1. Prepaired by:
Eldred Jerome M. Ayunting.
Rainier V. Ligasan
Aloysius Atheos L. Butac.
2.
3.
4. Nagsimula ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (World War II) nang salakayin ng
Germany ang Poland noong Setyembre 1,
1939. Nagdeklara ng digmaan ang Britain at
France na bumuo sa alyansa na tinatawag na
Allied Powers ang mga bansa na kabilang sa
alyansa ng Axis Powers na binubuo ng
Germany, Italy at Japan. Pinasimulan ng
Germany at Italy sa Europe ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng
pagsalakay sa iba pang bansa.
5. Sa pacific sinimulan ng Japan ang pananakop
ng mga teritoryo sa Asya kabilang dito ang
Manchuria,China, hilagang Indochina na
sakop ng mga Pranses at Siam (kasalukuyang
Thailand). Nang sumiklab ang digmaan,
nanatiling neutral o walang kinakampihan
ang United States. Subalit, bilang tugon sa
pagpapalwak ng Japan ng teritoryo sa Pacific
ay ipinatupad ng United States ang total
embargo ang di-pagbenta ng mga kalakal sa
Japan ng maaring makatulong sa digmaan.
Upang ihinto ng United States ang total
embargo, isinagawa ng Japan ang biglaang sa
Pearl Harbor.
6. Nasangkot ang Pilipinas sa digmaan nang
sumali ang United States sa digmaan. Ang
pagpapasabog sa pinakamalaking naval base
ng United States sa Pacific ang nagbunsod sa
United States upang magdeklara ng digmaan
laban sa Japan at sumali sa digmaan.
Samantala, pagkaraang bombahin ng Japan
ang Pearl Harbor , kasunod nito ang biglaang
pagsalakay sa Pilipinas.
7. Sinimulan ng Japan ang pagsalakay sa mga
kolona ng Allied Powers sa Asya. Binomba
nito ang mga kabisera at mga mataong lugar.
Kasunod nito ang pagdating ng mga
sundalong Hapones na pinamunuan ni
Heneral Masaharu Homma. Samantala, si
Heneral Arthur MacArthur naman ang
namuno sa mga sundalo ng USAFFE o United
States Armed Forces in the Far East na
binubuo ng mga sundalong Amerikano at
Pilipino.
8. Sinimulan ng mga Hapones ang pagsalakay sa
bansa. Ito ay pagkaraan ng sampung oras
matapos bombahin ng Japan ang Pearl
Harbor. Binomba ang Davao, Tuguegarao, Iba
at Baguio gayundin ang mga paliparan sa
Clark Air Field sa Pampanga.
10. Pagdating ng mga sundalong Hapones sa
Pilipinas. Pumasok sila sa Aparri at Vigan.
Samantala, si Heneral Masaharu Homma, ang
pinuno ng hukbong Hapones ay dumaan sa
Lingayen, Pangasinan.
11. Inilipat ang pamahalaang Komonwelt sa
Corregidor. Samantala si MacArthur ay
ipinatawag sa United States upang muling
bumalik sa serbisyo nang magsimula ang
digmaan sa Pacific.
12. Idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang
Maynila na Open City upang mailigtas ang
lungsod sa patuloy na pambobomba ng mga
Hapones. Ang Open City ay
nangangahulugan na walang hukbong
magtatanggol dito kaya’t hindi ito kailangan
salakayin. Subalit hindi nirespeto ng mga
Hapones ang deklarasyon at ipinagpatuloy
ang pambobomba rito.
14. Umalis si Pangulong Quezon at ang kanyang
pamilya patungo sa Australia at pagkaraan ay
nagtungo sa United States. Ito ay alinsunod sa
payo ng mga Amerikano upang hindi siya
madakip ng mga Hapones.
15. Umal si Heneral Douglas MacArthur patungo sa
Australia. Humalili si Heneral Jonathan
Wainwright kay MacArthur bilang pinuno ng
USAFFE. Inutusan si MacArthur na umalis ng
Pilipinas dahil sa kalagayan sa Relihiyong
Pacific.
Umurong ang USAFFE sa Bataan upang
mailigtas ang sibilyan mula sa kapahamakan
ng digmaan. Dagdag pa dito, estratehiko ang
lokasyon ng Bataan dahil sa bulubundukin
ito.
16. Umasa ang mga sundalong USAFFE sa Bataan
na may ipadadalang tulong ang United States
sa kanila, subalit walang dumating na tulong.
Maliban sa mga bala at bomba, maraming
sundalo rin ang namatay dahil sa gutom at
sakit kaya’t sa huli ay napilitan ang mga ito
na sumuko. Pagkaraan nito, isinagawa ang
Death March kung saan ay sapilitang
pinaglakad ang mga sundalong Pilipino at
Amerikano mula Marivelis, Bataan hanggang
sa San Fernando, Pampanga sa loob ng anim
na araw. Ang isla ng Corregidor na lamang
ang nananatiling lumalaban sa puwersa ng
mga Hapones.
17. Bumagsak ang mga Corregidor pagkaraan ng
sunod-sunod na pambobombang mga
Hapones. Sumuko ang tinatayang 13,000
sundalo.
18. Inutos ni Heneral Wainwright na sumuko ang
lahat ng sundalo sa mga Hapones. Ito ang
simula ng pamamahala ng mga Hapones sa
Pilipinas.
19. Nagsimula ang industriyalisasyon ng Japan sa
panahon ng Meiji Era. Sa panahong ito, namuno sa
pamahalaan ng Japan ang mga militar. Hangarin ng
mga militar na palakasin at paunlarin ang kanilang
bansa, subalit batid nila na salat sa mga yamang
likas ang Japan na mahalaga para sa
industriyalisasyon. Bunga nito, naisip nila na
magkaroon ng teritoryo sa Timog Silangan Asya
gaya ng mga makapangyarihang bansa kaya’t
inilunsad nito ang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere upang pagkaisahin ang kabuhayan ng mga
tao sa Asya sa pamumuno ng Japan.
20. Ipinahayag din nila ang kanilang propaganda
gaya ng “Asya para sa mga Asyano.” Ito ay
nangangahulugan na mas mainam na
pakinabangan ang Asya ng mga Asyano
kaysa sa mga dayuhang Kanluranin.
Ikinatuwiran din nila na isinagawa nila ang
pananakop sa mga bansa sa Asya upang
palayain ang mga ito mula sa mga
Kanluranin. Nasakop ng Japan ang British
East Indies (Malaysia at Singapore), Dutch
East Indies (Indonesia), French Indochina
(Laos, Vietnam at Cambodia), Burma
(kasalukuyang Myanmar), Thailand at
Pilipinas.
21. Sinakop ng Japan ang Pilipinas nang mahigit sa
tatlong taon mula 1942 hanggang 1945.
Pagkaraan masakop ng mga Hapones ang
Maynila, inutos ni Heneral Homma
Masaharu, ang pinuno ng hukbo ng mga
Hapones, ang reorganisasyon ng pamahalaan
sa Pilipinas.
22. Itinatag ng mga Hapones ang pamahalaang
militar sa Maynila. Ipinatupad ang
mahihigpit na patakaran gaya ng
pagpapatupad ng curfew. Ipinatupad rin ng
pamahalaang militar ang batas militar upang
makontrol ang mga mamamayan at masulip
ang mga Pilipinong tutol sa mga Hapones.
23. Itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap upang
pamahaan ang bansa na pinamumunuan ni
Jorge Vargas, ang alkalde ng Maynila nang
dumating ang mga Hapones. Ito ay binuo ng
anim na kagawaran na pinamunuan ng mga
Pilipino sa ilalim ng pagsusubaybay ng mga
tagapayong Hapones. Samakatuwid ang
pagpapasya ng mga pinuno ay batay sa
pagsang-ayon ng mga pinunong Hapones.
24. Itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan ng
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas), ang nag-iisang
partidong politikal sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones.
25. Pumili ng mga kasapi sa Preparatory
Commision for Phillipine Independence
(Komisyon sa pagpapaganda da kalayaan ng
Pilipinas). Ito ang itinalagang pangkat na
maghahanda sa pagbuo ng saligang batas at
sa pagtatag ng panibagong pamahalaan. Si
Jose P. Laurel ang nahirang na pinuno ng
Komisyon.
26. Dumating si Punong Ministro Hideki Tojo.
Upang makuha ang loob ng mga Pilipino at
ipakita na nakahihigit sila mga Amerikano,
ipinangako ni Pinunong Ministrong Hideki
Tojo na ipagkakaloob nila sa mga Pilipino
ang kalayaan ng Pilipinas kung sila ay
makikipagtulungan sa adhikain ng mga
Hapones na maitatag ang Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere.
27. Nilagdaan ng PCPI ang Saligang Batas 1943 sa
isang seremonya. Itinadhana nito ang
pagtatag sa ikalawang Republika ng Pilipinas
at pagkakaroon ng Pambansang Asamblea na
may isang kapulungan at mayroon 108 na
kinatawan.
28. Niratipika ang Saligang Batas 1943 ng 117 delegado
ng KALIBAPI. Ang Saligang Batas 1943 ay
binubuo ng preamble at 12 artikulo. Nakasaad
dito na may tatlong sangay ng pamahalaan sa
bansa, ang tagapagpaganap,tagapagbatas at
tagapagpatupad. Ang pangulo ang pinuno ng
sangay ng tagapagpaganap; ang Pambansang
Asamblea sa sangay ng tagapagbatas; at ang
Kataas-taasang Hukuman sa sangay ng
tagapagpatupad. Binigyan din ng kapangyarihan
ang mga Hapones sa ilalim ng Saligang Batas
1943.
29. Samantala, mas binigyang halaga sa bagong
saligang batas ang tungkulin ng mga
mamamayan kaysa sa kanilang karapatan.
31. Hinalal sa Jose P. Laurel ng Pambansang
Asamblea bilang pangulo ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas.
32. Pinasinayaan ang pagtatatag sa Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Itinatag din ang
Konseho ng Estado (Council of State) na
nagsilbing tagapayo ng pangulo. Ang
gabinete ng namahala sa mga bagong
kagawaran ng pamahalaan. Ang pamahalaan
sa panahon ng pananakop na mga Hapones
ay nahati sa tatlong sangay:
33. Kontrolado ng mga Hapones ang mga pinuno
ng pamahalaan kaya’t tinawag ang Ikalawang
Republika na pamahalaang puppet dahil
naging tau-tauhan lamang ang mga
Pilipinong opisyales sa mga tagapayong
Hapones. Naging mahigpit din ang
pagkontrol sa mga mamamayan. Ipinagbawal
ang kalayaan sa pamamahayag, pananalita at
paglalakbay.
34. Sinikap ng pangulo at mga opisyales na
matugunan ang pangangailangan ng mga
Pilipino subalit naging mahirapang
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones. Maraming
suliranin ang hinarap ng mga Pilipino sa loob
ng tatlong taon ng pananakop ng mga
Hapones. Kabilang na rito ang suliranin sa
pananalapi. Nagpalabas ng salapi ang mga
Hapones na tinawag na Mickey Mouse
Money na nagmistulang playmoney dahil
wala itong halos halaga. Nagkaroon ng
implasyon. Tumigil ang pagpapatakbo sa
mga industriya at hanapbuhay ng mga tao.
35. Laganap din ang kriminalidad. Ipinagbawal ang
mga pamahayagan at naging mahigpit ang
pagsesensura. Ang taging pahayagan na
inilathala noong panahon ng pananakop ng
mga Hapones ay ang Manila Tribune at ang
magasin na Liwayway.
36. Labis ang naging kahirapan ng bansa dahil sa
naranasang krisis sa ekonomiya dahil sa
pagkaudlot ng kabuhayan ng mga Pilipino.
Inagaw ng mga Hapones ang mga ari-arian ng
mga Pilipino.nagkaroon ng kakapusan sa
pagkain dahil sa mahinang ani at
pagkumpiska ng mga Hapones sa ani ng mga
magsasaka. Kasabay nito ang pagtaas ng
presyo ng pangunahing bilihin. Bunga nito
maraming Pilipino ang nakaranas ng
matinding kagutuman.
37. Upang may mahain, nagtanim ang mga Pilipino
sa kanilang mga bakuran. Dahil naantala ang
kabuhayan, umiral ang sistemang barter.
Naging kabuhayan ng mga Pilipino ang buy
and sell. Kadalasan ang kapalit ng mga bagay
ay pagkain. Samantala, mayroon din mga
libangaaan na umiral sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones. Ang mga
pagtatanghal na isinagawa sa mga teatro ay
dinumog ng mga tao. Sa larangan ng panitika
n,mayroon din naisulat ang mga Pilipino sa
kondisyon na hindi ito kumakalaban sa mga
hapones.
38. Upang makuha ang loob ng mga Pilipino,
hinikayat ng mga Hapones ang pagtataguyod
sa kulturang Pilipino,paggamit sa sariling
wika at pagpapahalaga sa paggawa. Inutos ng
mga Hapones ang pagbubukas ng mga
paaralan sa primarya at paaralang
bokasyunal. Itinuro sa mga paaralan ang
Niponggo, ang wika ng mga Hapones.
Naging mahigpit ang pamamalakad ng mga
Hapones upang matakot at sumunod sa
kanila ang mga Pilipino. Hindi umiral ang
katarungan ng lipunan sahil sa mga
isinasagawang paglabag ng mga Hapones sa
karapatang pantao ng mga Pilipino.
39. Kinakatakutan ng mga Pilipino ang Kempei-Tai
o ang pulis militar ng mga Hapones.
Samantala, kinamuhian at kinakatakutan din
ng mga Pilipino ang mga taong tinatawag na
MAKAPILI (Makabayan: Katipunan ng mga
Pilipino) o mga Pilipino na nagsusumbong sa
mga Hapones upang ituro ang mga taong
kumakalaban sa kanila. Dinakip, pinahirapan
at pinatay ang mga Pilipino na
pinaghihinalaang kumakalaban sa mga
Hapones.
40. Dahil maraming Pilipino ang nangangamba
para sa kanilang kaligtasan, marami ang
namundok at sumali sa mga kilusang gerilya.
Kasama sa mga gerilya ang mga sundalo na
hindi sumuko pagkaraang bumagsak ang
Bataan at Corregidor. Ang isa sa kilalang
pangkat ng mga gerilya ay ang
HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa
Hapon) na pinamumunuan ni Luis Taruc at
magkapatid na Jesus at Jose Lava.
Nagsasagawa ang mga gerilya nang patagong
pakikipaglaban sa mga Hapones.
41. Isinagawa nila ang mga biglaang pagsalakay sa
mga sundalong Hapones. Dahil sa mga
gerilya, lalong naging mahigpit ang mga
Hapones. Gayumpaman, naging mahirap para
sa mga Hapones ang pagsakop sa iba pang
kapuluan at lalawigan dahil sa mga gerilya.
Masasabing naging epektibo ang mga
gerilyang organisasyon dahil hanggang sa
pagwawakas ng digmaan, nagawa lamang
macontrol ng Japan ang 12 mula sa 48 na
lalawigan sa bansa.
42. Nagpatuloy na lumago ang biglang pananakop
ng mga gerilya bagamat mahigpit ang
kampanya ng mga Hapones laban sa mga ito.
Sa buong Luzon at sa mga isla sa timog ng
Pilipinas, maraming Pilipino ang sumali sa
iba’t ibang kilusang gerilya.
43. Nagkaroon ng ugnayan ang mga pinuno ng mga
kilusang gerilya. Sila ay nagplano kung
paano makatutulong sa puwersa ng mga
Amerikano sa kanilang pagbabalik sa
kapuluan. Nakatulong ang mga mahalagang
impormasyon na ipinadala ng mga gerilya
kay MacArthur sa Australia sa kanyang
muling pagbabalik sa Pilipinas.
44. Nagbago ang takbo ng mga pangyayari. Unti-unti
binawi ng mga Amerikano ang mga
teritoryong sinakop ng Japan sa Pacific. Sa
ilang labanan sa dagat, nagawa ng hukbong
dagat sa United States na magwagi laban sa
Japan, kaya’t isinagawa ni MacArthur ang
kanyang plano sa pagbabalik sa Pilipinas.
46. Namatay si Pangulong Quezon sa Saranac Lake,
New York. Humalili kay Quezon ang
kanyang pangalawang pangulo na si Osmena.
47. Simula ng labanan para sa Pilipinas. Dumating
ang puwersa ng mga Amerikano sa Palo,
Leyte sa pangunguna ni Heneral MacArthur
kasama sina Sergio Osmena, pangulo ng
Komonwelt, Carlos P. Romulo at Basilio
Valdez.
48. Muling pagtatag sa Pilipinas ng pamahalaang
Komonwelt kung saan si Heneral MacArthur
ang pansamantalang namahala. Ginawa ring
pansamantalang kabisera ng pamahalaan ang
Tacloban. Samantala, mula Oktubre 23-25 ay
naganap ang makasaysayang labanan sa
Golpo ng Leyte. Ang labanang ito ay ang
pinakamalaking labanan na naganap sa dagat
noong ikalawang Digmaang Pandaigdig.
49. Nakapasok ang iba pang puwersa ng mga
Amerikano sa isla ng Mindoro at Lingayen
Gulf na nasa kanlurang bahagi ng Luzon.
Naging masidhi ang labanan sa
bulubundukin ng hilagang Luzon kung saan
umatras ang mga sundalong Hapones. Ang
Phillipine Commonwelt Troops at ang mga
gerilya ay may malaking naitulong sa
pagpapalaya sa bansa dahil sila ang pumalit
sa ilang batallion at reginment ng mga
sundalong Amerikano. Tumulong ang
maraming Pilipino sa iba pang aspekto ng
digmaan upang mapalaya ang bansa.
50. Nasakop ang puwersa ng mga Amerikano sa
Lingayen, Pangasinan dahil na rin sa paghina
ng puwersa ng mga Hapones. Mula sa
Pangasinan, nagtungo ang puwersa ng mga
sundalong Amerikano at Pilipino sa Gitnang
Luzon. Naging madugo ang labanan sa pagitan
ng mga Hapones at Amerikano kasama ang
mga Pilipinong sundalo sa kanilang pagpasok
sa Luzon. Marami ang nasugatan at namatay sa
sibilyan at sundalo. Kasabay nito ang pagkasira
ng mga ari-arian at imprastraktura.
52. Nabawi ang Maynila mula sa mga Hapones,
subalit nagpatuloy pa rin ang mga labanan
hanggang sa tuluyang mabawi ang lahat ng
kapuluan
53. Isinalin ni Heneral MacArthur ang pamamahala
ng Komonwelt kay pangulong Osmena.
54. Ipinahayag ni Heneral MacArthur ang paglaya
ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga
Hapones.
55. Nagapi ng puwersa ng mga Amerikano at
Pilipino ang mga Hapones. May ilan pang
hindi sumuko, kabilang na dito si Heneral
Tomoyuki Yamashita ng tumakas at dumaan
sa kabundukan ng Sierra Madre na tinatawag
na Yamashita Line. Naunang nagapi ng
Allied Powers sa Europe ang Germany at
Italy. Subalit nagpatuloy pa rin ang digmaan
sa Pacific dahil patuloy na pakikipagdigmaan
ang Japan.
56. Upang tapusin ang digmaan at sapilitang
pasukuin ang Japan, nagbagsak ang United
States ng atomic bomb sa Hiroshima noong
Agosto 6, 1945 at Nagasaki noong Agosto 9.
Ito ang nagbunsod upang sumuko ang Japan
sa Allied Powers noong Agosto 15, 1945.
57. Mula sa Japan, nagbigay ng proklamasyon si
Pangulong Laurel sa pagwawakas ng
Ikalawang Republika.
58. Nagwakas ang digmaan sa Pacific. Lumagda ang
kinatawan ng Japan ng unconditional
surrender habang nakalulan sa USS Missouri
na nakadaong sa Tokyo Bay. Ang pagsuko ng
Japan ay Tinatawag na V-J Day o Victory over
Japan Day. Ito ang hudyat ng pagwawakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pacific.
59. Malaki ang pimsala ng digmaan sa Pilipinas
gaya ng pagkawala ng maraming buhay,
pagkasira ng mga ari-arian at imprastraktura.
Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang
namatay sa digmaan. Marami rin ang bilang
ng mga nasugatan. Pagkaraan ng digmaan,
maraming tao ang nasa mga lansangan na
makikitang humihingi ng tulong. Malaking
hamon ang haharapin ng bansa upang muling
makabangon mula sa pagkawakas dulot ng
digmaan.