2. “Development that meets the needs of the present
without compromissing the ability of future
generations to meet their own need.”
- World Commission on Environment
and Development United Nations 1987
3. Kung pagbabatayan ang ibinigay na depinisyon
ng World Commission on Environment and
Development na nailathala ng Oxford University
Press noong 1987, ang sustainable
development ay isang proseso o pamamaraan
ng pagunlad ng lipunan (pang-ekonomiya,
sosyal, at pang-kalikasan) na may layuning
hindi lamang mapakikinabangan ng
kasulukuyang mamamayan.
4. Upang lubos na maunawaan ang sustainable
development, mahalagang maipaliwanag iti
gamit ang tatklong haligi ng kinatawan ng mga
larawan sa ibaba.
5. Ang puno ay kinatawanan ng kalikasan, ang
mga gusali ay tumatayong kinatawanan ng
ekonomiya, at mga tao bilang tagapangalaga
at/o tagasira. Sa konsepto ng sustainable
development, uopang ganap na matamo ang
isang lipunang nakatutugon sa pangangailangan
kasalukuyan at hinaharap.
6. Samakatuwid, kailangan mapangalagaan ito sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa
tuwing mababawasan ito upang gamitin sa
kasalukuyang panahon; pag-iwas sa paggamit ng
mga pesticide na maaaring makaapekto sa
kalikasan; at pagtigil sa paggamit ng mga
produktong gaya ng gasolina na nagdudulot ng
masamang epekto sa kalikasan at sa kalusugan ng
mga tao.
7. Makabubuting maging maingat naman ang
publiko sa paggamit ng anumang produkto
na nakapipinsala sa kalikasan. Maaaring
simulan ito sa pamamagitan ng hindi
pagtangkilik sa produktong nakapagbibigay
ng masamang epekto sa kalusugan ng tao at
kalikasan.
8. Tandaan, na nakasalalay sa
kalikasan ag buhay sa kasalukuyan
at sa hinaharaop, na siyang
nagbibigay ng pagkain, tubig,
tirahan, at kaunlaraan sa isang
lipunan.
9. Batay sa eksperto, karaniwang sanhi ng
unsustainability, (1) labis-labis na paggamit ng
pagkonsumo ng mga produktong mula sa crust
ng mundo, gaya ng langis at metal; (2) ang
sobrang pagkonsumo ng mga produktong likas
ng iba’t-ibang industriyang nakakasira ng
kalikasan, gaya ng mga chemical compound;
10. at (3) pagkasira ng siklo na nagaganap
sa kalikasan dahil na rin sa pagkaubos
ng mahahalagang bahagi nito, gaya ng
puno, dahil sa pagtatayo ng mga
gusali, tulay, at bahay.