2. Ang konsepto ng citizenship
(pagkamamamayan) o ang
kalagayan o katayuan ng isang
tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig.
3. Tinatayang panahon ng kabihasnang
nang umusbong ang konsepto
ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay
binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga
taong may iisang pagkakakilanlan at iisang
mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga
citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
4. Ayon kay
ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng
isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at
tungkulin.
5. SALIGANG BATAS 1987
Ito ang pinakamataas
na batas ng isang
bansa at nakasulat
dito ang mahahalagang
batas na dapat sundin
ng bawat mamamayan.
Artikulo IV
PAGKAMAMAMAYAN
Section 1: Ang mga Sumusunod ay
mamamayan ng Pilipinas:
1. yaong mamamayan ng Pilipinas
sa panahon ng pagpapatibay ng
saligang-bastas na ito;
2. yaong ang mga ama o mga ina
ay mamamayan ng Pilipinas;
3. yaong mga isinilang bago
sumapit ang Enero 17,1973 na ang
mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa karampatang gulang;
4. yaong mga naging mamamayan
ayon sa batas.
6. SEKSIYON 2.
Ang katutubong inianak na
mamamayan ay yaong mamamayan
ng Pilipinas mula pa sa pagsilang
na wala nang kinakailangang
gampanang ano mang hakbangin
upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon
sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak
na mamamayan.
SEKSIYON 3.
Ang pagkamamamayang
Pilipino ay maaaring mawala o
muling matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.
SEKSIYON 4.
Mananatiling angkin ang
kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na
mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang, sila
ay ituturing, sa ilalim ng batas,
na nagtakwil nito.
SEKSIYON 5.
Ang dalawahang katapatan
ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at
dapat lapatan ng kaukulang
batas.
7. DAHILAN NG PAGKAWALA NG
PAGKAMAMAMAYAN
1. ANG PANUNUMPA NG KATAPATAN SA SALIGANG-
BATAS NG IBANG BANSA.
2.TUMAKAS SA HUKBONG SANDATAHAN NG ATING
BANSA KAPAG MAY DIGMAAN.
3.NAWALA NA ANG BISA NG NATURALISASYON.
4.PAGSISILBI O PAGTANGGAP NG KOMISYON SA
HUKBONG SANDATAHAN NG IBANG BANSA.
5.ITINAKWIL NIYA ANG KANIYANG
PAGKAMAMAMAYAN AT NAG ANGKIN NG
PAGKAMAMAMAYAN NG IBANG BANSA
(EXPATRIATION)
8.
9. LUMALAWAK NA PANANAW NG
PAGKAMAMAMAYAN
ANG PAGKAMAMAMAYAN NG ISANG INDIBIDUWAL
AY NAKABATAY SA PAGTUGON NIYA SA
KANIYANG MGA TUNGKULIN SA LIPUNAN AT SA
PAGGAMIT NG KANIYANG MGA KARAPATAN PARA
SA KABUTIHANG PANLAHAT
IGIGIIT NG ISANG MAMAMAYAN ANG KANYANG
MGA KARAPATAN PARA SA IKABUBUTI NG BAYAN.
HINDI NIYA INAASA SA PAMAHALAAN ANG KAPAKANAN NG
LIPUNAN SA HALIP, SIYA AY NAKIKIPAGDIYALOGO RITO
UPANG BUMUO NG ISANG KOLEKTIBONG PANANAW AT
TUGON SA MGA HAMONG KINAKAHARAP NG LIPUNAN.
10. PANGKATANG GAWAIN
BAWAT GRUPO AY PIPILI SA KANYANG MIYEMBRO NA PAPANAYAMIN.
DAPAT MAY TAGA-PANAYAM(INTERVIEWER) AT TAGA SULAT
(TRANSCRIBER) SA MGA NAGING KASAGUTAN.
BAWAT GRUPO AY MAY MAG-UULAT SA HARAPAN.
MGA GABAY NA TANONG
1. MAGBIGAY NG TATLO O LIMANG TUNGKULIN O PAPEL NA
GINAGAMPANAN BILANG MAMAMAYAN, MAAARING MAY KAUGNAYAN ITO
SA IYONG PAMILYA, KOMUNIDAD O LIPUNAN PARA SA PANGKALAHATAN.
2. SA BAWAT TUNGKULIN MAGBIGAY NG TATLONG KILOS NA INAASAHAN SA
IYO NG MGA TAONG NASA PALIGID MO.
3. ISALAYSAY ANG ISANG PANGYAYARI NA KUNG SAAN NAGAMPANAN MO
ANG IYONG PAPEL BILANG MAMAMAYAN. ILARAWAN ANG SITWASYON AT
KUNG ANO ANG GINAWA MO UPANG MALUTAS ITO.
11. Takdang aralin:
Basahin ang artikulong Filipino Ideals of good
citizenship ni Mahar Mangahas.Pagkatapos ay
sagutin ang mga kasunod na tanong.
1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon
sa binasang artikulo?
2. Ano ang ranggo ng Pilipanas sa ibat-ibang tungkulin ng
isang mamamayan?
3. Alin sa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang
iyong ginawa? Bakit ito mahalagang gawin.
4. Anong Konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkol
sa pagiging mabuting mamamayan ng mga Pilipino batay
sa survey?