2. Ang Cordillera ay isang nagsasariling
rehiyon.
Binubuo ng mga lalawigan ng:
Abra
Apayao
Ifugao
Kalinga
Benguet
Mt. Province
3. Sa bisa ng RA 6799 naging batas noong
Oktobre 23, 1988, ang CAR (Cordillera
Administrative Region) ay nabuo at ngayo’y
nagsasarili.
Matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa
Luzon, ang Mt, Pulag na may taas na 9,610.
Ang rehiyong ito ay nagtataglay ng malamig na
klima (23ºc ang katamtamang temperatura).
4. Pagmimina ang pangunahing yaman ng
rehiyong ito (ginto, bakal, limestone, tanso at
pilak). Ang pagtotroso ay kabilang din sa
kanilang kalakal, kagamitang kahoy (woodcraft)
at pagtatanim ng tabako ay kanila ring
pinagkakaitaan. Ngaluluwas din sila ng mga
sariwang gulay at mga prutas.
5. Panitikan ng Cordillera
Ang malaking lupain ng Cordillera ay
matatagpuan sa hilaga ng mga lalawigan ng
Pangasinan at Nueva Ecija. Sa kaliwang
bahagi ay matatagpuan ang tinatawag na “Gran
Cordillera” na ang kahabaan ay nagmumula sa
hilagang bahagi ng Pangasinan at bumabagtas
sa sakop na lalawigan.
6. Sa kabundukan ng Caraballo matatagpuan ang
mga Isinay at mga Ilongot.
Sa kabundukan ng Sierra Madre ay
matatagpuan naman ang mga Gaddang, Yogad
at Ibanag.
Ang mga Dumagat naman ay dulong Timog ng
kabundukan ng Sierra Madre.
Ang mga naninirahan sa Cordillera ay iba-ibang
uri ng tao na ang dahilan ay hindi sila nasama
sa pananakop ng mga Kastila nang may tatlong
daang taon mahigit.
7. Mababatid ba sila ay may iba’t ibang
pamayanang etniko na may namumukod na
kultura na nakikita at nakikilala sa
pamamagitan ng kanilang wikang ginagamit.
Gumagamit sila ng wikang Ilokano na nahaluan
na ng wikang Kankanaey na siyang ikinaiiba
nila sa mga talagang Ilokano na nagsasabing
nahihirapan nilang unawain ang pananalitang
Bag-o.
8. Dahil sa iba’t ibang kultura mayroob ang mga
naninirahan sa Cordillera, iba-iba rin ang uri ng
kanilang literatura.
Karamihan sa mga panitikang matatagpuan sa
rehiyon ay ang mga napagkaugalian nang
pabigkas (oral literature).
Maraming literature ang Cordillera- mahahaba
at may maikli rin.
9. Halimbawa ng mahabang literatura;
• “Hudhud ng Dinuluwan”
• “Bugan at Gonhandan”
• “Kalinga Ulalim”
Ang mga ito ay nasa anyo ng aklat. May
roon din silang mga mito at alamat.