salamin

22,101 views

Published on

Grade 7

Published in: Education
0 Comments
16 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
22,101
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
9
Actions
Shares
0
Downloads
492
Comments
0
Likes
16
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

salamin

  1. 1. SALAMIN ni: Assunta Cuyegkeng
  2. 2. May dala bang halaga ang paglinaw ng paningin? May dala bang halaga ang makita ang repleksiyon ng sarili? Kailan ba tayo naliliwanagan? Kailan natin nasasabing malinaw ang ating pagkakaintindi sa isang bagay? Ano ang repleksiyon?
  3. 3. Walang kurap siyang titingin sa akin, itong kakambal ko sa salamin. Pag-aaralan ang linya at pekas na unti-unti nang kumalat sa aking mukha pag-aaralan pati ang mata kong
  4. 4. Walang kurap siyang magmamasid, pag-aaralan ang takbo ng aking dibdib na kung minsan, kumakabog, kung minsan,, ang init ng gising kong dugo, ang hininga ng Diyos na matiyagang nakikinig.
  5. 5. Tatapatan niya ako, sisipatin mula paa hanggang ulo at ihaharap sa akin, walang retoke, ang buo kong pagkatao.
  6. 6. Ano ang pagkakaintindi ninyo sa unang (ikalawa/ikatlo/ikaapat) saknong? Ano-ano ang mahahalagang salita na dapat pansinin? Bakit ang mga salitang ito ang inyong pinili? Sa una nating pagbasa ng tula, ano ang nabubuo ninyong “sinasabi” ng tula?
  7. 7. Unang saknong: 1. Anong salamin ang tinitingnan ng persona? 2. Sino ang nakita sa salamin? Bakit “kakambal” ang turing niya? Bakit hindi niya tinuringang “ako”? 3. Ilarawan ang nakita ng persona? Ilang taon na kaya ang persona? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilarawan? 4. Ano ang bagong nalaman ng persona sa kaniyang kaharap?
  8. 8. Ikalawang saknong: 1. Ano ang paglalarawan ng persona sa kaharap? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilalarawan? 2. Ano ang ibig sabihin ng dibdib na kumakabog? Dibdib na natutulog? 3. Kailan kumakabog/ natutulog ang dibdib? 4. Ano ang nararamdaman ng persona ng tula?
  9. 9. Ikatlong saknong: 1. Ano ang tinutukoy ng salitang “dito”? 2. Ano ang kahulugan ng mangingibig? Asawa ba ito? Kasintahan? Lover (ano ang konotasyon nito?) Ano ang sinasabi nito sa inilalarawan? 3. Babae ba o lalaki ang persona? 4. Ano ang nagtatago sa dibdib? Ano ang halaga ng salitang “nagtatago”? 5. Ano ang halaga na ang “Diyos ay nakikinig”? Ano ang ginagamit ng Diyos para makilala ang persona?
  10. 10. Ikaapat na saknong: 1. Ano ang kahulugan ng salitang “tatapatan”? Ano ang kahulugan ng “tapat”? Ano ang akmang kahulugan ng tapat para sa tulang ito? 2. Sa huli, ano ang napagtanto ng persona sa kaniyang nakita? 3. Pansinin ang mga salitang “titingin”, “magmamasid”, at “sisipatin.” Ano ang pagkakaiba ng bawat isa? Bakit ito ang ginamit na mga salita?
  11. 11. Ano’ng pinagkaiba ng inyong pisikal na anyo, noon at ngayon? Masasabi ba ninyong may pagbabago rin sa inyong personalidad noon at ngayon?
  12. 12. Takdang Aralin: Magpadala sa bawat mag- aaral ng: • Retrato ng sarili noong bata pa • Pinakabagong retrato ng sarili • Salamin (mirror)

×