2. Ang mga Pilipino ay nakalasap din ng mga
tagumpay laban sa mga puwersang Amerikano
sa kabila ng kakulangan sa mga sandata at
mahuhusay na pinunong military.
3. Pook at
Petsa
Pangyayari
Malinta at Balantang
(Marso 1899)
• Natalo ng mga Pilipino ang hukbong
Amerikano sa Labanan sa Malinta.
• Kawal na napaslang- Koronel Harry
Egbert
• Lugar patungo sa Polo na kuta ni Hen.
Luna
4. Baler at Quingua
(Abril 1899)
• Baler, Tayabas (kasalukuyang Aurora)
• Tinambangan ang mga Amerikano, at
walang nagawa ang mga ito kundi
umurong at pabayaan ang mga Espanyol
na ipagtanggol ang kanilang kuta.
• Nanalo si Heneral Gregorio del Pilar sa
Quingua (kasalukuyang Plaridel)
• Napatay si Koronel John Stotsenberg
5. San Mateo, Rizal
(Disyembre 1899)
• Naganap ang pinakamasaklap na pagkatalo ng
mga Amerikano sa Labanan sa San Mateo,
Rizal, bago matapos ang taong 1899.
• Sumasalakay sa lugar na ito ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Heneral Henry
Lawton, bantog na bayani ng Digmaang Sibil sa
Amerika, noong Disyembre 19, 1899.
• Nasawi sa labanang ito si Lawton.
6. Marinduque at
Mabitac
(Setyembre
1900)
• Sa pamumuno ni Koronel Maximo Abad, napasuko
ng mga Pilipino ang hukbong Amerikano na
pinamumunuan ni Kapitan Deverex Sheilds sa
Labanan sa Pulang Lupa, sa Torrijos, Marinduque.
• Apat na sundalong Amerikano ang nasawi anim
ang sugatan, at 50 ang nahuli.
• Sa Mabitac, Laguna, nanalo ang mga
rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral
Juan Cailles laban sa mga Amerikanong
pinamumunuan ni Koronel Benjamin Cheatham, Jr.
7. Balangiga,
Samar
(Setyembre
1901)
• Nagtagumpay sa Balangiga, Silangang Samar, ang
hukbong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Vicente
Lukban.
• Nasawi ang 54 na sundalo at nasugatan ang 18 iba
pa.
• Ang pangyayaring ito ay tinawag ng mga
Amerikano na Balangiga Massacre.