SlideShare a Scribd company logo
1 of 34
Mga Yugto sa Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko
Kasaysayan ng Daigdig- Nina Dyan G. Saban
MELC: Nasusuri ang mga yugto ng pag-unlad ng
kultura sa panahong prehistoriko.
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga mahalagang pangyayari na nagpaunlad ng
kultura ng sinaunang tao;
2. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao; at
3. Nabibigyang-halaga ang mga pangyayaring nagpaunlad ng kultura
sa panahong prehistoriko tungo sa kasalukuyan.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
_________1. Alin sa sumusunod na panahon sa pag-unlad ng kultura ng
mga sinaunang tao ang unang gumamit ng apoy at nangaso?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
_________2. Ang Catal Huyuk ay isang pamayanan na matatagpuan sa
Anatolia (Turkey ngayon). Ang pamayanang ito ay may katangiang
paghahabi at paggawa ng mga alahas at kutsilyo. Sa anong bahagi ng pag-
unlad ito napabibilang?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
_________3. Ang Panahong Paleolitiko ay nahahati sa tatlong
magkakaibang panahon at katangian. Sa anong panahon umusbong
ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpinta sa katawan at pagguhit
ng bato?
A. Lower Paleolithic Period C. New Paleolithic Period
B. Middle Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period
_________4. Anong pangkat ng Indo-Europeo sa Kanlurang Asya
noong 1500 B.C.E. ang unang nakatuklas ng bakal?
A. Chaldean C. Hittites
B. Babylonian D. Sumerian
_________5. Anong panahon ng pag-unlad sa kultura ng mga
sinaunang tao sila unang nakipagkalakalan sa karatig-pook?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
_________6. Anong panahon nagsimula ang permanenteng
paninirahan sa pamayanan?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
_________7. Anong yugto ng panahong paleolitiko namuhay ang Cro-
Magnon na isa sa mga homo species na nabuhay sa daigdig?
A. Lower Paleolithic Period C. New Paleolithic Period
B. B. Middle Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period
_________8. Ang agrikultura bilang pangunahing pinagkukunan ng
pangangailangan ng mga sinaunang tao ay unang umusbong sa anong
panahon ng pag-unlad ng kultura ng mga tao?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
_________9. Alin sa sumusunod na yugto ng Panahong Metal ang
hindi kabilang?
A. Panahon ng Tanso C. Panahon ng Bronse
B. Panahon ng Ginto D. Panahon ng Bakal
_________10. Sa lahat ng panahon ng pag-unlad ng kutura ng mga
sinaunang tao, ito ang tinatayang pinakamahabang yugto sa
kasaysayan.
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
1. B
2. C
3. B
4. C
5. A
6. B
7. D
8. C
9. B
10. B
Species – isang pangkat ng mga nabubuhay na
organism na binubuo ng mga magkakatulad na
indibidwal na may kakayahang magpalitan ng mga
gene o interbreeding.
Gayundin tumutukoy ito sa kalipunan o isang uri
ng mga hayop, halaman, metal at iba pang may
kanya kanyang katangian o pagkakakilanlan.
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang
mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.
Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay
makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon
ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo
habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na
rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura
ng mga sinaunang tao.
Mga Yugto sa Pag-unlad
1. Paleolitiko (2,500,000–10,000 B.C.E)
1. Lower Paleolithic (120,000 B.C.E)
2. Middle Paleolithic (120,000–40,000 B.C.E)
3. Upper Paleolithic (40,000 – 8500 B.C.E)
2. Panahong Neolitiko (10,000 – 4,000 B.C.E)
3. Panahon ng Metal (4,000 B.C.E – kasalukuyan)
1. Panahon ng Tanso
2. Panahon ng Bronse
3. Panahon ng Bakal
1. Paleolitiko (2,500,000–10,000 B.C.E)
Ang yugtong ito ay tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old
Stone Age).
Nagmula ang salitang “Paleolitiko” sa mga katagang paleos o matanda at
lithos o bato.
Ang panahong ito ang tinatayang pinakamahabang yugto sa kasaysayan
ng sangkatauhan. Maiuugat sa pagsisimula ng mga paggamit ng
kasangkapang bato ng mga hominid.
Pinaniniwalaang ang mga sinaunang taong namuhay sa panahong ito ang
unang gumamit ng apoy at nangaso.
Lower Paleolithic (120,000 B.C.E)
Ang Lower Paleolithic Period ay nagwakas dakong 120,000 taon na
ang nakararaan at sinasabing pinakamaagang pananatili ng tao sa
daigdig.
Sa Lower Paleolithic Period nabuhay ang mga unang homo species
sa daigdig. Isa sa mga kilala na homo species ay ang Homo habilis
nangangahulugang “able man” o “handy man” dahil sila ang unang
species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa
paggawa ng kagamitang bato.
Middle Paleolithic (120,000–40,000 B.C.E)
Ang Middle Paleolithic Period ay panahon ng paglitaw ng makabagong
tao noong 100,000 taon ang nakalilipas. Sa panahon na ito umusbong
ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at
pagguhit sa bato. Sa panahong middle Paleolithic nabuhay ang taong
Neanderthal na natuklasan ang mga labi sa Germany.
• Upper Paleolithic (40,000 – 8500 B.C.E)
Sa yugtong ito ng panahong paleolitiko nagkaroon nang mga unang
pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa
mga lambak. Sa pamayanang umusbong sa panahong ito lumitaw ang
mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan. Ang mga Taong
Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-
Magnon.
KUMPLETUHIN MO!
1. PALEOS =__________ LITHOS= BATO
2. HOMO HABILIS=_______ MAN O _______MAN
3. HOMO ERECTUS =_______ PALEOLITHIC
4. NAGING ARTISTIKO ANG TAO= __________PALEOLITHIC
5. CAMPSITE= ________ PALEOLITHIC
• LUMA
• ABLE/ HANDY
• LOWER
• MIDDLE
• UPPER
• Panahong Neolitiko
Ang Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng
Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang 4
(10,000 – 4,000 B.C.E) Greek na neos o “bago” at lithos o
“bato.”
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na
kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa
pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok, at paghahabi.
Panahong Neolitiko
Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o
sistematikong pagtatanim. Isa itong rebolusyong agrikultural
sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain. Ito
rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang
lugar upang alagaan ang tanim at hayop.
Mga Katangian:
• Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,
naging permanente ang paninirahan ng mga tao.
• Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga
bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa
ng bahay.
• Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang
iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
• Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng
kabayo,baka at asno bilang sasakyan o tagahila ng parago o
karuwahe.
PANAHON NG NEOLITIKO
• Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit kundi
upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang Barter
o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.
• Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang
sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao.
• Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa
mga palengke.
• Catal Huyuk – isang pamayanang Neolitikong
matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Isang
pamayanang sakahan. May populasyong mula
3000 – 6000 katao.
• Magkadikit dikit ang mga dingding ng
kabahayan at ang tabing pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan pababa sa
hagdan. Inililibing ang mga yumao sa loob ng
kanilang bahay.
• May paghahabi, paggawa ng mga alahas,
salamin at kutsilyo.
3. Panahon ng Metal (4,000 B.C.E – kasalukuyan)
Sa panahon ng metal nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit
ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal.
Panahon ng Tanso (Copper)
Sa yugtong ito ng panahong metal naging
mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso
subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
kagamitang yari sa bato. Tinatayang
nagsimulang gamitin ang tanso noong
4000 B.C.E sa ilang lugar sa Asya, at 2000
B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. Nalinang
nang mabuti ang paggawa at pagpapanday
ng mga kagamitang yari sa tanso.
Panahon ng Bronse
Sa yugtong ito naging malawakan na
noon ang paggamit ng bronse nang
matuklasan ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito. Pinaghalo ang tanso
at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay. Iba’t ibang kagamitan
at armas ang nagagawa mula sa tanso
tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
punyal, martilyo, pana, at sibat. Sa
panahong ito natutong
makipagkalakalan ang mga tao
Panahon ng Bakal
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo na
nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E. Natutunan nilang
magtunaw at magpanday ngunit pinanatiling lihim ito. Nang lumaon,
lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap, isulat sa patlang
ang yugto sa pagunlad sa panahong prehistoriko. Isulat ang PP kung
panahong paleolitiko, PN kung panahong neolitiko at PM kung sa
panahon ng metal.
_________1. Permanenteng tirahan sa pamayanan.
_________2. Paggamit ng apoy.
_________3. Paghahabi ng damit at paggawa ng palayok.
_________4. Pagpapanday ng kagamitan na yari sa tanso.
_________5. Paggawa ng espada, palakol, at kutsilyo.
Gawain 2 Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung anong konsepto
tungkol sa yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao ang nilalarawan.
Sumerian Hittites Catal Huyuk Neolitiko
Paleolitiko Upper Paleolithic Middle Paleolithic
______________1. Ang yugto kung kailan namuhay ang Cro-Magnon na isa sa mga homo
species.
______________2. Pamayanang neolitiko na natagpuan sa Turkey.
______________3. Unang kabihasnan na nakatuklas ng bakal.
______________4. Pinakamahabang yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa kasaysayan.
______________5. Ang yugto kung kailan natuklasan ang pamumuhay ng Taong Neanderthal
sa Germany.
Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong.pptx

More Related Content

Similar to Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong.pptx

Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptx
Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptxRevised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptx
Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptxEllaPatawaran1
 
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)Neri Diaz
 
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptxpanahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx313734
 
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoMga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoDanz Magdaraog
 
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptx
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptxYugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptx
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptxMaryJoyTolentino8
 
Prehistoriko k. A. VALLANGCA
Prehistoriko k. A. VALLANGCAPrehistoriko k. A. VALLANGCA
Prehistoriko k. A. VALLANGCAktherinevallangca
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO Lyka Zulueta
 
Arpan 9 - Ebolusyong Kultural
Arpan 9 - Ebolusyong KulturalArpan 9 - Ebolusyong Kultural
Arpan 9 - Ebolusyong KulturalLorenza Garcia
 
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptx
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptxKONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptx
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptxRizaCabatbat2
 
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)mendel0910
 
Ebolusyong Kultural sa Asya.ppt
Ebolusyong Kultural sa Asya.pptEbolusyong Kultural sa Asya.ppt
Ebolusyong Kultural sa Asya.pptMarnelGealon2
 
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptx
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptxAP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptx
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptxCALEBDEARENGBEMBO
 
sinaunang kabihasnan sa asya.pptx
sinaunang kabihasnan sa asya.pptxsinaunang kabihasnan sa asya.pptx
sinaunang kabihasnan sa asya.pptxWengChingKapalungan
 
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asyaPaghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asyasevenfaith
 
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptPantzPastor
 

Similar to Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong.pptx (20)

Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptx
Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptxRevised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptx
Revised-PPT-Mga-Sinaunang-Tao-sa-daigdig.-1.pptx
 
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)
ANG MGA SINAUNANG TAO (Grade 9)
 
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptxpanahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx
panahong prehistoriko.pptx panahong prehistoriko.pptx
 
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at NeolitikoMga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko
 
PanahonNgBato.pdf
PanahonNgBato.pdfPanahonNgBato.pdf
PanahonNgBato.pdf
 
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptx
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptxYugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptx
Yugto ng Pagbabago sa Panahon ng Pre-historiko.pptx
 
Prehistoriko k. A. VALLANGCA
Prehistoriko k. A. VALLANGCAPrehistoriko k. A. VALLANGCA
Prehistoriko k. A. VALLANGCA
 
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO        PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
PAG-UNLAD NG KULTURA NG SINAUNANG TAO: PANAHON NG BATO
 
Prehistory
PrehistoryPrehistory
Prehistory
 
Arpan 9 - Ebolusyong Kultural
Arpan 9 - Ebolusyong KulturalArpan 9 - Ebolusyong Kultural
Arpan 9 - Ebolusyong Kultural
 
Panahon ng bato
Panahon ng batoPanahon ng bato
Panahon ng bato
 
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptx
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptxKONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptx
KONSEPTO AT KATANGIAN NG KABIHASNAN.pptx
 
Arpan 9 -
Arpan 9 - Arpan 9 -
Arpan 9 -
 
Arpan 9 Project
Arpan 9 ProjectArpan 9 Project
Arpan 9 Project
 
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)
Ebolusyong Kultural Sa Asya (Converted)
 
Ebolusyong Kultural sa Asya.ppt
Ebolusyong Kultural sa Asya.pptEbolusyong Kultural sa Asya.ppt
Ebolusyong Kultural sa Asya.ppt
 
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptx
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptxAP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptx
AP8 WEEK4 YUGTO NG PAG UNLAD NG TAO.pptx
 
sinaunang kabihasnan sa asya.pptx
sinaunang kabihasnan sa asya.pptxsinaunang kabihasnan sa asya.pptx
sinaunang kabihasnan sa asya.pptx
 
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asyaPaghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya
Paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya
 
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).pptap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
ap8week4yugtongpagunladngtao-230426212206-e1a42895 (1).ppt
 

Recently uploaded

Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 

Recently uploaded (20)

Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 

Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong.pptx

  • 1. Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Kasaysayan ng Daigdig- Nina Dyan G. Saban
  • 2. MELC: Nasusuri ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. Mga Layunin: 1. Natutukoy ang mga mahalagang pangyayari na nagpaunlad ng kultura ng sinaunang tao; 2. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao; at 3. Nabibigyang-halaga ang mga pangyayaring nagpaunlad ng kultura sa panahong prehistoriko tungo sa kasalukuyan.
  • 3. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. _________1. Alin sa sumusunod na panahon sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao ang unang gumamit ng apoy at nangaso? A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko _________2. Ang Catal Huyuk ay isang pamayanan na matatagpuan sa Anatolia (Turkey ngayon). Ang pamayanang ito ay may katangiang paghahabi at paggawa ng mga alahas at kutsilyo. Sa anong bahagi ng pag- unlad ito napabibilang? A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
  • 4. _________3. Ang Panahong Paleolitiko ay nahahati sa tatlong magkakaibang panahon at katangian. Sa anong panahon umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpinta sa katawan at pagguhit ng bato? A. Lower Paleolithic Period C. New Paleolithic Period B. Middle Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period _________4. Anong pangkat ng Indo-Europeo sa Kanlurang Asya noong 1500 B.C.E. ang unang nakatuklas ng bakal? A. Chaldean C. Hittites B. Babylonian D. Sumerian
  • 5. _________5. Anong panahon ng pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao sila unang nakipagkalakalan sa karatig-pook? A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko _________6. Anong panahon nagsimula ang permanenteng paninirahan sa pamayanan? A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
  • 6. _________7. Anong yugto ng panahong paleolitiko namuhay ang Cro- Magnon na isa sa mga homo species na nabuhay sa daigdig? A. Lower Paleolithic Period C. New Paleolithic Period B. B. Middle Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period _________8. Ang agrikultura bilang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng mga sinaunang tao ay unang umusbong sa anong panahon ng pag-unlad ng kultura ng mga tao? A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
  • 7. _________9. Alin sa sumusunod na yugto ng Panahong Metal ang hindi kabilang? A. Panahon ng Tanso C. Panahon ng Bronse B. Panahon ng Ginto D. Panahon ng Bakal _________10. Sa lahat ng panahon ng pag-unlad ng kutura ng mga sinaunang tao, ito ang tinatayang pinakamahabang yugto sa kasaysayan. A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko D. Panahong Prehistoriko
  • 8.
  • 9. 1. B 2. C 3. B 4. C 5. A 6. B 7. D 8. C 9. B 10. B
  • 10. Species – isang pangkat ng mga nabubuhay na organism na binubuo ng mga magkakatulad na indibidwal na may kakayahang magpalitan ng mga gene o interbreeding. Gayundin tumutukoy ito sa kalipunan o isang uri ng mga hayop, halaman, metal at iba pang may kanya kanyang katangian o pagkakakilanlan.
  • 11. Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon. Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
  • 12. Mga Yugto sa Pag-unlad 1. Paleolitiko (2,500,000–10,000 B.C.E) 1. Lower Paleolithic (120,000 B.C.E) 2. Middle Paleolithic (120,000–40,000 B.C.E) 3. Upper Paleolithic (40,000 – 8500 B.C.E) 2. Panahong Neolitiko (10,000 – 4,000 B.C.E) 3. Panahon ng Metal (4,000 B.C.E – kasalukuyan) 1. Panahon ng Tanso 2. Panahon ng Bronse 3. Panahon ng Bakal
  • 13.
  • 14. 1. Paleolitiko (2,500,000–10,000 B.C.E) Ang yugtong ito ay tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age). Nagmula ang salitang “Paleolitiko” sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang panahong ito ang tinatayang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maiuugat sa pagsisimula ng mga paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang taong namuhay sa panahong ito ang unang gumamit ng apoy at nangaso.
  • 15. Lower Paleolithic (120,000 B.C.E) Ang Lower Paleolithic Period ay nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan at sinasabing pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig. Sa Lower Paleolithic Period nabuhay ang mga unang homo species sa daigdig. Isa sa mga kilala na homo species ay ang Homo habilis nangangahulugang “able man” o “handy man” dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato. Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato.
  • 16.
  • 17. Middle Paleolithic (120,000–40,000 B.C.E) Ang Middle Paleolithic Period ay panahon ng paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas. Sa panahon na ito umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato. Sa panahong middle Paleolithic nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan ang mga labi sa Germany.
  • 18. • Upper Paleolithic (40,000 – 8500 B.C.E) Sa yugtong ito ng panahong paleolitiko nagkaroon nang mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Sa pamayanang umusbong sa panahong ito lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan. Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro- Magnon.
  • 19.
  • 20. KUMPLETUHIN MO! 1. PALEOS =__________ LITHOS= BATO 2. HOMO HABILIS=_______ MAN O _______MAN 3. HOMO ERECTUS =_______ PALEOLITHIC 4. NAGING ARTISTIKO ANG TAO= __________PALEOLITHIC 5. CAMPSITE= ________ PALEOLITHIC
  • 21.
  • 22. • LUMA • ABLE/ HANDY • LOWER • MIDDLE • UPPER
  • 23. • Panahong Neolitiko Ang Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang 4 (10,000 – 4,000 B.C.E) Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.” Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok, at paghahabi.
  • 24. Panahong Neolitiko Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim. Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain. Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang tanim at hayop.
  • 25. Mga Katangian: • Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito, naging permanente ang paninirahan ng mga tao. • Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay. • Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit. • Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka at asno bilang sasakyan o tagahila ng parago o karuwahe.
  • 26. PANAHON NG NEOLITIKO • Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao. • Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao. • Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke.
  • 27. • Catal Huyuk – isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Isang pamayanang sakahan. May populasyong mula 3000 – 6000 katao. • Magkadikit dikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan. Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay. • May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo.
  • 28. 3. Panahon ng Metal (4,000 B.C.E – kasalukuyan) Sa panahon ng metal nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal.
  • 29. Panahon ng Tanso (Copper) Sa yugtong ito ng panahong metal naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Tinatayang nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C.E sa ilang lugar sa Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
  • 30. Panahon ng Bronse Sa yugtong ito naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito. Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao
  • 31. Panahon ng Bakal Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E. Natutunan nilang magtunaw at magpanday ngunit pinanatiling lihim ito. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian
  • 32. Gawain 1 Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap, isulat sa patlang ang yugto sa pagunlad sa panahong prehistoriko. Isulat ang PP kung panahong paleolitiko, PN kung panahong neolitiko at PM kung sa panahon ng metal. _________1. Permanenteng tirahan sa pamayanan. _________2. Paggamit ng apoy. _________3. Paghahabi ng damit at paggawa ng palayok. _________4. Pagpapanday ng kagamitan na yari sa tanso. _________5. Paggawa ng espada, palakol, at kutsilyo.
  • 33. Gawain 2 Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung anong konsepto tungkol sa yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao ang nilalarawan. Sumerian Hittites Catal Huyuk Neolitiko Paleolitiko Upper Paleolithic Middle Paleolithic ______________1. Ang yugto kung kailan namuhay ang Cro-Magnon na isa sa mga homo species. ______________2. Pamayanang neolitiko na natagpuan sa Turkey. ______________3. Unang kabihasnan na nakatuklas ng bakal. ______________4. Pinakamahabang yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa kasaysayan. ______________5. Ang yugto kung kailan natuklasan ang pamumuhay ng Taong Neanderthal sa Germany.