1. Naitanong mo ba sa iyong sarili
kung paano mo matutugunan ang
mga pangangailangan mo?
Saan mo makukuha ang mga ito?
2. Sa puntong ito, mahalagang pag-
usapan ang apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiko:
1. Ano ang gagawin?
2. Gaano karami?
3. Paano? at
4. Para kanino?
4. KONSEPTO NG DEMAND
• Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produkto o serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
• Produkto - pagkain, damit
• Serbisyo - haircut, medical check-up
5. KONSEPTO NG DEMAND
• May demand ang isang produkto o
serbisyo kapag nakapagbibigay ito ng
kasiyahan o nakatutugon sa isang
pangangailangan.
6. KONSEPTO NG DEMAND
• Ang mga binibili natin tulad ng pagkain,
damit, mga personal na gamit gaya ng
cellphone at iba pang gadget ay mga
halimbawa ng demand.
7. KONSEPTO NG DEMAND
• Napakahalagang batayan sa pagbili ng
isang pangangailangan ang presyo.
8. KONSEPTO NG DEMAND
• Bumibili tayo depende sa kakayahan natin
o sa badyet na mayroon tayo.
• Kaya napakahalaga na matutunan natin
ang wastong pagbabadyet upang
matugunan natin ang pang-araw-araw na
demand para sa mga pangangailangan
natin.
10. BATAS NG DEMAND
• Isinasaad ng Batas ng Demand na
magkasalungat o inverse na ugnayan
ang presyo sa quantity demanded ng
isang produkto.
?Magkasalungat/Inverse
11. BATAS NG DEMAND
• Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang
dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag
bumaba ang presyo, tataas naman ang
dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris
paribus).
Presyo Demand
12. BATAS NG DEMAND
• Ceteris Paribus (Latin Word)
• “All other things being equal”
• Ipinagpapalagay na ang PRESYO lamang
ang salik na nakaaapekto sa pagbabago
ng quantity demanded, habang ang ibang
salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto
rito
• Kita, panlasa, dami ng mamimili, atbp.
13. BATAS NG DEMAND
• Ayon sa Batas ng Demand, kapag kayo ng
iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili
ng isang produkto o serbisyo, ang presyo
ang inyong pangunahing
pinagbabatayan.
• Sa bawat pagbili mo sa tindahan,
itinatanong mo muna ang presyo bago ka
magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.
.
14. BATAS NG DEMAND
• 2 konsepto na nagpapaliwanag kung bakit
may magkasalungat o inverse na ugnayan
sa pagitan ng PRESYO at QUANTITY
DEMANDED:
1. Substitution Effect
2. Income Effect
17. DEMAND SCHEDULE
• isang talaan na nagpapakita ng dami na
kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa
iba’t ibang presyo
Presyo bawat Piraso Quantity Demanded
Php100 10
90 20
80 30
70 40
60 50
50 60
40 70
30 80
20 90
10 100
0 110
18. DEMAND CURVE
• isang kurba sa graph na nagpapakita ng
salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo
at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng
mamimili
19. DEMAND FUNCTION
• ang matematikong pagpapakita sa
ugnayan ng presyo at quantity demanded
20. DEMAND FUNCTION
• Qd = f (P)
• Ang Qd o quantity demanded ang
tumatayong dependent variable, at ang
Presyo naman ang independent variable.
21. DEMAND FUNCTION
• Qd = a – bP
• Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang
presyo ay 0)
22. DEMAND FUNCTION
• Demand function mula sa Demand
Schedule para sa Face Shield:
• Qd = 110 – 1P
• Kung ang P = 90, Qd = ?
• Qd = 110 – 1P
Qd = 110 – 1(90)
Qd = 110 – 90
Qd = 20
23. DEMAND FUNCTION
• Demand function mula sa Demand
Schedule para sa Face Shield:
• Qd = 110 – 1P
• Kung ang Qd = 50, P = ?
• Qd = 110 – 1P
50 = 110 – 1P
1P = 110 – 50
1P = 60
1P = 60
1 1
P = 60
24. Iba pang Salik na Nakaaapekto
sa Demand Maliban sa Presyo
25. KITA
• Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring
makapagbago ng demand para sa isang
partikular na produkto.
• Normal Goods
• Inferior Goods
27. DAMI NG MAMIMILI
• Maaari ding magpataas ng demand ng
indibidwal ang tinatawag na bandwagon
effect.
• Dahil sa dami ng bumibili sa isang
produkto, nahihikayat kang bumili.
28. PRESYO NG MAGKAUGNAY NA
PRODUKTO SA PAGKONSUMO
• Masasabing magkaugnay ang mga
produkto sa pagkonsumo kung ito ay
komplementaryo o pamalit sa isa’t isa.
• Complement
• Substitute
29. INAASAHAN NG MGA MAMIMILI
SA PRESYO SA HINAHARAP
• Kung inaasahan ng mga mamimili na
tataas ang presyo ng isang partikular na
produkto sa susunod na araw o linggo,
asahan na tataas ang demand ng nasabing
produkto sa kasalukuyan habang mababa
pa ang presyo nito.
33. Ano ang maaari mong gawin
bilang isang matalinong
mamimili?
34. 1. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng
damit at gamit dahil ang pagtaas sa demand
ay nangangahulugan ng pagtaas din ng
presyo ng mga produktong ito.
35. 2. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa
kinikita. Ang labis na paggasta ay hindi
mainam sa panahong mababa ang antas ng
produksyon at magdudulot ng pagtaas ng
presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang
antas ng paggasta dahil magdudulot ito ng
pagtamlay ng ekonomiya. Dapat ay nasa
tamang antas lamang ang paggasta. Ang
dapat ay “eksaktong paggasta lamang”.
36. 3. Ang pagdami ng mga alternatibo o
kahaliling produkto ay magbibigay ng
pagkakataon sa mga mamimili upang
maraming pagpipilian na may mababang
presyo. Sa kabilang banda, ang labis at
kulang na pagkonsumo ay hindi mainam sa
ekonomiya.
37. 4. Sa pangkalahatan, ang tamang paggasta
at pagkonsumo ay makatutulong upang
maging matatag ang kalagayan ng presyo
sa pamilihan.