1. Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap
sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang
tradisyonal at sa social media.
Alam mo bang may anim na lugar sa bansa ang bahagi ng listahan ng UNESCO World Heritage List? Ito ay ang
Lumang Siyudad ng Aleppo, Lumang Siyudad ng Bosra, Lumang Siyudad ng Damascus, Lumang Siyudad ng
Hilagang Syria, Crac des Chevaliers at ang Pook Qal’at Salah El-Din sa Palmyra. Maliban doon, may 12 ibang lugar
sa bansa na kabilang din sa tinatawag na tentative list.
Noong ika-30 ng Marso, 2012, nagpalabas ng anunsyo ang UNESCO na umaapela sa buong mundo na pahalagahan
ang mga yamang kultura ng Syria. Sa kanyangpanawagan, sinabi ni Irina Bokova, ang Director General ng UNESCO:
Ang pagkawasak ng yamang-kasaysayan ng bansa ay siya ring pagkasira ng diwa ng kanyang mamamayan at
pagkakakilanlan niya.
Ang bayan ng Aleppo, halimbawa, ay naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar.
Lubusang ikinabahala ito ng nasabing sangay ng UN at ng kaugnay nitong ahensiya, ang World Heritage Committee.
Pagkasira, pagnanakaw, at pagpupuslit ng mga ninakaw … ito ang naging hantungan ng mga ingat-yaman na humigit
isang libong taon na ang tanda.
Sa ngayon walang pagkakakilanlan sa tunay na katauhan ng grupo sa likod ng pagkilos; marahil sila ay isang pangkat
ng mga arkeolohistang taga-Syria o mula sa ibang bansa.
Ito ang nilalaman ng kanilang panawagan:
Maliban sa paghahahangad ng lubos na kapayapaan para sa bansa, limitado ang ating magagawa upang mapalaya
sila mula sa kasalukuyang kaguluhan. Ngunit may magagawa tayo. Saksi ang mga taga-Syria sa mga nakaambang
pagkawasak ng kanilang mga yamang-kultura, at ilan sa mga ito ay tuluyan nang nasisira. Malaking bahagi ng
kanilang kultura ang maaaring mawala. Ito ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ang mga pamana ng
kultura: Karamihan sa mga bagay na nahukay namin ay naipadala na sa mga lokal na museo at sa ilang mga
kabahayan kung saan kami pansamantalang nakatira. Posibleng mawala ang mga bagay na ito dahil sa kawalang-
katiyakan ng sitwasyon doon. Kaya't nananawagan kami sa mga kasamahan namin na ihanda ang mga
imbentaryo at talaan ng mga bagay na ito kung sakali mang mawala sila. Pagdating ng panahon, ang mga
hakbang na ito ay makakatulong sa pagsasaayos ng mga yamang arkeolohiyal na nahukay bago pa man nagsimula
ang kaguluhan.
Aleppo Citadel