Ang sukat ng isang lugar ay mahalagang salik sa pagtaya ng pangkabuhayan at pulitikal na potensyal ng bansa. Malaki ang kinalaman ng hugis ng isang bansa sa kaunlaran nito
Pinadaling paglalarawan sa mga bahagi ng globo o sa mga imahinaryong guhit sa globo gaya ng Ekwador, longitude at latitude, para sa ikalwa at ikatlong baitang (Grade 2 and 3).
Ang sukat ng isang lugar ay mahalagang salik sa pagtaya ng pangkabuhayan at pulitikal na potensyal ng bansa. Malaki ang kinalaman ng hugis ng isang bansa sa kaunlaran nito
Pinadaling paglalarawan sa mga bahagi ng globo o sa mga imahinaryong guhit sa globo gaya ng Ekwador, longitude at latitude, para sa ikalwa at ikatlong baitang (Grade 2 and 3).
2. Balik-aral:
+ Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Imahinasyong guhit na humahati sa mundo sa
silangan at kanlurang hating-globo.
A. Ekwador
B. Prime Meridian
C. International Date Line
D. Arctic Circle
3. 2. Ang modelo at representasyon ng mundo.
A. Atlas
B. Globo
C. Hemispero
D. Mapa
4. 3. Imahinaryong guhit na humahati sa mundo sa
hilaga at timog hating-globo.
A.Ekwador
B. Prime Meridian
C. international Date Line
D.Arctic Circle
5. 4. Ang guhit na bumabagtas sa Greenwich,
Inglatera.
A.Ekwador
B. Prime Meridian
C. International Date Line
D. Arctic Circle
6. 5. Dalawang Espesyal na guhit meridian
A.Ekwador at latitude
B. Latitud at longhitud
C. Ekwador at International Date Line
D. Prime Meridian at International Date
Line
7. Panuto: Gamit ang kasanayan sa pangunahin at
pangalawang direksyon, tukuyin ang mga
kalupaan at katubigan na tinutukoy ng bawat
relatibong lokasyon. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.
8. 1. Bansa sa hilaga ng Indonesia at Timog ng Taiwan
9. 2. Bansa sa kanluran ng Pacific Ocean at silangan ng
West Philippine Sea.
10. 3. Katubigan sa kanluran ng Pilipinas at silangan ng
Vietnam.
20. . Ang Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog
ng Kasaysayan
Ang Pilipinas ay isang pahabang kapuluan o
arkipelago. Napaliligiran ito ng mga anyong tubig.
Tinawag itong kapuluan dahil ito ay binubuo ng
humigitkumulang 7,100 malalaki at maliliit na pulo.
21. .
Ang mga anyong tubig sa loob ng bansa at ang
mga nakapalibot dito ay nagkakaloob ng saganang
likas na yaman. Ang kapuluan ng Pilipinas ay
nakalatag sa kanluran ng Karagatang
Pasipiko.Matatagpuan ang bansa sa Timog-
Silangang Asya.
22. .
Ang lokasyon ng Pilipinas ay bahagya lamang
ang taas sa ekwador sa pagitan ng 40 23’ at 210
25’ hilagang latitude at ng 116’(00)0 at 127’(00)0
silangang longhitud. Ito ang dahilan kung bakit
ang Pilipinas ay nagtataglay ng klimang
tropikal.Nakararanas lamang ang bansa ng
dalawang pangkalahatang klima sa buong taon
ang tag-araw at tag-ulan.
24. .
Malaki ang naging epekto ng lokasyon ng
Pilipinas sa pagsibol ng sinaunang kabihasnan
sa bansa. Pinaniniwalaan na ang mga unang
pangkat ng tao na nandarayuhan sa bansa ay
ang mga Austronesian na nanggaling sa mga isla
sa lugar ng Sulu at Celebes. Isa pang teorya ang
nagsasabi na nagmula ang mga Austronesians
sa Timog Tsina at Taiwan.
25. .
Sila ay kumalat sa Timog Silangang Asya sa
pamamagitan ng pangangalakal, kasalan at
pandarayuhan ng mga tao. Malaki ang naging
epekto ng lokasyon ng bansa sa uri ng
sibilisasyong umusbong dito. Hanggang sa
panahong ito malaking bahagi ng ating
populasyon ay maituturing na Austronesian.
26. .
Dahil din sa napapalibutan ng katubigan ang
bansa, may mga pangkat ng sinaunang Pilipino
na piniling manirahan sa mga bukana ng ilog,
lawaat mga dalampasigan gaya ng
pamayanang pinamunuan ni Raja Sulayman sa
bukana ng Ilog Pasig.
27.
28. Ang kapuluan ng Pilipinas ay
nakalatag sa bahagi ng karagatang
Pasipik kung kaya’t sa hindi rin
sinasadyapagkakataon, dito
napadpad ang ekspedisyon ni
Ferdinand Magellan na ang layunin
ay maghanap ng ruta papuntang
Moluccas na mas kilala sa tawag
na Spice Island o Pulo ng
Pampalasa.
29. Dahil sa sagana ang bansa sa likas na
yaman, nagkaroon ng interes ang bansang
Espanya na isama ang Pilipinas sa mga bansang
sasakupin. Mayaman ang bansa sa mga
mamahaling metal gaya ng ginto at pilak. Malawak
ang kagubatan na mapagkukuhanan ng mga troso
sa paggawa ng mga barko. Sagana ang katubigan
ng bansa sa mga yamang tubig gaya ng isda at
mga perlas.
30. Mataba ang lupain sa Pilipinas na angkop sa
pagtatanim ng mga produktong agricultural na
lubos na napakinabangan ng mga Espanyol gaya
ng tabako, bulak, tubo at iba pang pananim.
31. Ang magandang lokasyon at mga likas na
yamang taglay ng ating bansa ay isa rin sa mga
dahilan kung bakit tayo sinakop ng mga
Amerikano at ng mga Hapones.
32. Ang Pilipinas bilang isang bansang
arkipelago o kapuluan ay sinasabing nasa
estratehikong lokasyon dahil itinuturing itong isa
sa pinakamahalagang rutang pangkalakalan.
Nagsilbing daungan ang bansa para sa mga
gawaing pangkalakalan ng mga bansang ang ruta
ay dumaraan sa Karagatang Pasipiko. Sa
panahon ng kalakalang galyon binuksan ang
daungan ng Maynila (Pier ng Maynila) bilang
sentro ng kalakalan ng silangan at kanlurang
bahagi ng mundo.
33. Naging terminal din ang pandaigdigang
paliparan nito ng mga sasakyang-
panghimpapawid na nagmumula sa Estados-
Unidos, Hapon, Australia, mga bansa sa Europa,
at iba pa. Ang Pilipinas bilang isang kapuluan ay
mainam ding lugar na pagtayuan ng mga kampo-
militar na panghimpapawid at pandagat ng
malalaking mga bansa. Ito ang dahilan kung bakit
matagal na nanatili ang base militar ng Estados
Unidos sa Pilipinas.
34.
35. Kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas
Ang ilan sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas
sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo ay ang
mga sumusunod:
36. Kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas
1. Maaaring maging sentro ng kalakalan sa
Timog-Silangang Asya ang Pilipinas at sa mundo
dahil sa ito ay daanan ng mga sasakyang
pandagat at panghimpapawid ng iba’t ibang bansa
bunga na rin ng pagiging malapit nito sa West
Philippine Sea
at Karagatang Pasipiko.
37. 2. Nagkaroon ng impluwensyang silanganin at
kanluranin mula sa mga bansa sa Europa at
Amerika ang ating katutubong kultura dahil sa ang
Pilipinas ay naging tagpuan ng iba’t ibang mga
bansa.
38. 3. Maganda ang estratehikong lokasyon ng
Pilipinas kung kaya’t naging sentro ito ng
komunikasyon, transportasyon at gawaing
pangkabuhayan sa rehiyon ng Timog-Silangang
Asya.
39. 4. Ang magandang estratehikong lokasyon ng
Pilipinas ang nagbunsod sa Estados Unidos
upang magtayo ng base militar sa bansa tulad ng
Clark Air Base na matatagpuan sa Angeles City,
Pampanga at Subic Naval Base na makikita sa
Zambales . Dito tinipon ng mga Amerikano ang
kanilang mga sundalo at mga kagamitang
pangmilitar bago tumulak sa Vietnam.
40. Ito rin ang naging punong himpilan ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano na naging
dahilan kung bakit sinalakay ng mga Hapones
ang Pilipinas sa pasimula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
41. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Bakit tinawag na Perlas ng
Silangan ang Pilipinas?
42. 2. Bakit kaya hanggang sa kasalukuyan ay pilit
na inaangkin ng bansang China ang West
Philippine Sea?
43. 3. Ano kaya kung ang Pilipinas ay hindi isang
kapuluan at wala sa estratehikong lokasyon.
Ano sa iyong palagay ang kanyang
kasaysayan?
44. Isang arkipelago ang Pilipinas na binubuo ng
mga pulo.
Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas aynasa
pagitan ng 40 23’ at 210 25’ hilagang latitude
at ng 1160 at 1270 silangang longhitud.
Ang kapuluan ng Pilipinas ay nakalatag sa
kanluran ng Karagatang Pasipiko at
matatagpuan ang bansa sa Timog-Silangang
Asya.
45. Mahalaga ang papel ng lokasyon ng bansa sa
kasaysayan nito.
Mahalaga ang kaalaman sa ugnayan ng
lokasyon sa paghubog ng kasaysayan ng bansa
dahil ito ay may malaking kaugnayan sa
pamumuhay at kinabukasan ng mga
mamamayan.
Dahil sa lokasyon at likas na yaman na taglay ng
ating bansa sinakop tayo ng mga bansang tulad
ng Espanya, Amerika at Hapon.
46. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago dahil
ito ay
A. isang buong kalupaan
B. binubuo ng maliliit na pulo lamang
C. binubuo ng malalaking pulo lamang
D. binubuo ng malalaki at maliit na pulo
47. 2. Ang Pilipinas ay sinasabing nasa estratehikong
lokasyon. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay nito?
A. dahil ito ang nag-iisang lugar para sa kalakalan.
B. dahil napapalibutan ito ng ibat ibang anyong
tubig at ng mga bansang Asyano.
C. dahil ito ay madaling marating gamit ang mga
daang riles at tulay mula sa lupalop ng Asya.
D. dahil mainam ang lokasyon nito sa pagdaraos ng
mga pandaigdigang pagpupulong.
48. 3. Mula noon hanggang ngayon ay marami nang
naging usapin hinggil sa legal na pagmamay-ari ng
mga teritoryo ng bansa, isa dito ay ang usapin
tungkol
sa isyu ng _____.
A. East Philippine Sea
B. West Philippine Sea
C. South Philippne Sea
D. North Philippine Sea
49. 4. Ano ang rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas sa
kontinenteng Asya?
A. Timog Asya
B. Timog Kanlurang Asya
C. Timog Hilagang Asya
D. Timog Silangang Asya
50. 5. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
A. 40 23’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 116 0 at
1270 silangang longhitud
B. 50 23’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 1170 at
1270 silangang longhitud
C. 60 23’ at 210 26’ hilagang latitude at ng 1170 at
1280 silangang longhitud
D. 40 24’ at 210 25’ hilagang latitude at ng 1170 at
1280 silangang longhitud