2. Sa ilalim ng islogan ng Bagong Lipunan, nagkaroon ng mga
programa at reporma upang maisakatuparan ito sa
pamamagitan ng programang PLEDGES. Ang programang ito
ay tumutukoy sa mga sumusunod na proyektong isinagawa sa
ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
3. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
P – Peace & Order
(Kapayapaan at Kaayusan)
Ang kampanya ni Marcos para sa
kapayapaan sa ilalim ng batas militar
ay naglalayong ibaba ang antas ng
kriminalidad sa buong bansa sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng
disiplina.
4. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
L – Land Reform
(Reporma sa Lupa)
Sa pamamagitan ng Atas Pangulo Blg.
27, inatasan ang mga nagmamay-ari ng
lupaing sumobra sa pitong ektarya na
ibigay ito sa mga nagsasaka sa lupain.
5. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
E – Economic Development
(Kaunlarang Pang-Ekonomiya)
Itinatag ni Pangulong Marcos ang
National Economic and Development
Authority (NEDA) na namahala sa
pagbalangkas ng mga polisiyang
magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
Nagpatupad siya ng pamamaraan upang
epektibong makolekta ang buwis nang
sa gayon ay mataasan ang laman ng
kaban ng bayan.
6. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
D – Development of Moral Values
(Pagpapaunlad ng Kagandahang Asal)
Ang pagpapalaganap ng kagandahang-
asal ay naaayon sa kaniyang kilalang
islogan na “Sa ikauunlad ng bayan,
disiplina ang kailangan.” Naganap ito
nang isama ng pamahalaan ang
pagpapatupad ng batas at disiplina sa
edukasyon ng mga kabataan.
7. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
G – Government Reforms
(Repormang Pampamahalaan)
Binago ni Pangulong Marcos ang
pamahalaan at isinaayos ang mga
rehiyon ng bansa sa bisa ng Atas
Pangulo Blg. 1. Ayon sa panukalang ito,
ang tungkulin ng pangulo ay parehong
magpatupad at gumawa ng batas. Ang
Sandatahang Lakas at maging ang mga
lokal na pamahalaan ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ni Pangulong Marcos.
8. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
E – Educational Reforms
(Repormang Pang-edukasyon)
Pagdating sa edukasyon, nagkaroon ng
reporma sa pagpapaaral sa mga
kabataan. Sa bias ng Atas Pangulo Blg.
146, ipinatupad din ni Marcos ang
National College Entrance Examination
(NCEE) upang malaman ang kahandaan
ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga
mag-aaral ay kinakailangang magkaroon
ng kasanayang teknikal at bokasyonal.
9. Programa sa Ialim ng
PLEDGES
Proyekto
S – Social Services
(Serbisyong Panlipunan)
Ito ay ang pagpapalaganap ng mga
pampublikong serbisyo sa mga
mamamayang maysakit at maralita sa
pamamagitan ng pagpapagawa ng mga
impraestrukturang pangkalusugan at
pangkawanggawa tulad ng Philippine
Heart Center, National Kidney
Transplant Institute, at ang National
Children’s Medical Center mula sa
buwis ng mga mamamayan.