paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
HILING.docx
1. HILING
By: Amelinda V. Manigos
T3 (Division of Camiguin)
Akoy merong kahilangan
Sa bawat mag aaral sa aming paaralan
Naway inyong pakinggan
Nang Kami mga guro'y masisiyahan.
Sa Araw na ito
Inyo sanang matanto
Na Ang aming kaligayahan
Ay wala sa anumang regalo
Ito sana Ang gagawin ninyo:
Maglinis Ng silid-aralan Ng tulad sa inyo
Makinig sa guro sa bawat minuto
Disiplina sa Sarili dapat taglay ninyo.
Huwag sanang mamasamain
Ang titig Namin sa inyo
Gusto lang Namin sa inyong kwento kayo ay mahinto
Dahil mahal Namin kayo
Tulad Nang Sarili naming dugo.
Sa bawat Oras kami nagdidisiplina
Kami talaga... nangangamba
Baka sa Tulfo na Makikita
Diyos ko... HUWAG NAMAN SANA....
Sa araw-araw naming pagtuturo
Gusto naming kayo ay matuto
Hindi umuwi Ng walang laman Ang ulo
Pero ano Ang ginawa NIYO?
Kaya inyo sanang mabatid
Hiling namin ay dinggin
Kami mga magulang nyo din
Sa Amin sana Yan din Ang turing.
Pag-aaral sana ay unahin
Huwag kung ano atupagin.
Itoy Hindi para sa Amin
Kundi sa Sarili at pamilya NIYO din.