Ang Wika atang Lipunan
Tulad ng ating paghinga at paglakad,
kadalasan ay hindi na natin napapansin ang
kahalagahan ng wika sa ating buhay.
Ayon kay Durkheim (1985) isang sociologist,
nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa
isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan ay
may kanya-kanyang papel na ginagampanan.
Tinukoy ng lingguwistang si W.P Robinson
ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang
Language and Social Behavior (1972). Ito ay ang
mga sumusunod:
3.
(1) Pagkilala saestado ng damdamin at pagkatao,
panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan;
(2) Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling
pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng
wika na ikinaiiba nila sa iba’t ibang gamit ang wika.
4.
GAMIT NG WIKASA LIPUNAN
Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at
layunin. Maaari itong gamitin upang magtakda ng
isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman,
kumumbinse ng kapwa na gawin o paniwalaan ang
isang bagay, bumuo at sumira ng relasyon,
kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo, at sa
marami pang kaparaanan.
Ayon nga sa Australyanong linggwista na si
M.A.K. Halliday, may iba’t ibang gamit ang wika.
5.
Pitong (7) Gamitng Wika at mga halimbawa nito:
1. INSTRUMENTAL
-gamit ng wika ay nakatuon sa pagpapahayag
ng pangangailangan ng tao, tulad ng anumang
kahilingan kaugnay ng pagkain, inumin at iba pa.
Halimbawa: “Gusto ko ng gatas.”
6.
2. REGULATORI OREGULATORYO
-nakapokus sa paggamit ng wika sa
pagbibigay ng utos o pagbibigay ng gabay sa
posibleng gagawin ng ibang tao.
Halimbawa: “Ilipat n’yo ang channel ng TV.”
7.
3. INTERAKSYONAL
-gamit ngwika ay nagbibigay-pansin sa
pagpapahayag kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o
relasyon, o anumang gawain ng pakikisalamuha sa
ibang tao.
Halimbawa: “Share tayo sa chocolate.”
8.
4. PERSONAL
-gamit ngwika ay tumutukoy naman sa
pagpapahayag ng damdamin, opinion, at indibidwal
na identidad.
Halimbawa: “Mabait ako.”
9.
5. HEURISTIKO
-ang pagpapahayagay nakatuon sa pagkalap
ng impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran
ng nagsasalita.
Halimbawa: “Paano ginagawa ang ice cream?”
10.
6. IMAHINATIBO
-ito aymay kaugnayan sa pagpapahayag ng
kwento at joke, at sa paglikha ng kapaligirang
imaginary (kathang-isip).
Halimbawa: “Parang bulsa ni Doreamon ang wallet
ni daddy.”
11.
7. REPRESENTASYON OREPRESENTATIBO
-tumutukoy sa pagpapahayag ng datos at
impormasyon.
Halimbawa: “Nagpunta sa palengke si tatay.”
Kapansin-pansin sa paliwanag ni Halliday na ang
mga halimbawang ginamit ay pawang angkop sa
sitwasyon ng mga bata ay unti-unting umuunlad.
12.
Si Jakobson (2003)naman ay nagbabahagi rin ng
anim na paggamit ng wika:
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)
Saklaw nito ang pagpapahayag ng saloobin,
damdamin, at emosyon.
13.
2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)
Itoay ang gamit ng wika upang
makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng
pag-uutos at pakiusap.
14.
3. PAGSISIMULA NGPAKIKIPAG-UGNAYAN
(PHATIC)
Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan.
15.
4. PAGGAMIT BILANGSANGGUNIAN
(REFERENTIAL)
Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula
sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang maparating ng mensahe at
impormasyon.
16.
5. PAGGAMIT NGKURO-KURO (METALINGUAL)
Gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.
17.
Gawain 1
Sagutan angmga sumusunod na katanungan.
Kailangang ito’y binubuo ng tatlo hanggang
limang pangungusap.
1. Bakit kailangang maunawaan ang bawat
salitang binibigkas sa tuwing nakikipag-usap?
2. Ilarawan ang epekto ng wika sa lipunan.
3. Ano ang gampanin ng emosyon sa
pagbabahagi ng nararamdaman o opinyon?
4. Bilang isang Pilipino, paano mo mas
mapapayabong ang iyong wikang kinagisnan
kung nakatira ka sa ibang bansa?
18.
Gawain 2
Sagutan angmga sumusunod na katanungan.
Kailangang ito’y binubuo ng tatlo hanggang
limang pangungusap.
1. Paano nakakaapekto ang kultura sa
komunikasyon? Patunayan ang sagot.
2. Ano ang kahalagahan ng kakayahang
pangkomunikatibo?
3. Paano nakakatulong ang di berbal na
komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ng tao?
4. Ano ang sinisimbolo ng berbal na
komunikasyon? Ipaliwanag ang sagot.