Ang salitang maritime o insular ay tumutukoy sa pagiging napapaligiran ng mga dagat at karagatan, na tumutukoy sa kalagayan ng Pilipinas bilang isang kapuluan. Ang pagiging insular ng Pilipinas ay mahalaga sa pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng mga daungan at yamang dagat na sumusuporta sa kabuhayan at turismo. Ang lokasyon ng mga dagat at karagatan sa paligid ng bansa ay nakatutulong sa estratehiya at seguridad ng bayan.