2. I.A. Greetings
B.Deepening in God’s Word: Sharing Into the Word
C.Colossians 3:16 Let the Word of Christ dwell in yo richly as you
teach and admonish one another with all wisdom and as you sing
psalms, hymns and spiritual songs with gratitude in your hearts to
God.
D. Concrete Steps to deepen our knowledge in God’s words to be
able to share it to the World.
E. What are these steps?
F. Let us pray?
3. II. A.
Last Sunday ay mission Sunday at ang tekstong
ginamit ay ang Mateo 28:18-20. Lumapit si Jesus at
sinabi sa anila, “ibinigay na sa akin ang lahat ng
Kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo
kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.
Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak
at ng Espiritu Santo at turuang sumunod sa lahat ng
ipinag utos ko sa inyo. Tandaan ninyo ako’y laging
kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan
4. B.
Our message today is more likely a sequel to the mssage
last Sunday because Collosians 3:16 “Ang mga Salita ni Cristo ay
itanim ninyong Mabuti sa inyong isip. Magpaalalahanan kayo at
magturuan ng buong kaalaman. Umawit kayo ng mga salmo,
mga himno at mga awiting espiritwal na may pagpapasalamat
sa Diyos. Ang malaking TANONG? Paano natin mapapalalim ang
ating kaalaman sa Salita ng Diyos para maibahagi ito sa iba
nang may buong kaalaman?
Diyan papasok ang concrete steps to undertake to deepen
our knowledge in God’s word to share it to the world.
5. III.A. WHAT ARE THESE STEPS?
Ang mga salita ni Cristo ay itanim ninyong Mabuti sa
inyong isip.(Colosas 3:16a) ayusin natin ang talata.
Itanim ninyong Mabuti sa inyong isip ang mga Salita ni
Cristo. Let the Word of Christ dwell in you richly.
Sabi sa Deuteronomio 11:18-20 Kailangang ang mga utos
na ito’y itanim ninyo sa inyong mga puso’t isipan.
Ipulopot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda at
itali sa inyong noo. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak sa
loob at labas ng inyong bahay, sa oras ng paggawa at
pamamahinga sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon.
Isulat ninyo ito sa inyong mga pintuan.
6. Joshua 1:8
Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon. Dili-
diliin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng
nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at
magtatagumpay.
Awit 1:2 Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banak na
aral, ang utos ni Yahweh siyang binubuhay sa gabi at araw.
Dito sa Colosas 3, inilarawan ni Pablo ang “bagong
espiritwal na tao” ngunit ang espiritwal na tao ay
nangangailangan ng espiritwal na pagkain. Ano ang
pagkaing espiritwal? Ito ang Salita ni Cristo, ibig sabihin,
ang Salita ng Diyos ang Bibliya.
7. 2.Magpaalalahanan kayo na magturuan nang buong
kaalaman. Paano mo maibabahagi sa iba ang isang bagay
na wala ka? Kaya kailangan mo ang #1.
Dahil ito ay magagamit sa pagtuturo ng daan ng kaligtasan
sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus, sa
pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling
aral, sa pagtutuwid sa likong Gawain at sa pag-akay sa
matuwid na pamumuhay at sa katapus-tapusan, ang
lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabuting
Gawain.
8. Ang ating mga paalala at pagtuturo ay magagawa
natin nang buong kaalaman dahil nakabase ito sa
Salita ng Diyos, ang Salita ng katotohanan. Now we
are fully equipped to share the Word to the World
because we are Jesus Christ disciples. We have been
baptized in the name of the Father, and of the Son,
and of the Holy Spirit who dwells in us since we
accepted Jesus as our Lord and Savior and the Lord
who gives us the assurance to be with us to the very
end of the age.
9. 3.Umawit kayo ng mga salmo, mga himno, at mga
awiting espiritwal na may pagpapasalamat sa Diyos.
Ang salitang magpaalalahanan kayo at magturuan
nang buong kaalaman is a group activity.
Nangangahulugan na may fellowship so that Apostle
Paul recommends singing psalms, hymns and
spiritual songs sapagkat ang mga awiting ito ay
isinulat mula sa Banal na Aklat at nagtuturo ng mga
katotohanan. At sa pamamagitan na Awit ay
madaling matutunan at matandaan ang Salita.
10. IV.Habang lumalalim ang ating kaalaman sa kanyang
Salita lalong lumalalim ang ating pagkakilala sa
Kanya at lumalago tayo sa kaalaman at sa ating
pananampalataya.
Nalilinang ding patuloy ang ating pagtitiwala una sa
Panginoon, pangalawa ay sa ating sarili.
At nagkaroon tao ng pasanin na ibahagi ang kanyang
Salita sa lahat ng tao at sa buong mundo na siya
nating pangunahing tungkulin bilang mga alagad ng
Panginoong Jesus.
11. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo
hanggang sa dulo ng mundo.
Again, Happy 36th Founding Anniversary,
Naujan Bible Church.
Thank you very much.