3. Kahulugan ng Katarungan
● Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang katarungan ay
pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr,
ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng
katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na
kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes.
● Ano naman ang nararapat sa kapuwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang
hindi malalabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal – ang kaniyang
dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang.
4. Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. Bakit
mo kailangang maging makatarungan sa iyong
kapuwa?
5. Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang
katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-
loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
6. Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte-Sponville
(2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong
lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa.Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng
tao.
7. Ano-ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa
kapuwa? Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang
magkakapitbahay, magkakaklase, o magka-opisina kung hindi sila umaasa,
walang kompetisyon o hindi nang-aagrabyado sa isa't isa.
8. Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay
sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti kang
nagkakaroon ng kakayahan na mauunawaan kung ano ang katarungan.
Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong
mga mahal sa buhay.
9. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa
paghubog ng iyong pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa
katotohanang may karapatan at tungkulin ka bilang tao hindi lamang
pamilya kundi pati na lipunan. Ginagabayan ka nila upang
mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw araw na
ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito.
Samakatuwid, sa tulong ng iyong mga magulang, nagsisimula ka na
magkaroon ng mapanagutang ugnayan sa iyong kapuwa na daan
patungo sa pagiging makatarungan.
10. Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan
Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na
kaayusan? Kung titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa
tunay na diwa ng pagpapakatao, ang batas sibil ay nararapat na
nakababatay sa batas moral.
11. ang batas moral ay maituturing na isang panloona aspekto
ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto
nito. Sabi ng"ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para
sa batas," Kung kaya, ang sistemalegal ng lipunan ng
Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksiyon sa
karapatapantao ng bawat mamamayan nito.
12. Katarungang Panlipunan
Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng
panlipunang pamumuhay. Umiiral ito kung tinatanggihan
ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo,
pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, hindi
makatarungang pasahod sa mga empleyado at ang iba
pang mga katulad na sitwasyon.
13. Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang
pagpapahalaga ng katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan,
kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang sitwasyon. Ang
katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay mag- uudyok sa iyo na
handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan
sa iyong buhay at sa buhay ng iyong kapuwa.
14. Mga kaugnay na pagpapahalaga
Ang mga kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan ay ang
dignidad ng tao katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan.
Makatutulong sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao ang pag-
unawa mo sa mga ito.
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa
dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-
aari, posisyon sa lipunan, o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa
kaniyang pagkatao.
15. Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga-
ng katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan
ang kabuuan ng isang sitwasyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga
ay mag- uudyok sa iyo na handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay
may kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong kapuwa. Kaya, ang
katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang simpleng opinyon
lamang dahil hindi mo maitataya ang yong pagkatao at buhay para sa isang
opinyon lamang.
16. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang
katarungan ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng
pagmamahal na likas sa tao. Sa pagmamahal ang iyong kapuwa ay isang
kaibigan o maaari ring ituring mo siya na isang kapatid.
17. Hindi lingid sa iyong kaalaman na may namumuong pagkakahati-hati sa mga
mamamayan ng ating bansa at maging sa pagitan ng mga bansa ng daigdig. Marahil,
ito ay dahil sa magkakaibang prinsipyo at pananaw sa buhay ng mga tao sa larangan
ng politika, relihiyon, at iba pang aspekto ng buhay ng tao. Mahirap itong malampasan
kung ang pagbabatayan lamang ng ugnayan ay ang katarungan. May pag-asang
maghilom ang sugat ng pagkakahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng pagkakaisa
(solidarity). Makatutulong dito ang pagtanggap sa katotohanan na tayong mga Pilipino
ay sama- samang namumuhay sa lisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasyon,
makita sana ng lahat ng mga bansa na magkakaiba man ang mga lahi, lahat ay
namumuhay naman sa iisang daigdig. Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo
at handang Isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa
kabutihang panlahat. Ang sabi ni Santo Papa Juan Pablo II, "Ang bunga ng pagkakaisa
ay kapayapaan."
18. Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay mo sa iyong kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang
mo sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagiging makatarungan sa kapuwa tao ay
nagsisimula at sinasanay sa pamilya. Ibinabatay ang makatarungang ugnayang ito
sa moral na kaayusan ng lipunan. Pinatitibay ang pag-iral ng katarungang
panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga
pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat.
19. Mga Tanong
1.Ano ang Katarungang Panlipunan
A. Karapatan
B. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat na sa kaniya
C. Kabutihan
2. Saan o kanino unang nagsisimula ang Katarungan
A. Lipunan
B. Kaibigan
C. Pamilya
3. Ayon kay _______________, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng
kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
A. Santo Tomas de Aquino
B. Andre Comte-Sponville
C. Dr. Manuel Dy, Jr.
20. 4.Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng _______ sa
pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
A. kilos-loob
B. Kabutihan
C. Kagalingan
5. Para sayo ano ang Katarungang Panlipunan?