Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Ang Biolohiya, Ekolohiya at Pangisdaan ng mga Banagan.pptx
1. 1
Mga uri, ekolohiya at biolohiya, at pangisdaan
(panghuhuli at pagkulture) ng Banagan o Spiny
Lobster
2. 2
Nilalaman ng Presentasyon
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
B. Ekolohiya at Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o Spiny Lobster
puerulus sa Palawan
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
3. 3
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
4. 4
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
Local Name: Tiger Banagan
Trade Name: Royal Green/Tiger lobster
English Name: Tiger or Ornate spiny lobster
Scientific Name: Panulirus ornatus
Pagkakilanlan:
Ito ang pinakamalaki sa lahat nang uri ng Banagan
at may mataas na presyo kada kilo sa merkado. May
kabuohang haba na aabot sa 43 cm at may timbang na 2.8
kg. Madali itong makilala dahil sa mga paa nitong kulay itim
at mapusyaw na dilaw.
43 cm
5. 5
Local Name: Bamboo/Green Banagan
Trade Name: Bamboo Green lobster
English Name: Bamboo or Painted spiny lobster
Scientific Name: Panulirus versicolor
Pagkakilanlan:
Aabot sa 30 cm ang haba ng katawan at may
timbang na 950g. Madali itong makilala dahil sa mga
mahabang putting linya sa mga paa.
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
30 cm
6. 6
Local Name: Red Banagan
Trade Name: Red lobster
English Name: Longlegged spiny lobster
Scientific Name: Panulirus longipes longipes
Pagkakilanlan:
May kabuohang haba na 30 cm at ang carapace ay
may habang 12 cm. Ang katawan ay kulay dark brown o
bluish-brown. Kapansinpansin ang mga kulay puti na
tuldok sa katawan, ulo at mga galamay
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
12 cm
7. 7

8. 8
Local Name: Red Banagan
Trade Name: Red lobster
English Name: Scallop spiny lobster
Scientific Name: Panulirus homarus
Pagkakilanlan:
May kabuohang haba na 31 cm, ang carapace ay
may sukat na 12 cm ang haba at ang timbang ay aabot
hanggang 600g. Ito ay makikilala dahil sa darkish green at
reddish brown na carapace o shell at dalawang puting
tuldok sa bawat itaas na bahagi ng gilid ng bawat segment
ng katawan.
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
31 cm
9. 9

10. 10
Local Name: Aswang
English Name: Pronghorn spiny lobster
Scientific Name: Panulirus penicillatus
Pagkakilanlan:
May kabuohang haba na 40 cm, kapansin pansin
ang pares ng puting tuldok sa unang bahagi na segment ng
katawan. Ito ay may kulay na grayish blue.
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
40 cm
11. 11
Local Name: Banagan
English Name: Japanese spiny lobster
Scientific Name: Panulirus japonicus
Pagkakilanlan:
Aabot sa 30 cm ang kabuohang haba ng katawan at
nakikita sa dagat pacipico particular sa japan, Taiwan,
China at Korea. Ito ay may pag kakahalintulad sa P.
longepis ngunit wala itong mga puting guhit or band sa
antenna at sa mga paa.
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
30 cm
12. 12
Local Name: Banagan
English Name: Mud spiny lobster
Scientific Name: Panulirus polyphagus
Pagkakilanlan:
May kabuohang haba na 40 cm, at haba ng katawan
na 20-25 cm. Madalas na makikita sa maputik at mabatong
bahura na malapit sa bunganga ng mga ilog. Ito ay may
kulay dark brown at bluish-green na shell
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
40 cm
13. 13

20-25 cm
14. 14
Local Name: Banagan
English Name: Chinese spiny lobster
Scientific Name: Panulirus stimpsoni
Pagkakilanlan:
May kabuohang haba na 16-28 cm para sa lalaki at
13-16 cm sa babae. Ito ay makikita sa mababaw at
mabatong parte ng bahura. Ito ay may kulay greenish-
copper na shell.
A. Mga uri ng Banagan o Spiny Lobster sa Pilipinas
16. 16
B. Ekolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Ang mga banagan ay nakatira sa mga bahura at mga mabato na mga
lugar. Bihira sila sa mga lugar na malabo or hindi malinaw na tubig. Sila ay
matatagpuan sa lalim mula isa hangang limampung metros (1-50 m)
17. 17
B. Ekolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Pagkain ng Banagan o Spiny Lobster
Ang mga juvenile at adult na Banagan ay kumakain ng maliliit na mga
hipon, alimasag, kabibe, patay na isda at iba pang mga lamang dagat. Sila ay
aktibo sa gabi, mula takipsilim hangang madaling araw
18. 18
B. Ekolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Kalimitang makikita na naka grupo sa mga butas ng bato o bahura.
Ang ganitong pag kumpol kumpol ng banagan ay magandang katangian para sa
akwakulture.
20. 20
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Ang banagan ay nangingitlog sa edad na 2-3 taong o pataas o kung umabot
na sa isang kilo ang timbang. Ang malaking babaeng banagan ay maaring
mangitlog ng 2 milyon
21. 21
B. Ekolohiya at Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Sa panahon ng pangingitlog ang mga banagan ay pumupunta sa mas malalim
na parte ng bahura at doon nila pinapakawalan ang mga itlog. Ang pangingitlog ay
maaring isang beses o mahigit sa panahon ng tag -init o summer.
22. 22
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Ang itlog ay maaring mapisa sa loob ng 3 o 4 na lingo. Ang itlog ay mapipisa
sa unang antas na tinatawag na phyllosoma (<2 mm carapace length) na
nagaganap sa gabi.
23. 23
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Ang phyllosoma larvae ay merong labin isang bahagi (11 stages or) na ma
kompleto pagkatapos ng dawampong beses ng pagluluno o paghuhunos (20
moults) sa loob ng 6-8 buwan hangang umabot ang carapace sa haba na mahigit
dalawamput limang millimetro (>25 mm).
A pod of lobster
Itlog na pinakawalan
24. 24

Unang yugto pagkapisa ng itlog
25. 25
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Ang panghuling bahagi ng pagluluno o paghuhunos ay ang puerulus na maaring
tumagal ng 2-3 linggo. Ang puerulus ay transparent at may 5.01–6.90 mm CL. Sila ay
lumalangoy at naghahanap ng angkop na tirahan kagaya ng mga bahura, kulapo at iba pa.
Ang puerulus ay hindi pa kumakain at nabubuhay sa natitirang enerhiya na meron ito.
26. 26

Carapace Length (5.01-6.90 mm)
27. 27
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
A pod of lobster
Mga yugto ng pagbabago ng Puerulus
A. Pelagic-Puerulus- Ito ang huling yugot ng
phyllosoma at mag sisimulang mag hahanap ng
matataguan
B. Clear-Puerulus- Ito ang yugto na nakarating na sila
sa baybayin at nakahanap na ng matataguan. Ito
ang nahuhuli ng mga kolektor
C. H-Puerulus- Ito ang yugto matapos ang 4 na
linggong pag lalagi sa pinag tataguan. Ito ang
madalas na nahuhuli ng mga kolektor.
D. Pigmented-Puerulus- Ito ang yugto makalipas ang
isang linggo bilang H-Puerulus. Dito nag sisimulang
kumain ang Puerulus
E. Algal-Puerulus- Ito ang yugto na pwede nang
makilala ang puerulus basi sa kung anung uri ng
banagan ito.
28. 28
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
A pod of lobster
Mga yugto ng pagbabago ng Puerulus
Clear-Puerulus – Pigmented-Puerulus – Algal-Juvenile
29. 29
B. Biolohiya ng Banagan o Spiny Lobster
Sa sandaling makakita na ng angkop na tirahan ang puerulus ay ito mag
lalagi at sa loob ng isang linggo magbagong anyo bilang juvenile. Ang carapace
nito ay may sukat na 5.31–6.98 mm at nasa isang taon na. Ang juvenile ay hindi na
lumalangoy bagkus lumalakad o gumagapang sa ilalim ng dagat.
30. 30

Carapace Length (5.31-6.98 mm)
31. 31
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
32. 32
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Cement type
Kagamitang ginamit: Cemento, buhangin at
ibat-ibang hulamahan (PVC, Lata, o kahoy)
Ang traps na ito ay may ibat ibang
hulma at sukat base sa gusto ng isang
collector. Nilalagyan ng butas na may
dalawang pulgadang lalim ang isang bahagi
ng hulmadong cemento maliban sa
cylindrical shape na binubutas ang paligid
nito upang doon manirahan ang maliit na
banagan. Meron itong lubid para pang sabit.
33. 33
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Matured Coconut fruit
Kagamitang ginamit: biak na bunga ng
nyog
Ito ay nyog na biniak upang kunin ang
laman sa pag gawa ng copra. Binubutasan
ang labas ng nabiak na nyog gamit ang drill
gun para dito maninirahan ang maliliit na
banagan. Nilalagyan ng tali para sa pabigat
at sa taling pangsabit.
34. 34
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Mixed materials
Kagamitang ginamit: Bunot, B-net at metal rods
Ito ay merong dalawang hugis, box type at
pyramid type. Tinatali ang bunot ng nyog sa taas
upang dito dadapo ang mga maliliit na banagan.
Ang b-net ay tinatali sa metal frame sa ilalim ng
pinag sasabitan ng bunot upang pag ahon ay di
ito makatakas. Meron itong lubid pangsabit.
35. 35
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Lumber
Kagamitang ginamit: kahoy
Ang kahoy ay mga tira o rejected na parte
ng isang lumber. Binubutasan ito sa buong paligid
gamit ang drill gun na may lalim na dalawang
pulgada para tirahan ng maliliit na banagan. Meron
din itong tali para pansabit
36. 36
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Mga shading o pang attract sa maliliit na
banagan
Kagamitang ginamit: bunot, kulapo, b-net,
lumang lambat, at kulambo
Ang paggamit ng mga ito ay
nakadepende sa lugar, kung kukunte ang
mga natural na kulapo o batong pwedeng
pag titirahan ng maliliit na banagan,
gagamitin ito ng mga collector pang akit sa
maliliit na banagan
37. 37
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Balsang Kawayan
Kagamitang ginamit: Kawayan, lubid, pang
pundo (sako na may buhangin o kawayan na
binaun sa putik)
Ito ay iniinstal sa maputik na parte at
kalmadong bahagi ng baybayin. Ang mga traps
ay sinasabit sa bawat 5 pulagada na may lalim
na 3-4 na dipa. Madalas na panghuling
sinasabit ay ang cylindrical shape na cemento.
38. 38
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Tulos
Kagamitang ginamit: Kawayan, kahoy,
lubid
Ang mga tulos ay tinutusok sa
malambot at mababaw na bahagi ng
dalampasigan. Ang mga ito ay
nagsisilbing poste para sa pahaba na
kawayan kung saan nakabitin ang mga
panghuli ng maliliit na banagan. Madalas
na panghuling sinasabit ay cemento.
39. 39
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Lollipop
Kagamitang ginamit: Kawayan, cylindrical shape
na cemento
Ito ay gawa sa isang pirasong kahoy o
kawayan na may isang dipa ang haba na ibinaon
sa cylindrical na semento. Ang kalahating dipa ng
kabilang dulo ng kahoy o kawayan ay binabaon sa
mababaw, mabuhangin o maputik na lugar.
40. 40
C. Mga paraan ng panghuhuli ng maliliit na Banagan o
Spiny Lobster puerulus
Popsicle
Kagamitang ginamit: Kawayan, rectangular
shape na cemento
Kahalintulad din ng lollipop ang pinag kaiba
lang nito ay ang rectangular na cemento ang
ginagamit panghuli sa maliliit na banagan. Ang
rectangular na cemento ay tinatali sa kahoy or
kawayang nakabaon sa seabed na merong
dalawampung sentemetrong (20 cm) taas mula sa
lupa.
41. 41
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
Ang mga puerulus na
nahuhuli sa mga traps ang
kadalasang ginagamit sa
pagkukulture dahil wala pang
hatchery para sa mga banagan.
42. 42
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
Ang kabuohang flow ng pagkukulture ng banagan simula puerulus hangang
sa marketable size.
43. 43
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Nursery Stage)
Pag aalaga ng puerulus sa Vietnam
• Ang cages ay naka install sa lalim na 2-5 metro.
• Ang cages na may sukat na 3. 5 metro kubiko (3.5 m3) ay
gawa sa metal frame at b-net na may maliliit na mata
• Ang cage ay naglalaman ng 50-100 pueruli
• Ang mga puereli ay pinapakain ng mga tinadtad na isda,
alimasag at mga kabibe pag ito nagkakulay
• Ang pag aalaga ay umaabot mula tatlo hangang anim (3-6 )
na buwan at umaabot mula sampu at tatlumpong gramo (10-
30 g) ang timbang ng isang banagan
• Animnapo hangang siyamnapong porsyento (60-90%) ng
pueruli ang nabubuhay sa ganitong pagaalaga.
44. 44
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Nursery Phase)
Pag aalaga ng puerulus sa Indonesia
• Ang cage ay naka install sa lalim ng balsa na ginagmit sa
panghuhuli ng maliliit na banagan
• Mas maraming nabubuhay sa ganitong pag aalaga dahil
deretsahan silang nilalagay sa cage.
• Ang mga nakainstall na cages ay gawa sa metal frame at b-
net na may maliliit na mata at may sukat na 3.5 metro kubiko
(3.5 m3).
• Ang cage ay nilalagyan ng Gracillaria spp. bilang taguan ng
pueruli. Binibigyan din ng tinadtad na isda pag nagkakulay na
sila at inaalagan sa loob ng isa hangang tatlong (1-3) buwan
kung saan umaabot sila sa timbang na lima hangang sampung
(5-10g) gramo bawat isa.
• Ang cage ay naglalaman ng 50-100 pueruli
45. 45
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Grow-out Phase)
Pag aalaga ng juvenile sa Vietnam
Fixed bottom cages
Floating cages
• Kadalasan ang juvenile na merong 10-50 gramo ay pinapalaki sa
floating cages na meron 9 metro kubiko ang laki
• Ang bawat cage ay nilalagyan ng 20 pueruli
• Pag umabot sa timbang na 100 gramo ang juvenile na banagan,
nililipat sila sa market size na cage tulad ng fixed-bottom cages.
• Ang mga cages ay naka install sa lalim na 7- 8 metro at may
regular na cage cleaning.
• Ang mga juvenile ay pinapakain din ng tinadtad ng isda,
alimango, at kabibe.
46. 46
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Grow-out Phase)
Pag aalaga ng juvenile sa Indonesia
• Ang pag aalaga ng mga banagan ay hango sa pag aalaga ng mga isdang lapulapu gamit ang
floating cages.
• Ang mga cages ay may nakasabit na sakong pag tataguan ng wild na maliliit na banagan at
tinitignan ito araw-araw para sa bagong supply ng puerulus.
47. 47
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Grow-out Phase)
Pag aalaga ng juvenile sa Indonesia (Pagpapatuloy)
• Kadalasan ang juvenile na merong 10-50 gramo ay pinapalaki sa floating cages na meron 9
metro kubiko ang laki
• Ang bawat cage ay nilalagyan ng 20 pueruli
• Sa pag aalaga, ang mga magkasing laki ay nilalagay sa iisang cage at ang mga mabilis lumaki
ay hinihiwalay sa ibang cage o ipinagbibili na.
48. 48
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Harvest Phase)
• Ang Tiger banagan mula juvenile ay maaaring tumimbang ng
isang kilo (marketable size) sa loob ng 18-20 months. Ang
Scallop spiny lobster naman ay umaabot ng mahigit siyam na
buwan bago umabot sa marketable size na 200-300 gramo.
• Hindi maaring ikulture ng higit sa marketable size ang banagan
dahil baba ang presyo neto sa merkado, maliban kung gagamitin
ito bilang breeders
• Bago ang harvest period, kinakailangan palitan ang lambat na
pinag lalagyan nila upang mapadali ang pag kulekta
• Ang pag harvest ay sa pamamagitan ng pag hila ng lambat na
kanilang pinag lalagyan hangang sa sila ay pumaibabaw at
kinokolekta gamit ang scoop net.
• Ang banagan na nasa tamang marketable size ay nagkakahalaga
ng USD50/kilo or 2500 pesos bawat kilo.
49. 49
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Pangunahing Pagkain)
Formulated pellet feed
Trash Fishes
Mix seashells and Trash Fishes
• Kadalasan, ang mga isda na mababa ang
presyo or nahuhuli sa pag didinamita ang
ginagamit sa pag papakain ng lobster.
• Pero mas maigi na ang isdang ginagamit ay
sariwa para maiwasan ang pag dapo ng iba’t
ibang uri ng sakit na makakasira sa kalusugan
ng lobster.
• Gumagamit din ng mga kabibi na marami sa
lugar, tulad ng tahong at hinahalo sa trash fish
• Sa kasalukuyan ay pinag aaralan parin ang
pag formulate ng pellets feed na may mataas
na nutrients content para sa mga lobster.
50. 50
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Ibang dapat tandaan sa pag kukulture)
• Regular na sorting mula nursery hangang juvenile grow-out phase para maiwasan
ang cannibalism at pagkamatay ng mga maliliit na banagan.
• Ayon sa pag aaral, ang juvenile ng Scallop Spiny lobster na may 22 gramo ang
bigat ay pwedeng pakainin base sa isangdaang porseyentong bigat ng bawat isa
(100% BW).
• Ang pagpapakain ay dapat sa takipsilim dahil sila ay mas aktibo tuwing gabi.
• Ang pagkain ay dapat may sapat at balanseng nutrisyon para sa mas maiksing
culture period at pagpapakain.
51. 51
D. Paraan ng pag kukulture ng Banagan o Spiny Lobster
(Mga sakit ng banagan)
Milky disease Black Gill disease
Tail rot disease
Loss of appendages disease
Loose head disease
Magandang araw sa ating lahat. Ngayon ay pauusapan natin ang mga uri, ekolohiya, biolohiya at pangisdaan kasama ang paraan ng panghuhuli at pag kulture ng maliliit na banagan o Spiny lobster)
Ito ang nilalaman ng presentasyon. Una ay pag uusapan natin ang mga uri ng banagan o spiny lobster na nahuhuli sa pilipinas
Pangalawa, ay ang kanilang ekolohiya o kung paanu sila na bubuhay sa kanilang natural na tahanan at ang kanilang biolohiya.
Pangatlo ay paraan ng mga Palaweño kung paanu manghuli ng maliliit na banagan or puerulus at
Pang apat ay paraan ng pag kukulture ng Banagan o spiny lobster
Merong walong klasing banagan o spiny lobster na nahuhuli sa pilipinas at lahat ito ay may malaking halaga sa merkado.
Ang una ay ang tiger banagan na may trade name na Royal green lobster o tiger lobster. Ito ang pinakamalaki sa lahat nang uri ng Banagan at may pinaka mataas na presyo kada kilo sa merkado. May kabuohang haba na aabot sa 43 cm at may timbang na 2.8 kg. Madali itong makilala dahil sa mga paa nitong kulay itim at mapusyaw na dilaw.
Pangalawa ay ang banagan na may trade name na Bamboo green lobster. Meron itong kabuuhang haba na Aabot sa 30 cm at may timbang na 950g. Madali itong makilala dahil sa mga mahabang putting linya sa mga paa.
Pangatlo ay ang banagan na may trade name na Red lobster. Ito ay May kabuohang haba na 30 cm at ang carapace ay may habang 12 cm. Ang katawan ay kulay dark brown o bluish-brown. Kapansinpansin ang mga kulay puti na tuldok sa katawan, ulo at mga galamay

Pangapat ay ang banagan na meron din trade name na Red lobster. Ito ay may kabuohang haba na 31 cm, ang carapace ay may sukat na 12 cm ang haba at ang timbang ay aabot hanggang 600g. Ito ay makikilala dahil sa darkish green at reddish brown na carapace o shell at dalawang puting tuldok sa bawat itaas na bahagi ng gilid ng bawat segment ng katawan.

Panglima ay may local name na Aswang. Ito ay may kabuohang haba na 40 cm. Kapansin pansin din ang pares ng puting tuldok sa unang bahagi na segment ng katawan. Ito ay may kulay na grayish blue.
Pang anim ay ang banagan na may English name na Japanese spiny lobster. Aabot sa 30 cm ang kabuohang haba ng katawan nito at nakikita sa dagat pacipico particular sa japan, Taiwan, china at korea. Ito ay may pag kakahalintulad sa P. longepis ngunit wala itong mga puting guhit or band sa antenna at sa mga paa.
Pang pito ay ang mud spiny lobster. Ito ay May kabuohang haba na 40 cm, at haba ng katawan na 20-25 cm. Madalas na makikita sa maputik at mabatong bahura na malapit sa bunganga ng mga ilog. Ito ay may kulay copper o dark brown.

Pang walo at ang huling banagan na nahuhuli sa pilipinas ay ang Chinese spiny lobster. Ito ay May kabuohang haba na 16-28 cm para sa lalaki at 13-16 cm sa babae. Ito ay makikita sa mababaw at mabatong parte ng bahura. Ito ay may kulay greenish-copper na shell.
Ngayon ay dadako tayo sa ekolohiya at biolohiya ng mga banagan
Una ay ang ekolohiya, Ang mga banagan ay nakatira sa mga bahura at mga mabato na mga lugar. Bihira sila sa mga lugar na malabo or hindi malinaw na tubig. Sila ay matatagpuan sa lalim mula isa hangang limampung metros (1-50 m). Sa ibang bansa, gumagawa ang mga collectors ng alternatibong tirahan ng banagan tulad ng nasa kanang bahagi na larawan para madali silang mahuli pag panahon ng hulihan.
Ang mga Banagan ay scavengers o kumakain ng mga tirang laman ng mga patay na hipon, alimasag, kabibe, isda at iba pang mga lamang dagat. Kumakain din sila ng mga lumot na nakadikit sa mga bahura. Sila ay aktibo sa gabi, mula takipsilim hangang madaling araw
Kalimitang makikita ang mga banagan na naka grupo sa mga butas ng bato o bahura. Ang ganitong pag kumpol kumpol ng banagan ay magandang katangian para sa aquaculture.
Dadako tayo sa biolohiya ng banagan, particular sa life cycle.
Ang banagan ay nangingitlog sa edad na 2 hangang 3 taon o pataas o kung umabot na sa isang kilo ang timbang. Ang malaking babaeng banagan ay maaring mangitlog ng mahigit 2 milyon.
Sa panahon ng pangingitlog ang mga banagan ay pumupunta sa mas malalim na parte ng bahura at doon nila papakawalan ang mga itlog. Ang pangingitlog ay maaring isang beses o mahigit sa panahon ng tag -init o summer.
Ang itlog ay maaring mapisa sa loob ng 3 o 4 na lingo. Ang itlog ay mapipisa sa unang antas na tinatawag na phyllosoma (<2 mm carapace length) na nagaganap sa gabi.
Ang phyllosoma larvae ay merong labin isang bahagi (11 stages or) na ma kompleto pagkatapos ng dawampong beses ng pagluluno o paghuhunos (20 moults) sa loob ng 6-8 buwan matapos ang itlog ay mapisa hangang umabot ang carapace sa haba na mahigit dalawamput limang millimetro (>25 mm).

Ang panghuling bahagi ng pagluluno o paghuhunos ay ang puerulus na maaring tumagal ng 2-3 lingo. Sa yusgtong ito, ang puerulus ay 7-9 na buwan ng lumalangoy simula pagkapisa. Ang puerulus ay transparent at ang carapace ay may habang 5.01–6.90 milimitro. Sila ay lumalangoy at naghahanap ng angkop na tirahan kagaya ng mga bahura, kulapo at iba pa. Ang puerulus ay hindi pa kumakain at nabubuhay sa natitirang enerhiya na meron ito.
Ang phyllosoma larvae ay merong labin isang bahagi (11 stages or) na ma kompleto pagkatapos ng dawampong beses ng pagluluno o paghuhunos (20 moults) sa loob ng 6-8 buwan matapos ang itlog ay mapisa hangang umabot ang carapace sa haba na mahigit dalawamput limang millimetro (>25 mm).
Ang phyllosoma larvae ay merong labin isang bahagi (11 stages or) na ma kompleto pagkatapos ng dawampong beses ng pagluluno o paghuhunos (20 moults) sa loob ng 6-8 buwan matapos ang itlog ay mapisa hangang umabot ang carapace sa haba na mahigit dalawamput limang millimetro (>25 mm).
Sa sandaling makakita na ng angkop na tirahan ang puerulus, dito na sila mag lalagi at sa loob ng isang linggo magbagong anyo bilang juvenile ang puerulus at mag kakakulay. Ang carapace nito ay may sukat na 5.31–6.98 mm at nasa isang taon na. Ang juvenile ay hindi na lumalangoy bagkus lumalakad o gumagapang sa ilalim ng dagat.
Ngayon ay dadako tayo sa paraan ng pang huhuli ng maliliit na banagan o puerulus. Ang mga paraan ng panghuhuli na aming tatalakayin ay nakabase sa Palawan.
Una ay tatalakayin natin ang mga traps na ginagamit sa Palawan.
Ang ibang collector ay gumagamit din mga pang attract at shading materials para sa kanilang traps. Kagamitang ginamit: bunot, kulapo, b-net, lumang lambat, at kulambo
Ang paggamit ng mga ito ay nakadepende sa lugar, kung kukunte ang mga natural na kulapo o batong pwedeng pag titirahan ng maliliit na banagan, mas gusto nila sa ganitong shading na karagadagang proteksyon nila sa kanilang mga predators
Ngayon ay dadako tayo sa pag install ng traps. Una ay balsang kawayan.
Ang huling parte ng presentasyon ay Paraan ng pag kukulture ng banagan o spiny lobster.
Ang mga puerulus na nahuhuli sa mga traps ang kadalasang ginagamit sa pagkukulture dahil wala pang hatchery para sa mga banagan.
Ito ang kabuohang flow ng pagkukulture ng banagan simula puerulus hangang sa marketable size.
Sa Vietnam, ang pag aalaga ng puerulus ay ginagawa sa floating cages. Basahin ang slide
Sa Indonesia, ang puerulus ay inaalagaan din sa cages pero…. Basahin ang slide
Ngayon ay dadako tayo sa grow-out or juvenile phase. Sa Vietnam Kadalasan ang juvenile na merong 10-50 gramo ay pinapalaki sa floating cages na meron 9 metro kubiko ang laki
Ang bawat cage ay nilalagyan ng 20 pueruli kada cage
Pag umabot sa tumibang na 100 gramo ang juvenile na banagan, nililipat sila sa market size na cage tulad ng fixed-bottom cages.
Ang mga cages ay naka install sa lalim na 7- 8 metro at may regular na cage cleaning.
Ang mga juvenile ay pinapakain din ng tinadtad ng isda, alimango, at kabibe.
Sa Indonesia.. Basahin ang slide
Dadako tayo sa harvest phase. Basahin ang slide
Ang pangunahing pagkain ng banagan na kinukulture ay ang mga isda na mababa ang presyo or nahuhuli sa pag didinamita ang ginagamit sa pag papakain ng lobster.
Pero mas maigi na ang isdang ginagamit ay sariwa para maiwasan ang pag dapo ng iba’t ibang uri ng sakit na makakasira sa kalusugan ng lobster.
Gumagamit din ng mga kabibi na marami sa lugar, tulad ng tahong at hinahalo sa trash fish
Sa kasalukuyan ay pinag aaralan parin ang pag formulate ng pellets feed para sa mga lobster na may mataas na nutrients content.
Sa pag aakwakulture ng banagan, dapat tandaan ang.. Basahin ang slide
Tulad ng ibang mga aquatic akwakulture, meron din mga sakit ang banagan na nag papababa sa kanilang halaga sa merkado o nag papalaugi sa mga farmers. Ang mga common na sakit ay. Basahin ang slide…… Kaya dapat ay may kakayahan din ang mga farmers dilang sa financial kundi ganun din sa kaalaman ang mga farmers para maiwasan ang ganitong mga sakit at pagkalugi.
Bago mag tapos ang aming presentasyon, meron kaming ipapanood sa inyong video patungkol sa pag fafarm ng banagan. Ang video ay kunuha sa isang laobster farmer sa Puerto Princesa City. Ang farmer ay gumamit ng juvenile stage na lobster at pinapalaki hanga sa marjetable size. Panoorin po natin.
At jan po nag tatapos ang aming presentasyon. At sana ay marami kayong napulot na kaalaman patungkol sa mga uri, ekolohiya, biolohiya at pangisdaan kasama ang paraan ng panghuhuli at pag kulture ng maliliit na banagan o Spiny lobster.
Magandang araw pong muli sa ating lahat.