibang bansa;
• Commander-in-chief ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines)
10. Mga Tungkulin ng Pangulo
• Ano-ano ang mga hukbong bumubuo sa
Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
• Army – hukbong katihan
• Navy – hukbong dagat
• Airforce – Hukbong panghimpapawid
11. Tungkulin ng Gabinete
• Ang mga Miyembro ng gabinete ang
nagpaplano at nagpapatupad ng mga
programa at proyekto ng pamahalaan.
• Nagpupulong ang pangulo at ang mga
miyembro ng gabinete upang pag-usapan
ang katayuan ng bansa at mga programa at
proyektong pangkaunlaran.