Ang K-12 ay isang bagong sistemang pang-edukasyon na ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at ihanda ang mga kabataan sa trabaho o kolehiyo. Binubuo ito ng kindergarten at 12 taon ng elemental at sekondaryang edukasyon, na naglalayong maging globalisado ang mga Pilipino. Ang sistema ay nahahati sa apat na antas: kindergarten, elementarya, junior high school, at senior high school.