6. Ako’y kawani ng gobyerno
Tungkulin ko ang maglingkod
ng tapat at mahusay dahil
dito,
7. Ako’y papasok ng maaga at
magtatrabaho, nang
Lampas sa takdang oras kung
kinakailangan;
Magsisilbi ako ng magalang at
mabilis, sa lahat
Ng nangangailangan;
8. Pangangalagaan ko ang mga
gamit, kasangkapan
At iba pang pag-aari ng
pamahalaan;
Magiging pantay at
makatarungan ang
pakikitungo ko,
Sa mga lumalapit sa aming
tanggapan;
9. Magsasalita ako laban sa mga
katiwalian at
pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin ang aking
panunungkulan,
Sa sarili kong kapakanan
Hindi ako hihingi o tatanggap
ng suhol;
10. Sisikapin kong madagdagan
ang aking talino,
At kakayahan, upang ang
antas ng
Paglilingkod sa bayan, ay
patuloy na maitaas.
11. Sapagkat ako’y kawani ng
gobyerno,
At tungkulin ko ang
maglingkod nang tapat
At mahusay sa bayan ko at sa
panahong ito;
12. Ako at ang aking kapwa
kawani,
Ay kailangan tungo sa isang
maunlad,
Masagana at mapayapang
Pilipinas.
Sa harap ninyong lahat, ako’y
taos pusong nanunumpa
15. Sa pagpapalakas ng isang
lipunang makatarungan,
At sa pagpapatingkad ng ating
demokrasya,
Upang guminhawa ang
pinakamamahal nating
bayang Pilipinas.
16. Gagampanan ko ang lahat ng
katungkulan ng isang
mabuting mamamayan
Na kasing-tindi ng paghamon
ko sa aking mga pinuno
Na sumunod sa landas na
matuwid.
17. Makikipagkapit-bisig ako sa
aking kapwa Pilipino
Sama-sama nating babaguhin
ang takbo ng kasaysayan
Upang umiral ang
kagandahang loob.
18. Ipinangangako ko ito, sa
ngalan ng aking mga ninuno
at mga apo.
Patnubayan nawa ng Poong
Maykapal ang sambayanan.