1. ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 2, Week 1
Mga Dahilan ng
Kolonyalismong Espanyol
(AP5Q2MELC1Week1)
Inihanda ni:
JOANNA PIA P. GALANIDA
Grade 5- Gemelina Adviser
2. Layunin
1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at
ang konteksto nito kaugnay sa Pananakop ng
Espanya sa Pilipinas;
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at layunin ng
Kolonyalismong Espanyol;
3. Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng
Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng
Maynila at mga unang engkwentro ng mga
Espanyol at Pilipino.
3. Paunang Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa sagutang papel.
1. Sino ang tanyag na manlalayag na unang nakarating sa Pilipinas noong 1521?
A. Alvaro Saavedra C. Miguel Lopez de LegaspiC.
B. Ferdinand Magellan D. Roy Lopez Villalobos
2. Anong relihiyon ang nais ipalaganap ng mga Espanyol dito sa Pilipinas sa panahon ng kolonisasyon?
A.Buddhism B. Hinduism C.Islam D. Kristyanismo
3. Anong paraan ang gagamitin upang higit maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
ating bansa?
A.compassB. globo C. mapa D.timeline
4. Alin ang wastong pagkakasunod- sunod na mga pangyayari?
A Unang Mesa sa Limasawa
B Labanan nina Magellan at Lapu-Lapu sa Mactan
C Pagdating ni Magellan sa Cebu
D Tagumpay ni Legazpi sa Maynila
A. ACBD B. DCBA C. CBDA D.BDCA
5. Ano ang tawag sa isang patakaran na tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang
bansa?
A.Encomienda B.Kabisera C.Kolonyalismo D. Martial Law
4. Aralin
Mga Dahilan ng Kolonyalismong
Espanyol
Katuturan ng Kolonyalismo
Ang salitang Kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng
malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Isinasagawa ang kolonyalismo sa pamamagitan ng
pagkontrol sa kalagayang pampolitika ng isang bansa, sa paninirahan sa lugar, at sa pagkontrol sa
paglinang ng likas na yaman nito. Tinatawag na kolonya ang lugar o bansang tuwirang kinontrol o sinakop
nito. Nagsimula ang pagsagawa ng kolonyalismo ang daigdig nang magtagumpay ang mga kanluranin sa
pagtuklas na naganap mula ika 15- hanggang ika 17 siglo. Sa Panahon ng paggalugad at pagtuklas, naging
aktibo ang maraming bansa sa Europe na maglayag at magtungo sa mga hindi pa narating na bahagi ng
daigdig. Nakatulong sa mga manlalayag ang mga kagamitang nagpadali at nagpabilis ng kanilang
paglalayag sa karagatan tulad ng Compass na tumutukoy sa direksyon ng isang lugar at caravel o barkong
higit na mabilis at may kakayahang makapaglayag sa kabila ng malalakas na alon. Ang Spain at Portugal
ang nangunguna sa paglalayag sa malayong lugar ng mga bagong lupain noong panahon ng paggalugad at
pagtuklas.
5. Kompetisyon sa Pagitan ng Spain at Portugal
Nagkaroon ng Kompetisyon sa pagitan ng Spain at Portugal. Naging mahigpit
ang tunggalian sa pagitan ng dalawang bansa Spain at Portugal. Dahil dito, ay hinati
ni Pope Alexander VI ang daigdig para sa mga lugar na tutuklasin ng dalawang bansa.
Noong Mayo 4, 1493, inilabas ng Papa Ang Inter Caetera (kasunduan ng Papa) na
naghahati sa daigdig ng dalawang bahagi. Ang mga hindi natutuklasang lupain sa
Silangang bahagi ay ang imahinasyong linya na nasa 100 league kanluran ng Azores
Islands at Cape Verde Islands ay nakalaan para sa Portugal. Ang mga lupaing
Tutuklasin sa Kanlurang bahagi na naturang imahinasyong linya ay para naman sa
Spain. Hindi sumang ayon ang Portugal sa Nilalaman ng ng Inter Caetera kung kayat
pinalitan ito nang ng Treaty of Tordesillas ng sumunod na taon.Isinasaad sa
kasunduang ito nag awing 370 leagues kanluran Azores at Cape Verde Islands ang
paghahati ng mga lupain tutuklasin ng Spain at Portugal. Buo na ang pasiya ng Spain
na mamuhunan sa mga bagong Lupain.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng Kolonyalismo?
2. Paano mo mailalarawan ang Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas?
6. Mga Layunin at Dahilan ng Kolonyalismong Espanyo
Pangkabuhayan: Nakipagkalakalan sila sa ilang bansa sa Asia. Ang kanilang mga
kalakal ay ipinagpalit nila sa alahas, porselana, karpet, seda at ang pampalasa sa
pagkain mula sa Asyano
Pangrelihiyon: Layunin ng mga Espanyol na palaganapin ang Kristiyanismo sa dako ng
Asya. Para sa kanila, ito ay itinuturing na dakilang tungkulin na maghanap ng mga
bagong kaalyado sa pamamagitan ng relihiyon. Ito ang dahilan kung kaya naglunsad
sila ng mga krusada upang itaboy ang mga Muslim sa Europe.
Kapangyarihan at Karangalan bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng mga
bagong lupain. : Sa ilalim ng pamumuno nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng
Spain ay naging mapangahas ang mga Espanyol sa paggalugad ng mga bagong
teritoryo sa labas ng Europe.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang layunin ng Spain sa pagtuklas ng bagong Lupain?
2. Sang-ayon kaba sa mga dahilan ng Spain kung kaya’t nais nilang tumuklas ng mga
bagong Lupain? Bakit?
7. Ekspedisyon ni Magellan
Itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag noong Panahon ng
Paggalugad (Age of Exploration and Discovery) ang eskpedisyon na pinamumunuan ni
Ferdinand Magellan noong 1519 hanggang 1522.
Si Magellan ay Isang Portuges na naglilingkod sa hari ng Spain sa pamamagitan ng
pamumuno sa maambisyong eskpedisyon. Ito ay ang paghahanap ng bagong ruta
patungong Moluccas Islands na kilala rin bilang Spice Islands.
Ang Moluccas Islands ay isang pangkat ng mga pulo sa Indonisia. Ito ay
matatagpuan sa timog bahagi ng kapuluan ng Pilipinas. Noong panahong iyon, tanyag ang
Moluccas sa mga Europeo dahil matatagpuan sa mga pulong ito ang mga iba’t ibang uri ng
mga halamang ginagamit bilang pampalasa sa pagkain. Ilan sa mga ito ay cinnamon, luya,
sili, at nutmeg.
Tulad ni Columbos, naniniwala si Magellan na bilog ang mundo at nakarating siya sa
silangang bahagi ng daigdig sa pagdaan ng kanluraning bahagi nito. Noong 1518, inihain ni
Magellan ang kaniyang balak na eskpedisyon kay Haring Carlos I ng Spain, Tinanggap ng
hari ang alok ni Magellan na ipagkakaloob sa Spain ang mga lupaing matutuklasan ng
kaniyang eskpedisyon.
8. Nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan noong Setyembre 20, 1519. Binigyan siya
ng Limang barko na may pangalang Trinidad, Concepcion, San Antonio at Victoria. Kasama
niya ang tinatayang 200 tauhan kabilang si Antonio Pigafetta na isang manlalakbay at
iskolar na nagtala ng mahahalagang detalye sa naging paglayag. Kabilang sa mga isinakay
sa mga barko bago ang paglalayag ay ang suplay ng pagkain, mga pandigma, at mga bagay
na maaring para sa pakikipagkalakalan.
Tinawid ng ekspedisyon ni Magellan ang Atlantic Ocean patungo sa dulong timog ng
South America. Noong Oktubre 21, 1520, natuklasan niya ang anyong tubig na nag-uugnay
sa Atlantic Ocean at Pacific Ocean. Tinawag itong Strait of Magellan bilang parangal sa
kanya.
Noong Marso 6, 1521, nakarating ang ekspedisyon ni Magelllan sa pulo ng Guam.
Sa pagkakataong ito, muling nakakain ng sariwang pagkain at inumin ang kaniyang mga
tauhan. Hindi nagtagal ang mga Espanyol sa pulo dahil sa hindi mabuting pagtingin ng mga
katutubo sa kanilang bangka. Dahil dito, tinawag ito ni Magellan bilang Islas Ladrones o Pulo
ng mga Magnanakaw.
9. Ang Unang Pagkikita ng mga Pilipino at Espanyol
Noong Marso 16, 1521, ay narating ni Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes)
ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu. Pinangalan niya itong Archipelago de
San Lazaro dahil sa kapistahan ng naturang santo ang araw na iyon
Sa Homohon. Dumaong ang mga Espanyol sa pulo ng Humonhon at naging mabuti
ang pagtanggap ng mga katutubo sa kanila pinatunayan ito sa pagdala ng mga katutubo ng
mga pagkain sa mga dayuhan. Bilang gantimpala, ibinigay ni Magellan ang ilan sa kanilang
Produkto tulad Salamin, maliliit na batingaw, at tela
Sa Limasawa. Pagkaaraan ng isang Liinggo, nilisan ni Magellan ang Homonhon at
nagtungo sa pulo ng Limasawa.Nagkita sina Magellan at si Rajah Kolambu, pinuno ng
Limasawa. Naging mabuti rin ang pagtanggap ni Kolambu sa mga Espanyol. Sa katunayan
nagbigay siya ng handog ng isang basket ng luya at gold bar ngunit tinanggihan ito ni
Magellan. Nakipagsanduguan si Magellan kay Kolambu bilang takda ng pagkakaibigan ng
dalawang pinuno.
Noong Marso 31, 1521, pinaniniwalaang ginanap ang kauna–unahang misa sa
Limasawa sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderrama.
Sa Cebu. Hindi nagtagal ang mga espanyol sa Limasawa dahil sa kawalan ng
sariwang pagkain. Sa mungkahi ni Kolambu, nagpasya ang mga dayuhan na lisanin ang
mga pulo at magtungo sa Sugbu – ngayon ay Cebu.
10. Noong Abril 7, 1521 dumaong ang mga Barko ni Magellan sa Cebu.Tulad sa
Limasawa, naging magiliw din ang pagtanggap ni Rajah Humabon, pinuno ng Cebu sa mga
dayuhan. Isinagawa din nila ang mga sanduguan at ang mga sinasabing Kauna – unahang
pagbibinyag sa mga katutubo.
Sa binyag, pinalitan ang pangalan ni Humabon at ginawang Carlos bilang parangal
sa hari ng Spain. Bininyagan din ang asawa ni Humabon sa Pangalang Juana. Sumunod
ang mga anak at katribo ni Humabon. Bilang tanda ng pagiging Kristyano. Inihandog ni
Magellan ang imahen ng batang Hesus, ang imaheng ito ang paniniwalang natagpuan ni
Legazpi noong 1565.
Naging palakaibigan ang mga katutubong pinunong nakilala ni Magellan maliban sa
pinuno na si Lapu-lapu. Nagkaroon ng hidwaan ang dalawang pinuno dahil ayaw ni Lapulapu
na maging katoliko at gusto na maging malaya ang kanyang nasasakupan.
Umaga ng Abril 27, 152 umatake ang mga hukbo ni Magellan laban sa hukbo ni
Lapu-lapu. Sa huli, nagwagi si Lapu- lapu laban sa mga Espanyol nasawi si Magellan dahil
sa pagtama sa kaniyang ulo, braso at binti ng mga panang lason sa dulo. Nagbunyi ang
mga katutubo sa kanilang tagumpay. Bilang huling ganti, sinunog nila ang Concepcion at
tumakas ang mga Espanyol na nakaligtas sa labanan ng Mactan.
11. Ang Pananakop sa Pilipinas
Naluklok sa trono ng Spain si Haring Felipe II at naging masigasig na sakupin ang
kapuluan sa silangan na ipinangalan sa kaniya dahil sa itinilaga niya si Miguel Lopez de
Legazpi , isang opisyal ng Mexico na panungunahan ang ekspedisyon pabalik sa Pilipinas.
Nagsimula ang paglalayag ni Legazpi sa Navidad, Mexico noong Nobyembre 19,
1564.Tinawid ng mga espanyol ang Pacific Ocean hanggang sa makarating sa Samar
noong Pebrero 22, 1565.
Matapos ito, naghanda si Legazpi upang sakupin ang Maynila. Naging magiliw ang
pagtanggap nina Rajah Sulayman at Rajjah Matanda sa mga Espanyol sa paniniwalang
kapayapaan at pakikipagkaibigan ang layunin ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nauwi sa
labanan. Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa mga tao ng Manila noong May 19, 1571,
kinilala ang Maynila bilang lungsod ng Spain noong Hunyo 19, 1571. Nagpatuloy ang
pananakop ng Spain na pinangunahan ni Juan Del Salcedo, apo ni Legazpi ang pagsakop
sa mga karatig lugar ng Maynila hanggang sa pamayanan sa timog ng Luzon at Bicol.
Nakarating din siya sa hilagang bahagi ng Luzon patungong Cagayan at pabalik ng Maynila.
Napasailalim ng kapangyarihan ng Spain ang Gitnang Luzon sa pamumuno ni Martin De
Goiti.
12. Timeline
Ang Timeline ay mga panyayari sa kasaysayang ito ay maaring nating ipakita sa
pamamagitan ng timeline.
Isang paraang magagamit upang higit nating maunawaan ang mahalagang
pangyayari sa kasaysayan ay ang timeline
Paano ito Gawin?
1. Gumawa ng isang pahalang na guhit na tulad nito:
______________________________________________________
2. Hatiin, ang guhit sa magkakasinlaking bahagi : Ang bawat bahagi ay katumbas ng isang
taon. Sa isang taon ay may 12 buwan. Ang maliit na guhit ang kumakatawan sa buwan.
Gamitin natin sa timeline ang pag-alis ni Magellan sa Spain hanggang sa pagbalik ng
kanyang mga tauhan. Si Magellan ay umalis sa Spain noong Setyembre 20, 1519.
Pansiyam na buwan ang Setyembre. Hanapin ito at lagyan ng putol na guhit
1519 1520 1521
1521 1522 1523 1524
SETYEMBRE 20, 1519
AG-ALIS NI MAGELLAN
SA SPAIN
13. Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang reaksiyon ng mga katutubong Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol sa
Homonhon? Limasawa? Cebu?
2. Sino si Lapu- Lapu? Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan ng Pilipinas?
3. Sino si Legazpi? Ano ang kanyang ginampanan sa pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas?
Gawain
Gawain1
Panuto:Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali
1. Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang
bansa.
2. Nangunguna ang Pilipinas at Portugal sa paglalayag sa malalayong lugar at pagtuklas ng mga bagong Lupain noong
panahon ng paggalugad at pagtuklas.
3. Hinati ni Pope Alexander ang daigdig para sa mga lugar na tutuklasin ng Spain at Portugal.
.
14. Gawain 2
A. Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang sinasaad ng pangungusap ay tumutukoy sa layunin ng
kolonyalismo at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____1. Pagbibigay ng libreng produkto sa bansang ginawang kolonya.
____2. Maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa.
____3. Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga kayamang taglay ng mga masasakop na
lupain.
B. Panuto: Ilagay sa kahon, kung ang mga sumusunod na payahag ay tumutugma sa
sumusunod na pangunahing layunin KAYAMAN, KAPANGYARIHAN, AT KRISTIYANISMO.
1. Paglaki ng nasasakupang Teritoryo
2. Pagkuha ng mga sangkap pampalasa
3. Magpalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
15. Gawain 3
Panuto: Gumuhit ng Timeline sa isang papel at ilagay ang wastong
detalye ng sumusunod na mga pangyayari.
Marso 16, 1521-
Marso 31, 1521-
Abril 27, 1521-
Pebrero 13, 1565-
Hunyo 24, 1571-
16. Panapos na pagtataya
Panuto : Piliin ang wastong sagot at isulat ang letra sa sagutang papel.
1. Saang lugar nangyari ang unang sagupaan sa pagitan ng mga Espanyol at katutubong Filipino
na ikinasawi ni Magellan?
A. Cebu B. Homonhon C. Mactan D.Maynila
2. Sino ang tanyag na manlalayag sa daigdig na dumating sa Pilipinas noong 1521?
A. Alvaro Saavedra C. Miquel Lopez de Legazp
B. Ferdinand Magellan D. Roy Lopez Villalobos
3. Sinong pinuno ang tumanggap kay Magellan at nagpabinyag ng kristiyanismo noong 1521?
A. Humabon B. Kolambu C.Lapu-Lapu D. Zula
4. Alin dito ang paraang gagamitin upang higit maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng ating bansa?
A. compass B. globo C. mapa D.Timeline
5. Ano ang tawag sa isang patakarang tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang
mahinang bansa?
A. Encomienda B.Kabisera C.Kolonyalismo D. Martial Law