Ang neokolonyalismo ay isang bagong anyo ng pananakop na gumagamit ng impluwensya sa mga underdeveloped na bansa sa pamamagitan ng militar, politika, ekonomiya, at kultura. Ito ay naiiba sa kolonyalismo dahil wala itong pisikal na pananakop at ginagawa sa pamamagitan ng mga modernong pamamaraan ng pamumuhunan. Halimbawa, ang Tsina ay may malaking papel sa pag-unlad ng ekonomiya ng Africa ngunit nagiging sanhi din ng unti-unting pagsakop sa rehiyon.