Ang Rebolusyong Panlipunan ay hatid ng mga pagbabagong naganap sa Europa na nakaimpluwensya sa pag-iisip ng mga mamamayan sa wastong pamamalakad ng pamahalaan katulad ng kolonyang Amerika na siyang naging inspirasyon o salik na nakaapekto sa pagkakaroon ng paghihimagsik ng mga Pranses sa monarkiya
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigtemarieshinobi
The assassination of Archduke Franz Ferdinand led to escalating tensions between countries that pulled them into World War I. Major battles such as the Battle of the Marne, Battle of Verdun, and Battle of the Somme resulted in immense casualties. Germany's Schlieffen Plan failed and America later joined the Allies. After years of devastating war, Woodrow Wilson proposed the Fourteen Points and the League of Nations to establish peace and prevent future conflicts.
Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente
MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
MILITARISASYON, ALYANSA, IMPERYALISMO, NASYONALISMO
Ang Rebolusyong Panlipunan ay hatid ng mga pagbabagong naganap sa Europa na nakaimpluwensya sa pag-iisip ng mga mamamayan sa wastong pamamalakad ng pamahalaan katulad ng kolonyang Amerika na siyang naging inspirasyon o salik na nakaapekto sa pagkakaroon ng paghihimagsik ng mga Pranses sa monarkiya
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigtemarieshinobi
The assassination of Archduke Franz Ferdinand led to escalating tensions between countries that pulled them into World War I. Major battles such as the Battle of the Marne, Battle of Verdun, and Battle of the Somme resulted in immense casualties. Germany's Schlieffen Plan failed and America later joined the Allies. After years of devastating war, Woodrow Wilson proposed the Fourteen Points and the League of Nations to establish peace and prevent future conflicts.
Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente
MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
MILITARISASYON, ALYANSA, IMPERYALISMO, NASYONALISMO
The document discusses environmental issues in the Philippines. It notes that while natural resources are important to life, nature is often abused and neglected. This abuse exacerbates natural disasters like strong typhoons, widespread flooding, and landslides. The main environmental problems faced are solid waste, destruction of natural resources, and climate change. The Philippines generates an estimated 39,422 tons of garbage per day. Laws have been created to address waste management, such as establishing waste management commissions and improving dump sites.
This document provides an overview of key physical geography concepts in the Philippines including:
- Mountains, hills, plateaus, and mountain ranges which make up the topography. The highest mountain is Mt. Everest.
- Plains, valleys, peninsulas and islands which are landscapes surrounded by water. Examples include Scandinavian Peninsula and Greenland.
- Deserts, volcanoes and archipelagos around the world. Indonesia has the largest archipelago and Sahara is the biggest desert.
2. Unang Digmaang Pandaigdig
Sa pagitan ng 1871-1914,
ang mga bansang industriyalisado
sa kanluraning Europa ay nasa
rurok ng kanilang kapangyarihan.
Sila ay naging matatag dahil sa
industriyalisasyon.
Mga Sanhi
✓ Nasyonalismo
✓ Imperyalismo
✓ Militarismo
✓ Pagbuo ng mga
Alyansa
3. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo
Ang damdaming nasyonalismo ay
nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao
upang maging malaya ang kanilang
bansa.
Kung minsan, ito ay lumalabis
at nagiging panatikong pagmamahal
sa kanilang bansa.
4. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo
Halimbawa ng Panatikong Nasyonalismo:
Junker
Ang aristokrasyang militar ng
Alemanya, ay nagpilit na sila ang
nangungunang lahi sa Europa.
5. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo
Halimbawa ng Panatikong Nasyonalismo:
Mayroong mga bansa na masidhi
ang paniniwalang karapatan nila
na pangalagaan ang kanilang mga
kalahi nila kahit nasa ilalim ng
kapangyarihan ng ibang bansa.
Isang halimbawa ay ang pagnanais
ng Serbia na angkinin ang Bosnia at
Herzegovina na nasa ilalim ng
Austria.
6. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo
Halimbawa ng Panatikong Nasyonalismo:
Marami sa mga estado ng Balkan ay Greek
Orthodox ang relihiyon at ang pananalita ay
tulad ng mga Ruso.
Ito ay may kinalaman din sa kagustuhan ng
Russia na makuha ang Constantinople upang
magkaroon siya ng mga daungan na ligtas sa
yelo.
7. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo
Halimbawa ng Panatikong Nasyonalismo:
Nais angkinin ng Italya ang Trent
at Triste na sakop din ng Austria.
Ang Pransya naman ay nagnanais ding
mapabalik sa kanya ang Alsace-Lorraine
na inangkin ng Alemanya noong 1871
bunga ng digmaan ng Pransya at Russia
8. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Isang paraan ng pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan at pag
unlad ng mga bansang Europeo sa
pamamagitan ng pagkuha ng mga
kolonya.
9. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Ang pag uunahan ng mga makapangyarihang
bansa na sumakop ng mga lupain at
magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at
kalakal ng Aprika at Asya
Ay lumikha ng samaan ng
loob at pag-aalitan ng
mga bansa.
10. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Sinalungat ng Britanya ang pag-
angkin ng Alemanya sa Tanganyika
(East Africa) sapagkat balakid ito sa
kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape
Colony patungong Cairo.
11. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Tinangka namang hadlangan ng
Alemanya ang pagtatatag ng French
Protectorate sa Morocco sapagkat
naiinggit ito sa mga tagumpay ng
Pransya sa Hilagang Aprika
12. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Sa gitnang silangan, nabahala ang
Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad
Railway sapagkat ito'y panganib sa kanyang
lifeline patungong India.
13. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Ang pagpapalawak ng hangganan ng
Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at
mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Rusya.
14. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
2. Imperyalismo
Hindi nasiyahan ang
Alemanya at Italya sa
pagkakahati-hati ng
Aprika sapagkat kaunti
lamang ang kanilang
nasakop samantalang
malaki ang naibahagi
sa Inglatera at Pransya.
15. Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
3. Militarismo
Upang mapangalagaan ang kanilang
teritoryo, kinakailangan ng mga bansa
sa Europa ang mahuhusay at malaking
hukbong sandatahan sa lupa at
karagatan.
Ito ang naging ugat ng
paghihinala ng mga bansa
sa isat isa.
Nagsimulang magtatag ng malalaking
hukbong pandagat ang Alemanya.
Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon
sa kapangyarihan ng Inglatera bilang
Reyna ng Karagatan.
16. 3. Pagbuo ng Alyansa
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
Dahil sa inggitan, paghihinala at lihim na
pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo:
Triple Entente
Triple Alliance
Germany
Austria-Hungary
Italy
France
Britain
Russia
17. 3. Pagbuo ng Alyansa
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
Triple Entente
Triple Alliance (Germany, Austria-Hungary at Italy)
(France, Britain at Russia)
Itinatag ni Otto Von Bismarck (Germany)
noong 1882 upang maihiwalay ang France at
mawalan ito ng kakampi at upang mapigilan
ang impluwensya ng Russia sa Balkan
Ang Triple Entente ay binuo para mapantayan
ang kapangyarihan ng Triple Alliance.
18. Ang Pagsisimula at Pangyayari ng
Unang Digmaang Pandaigdig
❑ Sinuportahan ng Germany ang tangka
ng Austria na mapahina ang Serbia
❑ Hindi rin naman mapayagan ng Russia
na mapahina ang Serbia kayat humanda
na itong tumulong.
❑ Ang France ay nakahanda namang
tumulong sa Russia.
❑ Alam ng Germany na kung makakalaban
niya ang Russia, makakalaban din niya
ang France
19. Ang Pagsisimula at Pangyayari ng
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand
ng Austria at Sophie, Duchess of Hohenberg sa
Sarajevo noong June 28, 1914 ang nagsilbing
mitsa sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
21. Dito naganap ang pinakamainit ng
labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang bahaging sakop ng digmaan ay
mula sa hilagang Belgium hanggang sa
hangganan ng Switzerland.
Ang Digmaan sa Kanluran
22. Ang Digmaan sa Kanluran
Nilusob ng Germany ang Belgium
kahit ito ay isang neutral na bansa.
Ito ang ginamit na paraan ng Germany
upang malusob ang France.
Ngunit sila ay inantala ng magiting na
mga sundalo ng Belgium sa Leige.
23. Nilusob ng Russia sa Germany sa pangunguna
ni Grand Duke Nicholas, ngunit sila ay natalo
sa Digmaan ng Tannenberg.
Ang Digmaan sa Silangan
24. Ang Digmaan sa Silangan
Nagtagumpay ang mga Ruso
sa Battle of Galicia (Ukraine).
Ngunit sila ay pinahirapan ng mga
Germans sa pagdating Poland at dito ay
tuluyang bumagsak ang hukbo ng Russia.
25. Ang Digmaan sa Silangan
Ang sunud-sunod na pagkatalo ng mga Russians
sa digmaan ang naging dahilan ng pagbagsak ng
Dinastiyang Romanov noong March,1917 at ang
Pagsilang ng Komunismo sa Russia.
Nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim
ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa
pamamagitan ng paglagda sa
Treaty of Brest-Litovsk.
26. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng
Balkan ay napasailalim na sa kapangyarihan
ng Central Powers (Dating Triple Alliance)
Allied Forces
(Triple Entente)
Central Powers
(Triple Alliance)
Germany
Austria-Hungary
Italy
France
Britain
Russia
Italy
Turkey
(Ottoman Empire)
Ang Digmaan sa Balkan
27. Sa unang bahagi ng digmaan ay
nagkasubukan ang mga hukbong pandagat
ng Germany at Britain.
Ang lakas pandagat ng Britain ay naitaboy
ang mga barkong pandigma ng Germany mula
sa Pitong Dagat (Seven Seas) at kumanlong
sa Kanal Kiel.
Ang Digmaan sa Karagatan
28. Ang Digmaan sa Karagatan
Naging mainit ang labanan dahil makapangyarihan
ang hukbo ng mga Allied Forces sa dagat.
Sa kabilang dako, ang mga mabibilis na raider
at mga submarinong U-boats ng Central Powers
ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang
pandagat ng mga Allied Forces.
Ang pinakamabagsik na raider
ng Germany ay ang Emden
Ito ay napalubog ito ng Sydney,
isang Australian cruiser
29. Matinding pinsala ang naidulot ng Unang
Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari arian.
Ang bilang namatay sa labanan ay
tinatayang umabot sa 8,500,000 katao
Ang mga nasugatan ay tinatayang
22,000,000.
Ang mga sibilyan na namatay sa gutom,
sakit at paghihirap ay tinatayang umabot
sa 18,000,000.
Mga Naging Bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig
30. Mga Naging Bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang mapa ng Europa ay sadyang nabago at ang
kalagayang pampulitika sa buong daigdig ay nagbago.
Ang Austria at Hungaria
ay nagkahiwa- hiwalay
Ang mga bansang
Latvia, Estonia, Lithuania,
Finland, Czechoslovakia,
Yugoslavia at Albania
ay naging malalayang bansa.
31. Mga Naging Bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig
Apat na imperyo sa Europa
ang nagwakas:
Hohenzollern ng Germany
Hapsburg ng Austria-Hungary
Romanov ng Russia
Ottoman ng Turkey
32. Mga Naging Bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang mga itinalaga ng Treaty of Versailles
noong 1919 ay nagtanim ng hinanakit sa
Germany dahil lubhang marahas ang mga
parusang iginawad.
Ang pagkapahiya ng Germany ay naging
dahilan kung bakit ang bansang ito ay
naghanda na naman upang muling
makipaglaban sa mga bansang alyado.
33. Ang mga nanalong bansa ay
umisip ng paraan upang maiwasan
ang muling pagsiklab ng digmaan na
inakala nilang magiging salot sa
kapayapaan ng mundo.
Sila ay bumalangkas ng mga
kasunduang pangkapayapaan na
naganap sa Paris noong 1919-1920.
Mga Kasunduang Pangkapayapaan
34. Mga Kasunduang Pangkapayapaan
Ang mga pagpupulong na ito ay
pinangunahan ng tinatawag na Big Four:
Woodrow Wilson
United States of America
David Lloyd George
Britanya
Vittorio Emanuele Orlando
Italya
Georges Clemenceau
Pransiya