SlideShare a Scribd company logo
1 of 9
1
Miyerkules ng Abo
RITO NG PAGLALAGAY NG ABO SA NOO
KAPAG WALANG MISA
PASIMULA
2
Ang sambayanan ay titipunin sa isang naangkop na lugar.
Maghanda ng isang mesa na nalalagyan ng mantel na puti,
krusipiho at dalawang kandila. Ang abong binasbasan ng pari
na nakalagay sa naaangkop na lalagyan ay maaaring ipatong
sa gitna ng mesa.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat,
ang namumuno at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng
Namumuno nakaharap sa mga tao:
a ngalan ng Ama,
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Namumuno:
Minamahal na mga kapatid,
natitipon tayo ngayon upang pasimulan ang
panahon ng Kwaresma sa pamamagitan ng
paglalagay ng abo sa ating mga noo.
Ang abo ay tanda ng pagpapakababa at pag-sisi
na ginamit ng mga anak ng Diyos kahit sa
Matandang Tipan.
Halina at ihanda natin ang ating kalooban sa
pagdiriwang na banal.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Sandaling tatahimik ang lahat.
3
Namumuno:
Manalangin tayo.
Ama naming Makapangyarihan,
Ipagkaloob mong pasimulan namin ngayon
sa banal na pagkukusang pagtitiis ng kagutuman
ang banal na pakikipagtunggalian
bilang mga kapanig ni Kristo.
Sa aming pagsugpo sa mga salungat
sa pamumuhay sa espiritu
Maging amin nawang sandata
ang pagtitimpi sa sarili.
Sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
ANG SALITA NG DIYOS
Bersikulo:
Di lamang sa tinapay
Ang tao nabubuhay, kundi sa bawat salita
Sa Diyos natin ay nagmumula
 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Mateo
4
"Pag-ingatan ninyo na huwag pakitang tao
lamang ang paggawa ng mabuti. Kapag ganyan ang
ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala
buhat sa inyong Amang nasa langit."
"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang
ipagmakaingay nito katulad ng mga mapagimbabaw
doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila
ito kahit sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo ng
ipaalam kahit sa inyong pinakamatalik mong kaibigan
upang malihim ang inyong paglilimos. At gagantihan
din kayo ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang
ginagawa mo nang lihim."
"At kapag nananalangin kayo, huwag kayong
tumulad sa mga mapagimbabaw. Mahilig silang
manalangin nang patayo sa sinagoga at sa mga
panukulang daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi
ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Ngunit kung mananalangin ka, pumasok ka sa iyong
silid at isara ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong
Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong
Amang nakakakikita ng iyong kabutihang ginagawa
mo nang lihim."
"Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong
magmukhang malungkot, tulad ng mapagimbabaw.
Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na
sila'y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na
nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-
aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang
5
huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang
iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang
nakakaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang
ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo."
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo
Ang lahat ng natitipon ay sandaling mauupo sa pagpapaliwanag ng
kahulugan ng pagpapahid ng abo sa noo
PALIWANAG TUNGKOL SA KAHULUGAN NG
PAGPAPAHID NG ABO SA NOO
Ang ritwal ng pagpapahid ng Abo ay isang
tradisyon na minana nating mga Kristyano sa mga
kapatid nating Hudyo.
Ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng ilang talata
tungkol sa pag-uugnay ng Abo o Alabok sa mga
taong nagluluksa. Umuupo o gumugulong sa Abo
o Alabok ang mga tao bilang tanda ng kanilang
pagluluksa.
Sa panahon ng mga unang Kristiyano sa Bagong
Tipan, ang paggamit ng Abo ay nagkaroon ng
ibang kahulugan. Ito ay naging sagisag ng
6
pagbabalik-loob sa Panginoon. Ang pagbubudbod
ng Abo sa buong katawan ng tao kasabay ng
pagsuot ng damit na yari sa sako ang karaniwang
ginagawa ng mga taong nagsisisi sa kanilang
kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos. Ang
pagpahid ng Abo ay tanda ng pagkilala ng tao na
siya ay makasalanan at kinakailangang magbalik-
loob sa Panginoon.
Tulad ng mga unang Kristiyano, tuwing unang
araw ng Kuwaresma, tayo ay nagpapahid ng Abo
bilang sagisag ng pagsisisi sa ating mga kasalanan.
Kasabay nito ang paanyayang muling pagnilayan
ang direksyon n gating buhay.
Manalangin tayo sa Panginoon na ang pagpapahid
ng Abo sa ating noo ay hindi lamang maging tanda,
kundi magsilbing paalala na tayo ay tinatawag
upang pagsisihan ang ating mga kasalanan,
magbalik-loob sa Panginoon at gumawa ng mabuti
sa kapwa, bilang pagbabayad-puri.
Matapos ang pagpapaliwanag ng namumuno ay tatayo ang mga
natitipon para sa pagbabasbas ng abo. Matapos nito, pipila sa mga
itinakdang lugar upang pahiran ng abo sa noo.
PAGBABASBAS NG ABO
7
Namumuno:
Minamahal na mga kapatid, manalangin tayo sa
Amang maykapal upang ang abong sa ulo natin
ilalagay para ipahiwatig ang pagbabagong-buhay
ay marapatin niyang gawaran ng kanyang
pagpapala at malaking pagmamahal. (tumahimik)
Manalangin tayo.
Ama naming mapagpatawad, kinukupkop
mo at itinatampok ang umaamin sa kasalanan at
ikinalulugod mo ang nagbabagong-buhay.
Dinggin mo kami at kupkupin sa pagkakaloob
mo ng pagpapala bilang pagtatampok sa
iyong mga lingkod na naglalagay ng abo sa
ulo. Sa pagganap ng apatnapung araw na
paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay,
marapatin mong kami’y maging dalisay para sa
pagdiriwang ng tagumpay ng iyong Anak na
siyang namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
PAGLALAGAY NG ABO SA NOO
Makapipili ng sasabihin ang maglalagay ng abo sa noon g mga tao sa
mga sumusunod na pormularyo.
a. Magbagong buhay ka at sa Mabuting Balita
sumampalataya (Marco 1:13)
8
b. Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at
abo rin sa wakas ang iyong babalikan (Genesis 3:19)
Habang isinasagawa ang paglalagay ng abo sa noo ng mga tao,
maaaring umawit ng mga naaangkop na awitin ng paulit-ulit
hanggang sa matapos ang paglalagay ng abo.
AMA NAMIN
Namumuno:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos
kay Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama namin…
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Namumuno:
Ama naming mapagmahal,
ginaganap namin ang pagdiriwang na ito
bilang maringal na pasimula
sa apatnapung araw ng paghahanda.
9
Ang aming kusang pagtitiis at pagmamalasakit
ay makapagdalisay nawa
sa aming masasamang hilig
upang kami'y pagindapating makaisa
sa inyong Anak na para sami'y nagpakasakit
bilang aming tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Namumuno:
Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang
Diyos Ama, Anak at  Espiritu Santo
Bayan:
Amen.
Namumuno:
Tapos na ang pagdiriwang, humayo tayong
mapayapa at sa Mabuting Balita sumampalataya.
Bayan:
Salamat sa Diyos
PANGWAKAS NA AWIT

More Related Content

What's hot (20)

What is recollection
What is recollectionWhat is recollection
What is recollection
 
Altar server seminar
Altar server seminarAltar server seminar
Altar server seminar
 
LINGKOD ALTAR NG AT DIYOS AT BAYAN (DIOCESE NG CABANATUAN)
LINGKOD ALTAR NG AT DIYOS AT BAYAN (DIOCESE NG CABANATUAN)LINGKOD ALTAR NG AT DIYOS AT BAYAN (DIOCESE NG CABANATUAN)
LINGKOD ALTAR NG AT DIYOS AT BAYAN (DIOCESE NG CABANATUAN)
 
Sacrament of Confirmation
Sacrament of Confirmation Sacrament of Confirmation
Sacrament of Confirmation
 
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASALKATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
 
Holy Week and Easter Catechesis
Holy Week and Easter CatechesisHoly Week and Easter Catechesis
Holy Week and Easter Catechesis
 
Pre Cana Presentation
Pre Cana PresentationPre Cana Presentation
Pre Cana Presentation
 
Confirmation ppt report
Confirmation ppt reportConfirmation ppt report
Confirmation ppt report
 
The Season Of Advent
The  Season Of  AdventThe  Season Of  Advent
The Season Of Advent
 
Sacramento
SacramentoSacramento
Sacramento
 
What is Confirmation?
What is Confirmation?What is Confirmation?
What is Confirmation?
 
Basic content of the church's catechesis
Basic content of the church's catechesisBasic content of the church's catechesis
Basic content of the church's catechesis
 
Holy Eucharist
Holy Eucharist Holy Eucharist
Holy Eucharist
 
Lenten Recollection 2015
Lenten Recollection 2015Lenten Recollection 2015
Lenten Recollection 2015
 
The Power of Prayer
The Power of PrayerThe Power of Prayer
The Power of Prayer
 
The season of Lent
The season of LentThe season of Lent
The season of Lent
 
What is Prayer?
What is Prayer?What is Prayer?
What is Prayer?
 
Basic Content of Catechesis ppt
Basic Content of Catechesis pptBasic Content of Catechesis ppt
Basic Content of Catechesis ppt
 
Prayer
PrayerPrayer
Prayer
 
The Sacrament of the Holy Eucharist
The Sacrament of the Holy EucharistThe Sacrament of the Holy Eucharist
The Sacrament of the Holy Eucharist
 

Similar to Rito sa Pagpapahid ng Abo ng Walang Misa.docx

aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf lGlennRamesisPiad2
 
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptxWeek of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptxAndrewJohnCellona1
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxDarellLanuza1
 
Mass notebook in bicol dialect
Mass notebook  in bicol dialectMass notebook  in bicol dialect
Mass notebook in bicol dialectluz tria
 
Mass Guide in Bicol Dialect
Mass Guide  in Bicol Dialect Mass Guide  in Bicol Dialect
Mass Guide in Bicol Dialect luz tria
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Ric Eguia
 
26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)Angel Molina
 
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptx
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptxSUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptx
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptxKristelaMaeColoma1
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE Faithworks Christian Church
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng KastilaMiMitchy
 

Similar to Rito sa Pagpapahid ng Abo ng Walang Misa.docx (20)

aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
 
Bihilya
BihilyaBihilya
Bihilya
 
Misang Cuyonon.August 28, 2016
Misang Cuyonon.August 28, 2016Misang Cuyonon.August 28, 2016
Misang Cuyonon.August 28, 2016
 
Misang Cuyonon.August 21, 2016
Misang Cuyonon.August 21, 2016Misang Cuyonon.August 21, 2016
Misang Cuyonon.August 21, 2016
 
Feast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year CFeast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year C
 
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptxWeek of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
 
Wedding liturgy.docx
Wedding liturgy.docxWedding liturgy.docx
Wedding liturgy.docx
 
Mass notebook in bicol dialect
Mass notebook  in bicol dialectMass notebook  in bicol dialect
Mass notebook in bicol dialect
 
Mass Guide in Bicol Dialect
Mass Guide  in Bicol Dialect Mass Guide  in Bicol Dialect
Mass Guide in Bicol Dialect
 
ROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptxROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptx
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
 
Misang Cuyonon.July 3, 2016
Misang Cuyonon.July 3, 2016Misang Cuyonon.July 3, 2016
Misang Cuyonon.July 3, 2016
 
Misang Cuyonon.July 3, 2016
Misang Cuyonon.July 3, 2016Misang Cuyonon.July 3, 2016
Misang Cuyonon.July 3, 2016
 
26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)
 
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptx
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptxSUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptx
SUNDAY-WORSHIP-03-19-2023.pptx
 
Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
 
AUGUST 22.pptx
AUGUST 22.pptxAUGUST 22.pptx
AUGUST 22.pptx
 
Panahon ng Kastila
Panahon ng KastilaPanahon ng Kastila
Panahon ng Kastila
 

Rito sa Pagpapahid ng Abo ng Walang Misa.docx

  • 1. 1 Miyerkules ng Abo RITO NG PAGLALAGAY NG ABO SA NOO KAPAG WALANG MISA PASIMULA
  • 2. 2 Ang sambayanan ay titipunin sa isang naangkop na lugar. Maghanda ng isang mesa na nalalagyan ng mantel na puti, krusipiho at dalawang kandila. Ang abong binasbasan ng pari na nakalagay sa naaangkop na lalagyan ay maaaring ipatong sa gitna ng mesa. Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang namumuno at ang mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Namumuno nakaharap sa mga tao: a ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen. Namumuno: Minamahal na mga kapatid, natitipon tayo ngayon upang pasimulan ang panahon ng Kwaresma sa pamamagitan ng paglalagay ng abo sa ating mga noo. Ang abo ay tanda ng pagpapakababa at pag-sisi na ginamit ng mga anak ng Diyos kahit sa Matandang Tipan. Halina at ihanda natin ang ating kalooban sa pagdiriwang na banal. Bayan: At sumaiyo rin. Sandaling tatahimik ang lahat.
  • 3. 3 Namumuno: Manalangin tayo. Ama naming Makapangyarihan, Ipagkaloob mong pasimulan namin ngayon sa banal na pagkukusang pagtitiis ng kagutuman ang banal na pakikipagtunggalian bilang mga kapanig ni Kristo. Sa aming pagsugpo sa mga salungat sa pamumuhay sa espiritu Maging amin nawang sandata ang pagtitimpi sa sarili. Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. ANG SALITA NG DIYOS Bersikulo: Di lamang sa tinapay Ang tao nabubuhay, kundi sa bawat salita Sa Diyos natin ay nagmumula  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
  • 4. 4 "Pag-ingatan ninyo na huwag pakitang tao lamang ang paggawa ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit." "Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay nito katulad ng mga mapagimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito kahit sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo ng ipaalam kahit sa inyong pinakamatalik mong kaibigan upang malihim ang inyong paglilimos. At gagantihan din kayo ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim." "At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa sinagoga at sa mga panukulang daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakakikita ng iyong kabutihang ginagawa mo nang lihim." "Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mapagimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag- aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang
  • 5. 5 huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakakaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo." Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo Ang lahat ng natitipon ay sandaling mauupo sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng pagpapahid ng abo sa noo PALIWANAG TUNGKOL SA KAHULUGAN NG PAGPAPAHID NG ABO SA NOO Ang ritwal ng pagpapahid ng Abo ay isang tradisyon na minana nating mga Kristyano sa mga kapatid nating Hudyo. Ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng ilang talata tungkol sa pag-uugnay ng Abo o Alabok sa mga taong nagluluksa. Umuupo o gumugulong sa Abo o Alabok ang mga tao bilang tanda ng kanilang pagluluksa. Sa panahon ng mga unang Kristiyano sa Bagong Tipan, ang paggamit ng Abo ay nagkaroon ng ibang kahulugan. Ito ay naging sagisag ng
  • 6. 6 pagbabalik-loob sa Panginoon. Ang pagbubudbod ng Abo sa buong katawan ng tao kasabay ng pagsuot ng damit na yari sa sako ang karaniwang ginagawa ng mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos. Ang pagpahid ng Abo ay tanda ng pagkilala ng tao na siya ay makasalanan at kinakailangang magbalik- loob sa Panginoon. Tulad ng mga unang Kristiyano, tuwing unang araw ng Kuwaresma, tayo ay nagpapahid ng Abo bilang sagisag ng pagsisisi sa ating mga kasalanan. Kasabay nito ang paanyayang muling pagnilayan ang direksyon n gating buhay. Manalangin tayo sa Panginoon na ang pagpapahid ng Abo sa ating noo ay hindi lamang maging tanda, kundi magsilbing paalala na tayo ay tinatawag upang pagsisihan ang ating mga kasalanan, magbalik-loob sa Panginoon at gumawa ng mabuti sa kapwa, bilang pagbabayad-puri. Matapos ang pagpapaliwanag ng namumuno ay tatayo ang mga natitipon para sa pagbabasbas ng abo. Matapos nito, pipila sa mga itinakdang lugar upang pahiran ng abo sa noo. PAGBABASBAS NG ABO
  • 7. 7 Namumuno: Minamahal na mga kapatid, manalangin tayo sa Amang maykapal upang ang abong sa ulo natin ilalagay para ipahiwatig ang pagbabagong-buhay ay marapatin niyang gawaran ng kanyang pagpapala at malaking pagmamahal. (tumahimik) Manalangin tayo. Ama naming mapagpatawad, kinukupkop mo at itinatampok ang umaamin sa kasalanan at ikinalulugod mo ang nagbabagong-buhay. Dinggin mo kami at kupkupin sa pagkakaloob mo ng pagpapala bilang pagtatampok sa iyong mga lingkod na naglalagay ng abo sa ulo. Sa pagganap ng apatnapung araw na paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, marapatin mong kami’y maging dalisay para sa pagdiriwang ng tagumpay ng iyong Anak na siyang namamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. PAGLALAGAY NG ABO SA NOO Makapipili ng sasabihin ang maglalagay ng abo sa noon g mga tao sa mga sumusunod na pormularyo. a. Magbagong buhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya (Marco 1:13)
  • 8. 8 b. Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan (Genesis 3:19) Habang isinasagawa ang paglalagay ng abo sa noo ng mga tao, maaaring umawit ng mga naaangkop na awitin ng paulit-ulit hanggang sa matapos ang paglalagay ng abo. AMA NAMIN Namumuno: Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay Hesukristo na ating Panginoon. Bayan: Ama namin… PANGWAKAS NA PANALANGIN Namumuno: Ama naming mapagmahal, ginaganap namin ang pagdiriwang na ito bilang maringal na pasimula sa apatnapung araw ng paghahanda.
  • 9. 9 Ang aming kusang pagtitiis at pagmamalasakit ay makapagdalisay nawa sa aming masasamang hilig upang kami'y pagindapating makaisa sa inyong Anak na para sami'y nagpakasakit bilang aming tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Bayan: Amen. Namumuno: Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at  Espiritu Santo Bayan: Amen. Namumuno: Tapos na ang pagdiriwang, humayo tayong mapayapa at sa Mabuting Balita sumampalataya. Bayan: Salamat sa Diyos PANGWAKAS NA AWIT