Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
8. pagiging marangal new
1. 1
Baitang 4
PAGIGING MARANGAL
Pagmasdan ang larawan. Ano ang ipinakikita nito? Ikaw ba ay kusang nag-aabot ng
tamang pamasahe sa drayber? Ang pagiging matapat mo sa kapwa ay napakalaking bagay na
maaari mong ipagmalaki.
Sa modyul na ito, malalaman ang tungkol sa pagsasagawa ng nararapat kahit walang
nakabantay o nakasubaybay. Ito ang pagiging marangal.
Alamin Mo
2. 2
Basahin ang maikling kuwento.
Hindi Sana Napahiya
Pauwi na si Joel. Anim na piso na lamang ang pera niya. Naalala niyang niyaya siya ng
mga kaibigan na maglaro ng basketbol sa kalapit na barangay at hindi na siya bibigyan ng nanay
niya kapag humingi pa siya.
Patuloy ang takbo ng dyip na kaniyang sinasakyan. Punong-puno ito ng mga pasahero at
malakas ang tugtog ng radyo. Naisip niyang siguro hindi siya mapapansin ng drayber kung hindi
siya magbabayad ng pamasahe. Nais niyang maitabi ang anim na piso.
Joel: A, bahala na, sasabayan ko na lang sa pagbaba ang ilang pasahero.
Pasahero 1: Para na, Mama.
(Sumabay si Joel ng pagtayo pagkatigil ng dyip.)
Drayber: O, ang mga bayad. Pakiabot lang.
Pasahero 1: Meron na ho.
Drayber: Ang bayad mo? (Sabay turo kay Joel na nakababa na.) Ang kapal mo naman!
Sasakay ka, e, hindi ka marunong magbayad ng pamasahe.
Joel: Heto po. Pasensiya na po at nakalimutan ko lamang. (Napahiyang iniabot ang
bayad).
Drayber: Pasensiya… Gusto mo lang makalusot. (Saka pinaharurot ng takbo ang dyip.)
Joel: Nagbayad na lang sana ako para hindi ako napahiya. Naturingan pa naman akong
nag-aaral. (Pabulong na pagsisisi.)
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
1. Naranasan mo na bang mapahiya dahil sa isang sinadya o di-sinadyang gawin?
Ano ang iyong naramdaman?
2. Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Joel?
3. Ang dahilan ba niya ay sapat nang katuwiran sa kaniyang ginawa? Bakit?
4. Kung ikaw si Joel, gayundin ba ang iyong ginawa? Bakit?
5. Paano mo ipakikita dito sa dula-dulaan ang pagiging marangal?
Ang pagiging marangal ay ang paggawa ng tama sa lahat ng pagkakataon, may
nakakikita man o wala. Dapat natin itong panatilihin.
Pag-aralan Mo
Isaisip Mo
3. 3
Basahin ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
Matagal mo nang hawak ang barya mong ipapasahe nang ito ay mahulog sa iyong kamay
at gumulong. Malapit ka nang bumaba ay hindi mo pa rin ito nakikita. Wala ka nang pera
maliban doon.
- Ano ang gagawin mo?
- Paano mo sasabihin sa konduktor na wala kang pera?
- Ipakita mo ang pagiging marangal sa sitwasyong ito.
Gumawa ng isang “sticker” na “Bayad Muna Bago Baba”. Ibigay ito sa drayber ng isang
pampasaherong dyip at ipakabit ito sa loob ng sasakyan.
Ano ang gagawin ng mga taong marang sa mga sumusunod na sitwasyon?
1. Sumobra ng piso ang sukli sa iyo ng drayber ng dyip na sinasakyan mo.
2. Nakita mong may nakaiwan ng cellphone sa school canteen.
3. Niyaya ka ng iyong mga kaklase na maglaro ng computer games ngunit di ka pinayagan
ng iyong mga magulang.
4. Gusto mong bumili ng “Stick-O” pero wala ka nang pera. Alam mo kung saan nakalagay
ang pitaka ng ate mo.
5. Nabasag mo ang baso kanina nang ilagay mo ito sa hugasan. Tinatanong ng nanay mo
kung sino ang nakabasag ng baso.
Isapuso Mo
Isagawa Mo