10. 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu.
2. Natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu, at
3. Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga
kontemporaryong isyu
14. Ano nga ba ang kontemporaryong isyu?
Pero bago ang lahat, alamin muna natin ang
kahulugan ng dalawang salita na nakapaloob
rito, ang kontemporaryo at isyu.
15. Ang salitang KONTEMPORARYO ay nangangahulugang
kasalukuyan o napapanahon o current sa wikang Ingles. Ang
ISYU naman ay tumutukoy ang paksa, tema o suliranin na
napag-uusapan o naging batayan ng dabate na nagtataglay
ng positibo o negatibong epekto sa buhay ng mga tao sa
lipunan.
Ang Konsepto ng
Kontemporaryong Isyu
16. Kung ating pagsasamahin,
ang kontemporaryong isyu ay
tumutukoy sa anumang
kaganapan, ideya, opinyon o
paksang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
17. Ito rin ay tumutukoy sa mga
pangyayari o ilang suliraning
bumabagabag o
gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng
ating lipunan, bansa o mundo
sa kasalukuyang panahon.
21. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
tumutukoy sa mga suliranin o usaping
may kinalaman sa gawain ng mga tao na
may hinding mabuting epekto sa ating
kapaligiran at kalikasan. Halimbawa:
Climate change, deforestation, baha,
polusyon, problema sa basura
22.
23. ISYUNG PANG-EKONOMIYA
mga suliranin o usaping pangkabuhayan
tulad ng sa trabaho, negosyo, produksyon,
pagkonsumo, at kalakalan.
Halimbawa: Kawalan ng trabaho,
underemployment, implasyon,
globalisasyon
24.
25. ISYUNG POLITIKAL AT
PANGKAPAYAPAAN
may kinalaman sa sistema,
pamamaraan, pamamahala
at aktibidad ng pamahalaan
at ang pagpapanatili nito sa
kapayapaan.
Halimbawa: Political dynasty,
korapsyon, terorismo,
rebelyon, insurhensya
29. ISYUNG PANGKASARIAN AT SEKSWALIDAD
mga isyung may kinalaman sa gampanin,
pananaw, katangiang bayolohikal at
oryentasyong sekswal ng isang indibidwal.
Halimbawa: Diskriminasyon at karahasan
sa mga kababaihan at LGBT (lesbian, gay,
bisexual & transgender), same-sex
marriage, reproductive health
31. ISYUNG PANG-EDUKASYON
mga problema o isyu tungkol sa
pamamalakad, kalidad, programa
at sistema ng edukasyon.
Halimbawa: Kakulangan ng
pasilidad sa mga pampublikong
paaralan, K to 12, online-learning,
pagtaas ng tuition fee sa mga
pribadong paaralan
32. Saan naman tayo maaaring makakuha ng mga
impormasyon sa mga nabanggit na kontemporaryong
isyu? Ang mga impormasyong ito ay makukuha natin
mula sa telebisyon, radyo, internet, social media, text
advisory, at mula sa mga print o nakalathalang
materyal (pahayagan, magasin, komiks, brochures, at
flyers).
33. Tandaan, mahalaga na mayroon tayong
lehitimong sanggunian ng ating mga
impormasyon para mas lalo nating
mauunawaan ang mga isyung ito na siyang
gagabay sa ating pagdedesisyon at
pakikilahok sa mga pagkilos, programa at
proyekto sa ating komunidad.
34. GAWAIN 1 – HALINA’T PAG-ISIPAN MO!
Panuto: Gamit ang bubble map ibigay ang mga saklaw ng
kontemporaryong isyu.
35. Gawain 2: Larawan ko, Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang mga larawan at
sagutan ang mga pamprosesong
tanong
36.
37.
38. Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang mga headline o
larawang naibigay?
2. Maituturing mo bang mga isyu ito?
Bakit?
3. Bakit mahalagang maunawaan
mo ang iba’t-ibang isyung panlipunan?
39. Gawain 3 – Isyu-Analisis
Panuto: Ibigay ang iyong opinyon sa
mga isyu sa ibaba. Sumasang-ayon
ka ba o hindi?
Sa isyu ng diborsyo, dapat ba
itong gawing legal sa bansa?
Oo o Hindi? Bakit?
Sa isyu ng COVID-19, dapat bang
alisin na ang travel ban sa labas
ng bansa? Oo o Hindi? Bakit?