ARALING PANLIPUNAN
Pangalan: _____________________________Petsa: ________________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa patlang.
_____1. Ito ay isang modelo ng mundo na bilog at nagpapakita ng eksaktong hugis ng mundo.
A. globo B. linya C. mapa D. simbolo
_____2. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog- Kanluran C. Timog- Silangan
B. Gitnang- Silangan D. Pinakatimog ng mundo
_____3. Ano ang tawag sa isang lugar na may naninirahang grupo ng mga tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi?
A. Bansa C. Teritoryo
B. Pamahalaan D. Soberanya
_____4. Kung ikaw ay mamamayan na naninirahan sa isang bansa, alin sa sumusunod ang dapat mong
pahalagahan at itaguyod upang magkaroon ng kaayusan ang inyong lipunan?
A. Ganap na kalayaan
B. Pamahalaan
C. Lawak ng lupain at katubigan
D. Pamanang lahi
_____5. Sa pag-alam ng lokasyon ng isang lugar dapat na malaman ang mga bansang nakapalibot dito.
Anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
A. Indonesia B. Malaysia C. Taiwan D. Vietnam
_____6. Alin sa sumusunod ang katangiang mayroon ang isang lugar para matawag na isang bansa?
A. Tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya
B. Teritoryo. soberanya, tao at kapangyarihan
C. Teritoryo, pamahalaan, soberanya at likas na yaman
D. Teritoryo, pamahalaan at soberanyang panloob at panlabas
_____7. Alin ang tamang pahayag tungkol sa Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay may dalawang elemento lamang ng pagkabansa.
B. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng maraming wika.
C. Hindi maaaring ituring na bansa ang Pilipinas dahil maliit lamang ang teritoryo nito.
D. Matatawag na bansa ang Pilipinas dahil nagtataglay ito ng apat na elemento ng pagkabansa.
_____8. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang bansang iyong kinabibilangan?
A. Susundin ko ang mga batas at tatangkilikin ang mga produkto sa aking lugar.
B. Bibilhin ko ang mga pruduktong gawa sa ibang bansa dahil mas magaganda at mura ang mga ito.
C. Ipagmamalaki ko ang mga produktong ipinadadala sa akin ng ng aking Tiya mula sa ibang bansa.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kalaro na wag naming pansinin ang mga batas na pinaiiral sa
aming lugar.
_____9. Ang sumusunod ay matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. China C. Vietnam
B. TaiwanD. Basi Channel
_____10. Bakit mahalaga ang pagiging insular ng bansa?
A. Upang makapagmalaki sa iba.
B. Upang maakit ang mga turista
C. Upang madaling marating ang ibang lugar
D. Upang makapagbigay ng maraming kapakinabangan sa lahat.
_____11. Ano - ano ang mga anyong lupa ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ay ang
pangunahing direksyon?
A. Hongkong, Thailand, Vietnam
B. Taiwan, Indonesia, Vietnam
C. Amerika, Thailand, Singapore
D. China, Taiwan, Vietnam
_____12. Kung nasakop ng ibang bansa ang Pilipinas, matatawag pa rin ba itong isang bansa?
A. Hindi, kailangan munang mabawi ang teritoryo sa ibang bansa upang maibalik ulit ang soberanya
nito.
B. Oo, dahil ang teritoryo nito ay orihinal na pagmamay-ari ng bansa.
C. Hindi, dahil ang teritoryo ay isang pangunahing elemento ng isang lugar upang matawag na bansa.
D. Oo, dahil may pamahalaan, tao at soberanya pang natitirang elemento ang isang bansa.
_____13. Ayon sa Saligang Batas Artikulo 1, 1987, ano ang saklaw ng pambansag teritoryo ng Pilipinas?
2.
A. Kasali angmga nasa labas ng hangganan ng bansa
B. Binubuo ng mga dagat at kalupaan lamang sa bansa.
C. Sakop ang mga karagatan, kalupaan na malapit sa Pilipinas.
D. Sakop ang kapuluan ng Pilipinas,mga karagatan, at himpapawirin na nakapaloob dito.
_____14. Sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar dapat na malaman ang mga nakapalibot dito. Anong
bansa ang nasa hilaga ng Piipinas?
A. TaiwanB. Vietnam C. Malaysia D. Indonesia
_____15. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ano magiging katumbas ng
3 sentimetro?
A. 100 km C. 300 cm
B. 200 km D. 300 km
_____16. Kung ang Karagatang Pasipiko ay nasa gawing silangan ng bansa, ang Dagat Kanlurang Pilipinas
naman ay nasa gawing nito.
A. hilaga B. kanluran C. silangan D. timog
_____17. Kung ikaw ay maglalarawan sa bansang Pilipinas batay sa lokasyon nito, alin sa sumusunod ang
iyong pipiliin?
A. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
B. Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng tubig.
C. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
D. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na populasyon.
_____18. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano mo matutukoy ang
hangganan at lawak ng isang bansa?
A. Pagmamasdan ang mapa ng isang bansa.
B. Alamin ang kalupaan at katubigan ng isang bansa.
C. Pagmamasid sa mga kalupaan, katubigan at mga pulo na nakapalibot sa isang bansa.
D. Sa tulong ng mapa alamin ang kabuuang lawak ng kalupaan at katubigang nakapaloob sa
teritoryo ng isang bansa.
_____19. Ano ang tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat,
lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig at iba pang pinagkukunang yaman?
A. Estratehiko C. Heograpiya
B. Kasaysayan D. Arkiperlago
_____20. Ang Pilipinas ay binubuo ng lupon ng mga pulo o katubigan na tinatawag na arkipelago. Dahil
dito, ang ating bansa ay kilala din sa tawag na .
A. Estratehiko C. Kasaysayan
B. Heograpiya D. Kapuluan
_____21. Marami tayong magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista at mga kapwa Pilipino. Anong
industriya ang pinauunlad nito?
A. Kalakalan C. Pangisdaan
B. Minahan D. Turismo
_____22. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng heograpiyang pisikal ng bansa?
I. Malawak ang ating pangisdaan.
II. Marami tayong magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista.
III. Marami tayong pulo na nagsisilbing daungan ng iba’t ibang
sasakyang pandagat.
IV. Dahil sa pagiging kapuluan, maraming wika sa bansa ang
minsa’y dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
A. I at II C. I, II at III
B. II at III D. II, III at IV
_____23. Ito ay isang mahalagang elemento ng estado; ang mga lugar na tinitirhan ng mga tao, gayundin
ang mga sakop na lugar na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng estado.
A. hangganan B. insular C. lokasyon D. teritoryo
_____24. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa mga mamamayan ang humigit kumulang na 14, 450
kilometrong baybayin ng Pilipinas at bakit?
A. Opo, dahil madali ang paglalakbay patungong ibang bansa.
B. Opo, dahil dito kumukuha ng isda, at ibang yamang dagat sa baybayin ng Pilipinas.
C. Hindi po, dahil hindi maiiwasan ang suliranin sa baybaying dagat ng Pilipinas.
D. Hindi po, dahil malaking panganib ang dala ng baybaying dagat sa kabuhayan ng mamamayan.
_____25. Alin sa sumusunod ang kilalang bulkan sa Pilipinas na may halos perpektong cone?
A. Bundok Banahaw C. Bulkang Mayon
B. Bulkang Bulusan D. Bulkang Taal
3.
_____26. Kung angpanahon ay tumutukoy sa pang-araw-araw na kalagayan at atmospera, ano naman ang
ibig sabihin ng klima?
A. Init o lamig ng atmospera
B. Paggalaw ng hangin mula sa mababa patungo sa mataas na pressure.
C. Taglay na halumigmig at atmospera
D. Kondisyon ng panahon sa loob ng mahabang panahon.
_____27. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming iba’t
ibang halaman at hayop ang matatagpuan sa Pilipinas?
A. Mahilig ang mga Pilipino sa mga halaman.
B. Madaling tumubo ang mga halaman dito sa Pilipinas.
C. Mahaba ang tag-araw sa bansa at angkop sila dito.
D. May matabang lupa at angkop ang klima ng Pilipinas sa mga ito.
_____28. Ang sumusunod ay anyong tubig maliban sa isa. Alin ito?
A. dagat C. lambak
B. kipot D. tsanel
_____29. Alin sa sumusunod ang mabuting naidudulot ng pagiging kapuluan ng Pilipinas?
I. Maraming kababayan natin ang nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda.
II. Maraming turista ang nagpupunta sa Pilipinas dahil sa magagandang baybayin nito.
III. Maaaring pagkunan ng kuryente o enerhiyang kailangan ng mga pabrika at kabahayan.
IV. Maraming dayuhan ang gustong sumakop sa bansa.
A. I at II C. I, II at III
B. III at IV D. II, III at IV
_____30. Ano ano ang mga makapagpapatunay na maaaring mangisda ang mga Pilipino sa mga
katubigang nakapaligid sa loob ng hangganan ng bansa?
A. Higit na mas maunlad ang bansang Pilipinas kaysa sa ibang bansa
B. May mga sasakyang pandagat ang mga Pilipino na palaging dumadaan dito
C. Ito ay nakasaad sa Saligang Batas at bahagi ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ)
D. Tayo ay bansang napapaligiran ng mga anyong tubig at may kaunting kalupaan lamang
_____31. Ano-anong mga pamamaraan ang maaari mong gawin upang mapangalagaan ang mga anyong
tubig?
A. Itapon ang mga basura sa ilog
B. Gumamit ng dinamita sa pangingisda
C. Paggamit ng mga lambat na may maliliit na butas
D. Magsagawa ng mga Clean Up Drive sa mga baybaying dagat
_____32. Bakit mahalaga na matiyak ang pambansang teritoryo ng isang bansa?
A. upang maiwasan ang anumang pakikialam ng mga dayuhan.
B. upang madaling masakop ng mga dayuhan ang ating bansa.
C. upang magkakaroon nang di pagkakaunawaan ang mga bansa
D. upang mabawasan ang bilang ng mga turistang pumunta sa
bansa
_____33. Paano maiiwasan ang epekto ng mga kalamidad?
A. ihanda ang sarili sa lahat ng panahon
B. magkibit-balikat sa oras ng kalamidad
C. kumilos kapag pinagsabihan ng mga awtoridad
D. ipagwalang-bahala ang mga itinurong paghahanda
_____34. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa mga mamamayan ang malalawak na baybayin ng Pilipinas
at bakit?
A. Opo, dahil madali ang paglalakbay patungong ibang bansa.
B. Opo, dahil dito kumukuha ng isda, at ibang yamang dagat sa baybayin ng Pilipinas.
C. Hindi po, dahil hindi maiiwasan ang suliranin sa baybaying dagat ng Pilipinas.
D. Hindi po, dahil malaking panganib ang dala ng baybaying dagat sa kabuhayan ng mamamayan.
_____35. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin sa mga taong
kabilang sa pangkat etniko?
A. aawayin C. hindi lalapitan
B. igagalang D. hindi papansinin
_____36. Marami tayong magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista at pinagkukunan ng
pangunahing pangangailangan ng mga kapwa Pilipino. Anong industriya ang pinauunlad nito?
A. Kalakalan C. Pangisdaan
B. Minahan D. Pagsasaka
_____37. Sa anong larangan maaaring makatulong sap ag-unlad ang mga naggagandahang anyong tubig at
anyong lupa ng Pilipinas?
A. Edukasyon C. Kapayapaan B. Kalusugan D. Turismo
4.
_____38. Ano angmabuting maidudulot ng pagkakaroon ng masaganang bansa sa mga
katangiang pisikal?
A. kahinaan C. kakulangan
B. kahirapan D. kaunlaran
_____39. Ano ang pangunahing pakinabang ng pagkakaroon ng
Pilipinas ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig?
A. Naging maunlad ang bansa sa larangan ng turismo at ekonomiya.
B. Naging tanyag ang Pilipinas sa ibang bansa.
C. Naging matao sa Pilipinas dahil maganda ang mga anyong tubig at lupa.
D. Naging mayaman ang Pilipinas dahil sa mga magagandang tanawin.
_____40. Kung ang anyong tubig ay nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat para sa kalakal, ano
naman ang anyong lupa?
A. dahil sa sasakyang pandagat napaunlad ang kalakalan
B. nagbibigay – saya sa mga turista sa panahon ng tag – init
C. taniman ng iba’t ibang produkto gaya ng palay, tubo at mais
D. nabibighani ang mga turista tuwing nasisilayan ang mga ilog, lawa at talon