1. PAGSASALITA
Ang pagsasalita-pagbibigay, pagbabahagi ng
kaisipan mensahe sa pamamagitan ng verbal
na paraan na ginagamit ang wika na may
wastong tunog, tamang gramatika, upang
malinawan na mapaliwanag ang damdamin at
kaisipan.
2. KATANGIAN NG MABUTING ISPIKER
1. personalidad (dating)
2.May ugnayan sa tagapakinig.
3.Kontrolado ang boses.
4.Pagsasalita ay angkop sa tagapakinig.
5.May ganap at malawak na kaalaman sa paksa.
6.Malinaw na pagbigkas sa mga salita.
7.May kasanayan sa wika
8.May metatag na damdamin at malawak na kaisipan.
9.Bukas ang isipan.
3. 10.May panahon na nagpapatawa kung kailangan.
11.Isinasaalang-alang ang tagapakinig.
12.Hindi mayabang.
13.Walang kilos na nakakatawag-pansin.
14. Maingat sa pagsasalita.
4. TALUMPATI
Talumpati-ay masining na pagpapahayag ng kaisipan,
damdamin, kaalaman tungkol sa tiyak na paksa sa tiyak
na tagapakinig.
Ito ay magalang na pananalita sa harap ng publiko
hinggil sa mahalaga at napapanahong paksa na
nagbibigay kaalaman, nagtuturo, naghihikayat,
nagpapagaan o nanlilibang.
5. 1. Talumpating may layuning magbigay ng isang kasaysayan.
2. Talumpating nagbibigay ng isang impormasyon o kaalaman.
3. Talumpating gumigising sa damdamin at nakalilikha ng impresyon o
talumpating nagpapakilala.
4. Talumpating naghihikayat ng tao.
5. Talumpating pamamaalam.
6. Talumpating pagkakaloob o pagpaparangal.
7. Talumpating pagtanggap o pasasalamat.
URI NG TALUMPATI
6. PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay paraan ng pagpapatunay ng
isang paniniwala at paninindigan. Layunin nito na
manghikayat at mapaniwala at mang-akit sa sariling
panig ng mga nakikinig.
Ito rin ay paraan ng pagpapatunay ng isang katotohanan,
sa pamamagitan ng sistematikong paglalahad ng mga
katwiran mula sa payak at magaan patungo sa mabigat
na katwiran.
7. KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
MABUTING PANGANGATWIRAN
1. May sapat nakaalaman sa paksa.
2. Mahalaga at napapanahon ang paksa.
3. Nauunawaan ang paksang ipinagmamatwid.
4. Makatarungan ang paksa para sa magkabilang panig.
5. Ang katwiran ay makatotohanan.
6. Maranunong kumilala ng katwiran at bukas ang isipan.
7. Napatutunayan ang katwiran sa pamamagitan ng ebidensya.
8. May sapat na mga katunayan upang mag tagumpay ang ipinagmamatuwid.
9. Ang pinagkukunan ng mga ebidensya o sanggunian ay mapagkakatiwalaan.
10.Ang paksang pinagtatalunan ay hindi pa nahatulan o na desisyunan.
11.Mahinahaon at mabilis mag-isip.
12.Maliwanag at malinaw ang pananalita.
8. URI NG
PANGANGATWIRAN
Pabuod (Inductive) nagsimula sa payak patungo sa
masaklaw. Mula sa kilalang bagay, kalagayan, pangyayari
patungo sa bagong kaalaman.
Pasaklaw (Deductive)- nagsimula sa malawak na kaalaman
patungo sa payak.
Ang pagtatalong pormal/Debate- binubuo ng dalawang panig.
May tiyak na paksa, tiyak na panahon, oras at lugar
napangyarihan.
9. ALITUNTUNIN NG
PAGTATALO
1. Magkaroon ng isang proposisyon sa
pagtatalo.
2. Dapat malaman ang mga salitang
gagamitin na may kaugnayan sa paksa.
3. Magsaliksik ng mga mahahalagang tala
o impormasyon na may kaugnayan sa
paksa.
10. KATANGIAN NG MABUTING PAGTATALO
1. May isang buod lamang ang paksa.
2. Kawili-wili sa madla ang paks.
3. Payak at simple ang paksa.
4. Nararapat na makapagbigay sa panig ng panag-ayon sa
bigat ng pagpapatunay.
5. Napapanahon ang paksa.
6. Nararapat na tumalakay sa isang maliwanag na
kapasyahan.