India, Pakistan, Nepal,Maldives,Bhutan,Bangladesh,Sri Lanka.(klima, likas na yaman, monsoon, relihiyon, kultura at iba pa.)
This was a report done by some geeky humans of Quezon City for their project in Social Studies.
Permissions for public usage and sharing would be gladly entertained by the owner.
Questions and suggestions will as well be happily accepted.
Thank you, HUMAN.
India, Pakistan, Nepal,Maldives,Bhutan,Bangladesh,Sri Lanka.(klima, likas na yaman, monsoon, relihiyon, kultura at iba pa.)
This was a report done by some geeky humans of Quezon City for their project in Social Studies.
Permissions for public usage and sharing would be gladly entertained by the owner.
Questions and suggestions will as well be happily accepted.
Thank you, HUMAN.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Heograpiya ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga hangganan, paniniwala, rehiyon at klima ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Heograpiya ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga hangganan, paniniwala, rehiyon at klima ng Asya.
2. o
Matatagpuan sa Asya ang lahat ng
uri ng anyong lupa at anyong tubig. Ang
malawak na kontinente ay nagtataglay
ng maraming kalupaan at katubigan na
may malaking pakinabang sa mga
Asyano.
3. o
Tanyag na Anyong Lupa na matatagpuan sa Asya
1.Bundok
a.Everest – pinakamataas na bundok sa daigdig na umaabot sa
29,035 talampakan; matatagpuan sa pagitan ng Nepal at Tibet.
b.K2 (Mt.Godwin Austen) – pangalawang pinakamataas na
bundok sa daigdig; matatagpuan sa Karakoram Range sa
kanlurang bahagi ng Himalayas sa pagitan ng Pakistan at China.
c. Kanchejunga – bundok sa India.
d.Ararat (Buyukagri Dagil) – matatagpuan sa Turkey.
e.Kinabalu – nasa Sabah, Malaysia.
13. o
3. Pulo
a.Borneo – nasa Timog-silangang Asya; pinakamalaking pulo sa
Asya na may sukat na umaabot sa 757,050 km2;
pinaghahatian ng Brunei, Indonesia, at Malaysia.
b.Sumatra – bahagi ng Indonesia; pangalawa sa
pinakamalaking pulo sa Asya.
c. Honshu, Hokkaido, Kyushu, at Shikoku – mga pangunahing
pulo sa Japan.
d.Iba pang pulong bansa (Cyprus, Sri Lanka, Maldives at
Taiwan)
14. o
4. Kapuluan
a.Indonesia – pinakamalaking kapuluan sa daigdig; may
sukat na 1,904,569 km2; may humigit-kumulang
17,000 pulo.
b.Japan – matatagpuan sa Silangang Asya; may sukat
na 372,801 km2 ; May humigit-kumulang 6,500 pulo.
c.Pilipinas – nasa Timog-silangang Asya; may kabuuang
sukat na 300,000 km2 ; may humigit-kumulang 7100
pulo
15. o
5. Bulkan
a.Krakatoa, Kerinchi -matatagpuan sa
Indonesia.
b.Fuji, Ontake, at Unzen – matatagpuan sa
Japan.
c.Mayon, Taal, at Pinatubo – nasa Pilipinas
19. o
6. Disyerto
a.Rub’ al Khali – kilala bilang Empty Quarter;
pinakamalaking disyertong buhangin sa daigdig;
bahagi ng Arabian Desert.
b.Gobi Desert – nasa hilagang China at Timog
Mongolia.
c.Thar Desert – matatagpuan sa hilagang – kanlurang
India at silangang Pakistan.
23. o
7. Tangway – ito ay kalupaang nakausli sa
dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang
mahahalagang tangway ng Asya ay ang
mga tangway ng Turkey, Arabia, India,
Malay, Indochina, at Korea.
25. o
8. Isthmus – ito ay isang makitid na lupain
na nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa
dalawang malalaking kalupaan. Isang
halimbawa nito ang Isthmus ng Suez na
nagdurugtong sa mga kontinenteng Asya
at Africa.
28. o
Ang mundo ay may mahigit na 70%
katubigan. Ang kontinente ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng malalawak na
karagatan, marami ring anyong-tubig na
matatagpuan sa looban nito
29. o
1. Karagatan at Dagat – ang mga ito ay malalawak na katubigangalat.
Sa hilaga ng Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko. Malaking
bahagi ng Karagatang Arktiko ang permanenteng nagyeyelo.
Karugtong ng karagatang ito ang mga dagat ng Silangang Siberia,
Laptev, Kara, Chukchi, at Barents. Sa katimugan ng Asya matatagpuan
ang Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang Indian ang Red Sea.
Makikita naman sa silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko, ang
pinakamalawak at pinakamalalim na 11 karagatan sa buong mundo.
Ito ay may lawak na 165 384 000 km2. Karugtong ng Karagatang
Pasipiko ang mga dagat ng Timog China, Silangang China, Japan,
Okhotsk, at Bering. Sa hilagangkanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito ang pinakamalalim na
bambang sa daigdig
30. o
2. Ilog – ito ang anyong-tubig na dumadaloy mula sa mataas
na lugar tulad ng bundok pababa sa lawa o dagat, o kaya ay
sumasanib sa iba pang mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga
kilalang ilog ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at Bangladesh;
Indus sa bandang Tibet, India, at Pakistan; Brahmaputra sa
Bangladesh; Tigris sa bahaging Turkey at Iraq; Euphrates sa
bahaging Turkey, Syria, at Iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.
31. o
3. Kipot – isa itong makitid na katubigan na
nag-uugnay sa dalawang mas malalaking
anyong-tubig. Ang Kipot ng Bering (Russia) ay
nag-uugnay sa mga dagat ng Bering at
Chukchi. Ang Kipot ng Malacca (Malaysia)
naman ay nag-uugnay sa Karagatang Indian
at Dagat Java.
33. o
5. Lawa – ito ay malawak na anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May dalawang uri ng lawa, ang
maalat at ang tabang. Maraming malalawak na lawa
na may tubig-alat at napagkakamalang dagat.
Halimbawa ng mga ito ang mga dagat ng Dead, Aral,
Caspian, at Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal
naman sa Siberia sa Russia ang pinakamalawak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo.
35. o
6. Look – ito ang kabaligtaran ng golpo.
Ang look ay hindi gaanong napaliligiran ng
kalupaan. Ang pinakamalaking look sa
Asya ay ang Look ng Bengal na humahati
sa rehiyon ng Timog at Timog-silangang
Asya
38. o
Ang vegetation cover ay tumutukoy sa ibat- ibang uri
ng pananim na nakabalot sa lupain ng daigdig. Ito ang
pinakahayag ng bunga ng pagkakabahagi ng temperature at
presipitasyon sa ibat- ibang bahagi ng mundo. Gayunpaman,
hindi lahat ng uri ng vegetation ay bunga ng uri ng 12
klima.Sa kasalukuyan, ito ay bunga ng aktibong paggalaw ng
tao. Ibig sabihin, mahalagang maunawaan na malaking
bahagi rin ang ginagampanan ng tao sa uri ng vegetation
cover sa kanyang kapaligiran.
41. o
2. Prairie
Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may
matabang lupa matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng
steppe ng Russia at maging sa Manchuria. Ang lupaing ito ay
may mga damuhang mataas na malalim na ugat (o deeply
rooted tall grasses). Ang parang o prairie sa ingles ay isang
anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan
matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito katatamnan,
hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin.
Bagaman may mga damo, walang mga punongkahoy sa
kalawakan nito.
43. o
3. Taiga
Ang Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng
lupaing matatagpuan sa Hilagang Asya. Ang salitang taiga ay
wikang Russian na nangangahulugang “Rocky mountain
terrain”. Ang mga kagubatang ito ay coniferous at
kadalasang nasa pagitan ng katimuganng mga tundra at
hilaga ng mga grassland. Ang taiga sa Asya ay matatagpuan
sa Siberia. Ang mga puno rito ay mahalaga sa mga
mangtotroso. Mahaba ang taglamig dito, samantalang
maikli lamang ang tag araw.
45. 4. Tundra
Ang tundra ay isang malawak na lupain.
Pinipigilan ang paglago ng mga puno dito. lsa itong
rehiyon hindi na tinutubuan ng punong kahoy.
Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya
ng puno ng mga rehiyong artiko. Nagmula ang
katawagang tundra sa salitang tundar na
nangangahulugang tuyo na kapatagan.
47. o
5. Rainforest
Ang rainforest o mauling gubat , ito ay
mayroong mataas na antas ng pag ulan kaya
mayabong ang mga puno dito. Sa rainforest ay may
milyon milyong uri ng mga halaman at kulisap na
hindi pa natutuklasan. May dalawang uri ng
mauling gubat o rainforest ito ay tinatawag na
tropical na maulang gubat at temperadong
maulang gubat.