4. Napag-aralan mo ang mga katangiang taglay ng
isang
produktibong mamamayan. Nalaman mo rin na
ang pagiging
produktibo ay nagdudulot ng pag-unlad di lamang
sa sarili kundi
maging sa bansa at lipunan.
Sa araling ito, muli nating balikan ang ilang
Pilipinong
naging produktibong mamamayan ng bansa dahil
sa kanilang
mga kontribusyon sa lipunan. Inaasahang
mapahahalagahan mo
ang mga pangyayari at kontribusyon ng marami
pang Pilipino
na naging daan ng pag-unlad ng bansa.
5. Maraming Pilipino ang naging tanyag at nagpatanyag sa
ating bansa sa iba’t ibang larangan tulad ng musika, sayaw,
eskultura, sining, at panitikan. Maging ang mga Pilipinong
manggagawa sa ibayong dagat ay malaki ang naitulong sa
kabuhayan ng Pilipinas. Bilang mga Pilipino, maipagmamalaki
nating marami sa ating mga kapuwa Pilipino ang may
natatanging talento at kakayahan na nagbigay-puri sa atin sa
buong mundo.
6. Kilalang Pilipino Deskripsyon
1.Fernando Cueto
Amorsolo
Siya ang pintor ng mga
larawan at tanawing
pambaryo ng Pilipinas. Siya
ay mahusay at
dalubhasa sa paggamit ng
liwanag sa aspeto
ng sining. Ang kaniyang
mga gawa ay puno ng
adhikain, makabayan, at
puno ng kasaysayan.
Dahil sa kaniyang
kahusayan sa pagpinta, siya
ang
tinaguriang “Pambansang
Alagad ng Sining ng
Pilipinas.
7. Kilalang Pilipino Deskripsyon
2.Victorio Edades
(1895-1995)
Ang kaniyang mga likha ay batay
sa mga isyung
pambansang pagkakakilanlan
tulad ng The Sketch,
isang koleksiyon sa National
Museum at The
Builders na nasa koleksiyon ng
mga pinta ng
Cultural Center of the
Philippines. Ginawaran si
Edades ng Orden ng
Pambansang Alagad ng Sining
para sa Sining Biswal noong
1976.
8. Kilalang Pilipino Deskripsyon
3.Carlos”Botong”
Franscisco
(1912-1969)
Kilala siya sa pinta niyang
mga miyural o mga
pintang larawan sa mga
bato. Ang mga halimbawa
nito ay matatagpuan sa
Manila City Hall, Manila
Hotel, at Our Lady of EDSA
Shrine sa Lungsod ng
Pasig. Naging Pambansang
Alagad ng Sining para
sa Sining Biswal si
Francisco noong 1976.
9. Kilalang Pilipino Deskripsyon
4.Juan Luna
(1857-1899)
Isang pintor, eskultor, at
aktibista noong panahon
ng rebolusyon noong ika-
19 na siglo, naging
tanyag
siya dahil sa obra niyang
Spoliarium noong 1884
kasama ang kapuwa
pintor na si Felix Hidalgo.
12. Kialang Pilipino Deskripsiyon
3.Antonio Molina Tinaguriang
“Pambandang Musikero
ng Pilipinas”
at lumikha ng
“Hatinggabi” para sa
Biyolin at ang
“Malikmata” para sa
piyano.
13. Kialang Pilipino Deskripsiyon
4.Jovita Fuentes Kilalang mang-aawit ng
opera at nagtamo ng
pangalawang karangalan
sa Pambansang Alagad
ng Sining para sa Musika.
15. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
1.Francisca Reyes
Aquino
(1899-1984)
Nagsaliksik at nag-aral siya
tungkol sa iba’t
ibang sayaw ng mga Pilipino sa
buong kapuluan.
Ipinagkaloob sa kaniya ang
National Artist Award
dahil sa malaking ambag niya
sa larangan ng sayaw
at maging mga larong Pilipino.
16. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
2.Liza Macuja
Elizalde
Ang prima ballerina ng
ating bansa ay nakilala
dahil sa kahusayan niya sa
pagsayaw ng ballet.
Nakapagtanghal na siya sa
iba’t ibang panig ng
mundo.
17. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
1.Guillermo Tolentino
(1890-1976)
Siya ang gumawa ng
monumento ni Andres
Bonifacio sa Caloocan at
sa Liwasang Bonifacio
sa Maynila. Tanyag din sa
kaniyang mga likha ang
“Oblation” sa Unibersidad
ng Pilipinas at ang selyo
ng Republika ng Pilipinas.
19. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
3.Aurelio Tolentino Sumulat ng dulang
“Kahapon, Ngayon, at
Bukas.”
Sila nina Lope K. Santos,
Iñigo Ed. Regalado ay
mahuhusay na nobelista.
4.Amado V.Hernandez Isang mahusay na makata,
mandudula, at nobelista.
21. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
1.Lamberto Avellana Mahusay na direktor ng palabas-
tanghalan.
2.Lea Salonga Naging tanyag sa buong mundo
dahil sa
mahusay niyang pagganap sa Miss
Saigon.
Binigyan ng karangalan bilang
pinakamahusay
na artistang babae noong 1990 sa
Laurence
Olivier Awards at sa Tony Awards
sa Broadway,
New York.
22. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
1.Gloria Diaz Nagwagi bilang Miss
Universe noong 1969.
2.Margie Moran Nagwagi bilang Miss
Universe noong 1973
3.Megan Young Nagwagi bilang Miss World
noong 2013
24. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
4.Lydia de Vega Mercado
At Elma Muros-Posadas
Mga kampeon sa Track
and Field
5.Eugene Torre Kampeon sa Chess
6.Paeng Nepomuceno at
Bong Coo
Mga kampeon sa
Bowling.
25. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
1.Leonardo Sarao Nilikha niya ang dyip na
pampasahero
2.Benjamin Almeda
Sr.
Nilikha niya ang de-
kuryenteng kudkuran ng
niyog at bread toaster
26. Kilalang Pilipino Deskripsiyon
3.Gregorio Zara Nakaimbento ng TV–
telephone na maaring
magkakitaan at mag-usap
ang nagtatawagan.
4.Rodolfo Viescas Nakaimbento ng
multicooler fan.
27. Kilalang
Pilipino
Deskripsiyon
Overseas
Filipino
Workers (
OFWs)
May mga Pilipinong pinili ang
maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang tawag
sa kanila ay Oversas Filipino Workers (OFWs).
Naging kilala sila sa iba’t ibang panig ng mundo
dahil sa kanilang husay, kasanayan, at
kasipagan
sa kani-kanilang mga larangan at propesyon.
Dahil dito, maraming kompanya ang nagnanais
na magkaroon ng mga Pilipinong
manggagawang
doktor, nars, inhinyero, karpintero, at
guro. Marami ring Pilipino ang nakapagtayo
ng mga negosyo at nagkaroon ng matataas na
puwesto sa malalaking kompanya at tanggapan
sa ibang bansa.
28. Gawain A
Isulat ang sagot sa notbuk kung saang larangan
nabibilang ang
sumusunod na mga kilalang Pilipino.
1. Francisco Balagtas, Severino Reyes, Amado V.
Hernandez
2. Gloria Diaz, Melanie Marquez, Megan Young
3. Carlos “Botong” Francisco, Victorio Edades, Fernando
Amorsolo
4. Rodolfo Viescas, Leonardo Sarao, Benjamin Almeda
Sr.
5. Manny Pacquiao, Michael Martinez, Eugene Torre.
29. Gawain B
Kilalanin ang mga Pilipinong naging tanyag sa buong mundo
dahil sa kanilang kahusayan. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Si _________ ang naglilok ng “Oblation” sa Unibersidad ng
Pilipinas.
2. Ang tinampok na Miss World 2013 ay si ____________.
3. Ang lumikha ng tanyag na Spoliarium ay si ____________.
4. Si ______________ ang unang Pilipino na naging Pangulo
ng United Nations Security Council.
5. Ang mga ____________ ay may angking kasanayan at
kakayahan sa iba’t ibang larangan na katuwang sa
pagpapaunlad ng kabuhayan sa bansa.
30. *Maraming Pilipino ang nagbigay ng mahahalagang
kontribusyon sa iba’t ibang panig ng daigdig.
• Bilang Pilipino, ipagmalaki natin ang mga kababayan na
nagbigay-dangal at karangalan sa iba’t ibang panig ng
mundo sa iba’t ibang larangan.
• Malaki ang naging kontribusyon ng mga manggagawang
Pilipino na iangat ang karangalan ng bansa sa pamamagitan
ng pagpapakita ng husay at tamang gawi sa
paggawa.
31. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.
1. Paano ipinakikita ng pamahalaan ang patuloy na suporta sa
mga Pilipino sa ibayong dagat?
A. Paggagawad ng mga parangal at pagkilala sa mga OFW.
B. Pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga OFW at sa
kanilang pamilya.
C. Patuloy na pagpapadala ng mga Pilipino sa iba’t
ibang panig ng mundo at pakikipag-ugnayan sa mga
kaalyadong bansa.
D. Patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa
bansang maraming Pilipinong manggagawa para sa
kanilang seguridad.
32. 2. Alin sa sumusunod ang binigyang-diin ni Fernando
Amorsolo
sa kanyang mga pinta?
A. Pagkanasyonalismo
B. Makabagong Panahon
C. Pagmamahal sa kapuwa
D. Katutubong pambaryong tanawin
33. 3. Ano ang pinatutunayan ng mga Pilipina sa
pandaigdigang
timpalak kagandahan?
A. Kayang maging tanyag ng Pilipino sa anumang larangan.
B. Sa larangan lamang ng kagandahan nakikilala ang mga
Pilipina.
C. May kapangyarihan ang mga kababaihan sa
anumang larangan.
D. Matalino, maayos, at may pagpapahalaga ang mga
Pilipina sa bansa, sa kapuwa, at sa kaniyang sarili.
34. 4. Maraming Pilipinong manlalaro ang nakilala at tumanyag
sa buong mundo dahil sa kanilang angking kakayahan
at lakas. Kung ikaw ay isang manlalaro, paano mo
paghahandaan ang sasalihan mong laro?
A. Pauunlarin at lalo akong magsasanay upang makamit
ang tagumpay.
B. Iisipin ko na lamang na mananalo ako sa larong
sasalihan.
C. Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
D. Hindi na lamang ako sasali sa laro.
35. 5. Paano mo ipakikita ang angking kakayahan tulad ng mga
natatanging Pilipino?
A. Sasali ako sa mga timpalak na angkop sa aking
kakayahan.
B. Lalo akong magsisikap na paunlarin ang aking talento o
kakayahan.
C. Susundin ko ang nais ng aking mga magulang na sumali
sa anumang larangan.
D. Ipagwawalang-bahala ko na lamang ang aking talento
dahil mahirap at magastos ang lahat.