Ang yamang pisikal o kapital ng bansa ay mga bagay na nilikha ng tao upang makatulong sa produksyon. Kabilang dito ang makinarya, gusali, at iba pang kagamitan na tumutulong sa pagproseso ng hilaw na materyales. Mahalagang mapanatili ang mga ito mula sa depresasyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga luma at nasirang kagamitan.