Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Fil31 essay love_trend
1. #LoveTrend: Romantisismong Pananaw sa Showbiz Entertainment
(Pagkabuo ng Pangangailangan ng Love Object
sa Kamalayan ng Bawat Indibidwal)
I. Introduksyon - Pahapyaw na Pagpapakahulugan sa mga Piling Pananaw
Showbiz - mula sa salitang Ingles na “Show Business” ay bernakular na
terminong nangangahulugan ng paggawa ng kita sa pamamagitan ng
enterteynment o libangan. Kung iuugnay naman ang katawagang ito sa
neologismong pananaw na pagkabuo ng salita, maaaring ito ay nagmula sa
kombinasyon ng dalawang dating salita: “show” at “buzz”. Kung bibigyan ng
pagpapakahulugan ito ay ang paglikha ng atensyon sa ating popular na
kamalayan mula sa maingay na pag-alingawngaw (tunog “buzzz” o “bizzz”)
ng bubuyog ng enterteynment. Ito ay salitang naipanganak na mula pa
noong taong 1850 at halos sandaan at limampung (150) taon nang aktibong
ginagamit pa rin ng mga naghaharing pwersang kalahok sa industriya ng
kita, lalong-lalo na ng negosyo. Kung huhukayin ang pinagmulan ng
terminong ito ay malalantad rin ang walang katapusang era ng variety
shows na maaari pa yata ay magpa-plastic surgery para lamang
magkaroon ng iba’t ibang mukha sa paglipas ng panahon at
pagbabago-bago ng mga katangian ng mga lumipas na at mga
dumarating pa na henerasyon. Ngunit kahit na ano man ang pagbabagong
nagaganap sa mukha ng variety shows ay may dalawa itong pangunahing
katangian o mukha bukod sa pagkakaroon ng kita, ang pagiging (a)
catalyst ng ideal na pagpapakaranasan sa lipunan, at bilang (b) sosyal na
pangangailangan sa pagkabuhay na ayon sa “survival of the fittest” na isa
sa mga konsepto ng teoryang ebolusyon, at “sense of belongingness” ng
Heirarchy of Needs ni Marslow. Bago tuluyang tumungo sa pagtalakay sa
dalawang pangunahing mukha ng showbiz, dapat munang tunghayan ang
ibang pananaw sa showbiz sa paraang pahapyaw lamang:
Una sa lahat, ang industriya ng showbiz ay isang malakihang negosyo ng
variety show na mula sa orihinal na konsepto ng teatrikal na enterteynment o
libangan ng pagpapakita ng tuluyang magkakaibang performans mula sa
pagkanta, pagsayaw, pag-akto, at iba pang mga kakayahang maaaring
2. maipakita upang malibang ang mga manood. Manonood, sila ang barayti
ng mga audiences mula sa iba’t ibang gulang, estado, at etnisidad na
nililibang ng mga performers o nagsisiganap na mga taong nagtatrabaho sa
industriya ng showbiz. Kung sa pananaw ng isang ekonomista, ang mga
manonood ang consumers ng enterteynment na siyang produktong
na-purchase mula sa kanilang panonood (business transaction) sa mga
shows o patalastas na ginaganapan ng mga entertainer o mga ariststa na
nagsisilbing sales personnel na aktwal na gumagawa ng marketing strategy
ng showbiz upang kumita.
Sa sikolohikong pananaw ay hindi nawawala ang dalawang konsepto ng
pagkakaroon ng interaksyon sa kahit na anong aspeto ng kognitibong
pag-iisip at behavior. Ang konsepto ng stimulus at response ay pahapyaw na
maihahambing sa interaksyong nagaganap sa pagitan ng mga manonood
at mga artista. Ang akto ng pagpapanggap ng mga artista sa sari-saring
mga karakter o roles sa kanilang pagganap ay isang stimulus na umaakit ng
sari-sari ding reaksyon o response mula sa mga manonood na may iba’t
ibang pananaw sa bawat karakter na pinagganapan.
Panghuling tutunghayan ang pananaw sa showbiz sa konsepto ng mga
kabataan, bilang pangunahing audience o consumers ng enterteynment.
Upang makaigpaw sa mabilis na pagbabago ng preference o “taste” sa
tinatangkilik ng mga kabataan o ng nakakarami sa kasalukuyang panahon,
kailangan rin ng mabilisang resolusyon upang matugunan ang mga
kagustuhang ito na ginagawang pangangailangan sa ating kamalayan.
Taste o lasa mula sa rejister ng wika ng mga kabataan na
nangangahulugang gusto o choice upang makasabay sa trend ng mga
nagungunang tastes o preferences ng nakakarami.
II. Mala-masusing Pagtalakay
A. Dalawang Pangunahing Mukha ng Showbiz
Pahapyaw ng natalakay ang katangian ng showbiz sa tatlong mga
piling pananaw: ekonomiya, sikolohikal at pananaw ng mga kabataan
3. ayon sa rejister na katawagan. Mula sa pahapyaw o pasulyap na tingin
sa kabuuang katangian sa mga prosesong nagaganap sa industriya ng
enterteynment o ng showbiz, maaaring mahihinuha ang dalawa sa
pinakapangunahing mukha nito, sa likuran at harapan man, bilang
bahagi ng malawakang kulturang popular.
(1) Catalyst ng ideal na pagpapakaranasan sa lipunan
Ang pagpapalaganap ng kulturang popular sa kamalayan ng
bawat indibidwal ay isang napakabilis na proseso na halos hindi
napapansin ng mga taong tumatangkilik nito. Ang kulturang popular
bilang catalyst ng ideal na pagpapakaransan sa lipunan ay
bumubuo ng mga panibagong subhetibong pananaw ukol sa kung
ano ang pagpapakahulugan ng isang bagay o pangyayari at kung
paano ito dadanasin ng mga tumatangkilik nito. Mabilisan ang
pagpapaalala sa ating kamalayan ukol sa showbiz enterteynment sa
pamamagitan ng media sa siyang tulay ng pagpapalaganap nito.
Suriin na lamang ang pagpapakahulugan ng showbiz sa konseptong
“love” o pag-ibig. Pinapakita ng showbiz ang iba’t ibang mukha at
pagpapakahulugan diumano ng mahiwagang salita na ito na siyang
nagpapatakbo ng halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao o ang
mismong partikular na nagpapatakbo sa pulso ng tao pati na rin sa
ibang aspeto nito, ang puso. Isang parte lamang ito ng ating
katawan, ngunit ito’y isa sa mga pinakamalaking pinag-ugatan ng ‘di
matapos-matapos na debate, sa mas nakakaimpluwensiya sa
pagpapasya ng isang tao, laban sa utak. Ang pumipili ng utak ay
may rasyonalismong pananaw, samantalang kung ang puso ang
pipiliin ay puno daw ng romantisismong hangarin ayon kay Freud
(1910), na isang sikolohistang dalubhasa sa pag-aaral ng mga
hangarin ng mga tao. Ilan sa mga uri ng pag-ibig o love na
malaganapang ipinapakita ng mga artista sa showbiz sa bawat
pagganap nila sa iba’t ibang karakter ay ito: true love waits, first love
never dies, forevermore, love triangle, at in denial.
4. “True love waits.”, linya ng mga hopeless romantic na indibidwal
na umaasa sa mga pakiwaring love advices to meeting Mr. Right and
Ms. MOO (My Only One) ni Ramon Magsaysay at pagpapaboost
umano ng tiwala sa sarili ng isang ugly duckling turn into a swan lake
princess na naghahanap ng frog prince turn into prince charming sa
mundong pilit na iniuugnay sa pantasya ng mga fairytales sa
Disneyland na punong-punong ng mga happy endings. Sa pelikulang
Bakit ‘di ka crush ng crush mo?, ipinapakita lamang sa katauhang
ginanapan ni Kim Chiu na siya ay hindi pinagpalaan ng pisikal na
kagandahang angkin na siyang unang pangangailangan upang
makapasa sa pag-akit ng mga mata ng karakter ni Xian Lim. “Ang
mata ang unang umiibig, hindi ang puso.”, ayon na rin sa may akda
ng kathang isinagawang pelikula na si Ramon Magsaysay. Bilang
pagpapataas ng tiwala sa sarili ng isang babae ay kailangan niyang
paglaanan ng panahon ang pagsasaayos sa kaniyang pisikal na
anyo. Ang tunay na hinihintay dito ay hindi ang true love, kundi ang
kung sino ang unang maaakit pagkatapos ng pagpagpag ng magic
wand ng godmother na make-up artist ng magic dust sa mukha ng
modelo ng isang hopeless romantic na indibidwal. Sa mga
kalalakihan naman ay ang paghihintay sa unang babaeng
makakapansin ng pinainit na anim na piraso ng shirogi. Sa bawat
paghihintay ng inaakalang true love ay nawawalan na ng saysay
ang pangungusap dahil sa dinami-dami na ng mga dumaan,
tumingin, at huminto ay nagkakaroon na ng pagkabahala kung ano
na ang totoo sa hindi.
Sa dinami-rami naman ng mga taong dumaan sa buhay pag-ibig
ng isang indibidwal, nagkakaroon agad ng leybel ang bawat isa. Ang
pinakaunang taong nagpapintig umano ng puso (hindi ang dugo o
ano pa mang parte ng puso, kundi ang tao bilang kabuuang pisikal
na anyo nito) ng isang indibidwal ay ang tinatawag nilang first love.
At kapag first love ang pinag-uusapan, naaalala agad ang mga
5. pangyayaring unang naranasan dahil sa pagpintig ng puso. Ayon
nga rin sa mga hugot lines, mula sa pinakaibuturang bahagi ng
pusong nagmamahal, ‘ang mga first times ay mahirap kalimutan,
masaya man ang mga alaalang ito o masalimuot, dahil ito ang
nagiging daan sa pagdiskubre ng panibagong sarili.’ Kaya rin nabuo
ang mga katagang “First love never dies.” Paano ang pangalawang
pag-ibig? Pangatlo, pang-apat, at mga sumunod pang pag-ibig?
Hindi rin ba nakakaranas ng mga panibagong pagpapakaranasan
sa mga panahon ng mga bilang ng pag-ibig na ito? Ano pa ang
naging dahilan sa paulit-ulit na paghahanap ng susunod na
mamahalin kung hindi naman pala namamatay ang unang pag-ibig
at nananatili pa rin ito sa puso ngunit tinatago lamang? Ayon nga sa
sikolohistang si Zick Rubin, ang pag-ibig o love ay may mga lebel kaya
niya naimbento ang kanyang “Scales of Liking and Loving: Measuring
Romantic Attachment”. Ito ay isang emperikal na pagsukat ng
pag-ibig at ang respondente ay sasagot ng mga katanungan na
siyang magiging basehan sa pagsukat. At tatlo sa mga pangunahing
elemento ng pag-ibig, ayon pa rin ky Rubin, ay ang attachment,
caring, at intimacy. Attachment sa isang tao na mag-aalaga sa iyo,
caring ay pagpapahalaga sa kaligayan ng isang tao nang higit pa
kaysa sarili, at intimacy mula sa pagbabahagi ng mga sekreto,
nararamdaman, hangarin, at iba pa., sa pagitan ng dalawang tao.
Ang mga pagkakasunod-sunod ng mga elementong ito ay hindi
distinct sa bawat tao. Lahat ng bilang ng pag-ibig ay dumadaan dito,
kaya hindi dapat “First love never dies.”, ang nararapat ay “Love
counts ‘til I die.”, dahil bilang lamang ang nag-iiba at hindi ang
mismong proseso ng pagmamahal o antas ng pag-ibig.
Sa pagbibilang ng mga dumadaang pag-ibig, hanggang kailan
naman ito matatapos? Hanggang forevermore? Hindi pa nga
lubusang nareresolba ang katanungan kung mayroon nga bang
forever o walang hanggan na pag-ibig ay nagkaroon na naman ng
6. panibagong terminong ‘forevermore’ na lalong nagpasidhi sa
damdamin ng mga crazy inlove at mga ampalaya sa pag-ibig. Mula
sa pelikulang “Forevermore” na pinagbidahan nina Kristine Hermosa
at Jericho Rosales, ang simbolo ng pag-ibig ay ipinapakita sa prutas
na mangga na medyo hugis puso. At ito naman ay naging kambal na
strawberry sa bagong bersyon ng Forevermore bilang teleserye na
pinagbidahan naman ng tambalang LizQuen (Liza Soberano at
Enrique Gil). Ang pagkain ng kalahati ng kambal na strawberry ay
nagpapahiwatig ng paghahanap ng kabiyak ng puso para sa pang
habang buhay (habang may buhay), ngunit nagmistulang pekeng
pantasya na lamang ang alamat ng kambal na strawberry dahil sa
pilit na paghahangad sa mas sobra pa sa walang hanggang
pag-ibig. Pero gaya nga ng sabi nila, boring ang buhay kapag
walang twist, boring ang pagkain kapag walang paminta na
inihahalo, boring ang buhay ng bida kapag walang kontrabida, at
lalong boring ang buhay pag-ibig kapag walang nakisawsaw.
Gaya na rin ng maraming pelikula at teleseryeng may temang
pag-ibig na ipinapalabas ng industriya ng enterteynment, hindi ito
tatangkilikin kung walang kontrabidang maninira ng masayang
pamumuhay ng mga bida. Na-eengganyong manood ang mga tao
kapag ang isang teleserye o pelikula ay may maihahandog na
damdaming pagka-thrill sa tagpo ng kwento. Dito na nabigyang
popularidad ang mga artistang nagsiganap na mga third wheel,
kabit/mistress, sabit, at kung ano-ano pang terminong ginamit sa mga
kontrabida ng love-life ng mga bida. Ang relasyong ito na hinaluan
ng pampalasa ay tinatawag na “love triangle”. Tila nagkakaroon ng
halo-halong opinyon ang mga tao ukol rito. May mga nagagalit sa
mga umeepal na ka-love triangle ng mga bida, ngunit nagsasawa rin
naman sila sa plain na takbo ng kwento na walang twist.
Dahil na rin sa halong pagtanggap at pag-ayaw sa konsepto ng
love triangle, nagkakaroon ng pagdadalawang-isip sa pag-ibig dahil
7. sa mga samu’t saring maaaring maging epekto, at minsan upang
maka-iwas sa komplikasyon at gulo na dala ng pag-ibig ay
naipanganak ang mga taong nasa in-denial stage. Pilit na
inaayawan ang bugso ng damdamin dahil sa takot at pagkabahala
sa maaaring mangyari kapag sumugal sa pag-ibig.
Ang mga sitwasyong ito na kadalasan ay ipinapakita sa mga
teleserye at pelikula o sa showbiz sa kabuuan ay nagiging ideyal na
sitwasyon na sa mga manonood. Nagiging pananaw na nila ang
iba’t ibang panig ng pagsang-ayon at pag-ayaw sa iba’t ibang
isyung kinapapalooban ng mga isyung pag-ibig na ito. Bawat
trending na teleserye o pelikula na may temang pag-ibig o kahit na
ang mga hindi naman talaga pag-ibig ang tema ay nakukuhanan ng
mga pinaghuhugutang linya na pinopost sa mga social networking
sites gaya ng facebook at instragam, na may hashtag(#) pang
simbolo upang mabigyang-empasis ang hugot na linya. Marami
umano ang nakakarelate sa mga ito kaya nila tinatangkilik. Ang
noong hindi naman mahirap na pagdedesisyon sa isyung pag-ibig ay
nagiging mahirap dahil sa pag-aalinlangan kung ano ang magiging
pananaw ng iba. Hindi na natin maipagkakaila na ang sabi o
paningin ng iba ay nakakaepekto ng malakihan sa ating mga
desisyon, pati na rin ang mga teleseryeng napapanood ay may sabi
na rin sa mga isyung ito na ipinapakita sa takbo at punto-de-bista ng
mga tauhan.
(2) Sosyal na pangangailangan sa romantikong lipunan.
Bilang catalyst sa iba’t ibang anggulo ng pananaw sa pag-ibig,
naging sosyal na pangangailangan na rin ito upang tugunan ang isa
sa mga tinatawag ni Maslow na “sense of belongingness or love” sa
kanyang Hierarchy of Needs. Hindi na hinihintay na dumating ang
tamang pag-ibig, hinahanap na ito ng mabilisan. At ang pantasya ay
ginagawang realidad sa industriya ng showbiz enterteynment. Mula
sa mga hugot na kantang pag-ibig, hanggang sa mga nabubuong
8. love teams na kinasasabikan ng nakakarami, unti-unti nang
naglalaho ang kaibahan sa pagitan ng realidad at pantasya para sa
mga tao, lalong-lalo na ang mga kabataan na siyang target at
umiidolo sa mga gawa-gawang love teams. Sa pagsusuri sa mga love
teams na ito, isali na rin natin ang isang kanta na nagbibigay ng hint o
clue sa totoong pangyayari sa likod ng camera sa pamamagitan ng
kantang “Love Team” ng bandang Itchyworms.
Di... Di naman talaga
Tayo mag-sinta
Pero gusto nila,
Sa mga tambalan sa showbiz, sila ay nagsisimula lamang sa
mga eksenang nakakuha ng atensyon ng mga manonood at
inaabangan na kapag naging sikat at mabango na ang mga
pangalan. Nagsimula lamang sa magaling na pag-arte na sa
imahinasyon ng mga manonood ay ginagawa o nangyayari na
rin sa totoong buhay ng mga artistang nagsipagganap. Gaya
na lamang ng tambalang KathNiel na nagsimula sa hapon
seryeng Growing Up tuwing Linggo ng hapon, LizQuen sa
Forevermore, MarNella sa Be Careful of My Heart at marami
pang ibang naisilang na tambalan mula sa iba’t ibang serye o
pelikula.
Kahit ayaw mo
Bagay raw tayo
Di naman totoo
Mga yakap mo
Pang-eksena lamang ito.
Dahil na rin sa kita ay trabaho ng mga artistang ito ang
pagpapanggap sa harap ng maraming tao upang sila ay kagiliwan
at tangkilikin. Kung may isyu man sa pagitan ng dalawa ay agad
agad na nireresolba upang hindi ito makakaepekto sa imahe na
9. kanilang binubuo sa kamalayan ng mga manonood.
[Refrain 1]
Di mo lang alam
Na nababaliw na 'ko sa iyo
Di ko na yata kaya to
Ang aking lihim na pakay
Ay ang lahat na ito'y gawing tunay
Sa paningin at kagustuhan ng mga manonood ay hindi lamang sa
eksena natatapos ang tambalan ng mga pares ng Love Teams na
kanilang tinatangkilik. Hinahanapan ng mga akto sa likod ng camera
na nagpapatunay di umano na may namamagitan sa dalawang
artista. Like sa Facebook, tweet sa Twitter, at iba pang social
networking sites para lamang masundan ang lahat ng mga ginagwa
ng iniidolong love teams. Ang paghangang ito ay nagdudulot na ng
mahigpit na tunggalian sa pagitan ng ibang mga love teams sa
showbiz.
Bukod sa pagpapakilig sa mga sumusubaybay o mga fans nila,
nagiging malawakang kompetisyon na rin ang showbiz sa larangan
ng karera ng pagiging artista at kung sino ang mas may vibes upang
tangkilikin pa at bigyan ng mga proyektong mas magpapaangat sa
pangalan. Gaya na lamang ng tunggalian ng mga love teams na
KathNiel ng ABS-CBN at JaDine ng GMA noon. Magkaiba ng
kompanya ngunit kung titingnan ang rami ng mga fans na
sumusunod at naninira, hindi lamang ito ang bilang ng mga
manonood sa kani-kanilang istasyon. Nagkakaroon ng cross over sa
kabilang istasyon makahanap lamang ng ideyal na love team na
pasok sa indibidwal na panlasa o sa pinapakitang akto na siyang
pantasya ng mga tao. At ngayon na nasa magkatulad na istasyon na
ang dalawa sa pinakamainit na love teams ay lalo ring nag-iinit ang
mga fans at bashers kung sino sa dalawang pares na ito ang mas
magpapakilig sa kanila. At dahil nga ang kulturang popular ay
10. nalalaos at napapalitan, sinasabing nalalaos na rin daw ang
tambalang KathNiel na halos anim o pitong taon ring
pumapayagpag sa showbiz dahil ang seryeng Pangako Sa’yo ay
hindi makaalpas sa serye ng JaDine na On the Wings of Love sa
ratings nito at sa rami ng tweets sa twitter. Nag-iiba ang panlasa ng
mga tao, at kapag hindi na naibibigay ng tambalan ang
pinapantasyang pag-ibig ng mga manonood ay naghahanap sila ng
iba. Kaya upang manatili sa karera ng showbiz at sumikat ay
kailangan ng mga katambal dahil ang mga tambalang ito ang
agiging representasyon ng pinapantasyang pag-ibig ng mga
manonood.
Sana 'wag mo kong sisihin
Kung 'di ko kayang pigilin
Sabi mo na mahal mo ko
Ngunit 'di naman seryoso
Sana'y magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko
Ang tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito.
Minsan, nang dahil sa kagustuhang makahanap ng totoong
magmamahal ay nagiging pantasya na lamang ang totoo at ang
pantasya ay pilit na ginagawang totoo. Sa lipunan at kulturang ito ay
nagiging outcast na ang mga walang katambal, walang kasintahan
o ano pa mang relasyon ng pag-ibig sa pagitan ng lalaki at babae,
lalaki sa lalaki at babae sa babae. Kahit sino ka man ay kailangan mo
nang makakasama dahil kung hindi ay hindi ka makakapasa sa
larong pag-ibig na kinokontrol ng lipunan sa kamalayan ng bawat isa.
Kumbaga, para itong survival of the fittest na kung sino ang
magkakatuluyan sa huli ang siyang panalo, ang bigo o sawi sa
larangan ng pag-ibig ay siyang sawi rin sa laro ng pag-ibig. Ngunit
ang pagiging talo ay hindi ang katapusan ng laro, dahil nagtatapos
11. lamang ang laro at kompetisyon na mapabilang kapag nanalo na.
Gaya na lamang ni Ms. Pastillas na umabot na sa ibang sulok ng
Pilipinas ang kanyang kahingian na makahanap ng kapalit sa
kanyang dating kasintahan na ipinagpalit siya sa mismong malapit
niyang kaibigan. Ang mga manliligaw mula sa iba’t ibang sulok ng
Pilipinas ay dumating sa istudyo upang sumuyo sa dalagang
nasaktan. Ito naman ay ini-oppose ng kanilang istasyon sa tambalang
AlDub na nagpapakita ng mala-Cinderellang istorya ng pag-iibigan.
At dahil ng ay kompetisyon ang showbiz, umarangkada na naman
ang sandamakmak na mga bashers sa social networking sites. Pilit na
ipinaglalaban ang walang katotohanan sa likod ng camera.
Kung ikokompara naman ang showbiz sa totoong buhay ay halos
walang pagkakaiba na makikita sa usapang pag-ibig. Parang
salamin lamang ng totoong buhay ang mga inaaktong pangyayari
sa showbiz o maaari rin namang ang totoong buhay ang siyang
aplikasyon ng mga teorya, guni-guni o imahinasyon ng mga direktor
at producer. Ang punto ay hindi na nagiging malaya ang rasyonal na
pag-iisip ng isang tao na umaasa na lamang sa romantikong
pantasya nito.