Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
1. Ang Heograpiya ng Asya
Mga Anyong-lupa
Bilang pinakamalaking
kontinente sa buong
mundo, matatagpuan sa
Asya ang iba't ibang
anyong-lupa
1. Bundok at
2. Bulubundukin - ang
bundok ay
ang anyong-lupa na
nakaangat mula sa lebel
ng dagat ( sea level ) at may
taas na umaabot sa
Ang tuktok ng Bundok Everest
mahigit 2 000 talampakan.
Ang mahabang
hanay ng mga bundok ay
tinatawag na
3. bulubundukin.
Matatagpuan sa Asya ang
naglalakihang
bulubundukin.
Pinakatanyag
sa mga ito ang Himalayas
na bumabagtas
mula Pakistan hanggang
Myanmar. Sa
bulubunduking ito
matatagpuan ang Bundok
Everest, ang itinuturing na
pinakamataas na
bundok sa mundo. Katabi
ng Himalayas ang
4. bulubunduking Karakoram.
Sa daawang
bulubunduking ito
matatagpuan ang halos
lahat ng pinakamataas na
bundok sa daigdig.
Ang iba pang mahalagang
bulubundukin sa
Asya ay ang Altai, Kunlun,
Tien Shan, Hindu
Kush, Zagros, Caucasus, at
Ural.
2.Bulkan - ito ay biyak sa
5. ibabaw ng lupa
kung saan dumadaloy ang
maiinit at tunaw
Ang Bundok Fuji sa Japan
na mga bato na tinatawag
na lava o kung
saan nagmumula ang
makapal na alikabok sa
pagsabog nito. Dahil sa
mga pagsabog, daloy
6. ng lava, at pagtatapon ng
alikabok, karaniwan
sa mga bulkanay
nakabubuo ng hugis-
balisungsong o hugis-apa
na bundok, tulad
ng Fuji sa japan at Mayon
sa Pilipinas--dalawa
sa mga kilalang bulkan sa
Asya. Ang iba pang
tanyag na bulkan sa Asya
ay ang krakatoa
at Tambora sa Indonesia.
Ang Bulkang
Pinatubo naman sa
7. Pilipinas ang nagtala ng
pinakamapanirang
pagsabog nitong huling
siglo.
Chocolate Hills ng Pilipinas
3.Burol - ito ay isang
nakaangat na anyong-lupa
na mas mababa kaysa
bundok at karaniwan
8. ay bilugan. Ang rehiyon ng
Kwangsi sa timog
China ay kilala dahil sa
kamangha-mangha
niton mga burol. Tanyag din
ang Chota
Nagpur sa India dahil sa
mga burol nito
na inukit ng ulan
mulanoong panahong
prehistoriko.
=-=-► Dahil naman sa
traahedyang dulot ng
9. Digmaang Koreano, ang
mga burol sa mga
liblib na lugar sa Tangway
ng Korea ay
nagkaroon ng mga
pangalang tulad ng mga
sumusunod: Bunker Hill, old
Baddy, Sniper
Ridge, Capitol Hill, Triangle
Hill, Pike's
peak, Jackson Heights, at
Jane Russell Hill.
Nagsilbing dambana ang
mga burol na ito
ng libu-libong sundalong
10. Amerikano na
nakioaglaban sa Digmaang
Koreano.
4. Kapatagan - ito ay
pantay at malawak na
anyong-lupa. Karaniwan sa
mga kapatagan
ay malapit sa mga
baybayin. Ang mga
kilalang kapatagan sa Asya
ay matatagpuan
sa kanluran at hilaga ng
11. Siberia (Russia),
silangang baybayin ng
China, silangang
bahagi ng Tangway ng
Arabia, at gitnang
bahagi ng Indochina.
5. Talampas - ito ay may
lawak na kapatagan
sa tuktok ng isang mataas
na anyong-lupa.
Ang mahalagang talampas
ng gitnang Siberia (Russia),
Mongolia, Tibet, Deccan
12. (India), at Turkey.
Ilog Huang He o Yellow River
6. Lambak at Lunas ng
Ilog - ang lambak
ay kapatagang halos
napalilibutan o
napagigitnaan ng
13. bulubundukin. Karaniwan
sa mga lambak ay mga
lunas ng ilog o river
basin, isang mababang
lugar kung saan
umaagos ang ilog. Ang
mahalagang lunas
ng ilog ng Asya ay ang
Indus sa India at
Pakistan; Huang He at
Yangtze sa China;
Irrawaddy sa Myanmar;
Chao Phraya sa
Thailand; at Mekong na
dumadaloy mula
14. Tibet hanggang Vietnam
7. Interyor ng
kontinenete - kalakihan
ng
kalupaan ng Asya ay
matatagpuan sa interyor
ng kontinete. Halos lahat ng
matatayog na
bulubundukin ng Asya ay
nasa interyor o
malayo sa baybayin. Sa
katunayan, maraming
bansang Asyano ang hindi
napalilibutan o
15. hinahangganan ng dagat o
karagatan tulad ng
Laos, Mongolia, at Nepal.
8. Baybayin - ito ang
tawag sa mga anyong-lupa
na malapit sa dagat.
Maraming kapatagan sa
Asya ang malapit sa
baybayin.
9. Tangway - ito ay
kalupaang nakausli sa
dagat at halos napalilibutan
ng tubig. Ang
16. mahalagang tangway ng
Asya ay ang mga
tangway ng Arabia, India,
Malay, Indochina,
at Kamchatka.
10. Isthmus - ito ay isang
makitid na lupain na
nagsisilbing tulay na
nagdurugtong sa dalawang
malalaking kalupaan. Isang
halimbawa nito
ang Isthmus ng Suez na
nagdurugtong sa mga
kontinenteng Asya ng
17. Afrika.
11. Pulo - ito ay isang
lupaing napalilibutan
ng tubig. Maraming pulo
ang matatagpuan
sa Asya. Kabilang sa mga ito
ang Honshu
at Hokkaido sa Japan;
Sumatra at Java sa
Indonesia; Luzon at
Mindanao sa Pilipinas;
at Borneo na pagmamay-ari
ng mga bansang
Indonesia, Malaysia, at
18. Brunei.
12. Kapuluan o
Arkipelago - ito ay
pangkat ng
mga pulo. Ang mga bansang
Japan, pilipinas,
Indonesia, at Maldives ay
mga kapuluan.
Pinakamalaking arkipelago
sa buong mundo
ang bansang Indonesia na
tinatanyang mayroong
mahigit 13 000 pulo.
19. Mga Anyong-tubig
Ang mundo ay may
mahigit na 70%
katubigan. Ang kontinenete
ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng
malalawak na karagatan,
marami ring anyong-tubig
na matatagpuan sa
looban nito.
20. 1. Karagatan at Dagat -
ang mga ito ay
malawak na katubigang-
alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang
Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng
Karagatang Arktiko
ang permanenteng
nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga
dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara,
21. chukchi, at Barents.
Sa katimugan ng
Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian.
Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea.
Makikita naman sa
silangan ng Asya ang
Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at
pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo.
Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro
kwadrado.
22. Karugtong ng Karagatang
Pasipiko
ang mga dagat ng Timog
China,
Silangang China, Japan,
Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang
bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang
Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na
bambang sa daigdig.
23. Kahabaan ng Ilog Hunag He
2. Ilog - ito ang anyong
tubig na dumadaloy mula
sa mataas na lugar tulad ng
bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay
sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya,
ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena
24. sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges
sa Hilagang India at
Bangladesh; Indus sa
bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa
Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at iraq;
Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at iraq;
Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa
Syria, Israel, at Jordan.
25. Lawa Baikal ng Russia
3. Lawa - ito ay malawak
na anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May
dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang
tabang. Maraming
malalawak na lawa na may
tubig-alat at
napagkakamalang dagat.
Halimbawa ng mga
26. ito ang mga dagat ng Dead,
Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa
ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang
pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang
tabang sa mundo
4. Kipot - isa itong makitid
na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas
malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering
(Russia) ay nag-
27. uugnay sa mga dagat na
Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca
(Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang
Indian at Dagat
Golpo ng Persia
Java.
28. 5. Golpo - ito ay malawak
na
karugotng ng dagat. Ang
kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng
kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia
dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba
pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden,
oman, at Thailand.
29. 6. Look - ito ang
kabaligtaran ng golpo. Ang
look
ay hindi gaanong
napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa
Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa
rehiyon ng Timog