Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
Leyte National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan VIII
Modyul IV
Aralin 2 Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ginawa ni Rejane D. Cayobit
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Neokolonyalismo sa Kanluran at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian at epekto ng Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya.
The document discusses the reasons for the expansion of Western colonialism and imperialism in Southeast and South Asia between the 18th and 19th centuries. It cites factors such as mercantilism, capitalism, and the belief in the White Man's Burden that drove Western nations to establish more colonies in Asia. This allowed them to extract raw materials and find new markets for their goods, helping their economies grow. However, it also disrupted local societies and economies in Asia.
AP 7 Lesson no. 27: Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Neokolonyalismo sa Kanluran at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian at epekto ng Neokolonyalismo sa Kanlurang at Timog Asya.
The document discusses the reasons for the expansion of Western colonialism and imperialism in Southeast and South Asia between the 18th and 19th centuries. It cites factors such as mercantilism, capitalism, and the belief in the White Man's Burden that drove Western nations to establish more colonies in Asia. This allowed them to extract raw materials and find new markets for their goods, helping their economies grow. However, it also disrupted local societies and economies in Asia.
2. KUMUSTA KA?
Bago tayo magsimula ay tapikin mo muna ang
balikat ng iyong katabi at batiin mo siya ng
magandang umaga, pagkatapos ay kumustahin mo
siya.
3. Pamantayan sa Pagkatuto
01
02
03
04
oNasusuri ang dahilang
nagbigay-daan sa Unang
Digmaang Pandaigdig
oNasusuri ang mahahalagang
pangyayaring naganap sa
Unang Digmaang Pandaigdig
oNatataya ang mga epekto
ng Unang Digmaang
Pandaigdig
oNasusuri ang pagsisikap ng mga
bansa na makamit ang
kapayapaang pandaigdig at
pangkaunlaran
10. ALYANSA
isa o higit pang kalipunan o
kasunduan ng mga bansa o partido na
sumusuporta sa isang programa,
paniniwala o pananaw.
11.
12.
13. IMPERYALISMO
isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang
malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad
upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o kontrol na pangkabuhayan at
pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa
14. Imperyalismo
Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East
Africa) Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French
Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa
Hilagang Aprika.
Naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina .
Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika
sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang
nabahaging nakuha ng Inglatera at France.
15. NASYONALISMO
tumutukoy sa masidhing
pagmamahal sa sariling bayan o
bansa. Ito rin ang ideyolohiyang
pampolitika bumubugkos sa isang tao
sa iba pang mga taong may
pagkakapareho sa kanyang wika,
kultura at iba pa.
16. ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay
naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe
pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na
nasa ilalim ng Austria.
ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala
ng Austria.
19. Ang Simula
Pagsapit ng 1914, hindi na maganda ang relasyon ng Serbia,
isang estado sa Balkan, at Austria. Ang Serbia, na suportado ng
Russia, ay nangarap na pag-isahin ang lahat ng mga Serb na
naninirahan sa Imperyong Austria- Hungary at bumuo ng
Kalakhang Serbia (Greater Serbia).
20. Noong Hunyo 28, 1914 dinalaw ni
Archduke Francis Ferdinand, ang
taga- pagmana sa tronong Austria,
ang lungsod ng Sarajevo sa Balkan.
Habang nasa motorcade si
Ferdinand, isang lalaki ang lumapit
sa kanila at binaril siya at ang
kaniyang asawa.
Sa suporta ng Germany, nagpadala ng
isang pananakot na ultimatum si
Berchtold. Binigyan niya ang Serbia ng
48 oras upang sumagot. Handa na si
Berchtold sa isang digmaan dahil
nakasisiguro siyang tatalunin ng
Austria ang Serbia. Naniniwala pa si
Berchtold na dahil kaalyado nila ang
Germany, matatakot tumulong ang
ibang bansa.
History
22. Tinanggihan nila ang pagpasok ng mga opisyang Austria-
Hungary sa bansa upang ipatigil ang mga propaganda laban
sa Austria. Ang pagtangging ito ay naging dahilan ng Austria
na gumawa ng isang marahas na hakbang. Noong Hulyo 28,
idineklara ng Austria ang digmaan sa Serbia.
23. Simula
Sa kabilang dako, humingi naman ng tulong
ang Serbia sa Russia. Mula sa St. Petersburg,
nagpadala ng telegrama si Nicholas II kay
William II na
bawasan ng Austria ang mga kahilingan nito.
Nang hindi binigyang-pansin ang kahilingan,
sinimulan na ng Russia ang paghahanda sa
puwersang militar nito Tumugon ang Germany
sa pamamagitan ng deklarasyon ng digmaan
laban sa Russia noong Agosto 1, 1919.
24. Main Concept
Paghingi ng tulong
ng Russia
Paghingi ng pabor ng
Germany
Pagiging neutral ng
Belgium at Italy
Humingi naman ang
Russia ng tulong sa
kaniyang kaalyadong
France sa Paris, nakakita
ng pagkakataon ang mga
nasyonalista na
ipaghiganti ang sinapit
nila sa Digmaang Franco-
Prussian.
Hiniling ng Germany
ang pagiging neutral ng
France, ngunit tumanggi
ito. Lumaki lalo ang
digmaan noong Agosto
dahil nagdeklara ang
Germany ng digmaan
laban sa France.
Labis na kinatakutan
ng Germany ang
digmaan sa
dalawang panig nito
ang France sa
kanluran at Russia
sa silangan.
25. Dalawang taon bago ang pangyayaring ito, binuo ni
Heneral Alfred von Schlieffen ang isang
estratehiya upang maiwasan ang ganitong
digmaan na tinawag niyang Schlieffen Plan.
Sa lalim ng planong ito, marapat na talunin muna
ng Germany ang France bago labanan ang Russia.
At upang masiguro ang madaling panalo, inatasan
ang lahat ng sundalong Aleman na pumasok sa
Belgium bago pumasok sa likod patungo sa France.
Schlieffen Plan
26. Noong Agosto 6, 1919, sinalakay ng Germany ang Belgium.
Bagama't pumayag ang Britain at iba pang bansa sa Europe,
lumagda sila ng kasunduan na nagsisiguro ng pagiging neutral
ng Belgium. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa
Germany.
27. "Ang Dakilang
Digmaan"
Ang digmaang ito ay isa sa
pinakamalaking tunggaliang naganap
sa kasaysayan ng tao. Isa itong
digmaan na naghatid ng maraming
suliranin, at nang lumaon, ng isa pang
digmaang pandaigdig. Inakala ng
marami na ang digmaang ito ang
magiging sagot sa mga usaping
pinahahalagahan ng mga tao noong
panahong iyon.
28. Ang Digmaan sa Kanlurang
Europe
Sa kanlurang bahagi, ang mga
magkakalabang sandatahan ay
naghukay ng lungga sa malalawak
na kanal (trenches) mula sa
hangganan ng Switzerland
hanggang sa Belgium. Isang lihim
na network ang nagdurugtong sa
mga bunker, gamit
pangkomunikasyon, at sandata
nila.
Noong 1916, nagsagawa ng
isang opensiba ang
magkabilang panig Ginulat ng
mga Aleman ang mga Pranses
na nasa Verdun, Ipinagtanggot
nama ng mga Pranses ang
kanilang posisyon, ngunit
namatayan ang dalawang pang
ng mahigit kalahating milyong
tao.
29. Ang Digmaan sa Silangang
Europe
Ang mga armadong Ruso ay napunta sa silangan ng Germany
noong Agosto 1914. Sa Labanan sa Tannenberg, naranasan nila
ang pinakamalubhang pagkatalo sa digmaan. Pagkatapos sa
Tannenberg, ang sandatahan sa silangan ay lumaban sa lupain
sa Russia.
Para sa mga bansa, ang Russia ay hindi handa sa isang
makabagong digmaan. Kulang sa kagamitan ang mga hukbong
Ruso, at madalas, ang mga tropa ay walang armas maging
simpleng riple man lamang.
30. Ang digmaan ay naganap din sa timog-silangan ng Europe. Noong 1915.
sumapi ang Bulgaria sa Kapangyarihang Sentral sa pagwasak sa karibal
na Serbia. Sa kabilang dako, sumama naman ang Italy sa Allies upang
makuhang muli ang mga lupain na tinitirhan ng mga Italyano. Ang
Labanan sa Caporetto ang pangunahing labanan sa Austria na
nagsimula noong Oktubre hanggang Disyembre 1912, ay naging
mapaminsala sa Italy katulad ng sa Tannenberg sa Russia.
31. Labanan sa ibang Bahagi ng
Mundo
Naganap din sa mga kolonya ang labanan sa pagitan ng Triple Entente
at Central Powers
Ang Triple Entente ay binubuo ng France, Britain, at Russia
Ang Central Powers naman ay kinabibilangan ng Germany, Austria-
Hungary Bulgaria, at ang Imperyong Ottoman
32. Samantala, tinangka naman ng Entente
na buksan ang Kipot ng Dardanelles sa
Turkey para makapagpadala ng suplay
sa mga Ruso Gayunman, kontrolado ito
ng hukbo ng Imperyong Ottoman kaya
inilunsad ang kampanya sa Gallipoli.
Pagkalipas ng labing-isang buwan,
nabigo ang Entente na makontrol ang
Gallipoli.
Sa Timog-kanlurang Asia, tinulungan
naman ng mga Briton ang mga Arabe
na mag-alsa laban sa Imperyong
Ottoman. Sa pangunguna ni TE
Lawrence, mas kilala bilang Lawrence of
Arabia, nasakop ng Entente ang mga
lungsod ng Baghdad, Jerusalem, at
Damascus.
33. Noong Agosto 23, 1914, sumapi naman ang Japan sa panig ng Entente.
Sinakop ng Japan ang mga teritoryo ng Germany tulad ng Marshall
Island, North Marianas, Carolines, at ang Kiawchow sa tangway ng
Shantung (sakop ng Germany sa China).
Sinakop ng Australia ang New Guinea, samantalang sa Africa ay
matagumpay na nasakop ng mga Briton at Pranses ang apat na
kolonya ng Germany (Togo, Cameroon, German Southwest Africa, at
German East Africa) Ang pagsasanib puwersa ng mga bansang ito ay
lalong nagpalakas sa Entente. na sa kalaunan ay tinawag na Allied
Powers.
34. Paglipat ng Italy
Sumali naman ang Italy sa panig ng Allied Powers noong
Mayo 1915. Ito ay matapos pangakuan ng France ang Italy ng
lupain sa pamamagitan ng isang kasunduan sa London, Ang
mga lupang ipinangako ay matatagpuan sa Asya Menor,
Africa, at Balkan.
35. Ang Pagpasok ng
America sa Digmaan
Pagkasimula ng rebolusyon sa Russia,
isang pangyayari ang bumago sa
takbo ng digmaan. Sa kabila ng
mahabang panahong hindi
pakikisangkot sa digmaan, ang United
States ay nagdeklara ng pakikidigma
laban sa Germany Isang dahilan nito
ay ang pag-atake ng submarino ng
Germany sa isang pampasaherong
barkong Briton.
Noong Mayo 1915, isang
submarino ng Germany ang
nagpatama torpedo sa
pampasaherong barkong Briton
na RMS Lusitania. Halos 1.200
pasahero ang namatay, kabilang
ang 128 Amerikano.
36.
37. Lalong nagalit ang America nang mapasakamay ng mga Briton ang isang
telegrama noong Pebrero 1917 mula kay Kalihim Arthur Zimmerman ng
Ugnayang Panlabas ng Germany. Nakapaloob sa telegrama ang pagnanais na
pakikipag-alyansa ng Germany sa Mexico. Kapalit ng alyansang ito ang
pagtulong ng mga Aleman sa mga Mehikano na muling mabawi ang mga
lupaing isinuko sa America matapos ang Digmaang Mehikano at Amerikano
Agad na ipinaabot ng mga Briton sa mga Amerikano ang mensahe, at noong
Abril 2, 1917, pormal ng nagdeklara ng digmaan ang Kongresa ng America
laban sa Germany.
38. Pagwawakas ng
Digmaan
Ang patuloy na kakulangan sa mga kagamitang pandigma at
pagkain ang nagbigay-daan upang maganap ang isang
rebolusyon sa Russia na nagpabagsak sa monarkiya ni Tsar
Nicholas II. Nangako ang bagong pumalit na pamahalaan na
ipagpapatuloy ang pakikipaglaban.
40. Pagwawakas ng Digmaan
Pagsapit ng Nobyembre 1917, naganap ang Rebolusyong Bolshevik na
pinangunahan ng komunistang si Vladimir Lenin, Bilang bagong pinuno
ng Russia, nakipagkasundo siya sa Central Powers at nilagdaan ang
Kasunduan sa Brest-Litovsk. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, isinuko
ng Russia sa Germany ang Finland, Poland, Ukraine, Estonia, Latvia, at
Lithuania,
Noong Marso 1918, sinimulan ng mga Aleman ang malaki nitong opensiba
laban sa Allies. Nakarating muli ang hukbong Aleman sa may Ilog Mame,
ngunit nahadlangan sila ng hukbong Amerikano na pinamunuan ni
Marshal Ferdinand Foch. Sa labanang ito, natalo ng Allies ang puwersa ng
Germany.
41. Pagwawakas ng Digmaan
Dahil sa pagkatalo ng Germany, napilitang bumaba sa puwesto Kas
Wihelm II. Matapos nito, nagdeklara ng isang republika ang mga
mamamayang Aleman na nagnanais nang mahinto ang digmaan Kaagad
na nakipagpulong ang mga kinatawan ng Republika ng Germany para sa
isang armistice noong Nobyembre 11, 1918.
42. Pagwawakas ng Digmaan
Nagpulong sa Paris ang mga kinatawan ng mga bansa mula sa
Centr Powers at Allies upang bumuo ng kasunduang
pangkapayapaan. Pinangunah ang pulong ng mga
prominenteng pinuno ng Allies na sina Pangulong Woodrow
Wilson ng America, Punong Ministro Lloyd George ng Britain,
Punong Minist Georges Clemenceau ng France, at Punong
Ministro Vittorio Orlando ng Italy. Sa ilalim ng Paris Peace
Settlement, nagkaroon ng limang kasunduang
pangkapayapaan para sa Germany, Austria-Hungary, Bulgaria,
at Turkey Ang kasunduan ay nilagdaan ng Germany noong
Hunyo 28, 1914
43. Ang Big Four: (Mula sa Kaliwa)
Punong Ministro ng Britain na
si David Lloyd George,
Vittorio Orlando ng Italy, at
Georges Clémenceau ng
France kasama ang Pangulong
Woodrow Wilson