PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
Ang Kilusang Propaganda
1. Sinibaldoang de Mas – administrador na Espanyol na
naglibot din sa ibang kolonya ng Espanya sa Latin
Amerika.
Informe Sobre de las Filipinas en 1842
Nilalaman:
AngmgaparingPilipinoayhindimapagkakatiwalaanat
ganidat hindi silakagalang-galangomaimpluwensiya
Pananamit:
Ang mga principals lamang ang dapat ipahintulot na
magsuot ng dyaket.
El Progresode Filipinas(AngProgresosa Pilipinas1881)
– isinulat ni Gregorio Sanciano
Isa sa mga libro na nagsulong ng mga pagbabago sa
mga patakarang pangkabuhayan sa Pilipinas. Malaki
ang naging impluwensiya ng librong ito sa mga
manunulat na Pilipino.
Reallesvellon– pangunahingyunitngsalapi nayari sa
pilak.
Arroba – yunit ng pagsukat ng bigat na katumbas sa
11.5 kilo.
Ang ika-19 na daantaon ay panahon ng pagbabago
para saPilipinas,lalonasamgaaspektongpampolitika,
pangkabuhayan, at panlipunan. Ilang mahahalagang
kaganapan at pagbabagong naganap sa Pilipinas ay
bunga ng malalawak na pagbabago sa ibayong dagat.
Isangmahalagangpangkatnongpanahongitoangmga
ilustradonanagmulasamgaprominentengpamilyana
bahagi nggitnanguri omiddleclass.Dahilnakapag-aral
sa ibang bansa,silayay namulatsa ibang karanasanat
mga makabagong kaisipang lumaganap sa Europa
noong ika-19 na dantaon. Dahil dito, sila ay naging
pangunahingpuwersasapagsusulongngmgareporma
sa pamahalaang kolonyal.
Naging malaking impluwensiya sa mga ilustrado ang
kaisipang liberal. Ang pagpapahalaga sa kalayaan at
mga pangunahing karapatan ang mga kaisipang
ipinaglaban ng mga ilustrado.
Angisyungsekularisasyonaynagbigayngpagkakataon
sa mga Pilipino na kumilos at igiit ang kanilang
karapatan. Ipinaglaban ng mga paring Pilipino ang
kanilang karapatang pangasiwaan ang mga prokya sa
kabila ng pagtutol ng mga paring regular.
La Solidaridad – isang pahayagang inilathala sa
Barcelona. (Asosasyong Hispao-Filipino sa Madrid)
Nilalaman:
Labanan ang reaksiyon, pigilanang lahat ng hakbang
na paurong, kilalanin at ipagtanggol ang lahat ng
kaisipang liberal, at ipaglaban ang kaunlaran,
samakatuwid,angmagingisangpropagandistaparasa
lahat ng mga hangaring demokratiko upang ito ay
maghari sa lahat ng mga bansa rito sa ibayong dagat.
Pebrero 1889 – lumabas ang unang isyu ng La
Solidaridad.
Graciano Lopez Jaena – unang naging patnugot ng La
Solidaridad. Pinalitan siya ni Marcelo H. del Pilar
pagkalipas ng ilang buwan.
Ilansa mga sumulatng para sa pahayaganay sina Jose
Rizal, Antonio Luna, Mariano Ponce, at Isabelo delos
Reyes.
Ferdinand Blumentritt – isang Aleman ay isa sa mga
pinakaaktibong manunulat sa pahayagan at masugid na
tagasuporta ng Kilusang Propaganda.
Nakatuon ang pahayagan sa mga mamamayan ng
Espanya,laong-lalonaangmgaopisyal sapamahalaan.
Ilang kopya ng La Solidaridad ang nakarating sa
Pilipinas sa kabila ng mahigpit na sensura na umiiral
noon. Tumagal nang halos 6 na taon ang pahayagan,
ang huling isyu nito ay inilabas noong Nobyembre
1895.
Cortes Generales – ito ang sangay ng lehislatura ng
kaharianngEspanyana binubuongmgakinatawanmula
sa iba’t ibang probinsiya at mga komunidad sa Espanya.
Noong1810 ay nabigyanng karapatan ang mga kolonya
na magpadala ng kinatawan sa cortes ngunit ito ay
binawi noong 1837.
ANG KILUSANG PROPAGANDA
Ang pinakamahusay na paraan upang maisulong ang
kanilang mga layunin ay ang pagbuo ng isang
organisasyong magbibigay ng isang pampublikong
imahe,hindi lamangsa kanilangmga hinaing,kundi pati
na rin sa Pilipinas bilang isang bansa, at sa mga Pilipino
bilang isang lahi.
Circulo-Hispano-Filipino–itinatagnoong1882, binuong
mga ilustrado.
Asociacion Hispano Filipino – itinatag noong 1889, ng
mga Pilipinong naninirahan sa Espanya at ilang mga
Espanyol.
Hangad ng Asociacion ang pagbabago sa Pilipinas, at
ginamit nila ang propaganda upang mapalaganap
ang kanilang hangarin sa publiko. Sa pamamagitan
ng mga organisasyong ito ay inaasahang
maiimpluwensiyahn ang opinion ng publiko sa
Espanya at ito ay hahantong sa pagpasa ng mga
kinakailangang batas na magsisimula ng reporma sa
Pilipinas.
2. Graciano Lopez Jaena – tubongIloiloatnagingmahigpit
na kritikongpagmamalabisngmgaprayle.Saedadna18
ay isinulat niya ang kuwento ng Fray Botod – na
naglalarawan sa pagkagahaman ng mga prayle at pang-
aapi nila sa mga katutubo.
Inusigsiyangmgaprayle kayanapilitansiyangtumakas
sa Maynila. Kalaunan ay nagtungo siya sa Espanya
noong1880. NakilalasaLopez-Jaenasakaniyanghusay
sa pagsusulat at pagtatalumpati. Sa kaniyang mga
gawa ay ipinagtanggol niya ang mga Pilipino at ang
hangarin tungo sa reporma.
Marcelo H. del Pilar – nagingpatnugotng La Solidaridad
noong 1889 at nakilala bilang isa sa mga pangunahing
lider ng Kilusang Propaganda.
Ipinanganak sa Bulacan, nagtapos ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas.
Itinatag niya ang Diariong Tagalog nong Agosto 30,
1850. Ilan sa kanyang mga nasulat ay ang Dasalan at
Tocsohan at La Soberania Monacal na pawing
matitinding pagtuligsa sa mga prayle.
Ipinaarestosiyangpamahalaanngunitsiyaaytumakas
patungong Espanya noong 1888.
Sa ilalimngkanyangpamumuno,angLaSolidaridaday
nagingaktibonginstrumentongKilusangPropaganda.
Sa kanyang pananaw, ang mga prayle ang siyang
naghari sa lipunang Pilipino at ang kalagayang ito ay
siyang nagpapahirap sa mga mamamayan. Ang
“monarkismo”ngmgaprayle aykaniyanginilarawansa
isang sanaysay na inilabas noong 1889.
Dr. Jose Rizal – nagmula sa Calamba, Laguna at katulad
ni Lopez-Jaena ay nag-aral ng medisina.
Maagang namulat si Rizal sa mga pagmamalabis ng
mga Espanyol. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay
naging tagasunod ni Padre Jose Burgos at lubos na
naapektuhanangmagkapatidnang pinatayangtatlong
pari.
Lumutang ang kaniyang galing sa pagsusulat sa
kaniyang galing sa pagsusulat sa kaniyang mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
itinuturing na mga obra maestra sa paglalarawan ng
mahirapnakalagayanng PilipinasatngmgaPilipinosa
ilalim ng mga Espanyol.
Ipinaliwanagni Rizal angmga PilipinosamgaEspanyol
sa kaniyang mga obra. Sa serye ng mga artikulong
nagpapaliwanag sa sinasabing katamaran ng mga
Pilipino,ipinakitani Rizal naang katangiangitoay may
mas malalimna dahilangkaugnaysa pamamalakadng
mga mananakop.
Antonio Luna – isa sa mga aktibong miyembro ng
KilusangPropagandasaEspanyananakilalahindi lamang
sa kaniyang husay sa pagsusulat kundi maging sa
paggamit ng armas.
Mariano Ponce – itinuturing na mahusay na
tagapamahala ng kilusan na nagsulat tungkol sa iba’t
ibang larangan katulad ng kasaysayan, politika,
edukasyon, at iba pa.
SinaJuanLuna at FelixResurreccionHidalgo aynagbigay
ng dangal sa lahingPilipinodahil sakanilang natatanging
likhang sining na pinarangalan sa Espanya.
Spolarium ni Juan Luna ay nagkamit unang gantimpala
sa Pambansang Eksposisyon sa Madrid noong 1884. Si
Hidalgonaman aynanalong pangalawanggantimpalasa
parehong eksposisyon para sa kaniyang ipininta na
pinamagatang Las Virgenes Christianas Expuestas al
Populacho (Ang mga Kristiyanong Birhen na Nakalantad
sa Madla) . Angdalawangobrangitoaymga simbolikong
pagpapahayag ng kahirapang dinaranas noon ng mga
Pilipino.
Miguel Morayta – dalubhasasakasaysayanat politikaat
isa sa mga unang kasapi ng Kilusang Propaganda.
Ferdinand Blumentritt – isang Alemang propesor ng
etnolohiya na naging dalubhasa sa wikang Tagalog at
kulturangPilipinobungang kaniyangpakikipag-ugnayan
sa mga propagandista, lalong-lalo na kay Jose Rizal. Si
Blumentritt ay naging matalik na kaibigan ni Rizal.
RESULTA NG PROPAGANDA
Ang mga gawainng KilusangPropagandaaypumukaw
ng interes ng mga Espanyol ngunit hindi sapat upang
makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang
repormaang naipasang pamahalaangkolonyal ngunit
hindi naipatupad sa Pilipinas.
Angkakulanganngsalapi aynagingmalakinghamonsa
kilusanatnagingdahilanngpaghintongLaSolidaridad
noong 1895.
Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya
dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan.
Pinangunahan ni Marcelo del Pilar ang pangkat na
nagsusulong na mananatili ang mga propagandista sa
Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan
upang ipatupad ang mga hinihinging reporma sa
Pilipinas.
Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik
ang mga propagandista sa Pilipinas at doon
ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma.
Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong 1890 at
nakabaliksiyasaPilipinasnoong1892.Ngunitsakabila
ng mga isyung humati sa Kilusang Propaganda, ang
pinakamalaking dahlia ng pagkabigo ng kilusan ay ang
kapangyarihan ng mga prayle na nagtagumpay na
mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga
propagandista.
Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda:
Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa
Pilipinas.
Ilansa mgapropagandistaaynaniniwalanakailangang
isulong ang paghingi ng reporma sa mismong
kapuluan.
Kaialangan ding maipaalam sa mas marami ang
mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan ito,
itinatagni Rizal ang La Liga Filipinanoong 1892 upang
pangunahanang pagoorganisatungo sa pagbabagoat
linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino.
La LigaFilipina–kakaibaitosamganaunangsamahang
panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay
nagmula sa masa. Pangunahing hangarin ng samahan
angpagtutulunganngbawatmiyembroatpaghahanda
ng kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa
lipunan.
3. DASALAN AT TOCSOHAN
Si Marcelo H. del Pilar aysumulatng isangkoleksiyonng
mga dasal na isinulat sa estilo ng parodiya.
Parodiya – ay ang panggagaya ng isang bagay na
hinahaluan ng pagpapatawa o pang-uuyam.
Naging popular ang kaniyang mga isinulat sa publiko
dahil ang mga dasal ay bahagi ng katekismo at
pangkaraniwang dinarasal ng mga Katoliko. Umani ng
matindingpagbatikosmulasaSimbahangKatolikoang
isinulat ni Marcelo H. del Pilar at siya ay kinodena ng
Arsobispo ng Maynila. Ang Dasalan at Tocsohan ay
isang halimbawa ng paggamit ng isang popular na
teksto upang ipalaganap ang isang kaisipan.