SlideShare a Scribd company logo
CO_Q2_Health 4_Module 3
Edukasyong
Pangkalusugan
Kwarter 2 – Modyul 3:
O Sakit, Paano Ka Kumakalat?
4
Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2 – Modyul 3: O Sakit, Paano Ka Kumakalat?
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500
Telefax: 0917 178 1288
E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Anthony C. Vista
Editor: Renato B. Gallenito
Tagasuri: Cynthia T. Montañez
Tagaguhit: Emma N. Malapo
Tagalapat: Anthony C. Vista
Tagapamahala: Regional Director: Gilbert T. Sadsad
CLMD Chief: Francisco B. Bulalacao, Jr.
Regional EPS In Charge of LRMS: Grace U. Rabelas
Regional ADM Coordinator: Ma. Leilani R. Lorico
CID Chief: Jerson V. Toralde
Division EPS In Charge of LRMS: Belen B. Pili
Division ADM Coordinator: Cynthia T. Montañez
4
Edukasyong
Pangkalusugan
Kwarter 2 – Modyul 3:
O Sakit, Paano Ka Kumakalat?
ii
Paunang Salita
Ang Self-learning Module o SLM ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral so kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba't ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral mna may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahn ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q2_Health 4_Module 3
Alamin
Kumusta ka kaibigan!
Ang nakahahawang sakit ay patuloy na kakalat kung hindi
mapuputol ang tinatawag na chain of infection. Ito ang kadena na
naglalarawan kung paano kumakalat ang sakit.
Sa modyul na ito ay aalamin natin kung paano lumilipat-lipat
ang mga mikrobyong ito upang makahawa sa ibang tao.
Inaasahan na sa pagtatapos mo sa modyul na ito ay naiisa-
isa mo ang iba’t ibang elemento o sangkap ng chain of infection
(kadena na impeksiyon) (H4DD-IIcd-10).
2 CO_Q2_Health 4_Module 3
Subukin
Handa ka na ba sa bago nating aralin? Alam kong gustong-
gusto mo nanaman ng panibagong kaalaman. Pero bago yan, isang
pagsubok muna ang ibibigay ko sayo para malaman kung
hanggang saan na ang alam mo tungkol sa bago nating
pag-aaralan.
Ayusin ang mga salita at ipasok ito sa loob ng mga kadena
upang mabuo ang tamang pagkakasunod-sunod ng Chain of
Infection.
Tingnan sa pahina 11 ang tamang sagot.
Magaling kung nasagutan mo nang tama ang lahat! Kung
hindi man, ayos lang iyon. Mas maiintindihan mo pa ang mga
konseptong ito sa pagpapatuloy mo sa modyul na ito.
Tara na!
Agent Susceptible Host
Reservoir Mode of Transmission
Portal of Exit Portal of Entry
3 CO_Q2_Health 4_Module 3
Balikan
Sa nakaraang modyul, pinag-aralan natin ang tungkol sa
mga disease agents ng mga nakahahawang sakit.
Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang
salita sa tulong ng katangian o paglalarawan. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.
I M K Y O R B O dahilan ng pagkakasakit ng isang tao
A B O S N nakatutulong upang maalis ang
mikrobyo
R I U V S isang uri ng mikrobyo
K S I T A dulot ng mikrobyo, bacteria, fungi,
parasite, at virus
K T A B E Y R A isa pang uri ng tagapagdala ng sakit
G T B I U gamit sa paglilinis ng mga kamay
Tuklasin
Alam mo ba kung paano kumakalat ang
mga nakahahawang sakit?
Alamin natin!
4 CO_Q2_Health 4_Module 3
Suriin at pag-aralan ang sumunod na larawan.
Source: Chain of Infection
https://www.ottawapublichealth.ca/en/professionals-and-
partners/chain-of-infection.aspx
Mula sa mga mikrobyo,
paano ito dumarami, kumakalat o
nagpapalipat-lipat ang isang sakit
at nakahahawa ng iba?
5 CO_Q2_Health 4_Module 3
Suriin
Sangkap ng Kadena ng Impeksiyon:
A. Infectious Agents – Ito ay mga mikrobyo o
mikroorganismo na ngadudulot ng
nakahahawang sakit.
B. Reservoir – Lugar kung saan nananahan at
nagpaparami ang mga causative agents. Ito ay
maaaring tao, hayop, tubig, lupa, pagkain,
tuwalya, pinggan, kutsara, tinidor, at iba pa.
C. Portal of Exit – Ito ang mga labasan ng
mikrobyo. Halimbawa nito ay sa bibig ng isang
tao kung saan tumatalsik ang laway habang
nagsasalita, naghahatsing o nagbabahing, o
umuubo. Ang sipon, dumi, at dugo ay
halimbawa rin.
D. Mode of Transmission – Ito ang paraan ng
pagsasalin o paglilipat ng mikrobyo sa ibang
tao sa pamamagitan ng droplets, airborne,
foodborne, vectorborne, at bloodborne.
Maaaring maisalin sa tuwiran (direct) o di-
tuwirang (indirect) pakikipag-ugnayan gaya ng
lamok, heringgilya, at paggamit ng personal na
gamit.
6 CO_Q2_Health 4_Module 3
E. Portal of Entry – Daanan ito ng mikrobyo sa
katawan ng ibang tao. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng pagkalanghap, sa balat o
sugat, at pakikipagtalik. Kung ikaw ay may
sugat, maging mas maingat dahil maaaring sa
sugat mo magdaan ang mikrobyo.
F. Susceptible Host – Ito ang bagong tirahan ng
mikrobyo. Dito sila maaaring manirahan at
magparami. Ang mga bata, matatanda at mga
taong mahina ang resistensiya ay madaling
kapitan ng sakit.
Pagyamanin
Suriin ang chain of infection ng sakit na PULMONYA at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
7 CO_Q2_Health 4_Module 3
Sagutin:
1. Anong mikrobyo ang sanhi o pinanggagalingan ng sakit
na pulmonya?
2. Saan maaaring manirahan at dumami ang mikrobyo na
nagdadala ng pulmonya?
3. Saan lumabas ang mikrobyo na nagdadala ng pulmonya
mula sa pinanggalingan nito?
4. Paano ito nakakalipat sa ibang tao?
5. Saan maaring pumasok ang mikrobyo na nagdadala ng
pulmonya?
6. Sino ang mga maaaring mahawa ng sakit na ito?
Isaisip
Isulat sa loob ng bawat piraso ng chain ang mga sangkap ng
Chain of Infection.
8 CO_Q2_Health 4_Module 3
Isagawa
Alam ba ng tungkol sa sakit na Leptospirosis? Gayahin sa
inyong sagutang papel ang sumusunod na larawan ng Chain of
Infection at isulat sa loob ng bawat piraso ng chain ang tinutukoy
na sangkap.
9 CO_Q2_Health 4_Module 3
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang nawawala sa “chain of infection”?
A. circuit of transmission C. mode of transmission
B. transmission line D. transmission connection
2. Alin ang halimbawa ng infectious agent?
A. bacteria C. kamay
B. dugo D. tao
3. Ito ang lugar kung saan nagpaparami ang mikrobyo. Anong
elemento ng kadena ng impeksiyon ang tinutukoy nito?
A. infectious agent C. portal of exit
B. reservoir D. portal of entry
4. Alin ang madaling panirahan ng mga mikrobyo?
A. malinis na pangangatawan B. mabangong damit
C. mabahong prutas D. maruming gamit
5. Anong sakit ang maaaring makahawa at kumalat sa
pamamagitan ng respiratory droplet?
A. leptospirosis C. sipon
B. dengue D. pigsa
10 CO_Q2_Health 4_Module 3
Karagdagang Gawain
Magsaliksik tungkol sa isang nakahahawang sakit. Gumuhit
ng larawan ng Chain of Infection na nagpapakita ng mga sangkap
kung paano nalilipat sa ibang tao ang sakit na ito.
11 CO_Q2_Health 4_Module 3
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Balikan
1.
MIKROBYO
2.
SABON
3.
VIRUS
4.
SAKIT
5.
BAKTERYA
6.
TUBIG
Pagyamanin
1.
Viruses,
bacteria
at
fungi
2.
Baga
ng
tao
3.
Sa
bibig
at
ilong
ng
tao
4.
Sa
pamamagitan
ng
pag-ubo
at
pagbahing
5.
Sa
bibig
at
ilong
ng
tao
6.
Kahit
sino
Isaisip
Isagawa
Tayahin
1.
C
2.
A
3.
B
4.
D
5.
C
12 CO_Q2_Health 4_Module 3
Sanggunian
https://www.ottawapublichealth.ca/en/professionals-and-
partners/chain-of-infection.aspx
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan Patnubay ng Guro, Book Media Press
Inc.,2015
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press
Inc., 2015
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to ADM-Module-Health-4-Quarter-2-module-3_v2.pdf

Health3 m1
Health3 m1Health3 m1
Health3 m1
LLOYDSTALKER
 
g9 filipino.pptx
g9 filipino.pptxg9 filipino.pptx
g9 filipino.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
DenandSanbuenaventur
 
Esp 10 LM Unit 2
Esp 10 LM Unit 2Esp 10 LM Unit 2
Esp 10 LM Unit 2
Harry Fox
 
Grade 10 esp lm yunit 2
Grade 10 esp lm yunit 2Grade 10 esp lm yunit 2
Grade 10 esp lm yunit 2
google
 
Module-1-ppt.pptx
Module-1-ppt.pptxModule-1-ppt.pptx
Module-1-ppt.pptx
ArlynRafon
 
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptxPagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
CymonGabon
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
Ian Jurgen Magnaye
 
SLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdfSLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdf
JosephDy8
 
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyuday 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
KevinJohnDElchico
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
GerrieIlagan
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
23december78
 
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
MichelleAglipay
 
SLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdfSLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdf
JosephDy8
 
Q3-SLM-4.pptx
Q3-SLM-4.pptxQ3-SLM-4.pptx
Q3-SLM-4.pptx
Marvie33
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
ReinNalyn
 
dll week 8 MTB quarter 4.docx
dll week 8 MTB quarter 4.docxdll week 8 MTB quarter 4.docx
dll week 8 MTB quarter 4.docx
MarifeOllero1
 

Similar to ADM-Module-Health-4-Quarter-2-module-3_v2.pdf (20)

Health3 m1
Health3 m1Health3 m1
Health3 m1
 
g9 filipino.pptx
g9 filipino.pptxg9 filipino.pptx
g9 filipino.pptx
 
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
 
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
 
Esp 10 LM Unit 2
Esp 10 LM Unit 2Esp 10 LM Unit 2
Esp 10 LM Unit 2
 
Grade 10 esp lm yunit 2
Grade 10 esp lm yunit 2Grade 10 esp lm yunit 2
Grade 10 esp lm yunit 2
 
Module-1-ppt.pptx
Module-1-ppt.pptxModule-1-ppt.pptx
Module-1-ppt.pptx
 
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdfAP9 Q3 MODYUL4.pdf
AP9 Q3 MODYUL4.pdf
 
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptxPagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
Pagbibigay-Kahulugan-sa-mga-Konseptong-Kaugnay-ng-Pananaliksik (1).pptx
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
 
SLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdfSLMQ1G10ESPM3.pdf
SLMQ1G10ESPM3.pdf
 
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyuday 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
day 1 - Ang kahalaghan ng Pagiging Mulat sa Kontemporaneong Isyu
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
 
SLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdfSLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdf
 
Q3-SLM-4.pptx
Q3-SLM-4.pptxQ3-SLM-4.pptx
Q3-SLM-4.pptx
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
dll week 8 MTB quarter 4.docx
dll week 8 MTB quarter 4.docxdll week 8 MTB quarter 4.docx
dll week 8 MTB quarter 4.docx
 

ADM-Module-Health-4-Quarter-2-module-3_v2.pdf

  • 1. CO_Q2_Health 4_Module 3 Edukasyong Pangkalusugan Kwarter 2 – Modyul 3: O Sakit, Paano Ka Kumakalat? 4
  • 2. Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Kwarter 2 – Modyul 3: O Sakit, Paano Ka Kumakalat? Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Anthony C. Vista Editor: Renato B. Gallenito Tagasuri: Cynthia T. Montañez Tagaguhit: Emma N. Malapo Tagalapat: Anthony C. Vista Tagapamahala: Regional Director: Gilbert T. Sadsad CLMD Chief: Francisco B. Bulalacao, Jr. Regional EPS In Charge of LRMS: Grace U. Rabelas Regional ADM Coordinator: Ma. Leilani R. Lorico CID Chief: Jerson V. Toralde Division EPS In Charge of LRMS: Belen B. Pili Division ADM Coordinator: Cynthia T. Montañez
  • 3. 4 Edukasyong Pangkalusugan Kwarter 2 – Modyul 3: O Sakit, Paano Ka Kumakalat?
  • 4. ii Paunang Salita Ang Self-learning Module o SLM ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral so kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba't ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral mna may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahn ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q2_Health 4_Module 3 Alamin Kumusta ka kaibigan! Ang nakahahawang sakit ay patuloy na kakalat kung hindi mapuputol ang tinatawag na chain of infection. Ito ang kadena na naglalarawan kung paano kumakalat ang sakit. Sa modyul na ito ay aalamin natin kung paano lumilipat-lipat ang mga mikrobyong ito upang makahawa sa ibang tao. Inaasahan na sa pagtatapos mo sa modyul na ito ay naiisa- isa mo ang iba’t ibang elemento o sangkap ng chain of infection (kadena na impeksiyon) (H4DD-IIcd-10).
  • 6. 2 CO_Q2_Health 4_Module 3 Subukin Handa ka na ba sa bago nating aralin? Alam kong gustong- gusto mo nanaman ng panibagong kaalaman. Pero bago yan, isang pagsubok muna ang ibibigay ko sayo para malaman kung hanggang saan na ang alam mo tungkol sa bago nating pag-aaralan. Ayusin ang mga salita at ipasok ito sa loob ng mga kadena upang mabuo ang tamang pagkakasunod-sunod ng Chain of Infection. Tingnan sa pahina 11 ang tamang sagot. Magaling kung nasagutan mo nang tama ang lahat! Kung hindi man, ayos lang iyon. Mas maiintindihan mo pa ang mga konseptong ito sa pagpapatuloy mo sa modyul na ito. Tara na! Agent Susceptible Host Reservoir Mode of Transmission Portal of Exit Portal of Entry
  • 7. 3 CO_Q2_Health 4_Module 3 Balikan Sa nakaraang modyul, pinag-aralan natin ang tungkol sa mga disease agents ng mga nakahahawang sakit. Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian o paglalarawan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. I M K Y O R B O dahilan ng pagkakasakit ng isang tao A B O S N nakatutulong upang maalis ang mikrobyo R I U V S isang uri ng mikrobyo K S I T A dulot ng mikrobyo, bacteria, fungi, parasite, at virus K T A B E Y R A isa pang uri ng tagapagdala ng sakit G T B I U gamit sa paglilinis ng mga kamay Tuklasin Alam mo ba kung paano kumakalat ang mga nakahahawang sakit? Alamin natin!
  • 8. 4 CO_Q2_Health 4_Module 3 Suriin at pag-aralan ang sumunod na larawan. Source: Chain of Infection https://www.ottawapublichealth.ca/en/professionals-and- partners/chain-of-infection.aspx Mula sa mga mikrobyo, paano ito dumarami, kumakalat o nagpapalipat-lipat ang isang sakit at nakahahawa ng iba?
  • 9. 5 CO_Q2_Health 4_Module 3 Suriin Sangkap ng Kadena ng Impeksiyon: A. Infectious Agents – Ito ay mga mikrobyo o mikroorganismo na ngadudulot ng nakahahawang sakit. B. Reservoir – Lugar kung saan nananahan at nagpaparami ang mga causative agents. Ito ay maaaring tao, hayop, tubig, lupa, pagkain, tuwalya, pinggan, kutsara, tinidor, at iba pa. C. Portal of Exit – Ito ang mga labasan ng mikrobyo. Halimbawa nito ay sa bibig ng isang tao kung saan tumatalsik ang laway habang nagsasalita, naghahatsing o nagbabahing, o umuubo. Ang sipon, dumi, at dugo ay halimbawa rin. D. Mode of Transmission – Ito ang paraan ng pagsasalin o paglilipat ng mikrobyo sa ibang tao sa pamamagitan ng droplets, airborne, foodborne, vectorborne, at bloodborne. Maaaring maisalin sa tuwiran (direct) o di- tuwirang (indirect) pakikipag-ugnayan gaya ng lamok, heringgilya, at paggamit ng personal na gamit.
  • 10. 6 CO_Q2_Health 4_Module 3 E. Portal of Entry – Daanan ito ng mikrobyo sa katawan ng ibang tao. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagkalanghap, sa balat o sugat, at pakikipagtalik. Kung ikaw ay may sugat, maging mas maingat dahil maaaring sa sugat mo magdaan ang mikrobyo. F. Susceptible Host – Ito ang bagong tirahan ng mikrobyo. Dito sila maaaring manirahan at magparami. Ang mga bata, matatanda at mga taong mahina ang resistensiya ay madaling kapitan ng sakit. Pagyamanin Suriin ang chain of infection ng sakit na PULMONYA at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
  • 11. 7 CO_Q2_Health 4_Module 3 Sagutin: 1. Anong mikrobyo ang sanhi o pinanggagalingan ng sakit na pulmonya? 2. Saan maaaring manirahan at dumami ang mikrobyo na nagdadala ng pulmonya? 3. Saan lumabas ang mikrobyo na nagdadala ng pulmonya mula sa pinanggalingan nito? 4. Paano ito nakakalipat sa ibang tao? 5. Saan maaring pumasok ang mikrobyo na nagdadala ng pulmonya? 6. Sino ang mga maaaring mahawa ng sakit na ito? Isaisip Isulat sa loob ng bawat piraso ng chain ang mga sangkap ng Chain of Infection.
  • 12. 8 CO_Q2_Health 4_Module 3 Isagawa Alam ba ng tungkol sa sakit na Leptospirosis? Gayahin sa inyong sagutang papel ang sumusunod na larawan ng Chain of Infection at isulat sa loob ng bawat piraso ng chain ang tinutukoy na sangkap.
  • 13. 9 CO_Q2_Health 4_Module 3 Tayahin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang nawawala sa “chain of infection”? A. circuit of transmission C. mode of transmission B. transmission line D. transmission connection 2. Alin ang halimbawa ng infectious agent? A. bacteria C. kamay B. dugo D. tao 3. Ito ang lugar kung saan nagpaparami ang mikrobyo. Anong elemento ng kadena ng impeksiyon ang tinutukoy nito? A. infectious agent C. portal of exit B. reservoir D. portal of entry 4. Alin ang madaling panirahan ng mga mikrobyo? A. malinis na pangangatawan B. mabangong damit C. mabahong prutas D. maruming gamit 5. Anong sakit ang maaaring makahawa at kumalat sa pamamagitan ng respiratory droplet? A. leptospirosis C. sipon B. dengue D. pigsa
  • 14. 10 CO_Q2_Health 4_Module 3 Karagdagang Gawain Magsaliksik tungkol sa isang nakahahawang sakit. Gumuhit ng larawan ng Chain of Infection na nagpapakita ng mga sangkap kung paano nalilipat sa ibang tao ang sakit na ito.
  • 15. 11 CO_Q2_Health 4_Module 3 Susi sa Pagwawasto Subukin Balikan 1. MIKROBYO 2. SABON 3. VIRUS 4. SAKIT 5. BAKTERYA 6. TUBIG Pagyamanin 1. Viruses, bacteria at fungi 2. Baga ng tao 3. Sa bibig at ilong ng tao 4. Sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing 5. Sa bibig at ilong ng tao 6. Kahit sino Isaisip Isagawa Tayahin 1. C 2. A 3. B 4. D 5. C
  • 16. 12 CO_Q2_Health 4_Module 3 Sanggunian https://www.ottawapublichealth.ca/en/professionals-and- partners/chain-of-infection.aspx Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Patnubay ng Guro, Book Media Press Inc.,2015 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press Inc., 2015
  • 17. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph